Site icon Iglesia Ni Cristo – Silent No More by Antonio Ramirez Ebangelista

April 30, 2016 – Handa na kami! Maninindigan po kami!

close-up of a metal chain with a broken link and a world map on background concept of freedom (3d render)

VOICE OF THE BRETHREN:

Dear Ka AE,

Ako po ay isang masiglang maytungkulin sa Pananalapi at isa ring Diakonesa at ang buong pamilya ko po ay mga maytungkulin mula ng kami po ay mapabilang sa Iglesia may 40 taon na po ang nakakaraan. Ang asawa ko po ay diakono at ang mga anak ko ay Mang-aawit. Halos bahay, trabaho, kapilya lang po ang ruta ng aming pamilya araw-araw. Kapag mayroon pong mga pangangailangan sa Lokal ay hindi na po kami naghihintay na magsabi ang aming Resident Minister, nagkukusa na po kaming puanan ang iba pang mga pangangailangan sa aming Lokal.
Isa po akong Silent Defender, meaning aware po ako sa mga nangyayari maging ang buo kong pamilya subalit takot po kaming lumantad dahil sa takot na kami ay matiwalag. Dumadalo po kami regularly ng Panata ng mga Defenders araw-araw at wala po kaming palya sa pagdalo sa mga Prayer Meeting dahil sa bagamat tumutupad kami sa pagsamba at nakadadalo ng mga WEBEX subalit wala na po kaming maramdaman na pag-ibig, pagmamahal, pagmamalasakit at lalong wala naman kaming maramdaman na espiritu santo. nakakaramdam lang po kami ng espiritu santo kapag taimtim kaming nananalangin para sa kapakanan ng Iglesia at ng Sambahayan ng Ka Erdy at maging ang mga Defenders. Mula ng ako po ay dumadalo ng Devotional Prayers na isinasagawa sa pamamagitan ng internet at mga Group Prayer Meetings ay naramdaman ko pong lagi ang espiritu santo at ang malakas na kapangyarihan ng Ama na akin pong kinauuhawan dahil nga po hindi na maramdaman sa mga pagsamba sa loob ng Iglesia.
Kami po ng buong naming samabahayan ay totoong nagagalak dahil sa magaganap na aktibidad sa April 30. Naghahanda na po kami at maging ang mga kasama naming Defenders dito sa aming lugar. Nabasa ko po ang inyong article tungkol po sa fear of expulsion at naniniwala po ako sa liwanag ng karunungan sa inyong mga sinabi dahil iyon naman po talaga ay totoo at hango sa kalooban ng Diyos. Salamat na lamang po at mayroong mga Ministrong katulad ninyo na nagawang manindigan sa katotohanan at hindi na pumayag na pakasangkapan sa kamalian at kasinungalingan.
Dahil po sa lagi pong updated ang aming Resident Minister at District Minister sa mga nangyayari sa mga Defenders at nabalitaan din nila ang tungkol sa Worldwide event natin sa April 30, kaya bigla na lamang nagsasagawa ng mga pagdadalaw at pagpapatawag ng mga kapatid sa Lokal at sa Distrito upang kausapin at inuuna po nila ang mga kapatid na bumaba sa paghahandugan at paglalagak o kaya naman ay tumigil na completely sa paglalagak, kaya ko naman po nalaman ay dahil sa pinagawa po sa akin ang listahan ng mga kapatid batay sa kanilang paghahandugan at kakausapin daw ng aming Resident Minister at magsasubmit ng ulat sa aming District Minister. ANg sabi ng aming Ministro, ang mga kapatid daw na nasa listahan na iyon ay mga taong nadidimlan at nahihikayat daw ng mga Defenders. Nagulat sya ng makita nya na 90% ng mga kapatid sa Lokal namin ay bumaba o kaya’y tumigil sa pagtatanging handugan at paglalagak. Nakakalungkot isipin na ang punterya na lang talaga ng mga Ministro ngayon ay ang pera at sa halip na patibayin nila ang pananampalataya ng mga kapatid sa pamamagitan ng pagpapatibay, puro pananalapi ang kanilang ipinagsisigawan tuwing pagsamba at ang itinatanim nila s amga kapatid ay ang magalit at mapoot sa mga Defenders, sa Pamilya ng Ka Erdy at ang mga tiwalag, kaya siguro walang maramdaman na espiritu santo sa mga pagsamba dahil sa panay galit at poot ang laman ng puso ng mga Ministro at iyon din ang itinatanim nila sa puso ng mga kapatid. Parang mga zombies yung ibang mga bulag na tagasunod na mga kapatid.
