(Part 2: Continuation…)
Nagsimula na ang “ERA OF THE UNTOUCHABLES”.
Simula ng sinaklaw na ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. ang lahat na halos ng Kagawaran at Departamento sa Iglesia, tinanggal na niya ang “CHECK AND BALANCE” sa Iglesia. Saan ka nakakita ng Auditor na dapat sana ay taga-sulit kung tama ang pagkakagastos, resibo at pormularyo lamang ang dapat sana ay hawak nya, subalit HINDI NA GANYAN ang ating kasalukuyang PANGKALAHATANG AWDITOR, siya lang ang tanging Awditor sa buong mundo na may hawak ng pera, taga-approve ng paggagamitan ng pera, taga gastos ng pera o tagabigay kung kanino nya ipapagastos ang pera (kalimitan ay mga aktibidad/proyekto ng mga kagawaran na hawak ng kaniyang asawa at mga anak at malalapit sa kaniya) at siya na rin ang tagasiyasat kung makatwiran at wasto ang pagkakagastos nya sa pera na kaniyang inaprobahan na gastusin. Does that make sense at all? Kaya ang kagawaran ng kasalukuyang Pangkalahatang Ingat-Yaman sa buong Iglesia ay binago na yata… Hindi na Ingat-Yaman. INGAT na lang. Wala na ang Yaman eh. Sinaklaw na lahat ng Ka Glicerio B. Santos Jr. Isa na lamang palamuti ang opisina ng Kapatid na Ernesto Suratos. Tagatanggap ng mga sulat at ulatan mula sa mga Distrito at tagapasa ng mga sulat-kahilingan sa opisina ng ka Jun Santos para sa kaniyang approval. Kaya kung mapapansin ng mga kasama naming mga Ministro, lahat na halos ng mga kahilingan natin ay laging naka-address na kay Kapatid na Glicerio B. Santos.
Teka… baka naman kapag mayroong mali sa paggastos ng Ka Jun Santos o ng kaniyang grupo o pamilya ay magpapadala sya sa sarili nya ng Tawag-Pansin (Call-Up) dahil sa mayroong mali sa pagli-liquidate ng pondo ng Iglesia at kailangang papagpaliwanagin nya ang sarili nya sa sarili nya rin upang malaman kung tama nga ba talaga ang paggastos nya sa pondong inaprubahan nya na gastusin nya rin. Again…does that make any sense? Hindi po. Kasi kaya nga may Ingat-Yaman at Auditor sa Iglesia ay upang maingatan ang kasagraduhan at kalinisan ng pananalapi sa Iglesia. YAN ANG CHECK AND BALANCE SA IGLESIA NOON KAYA NANATILING MALINIS AT “UNQUESTIONABLE” ANG PANANALAPI NG IGLESIA. Kaya nga sa TUNTUNIN ng Pananalapi na binalangkas pa ng mga naunang namahala sa Iglesia, talagang may “SEPARATION OF POWERS” at di pwedeng pagsamahin ang dalawa dahil mahuhulog talaga sa katiwalian dahil hindi mache-check kung tama ba talaga ang pinagukulan at ang pagkakagamit ng pondo ng Iglesia. Kaya batay sa tuntunin ay mahigpit na HINDI pinahihintulutan na ang Auditor at ang Ingat-Yaman ay magkamag-anak dahil sa iniiwasan ang pagkukunchaba o ang magkasundo na dayain o kupitan ang pananalapi ng Iglesia. Kaya nga napakahigpit ng pananalapi sa Iglesia NOON. Magkamali lang sa pagsulat, sa computation, sa taly, sa amount in words at iba pa, ay agad na pinapagsasalaysay at sinisiyasat. Kaya talagang napakahigpit sa Pananalapi, mayroong mga Pormularyong pang Pananalapi na may SERIAL NUMBER pa at CARBONIZED at laging may OPISYAL NA RESIBO para sa lahat ng may kinalaman sa Pananalapi. HINDI MAAARI ANG MGA IMPROVISED FORMS/RECEIPTS. Kaya napakataas ng TRUST RATING ng Pananalapi sa Iglesia dahil alam ng lahat ng mga kapatid na walang paraan para madaya o makupitan ang handugan sa Iglesia. Kaso….NOON po iyon.
