Mayo 3, 2015
Mga Kapatid,
Para po sa lahat ng mga gumawa ng mga accounts na nakapangalan kina Ka Jun Santos, Ka Annie Santos, Radel Cortez, Eduardo Javier, maging ang mga pinaghalu-halong pangalan nila at iba pang mga personalidad na isinisiwalat po natin, nakikiusap po ako na tanggalin nyo na po ang mga accounts na iyan. Alam ko pong maganda ang inyong layunin at bungsod ng inyong maalab na damdamin ang inyong mga naipopost subalit hindi ganyan ang uri ng pagpapahayag na ating pinagsisikapang maisakatuparan dito. Huwag po nating bigyan ng dahilan ang mga nasa Sanggunian na mapatunayan nilang totoo ang sinasabi nila na naninira lang tayo. Sapagkat ang kasiraan ng isa ay kasiraan ng lahat. Dahil sa ginagawa ng isa ay mapupulaan maging ang lahat ng ating mga pinagsikapang isiwalat sa adhikain nating ito. Huwag po tayong bumaba sa level nila. Kung sila gagawin nilang taktika na ipapa-block ang mga fb accounts natin, maging ay kay Ka Lottie, para sa akin po, they have crossed the thin line of decency. Kaya huwag po tayong pakasangkapan sa kanila. Itaas po natin ang uri ng paghahayag ng katotohanan at pagsisiwalat ng katiwalian. Baka kasi isipin ng ibang mga ngayon lang nagbabasa na gawain natin ito. hindi ko man kayo kilalang personal subalit nakikiusap po ako na gawin nating desente ang pakikipagbaka natin sa mga taong hindi desente kung makipagbaka sa atin. Iwasan po ninyong haluan ng mga hindi magagandang salita ang inyong mensahe gaya ng satanas, hudas etc. matatalino po ang mga taong sumusubaybay sa atin, hindi nila kailangan ng ganyang mga pananalita upang maunuwaan ang mensaheng ipinararating natin. Ang mahalaga po ay maging objective tayo sa pagpapahayag at ipaubaya natin sa mga nagsusuri ang matalinong pagpapasya, wala tayong kailangang kumbinsihin o pilitin na umayon sa atin. May ilan kasi tayong kasama na nagkukunwaring nasama natin, kapanalig sa adhikaing ito subalit magpapakawala ng mga salitang paglaba at mga kauri nito para tuloy magmukhang lahat tayo ay ganun din, na lumalaban sa tagapamahalang pangkalahatan. Kaya kapag mayroong sinoman na makita ninyong nagiging pabalbal na ang pananalita o kaya ay parang away kalye na, buong galang po nating sawayin upang huwag pamarisan, upang huwag makahawa, at huwag mapagkamalang kapareho natin ng adhikain at pamamaraan. I wasan nyo rin po na magpost ng mga pictures ng mukha nila kung hindi rin lanag naman bahagi ng ebidensya na gusto ninyong ilantad. Kung ito ay para magsilbing katatawanan o pangkukutya, ay huwag naman po sana. Ang nilalabanan po natin ay ang katiwalaian, ang akto ng paggawa ng masama at hindi ang personal na tao at ang pagkatao niya. Mga tao pa rin po sila, at mga kapatid pa rin po natin sila, ang gusto nga natin kung maaari sana ay magbago pa sila, subalit kung hindi na, ang Ama na ang bahalang gumanti sa kanila. Huwag nawa tayo ang pagmumulan ng panglalait, pangungutya, pagaglahi sa sinuman. AT lalong lalo na, huwag tayong magsasalita ng anumang laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan, wala po sa atin ang karapatan na sumiyasat sa kaniya, ang Ama lamang po ang may karapatan na magsiyasat at magpasya sa sinumang itinalaga nyang lider ng Kaniyang bayan. Ang sa atin ay ang pagsisiwalat ng katiwalian sa Sanggunian at mga kasamahan nila na lumalapastangan sa aral ng DIyos, sa mga doktrina at sa kaban ng Iglesia.
Para lalong maunawaan nating lahat ay narito po ang post ko noon ukol sa bagay na ito: LET ME MAKE MYSELF CLEAR….
So in the spirit of Manny Pacquiao’s big fight tomorrow, let our fight of faith here on earth be a clean fight. No hitting below the belt. Fight!
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