Ka AE, nakahanda na po kaming manindigan ng pamilya ko po sa April 30, hindi na po kami pakakasangkapan sa masamang espiritu ng kasalukuyang Pamamahala at sa kaniyang mga Ministro na hindi na marunong mangalaga sa kawan kundi tumigis at manggipit sa mga kapatid. Sa araw na iyon ay ititiklop na po namin ang aming mga unipormeng pangtupad at ilalagay sa isang sisidlan at sama sama kaming mananalangin para sa kapakanan ng Iglesia. Naniniwala po kasi ako ka AE na kung hindi kami maninindigan at matatakot na lamang habang buhay sa pananakot at panggigipit ng mga nasa Pamamahala, lalo lang nilang aabusuhin ang kanilang kapangyarihan na takutin ang aming pamilya at mga kamag-anak ng pagtitiwalag kapag sila ay nanindigan sa totoo. Ka AE sa araw ng Sabado po ay magpapakita na po kami ng aming pamilya at nakahanda na po kami sa magiging resulta ng aming paninindigan sa katotohanan. Kung ititiwalag man nila kami, alam ko pong hindi liko ang Ama para pagtibayin ang pagtitiwalag na ginawa ng mga taong nangaabuso sa kapangyarihan upang gipitin ang mga taong naninindigan sa katotohanan at sa katwiran. 
Sasamantalahin ko na rin po ang pagkakataong ito upang ipaalam sa aking mga magulang at mga kapatid sa Pilipinas dahil alam kong lagi silang nagabbasa ng mga articles mo subalit takot sila na manindigan at pinipilit nila ako na huwag daw akong sasama sa mga maninindigan na mga Defenders sa April 30 dahil sa kinausap na daw sila ng kanilang mga Tagapangasiwa at binabalaan na pati daw sila ay ititiwalag kapag natiwalag daw kami at ikamamatay daw nila kapag natiwalag daw sila at hinding hindi na daw nila ako kakausapin. Ganyang klaseng pananakot ang ginagawa ng Iglesia ngayon sa kaniyang mga miyembro.
Inay, itay at sa mga kapatid ko, alam ninyo ang lahat ng mga nagaganap na pangaabuso ng mga nasa Sanggunian, ang pangungurakot sa pananalapi ng pamilya ng ka Jun Santos, ang ginagawang hindi maka-taong panggigipit sa pamilya ng Ka Erdy sa Tandang Sora, ang mga ginawa nilang pagpapakidnap, paghouse arrest sa mga Ministro at maging kayo ay saksi sa iba dyan, kung paanong binaon na nila sa utang sa bangko ang Iglesia at patuloy pang nagsasanla ng mga properties ang Iglesia. Hawak ng INC ang batas, gobyerno, kapulisan at iba’t-ibang ahensya, kaya nauunawaan ko kung bakit kayo natatakot. Subalit itinuro sa atin mula pa ng una na kailanmat at nanindigan ang tao sa katotohanan at nagtapat sa Panginoong Diyos ay hinding hindi Nya pababayaan. Manangan po kayo sa pangakong iyon ng Diyos at ilagak po natin ang lahat sa Kaniya na iingatan Nya tao at ipagkakaloob ang ating mga pangangailangan. Subalit kung ng dahil sa aking paninindigan sa panig ng katotohanan ay itatakwil nyo po ako, wala po akong magagawa subalit mas pipiliin ko ang pagsunod sa Panginoong Diyos kaysa pagsunod sa tao na mali na ang itinuturo. Sana makakuha din kayo ng lakas ng loob ng manindigan sa alam ninyong tama at huwag padala sa pananakot nilang pagtitiwalag na wala namang kabuluhan sa Ama. mas pipiliin ko ng matiwalag at nasa labas ng Iglesia na gumagawa ng kalooban ng Diyos kaysa naman nagpupumilit na manatili sa loob ng Iglesia na gumagawa ng labag na sa kalooban ng Diyos o kaya naman nagpapakasangkapan sa paggawa ng mali at pamamahagi ng galit at poot sa ibang tao. Hindi na iyang ang iglesiang itinuro ng Sugo at ng Ka Erdy. Sa maliwanagan din kayo balang araw at magkaroon ng sapat na pananampalataya na tumayo at makapanindigan din sa tama dahil alam nating lahat na sinomang nakakaalam ng tama at hindi ginagawa ay nagkakasala sa Ama.