Ngayon po ay wala ng maaaring kumwestyon sa Tanggapan ng Ka Jun Santos kung saan nya ginastos ang pera ng Iglesia, kung makatwiran ba ito, kung tama ba ang pagkakagastos nito at kung meron pa bang natirang pondo sa Iglesia, kung sapat na ba ang pondo bago simulan ang isang proyekto sa Iglesia, kung kapakipakinabang ba ang proyekto na yan sa kabuuan ng Iglesia o ng iilan lamang. Ngayon ay ibang iba na ang takbo ng Pananalapi sa Iglesia. Maging ang mga maytungkulin sa Pananalapi ay nalilito kung sino ba talaga ang hepe ng kagawaran nila, si Ka Ernesto Suratos ba o ang Ka Jun Santos… sino ba talaga ang nagdedestino sa mga Ministro at Manggagawa, naglilipat ng destino, nagpopromotes at nagdedemote, si Ka Rodel cabrera ba o si Ka Jun Santos… sino ba talaga ang political affairs ng Iglesia na opisyal na kakausap sa mga politiko para sa mga bagay na may kinalaman sa Iglesia at sa Pamamahala, si Ka Erdz Codera o si Ka Jun Santos? Sino ba talaga ang naghahanda ng mga leksyon sa pagsamba at iba pang mga Doctrinal Requirements para sa Iglesia, ang Ka Bien Santiago ba o ang Ka Jun Santos na syang gumagawa na ngayon ng mga leksyon at mga lektura. Sino ba ang nangangasiwa ngayon ng mga bagay na may kinalaman sa Pagpapalaganap sa Iglesia, ang Ka Matt Pareja ba o ang Ka Jun Santos na syang nagpanukala ng kung anu-anong trial and error na panukala at tuntunin sa Pagpapalaganap at syang nangangasiwa pa ng mga malalaking Pamamahayag gaya ng sa Philippine Arena (di daw kasi sya pwede sa maliliit na Pamamahayag lang dahil sayang lang at kakaunti daw ang makikinabang sa pagtuturo ayon sa staff nya), Lingap Pamamahayag sa Japan at marami pang iba, buti sana kung ganun sya kagaling magturo, maiintindahan pa siguro natin, kaso sa madalas na pagkakataon ay malilito ka ng sundan ang hanay ng pagtuturo nya na para bang sya rin ay nalito na, mawidwid pang magturo at ang daming lapses sa pagtuturo at mga asiwang aktwasyon sa tribuna, tapos iyan ang ihaharap nating mukha ng Iglesia sa mga inanyayahan nating mga panauhin at itetelevise pa sa TV? Sino ba talaga ang nangangasiwa sa Pagpapatibay sa buong Iglesia, ang Ka Roland Esguerra ba o ang Ka Jun Santos na ngayong sumasaklaw na naman ng mga panukala at aktibidad para sa pagpapatibay. Sino ba talaga ang kalihim pangkalahatan sa buong Iglesia na syang dapat na nag-aasikaso sa lahat ng mga opisyal na tagubilin mula sa Pamamahala para sa bawat Tagapangasiwa ng Distrito at mga kagawaran sa Iglesia, ang Ka Radel Cortez ba o ang Ka Jun Santos na siyang maya’t-maya ay nagpapadala ng mga tagubilin, sirkular, nagpupulong sa mga Tagapangasiwa at mga kawani sa Iglesia. Sino ba talaga ang head ng Engineering, si Ka Bien Manalo ba na mula’t mula pa noon ay pinagtiwalaan na ng Kapatid na Eraño G. Manalo ng napakahabang panahon dahil sa alam nila ang katapatan niya na hindi nya gagamitin ang kagawaran na iyon para pagkakitaan ang Iglesia, gagawin ang lahat para makatipid ang Iglesia dahil alam nilang mabuti na ang ginagamit na halaga para sa mga kapilya at iba pang mehoras ng Iglesia ay galing sa mga handugan ng mga kapatid na karamihan ay mahihirap lamang subalit patuloy na tumutupad sa tungkuling maghandog. Si ka Bien Manalo pa rin ba o si Ka Jun Santos, na pinagkakitaan na lahat ng pwedeng pagkakitaan sa Engineering mula sa pinakamaliit na pako, hanggang sa semento, hanggang sa lahat ng ginamit na metryales, biniling lupa, ginamit sa lahat ng mga pagawain sa Iglesia lalo na sa Phil. Arena, Convention Center at marami pang iba, lahat ay may katas ng komisyon na napunta lahat sa Ka Jun Santos. Kaya nga hindi na masikmura ng maraming mga suppliers at contractors na mga kapatid ang ginagawa ni Ka Jun Santos kaya mas pinili na lang nilang sa iba na lang magnegosyo, atleast alam nilang hindi iyon mula sa sagradong handugan sa Iglesia. Sino ba talaga ang nangangasiwa sa HRDC (Personnel) ang Ka Rene Panoncillo ba o ang Ka Jun na syang nagpupulong sa mga kawani, nagdedestino ng mga kawani sa Philippine Are, Convention Center at iba pa? Siya din ang magpapasya kung kelan nya bibigyan ng tulong ang mga kawani at kung kelan iho-hold. Lahat na yata ng napakalawak na gampanin sa Iglesia ay kinubabawan na ng Ka Jun Santos at ito ay hindi kayang pasinungalingan ng mga kapatid lalo na ang mga kasama kong naglilingkod sa loob ng Tanggapan na lahat ay takot kay Ka jun Santos dahil sya ang may kapangyarihang ipatanggal ang sinoman sa tanggapan o ipatapon sa destino ang sinomang Ministro na nasa Tanggapan. At siya din naman ang gustong gustong lapitan o dikitan ng sinoang may ambisyon na umangat o umasenso, yun nga lang, kailangan mong isumpa sa kaniya ang buong katapatan mo at handa kang gawin ang anumang ipagagawa nya sa iyo maging labag man sa tuntunin o doktrina.
Kaya kung meron mang Ministro sa kasaysayan ng Iglesia na masasabi nating mula sa payak na pamumuhay at sa pagiging simpleng Ministro at pagkalipas ng ilang taon lamang mula ng pagkamatay ng Ka Erdy ay bigla-biglang lumipad sa rurok ng tagumpay, kapangyarihan at kayamanan dahil sa sya ang may kapangyarihan sa pananalapi sa Iglesia, ito’y walang iba kundi ang Ka Jun Santos. Sya na ang Alpha, sya pa ang Omega… Sya ang nagsimula ng pinakamalawak na katiwalian sa Iglesia, sa katiwalian din siya matatapos. Auditor + Ingat-Yaman = ABSOLUTE CONTROL = PRONE TO CORRUPTION. This calls for a new Guiness Record don’t you think?
(To be continued…)
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