Sa mga Ministro po na nagbabasa ng liham kong ito, sana po magkaroon din kayo ng sapat na tapang na gawin kung ano ang alam ninyong tama pwera na lamang kung talagang pinagdimlan na kayo o kaya ay talagang napagtagumpayan na kayo ng takot na mawala lahat ng materyal na tinatangkilik ninyo sa loob ng ministeryo gaya ng pabahay, sasakyan, posisyon, sweldo, kapangyarihan at iba pa. Kaya hindi makapanindigan ang ibang mga karaniwang mga kapatid ay dahil sa kayo mismo ay hindi magawang makapanindigan kahit na alam na ninyong may maling nagaganap sa Iglesia pero wala kayong lakas ng loob na ituwid ito o labanan ito. Sana maalala po ninyo ang sinumpaan ninyong tungkulin sa Diyos na pangangalagaan ninyo ang kaniyang kawan at susundin ang kaniyang mga kalooban at hindi inyong sariling pakinabang ang inyong pinagangalagaan. 
Ka AE, sumasampalataya pa rin ako na mababalik ang Iglesia sa tulong at awa ng Diyos at sa paninindigan ng lahat ng mga kapatid sa buong mundo. Habang hindi pa po nangyayari yun ay patuloy pa rin po akong dadalo ng mga pagpapanata at group payer meeting. Maraming salamat po.
Kapatid na Linda
P.S.
Pwede po bang makakuha ng reservation para sa April 30, aattend po kami ng pamilya ko po. Salamat po 🙂
=====================================
Dear Ka Linda,
Salamat po sa inyong makabuluhan at napapanahong sulat na sinasamapalatayanan ko po na kaparehong damdamin din po ng napakaraming mga kapatid natin na naninindigan sa katotohanan. Hindi po talaga madali ang manindigan sa tama, kaya nga po ang iba ay mas napipilitang umayon sa mali o kaya naman ay magsawalang kibo na lamang, subalit kapag hindi ka naging bahagi ng solusyon, ibig lang sabihin nun, bahagi ka ng problema.
Gagamit po ang diablo ng iba’t-ibang paraan para mapigilan ang mga kapatid na manindigan sa tama at sa katwiran ng Diyos. Nariyang gagamitin ang ating mga mahal sa buhay, ang ating mismong maybahay o mga kapatid o mga anak. Sa madalas na pagkakataon, yung mga taong inaasahan nating dadamayan tayo at makakasama natin sa paninindigan sa tama ay yung pang magiging hadlang dito. Kung madali lang sana ito, hindi tayo mahihirapan, at hindi maituturing na pagsubok ito. Subalit sa mga taong pinili ng Panginoong Diyos na makaunawa ng katotohanan at makita ang mga tinatagong kasinungalingan, susubukin talaga tayo ng Ama upang makita kung alin ang pipiliin natin, pipiliin ba nating ang Panginoong Diyos at ang Kaniyang katotohanan o pipiliin natin ang ating mga mahal sa buhay na nagsisilbing hadlang sa ating paninindigan? ANg sabi ng Biblia ang sinong mang umibig sa ama at ina ng higit kaysa akin o ng anak ng higit kaysa akin ay hindi karapatdapat sa akin, o hindi karapatdapat sa kaligtasan. Subalit nangangahulugan ba iyon na dapat ng lapastanganin o kapootan natin ang ating magulang, kapatid o anak at sila ay kutyain at pinsalain gaya ng itinuturo ng kasalukuyang Pamamahala at ng mga Ministro nito? Hindi sapagkat tinuturuan tayo ng Diyos na mahalin natin sila, subalit kung mangangailangang mamili ang tao kung sino ang kaniyang papanigan, ang atin bang mahal sa buhay o ang kalooban ng Diyos, malinaw ang sagot, dapat sa panig tayo ng Diyos sapagkat ang Panginoong Diyos ang magliligtas sa atin. Kaya buong pag-ibig natin silang ipagmalasakit Ka Linda na makapanindigan din sila sa tama at huwag madaig ng takot at pangamba sa mga bagay na kanilang pinahahalagahan sa lupa gaya ng bahay, lupa, ari-arian, reputasyon, kayamanan at iba pa, sapagkat ang lahat ng bagay, maging ang buhay at lakas ay galing sa Diyos at kayang kaya Niyang ibigay sa atin ang lahat ng ito sapagkat malapit ang Panginoong Diyos sa lahat ng tapat sa kaniya.
Hindi po natin dapat katakutan kailanman ang walang kabuluhang pagtitiwalag lalo nga at ito ay ginagamit na ngayon bilang panakot, panggigipit sa mga kapatid na naninindigan sa katotohanan. Hindi ito katanggap tanggap sa Panginoong Diyos dahil ang totoong itinitiwalag ng Panginoong Diyos ay ang mga taong gumagawa ng kalapastanganan sa Kaniyang Iglesia gaya ng ginagawa ngayon ng kasalukuyang mga nasa Sanggunian at sa Pamamahala. Hindi tayo kailanman dapat matakot sa paggawa ng mabuti bagamat sa kasalukuyang Iglesia ngayon, ang gumawa ng mabuti, halimbawa ay tumulong sa sambahayan ng Ka Erdy o kaya doon sa mga Defenders na ipinaglalaban ang katotohanan, ang siyang itinitiwalag ngayon ng kasalukuyang Pamamahala, lumihis na sa tunay na aral ukol sa pagtitiwalag, kaya labag na sa kalooban ng Diyos ang kanilang ginagawang walang kapararakang pagtitiwalag.
Kung hindi po titindig sa katotohanan ang mga kapatid, sino pa ang maninindigan, kung hindi po tayo ang magsasalita ng katotohanan, sino pa ang magsasalita, kung hindi pa ngayon, kailan pa? Kung iisipin natin na saka na lang ako, kayo na lang muna, kung ganyan din po ang sasabihin ng lahat ng mga kapatid, wala ng maninindigan. Ang paggawa ng tama sa panahon ng matinding hadlang at panganib, iyan ang tinatawag na paninindigan sa tama. Ang paggawa ng tama sa panahon na wala ng hadlang at panganib, maituturing pa ba nating paninindigan iyon o pagayon na lang sa daloy ng agos? Ito ay isang pagsubok ng Ama, titingnan Nya kung tao ay makakapasa o hindi. Nawa makapasa tayong lahat at huwag tayong madaig ng takot at iba pang alalahanin sa mundong ito.
Hindi po lahat ng tao ay pare-pareho ang pagsubok na pinagdadaanan. Hindi lahat ng tao ay parepareho ng sitwasyon at paraan ng pagtugon sa sitwasyon. Subalit iisa lamang ang totoong-totoo… walang lingkod ng Panginoong Diyos na nagtapat sa Kaniya na Kaniyang pinabayaan. Sampalatayanan po nating lahat yan mga Kapatid. May Diyos po tayo na magiingat at tutulong sa atin anuman ang mangyari. Hayaan nating matupad sa buhay natin ang pangako Niyang ito.
Hanggat mayroong Defenders, hanggat mayroong mga kapatid na nanghahawak at naninindigan sa tunay at dalisay na katotohanan at ipaglalaban ang mga tunay na doktrinang ating tinanggap mula pa noong una, matutupad ang sinambitla ng Ka Erdy noon, na hindi matatalikod ang Iglesia ngayon… dahil naninindigan tayo at hindi umaayon sa kanilang ginagawang pagtalikod sa Iglesia. Patuloy nating samapalatayanan ang mga aral na ating tinanggap at huwag tayong mahulog sa pagkapanatiko o bulag na taga sunod, timabangin natin lahat ng mga patotoo ng bawat panig at ipanalangin natin na gabayan tayo ng espiritu santo na makapanindigan sa katotohanan.

~ Antonio Ebangelista

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”

How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”

This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”

F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista

Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY

Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”

Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS

The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”

Contact Information

Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com

Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com

Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/

Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77

Official Instagram: @antonioebangelista

Official Twitter: @A.E.bangelista1

#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

 

Exit mobile version