Isa lamang po ito sa napakadaming sasakyan ng Kapatid na Eraño “Erdz” Codera. Bagamat maraming kapatid na ang nagpapadala sa akin ng mga larawan ng magagarang High-End Luxury Vehicles ng Ka Erdz ay hindi ko po inilalabas hanggat hindi ako tiyak ukol sa kanilang pag-aari nito o kaya ng kaniyang kamag-anak o ibang tao na ginagamit na “dummy”.
Pangalan: Eraño “Erdz” Codera
Tungkulin: Ministro
Natatanging Tungkulin: Political Liaison ng Iglesia Ni Cristo
Unexplained Wealth: High-End Luxury Vehicles
1. Hyundai Sta. Fe Titanium Silver
ANO NGA BA ANG ITSURA NG ISANG MAMAHALING SUV NA ITO?
ANONG KATUNAYAN NA SI KA ERDZ AY NAGMAMAYARI NG ISANG HIGH-END LUXURY SUV?
MULA PO SA LAND TRANSPORTATION OFFICE (L.T.O.) MAIN OFFICE DATABASE:
PAKI-ZOOM IN NGA PO PARA LALONG MAKITA…
MAGKANO NAMAN KAYA ANG ISANG HIGH-END LUXURY SUV NA ITO?
Mga tanong lamang po na naglalaro sa aking isipan Kapatid na Erdz Codera… Maaari ko po bang buong galang na itanong ang mga sumusunod:
- Alam po ng karamihan ng mga Kapatid at kaming mga Ministro at Manggagawa na kayo po ang kinatawan ng Iglesia upang kumausap sa mg Politiko ng ukol sa anumang may kinalaman sa kapakanan ng Iglesia, subalit natitiyak po ba ninyo na ang pagkausap po ninyo sa mga Politiko ay KUNG ANO LAMANG ANG INIUTOS SA INYO NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN?
- Alam po ba ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang lahat po ng inyong lakad kasama po ang inyong pakikipagmeeting sa mga Politiko?
- Alam din po ba ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang lahat ng inyong ipini-push na promotions at appointments sa iba’t-ibang sanghay ng gobyerno?
- Paano po kasi ay kilalang-kilala na rin po kasi kayo sa hanay ng mga politiko na laging may “BITBIT”, bitbit na mga contractors na inyo pong ipinakikila sa mga Politiko. At pagkatapos ipakilala ay dun na ang simula ng “mabungang pagsasama”.
- Natitiyak nyo po ba na ang lahat ng mga kaibigan ninyong supplier/contractors na “INILAPIT” ninyo sa mga politiko ay talagang sa inyo? Walang ni isa man ang magkakanulo sa inyo at gagawa ng salaysay na tinulungan nyo sila na makakuha ng mga projects sa gobyerno at ang kapalit ay mayroong regular na “PADALA” tuwing may collection sa project dahil nga ito ay PROGRESSIVE BILLING?
- Paano po kayo nakabili ng isang High-End Luxury SUV sa pamamagitan lamang po ng “TULONG” na tinatanggap ng mga Ministro mula sa Pamamahala linggu-linggo?
- At kung hindi ito galing sa inyong TULONG, saan po galing ang perang inyong ginamit upang makabili ng ganitong uri ng sasakyan?
- At kung sakaling mayroon nga kayong ganyang kalaking halaga para makabili ng ganyang uri ng sasakyan, marapat lamang ba na maging huwaran sa buong Iglesia at Ministerio ang makita ang isang kinikilalang Ministro na nasa mataas at maselan na gampanin sa Iglesia, na nagmamay-ari ng ganitong uri ng sasakyan?
- Papaano po ninyo maipapaliwanag ang di-maipaliwanag na kayamanang ito?
- Saan po ninyo ipina-park ang sasakyang ito para hindi makita ng ibang tao, na ipinasusundo nyo na lamang sa inyong “trusted” runner kapag nais na ninyong gamitin ito?
- Pang-ilan po ito sa bilang ng maraming HIGH-END Luxury Vehicles na pag-aari po ninyo o nakapangalan sa inyong kamag-anak at ipa bang pinagtitiwalaan ninyo na tumatayong “Dummy” po ninyo?
- Ano po ang paliwanag po ninyo sa mga taong nakaka-alam na mayroon kayong mga ganitong uri ng sasakyan upang huwag po silang matisod sa inyo?
Sana po ay masagot po ninyo ang mga kasagutang ito bago ko po mailabas pa ang mga susunod pang mga sasakyan, bahay at mga mamahaling pag-aari po ninyo na lalong makapagpapatunay na kayo po ay nagtataglay ng mga hindi maipaliwanag na kayamanan.
Sana po Ka Erdz ay maiwasan na po ninyo na makagawa pa ng mga bagay na maaaring makapagpawala ng inyong kredibilidad, integridad at kababaan ng loob. Pakisabihan nyo din po ang anak ninyo na huwag syang masyadong mayabang kapagnakikipagkwentuhan sya sa mga kaibigan nya na kapag mayroon silang inilapit na PROPOSAL kay Mayor/Congressman at hindi sila pinansin ay sasabihin nya “SIGE LAGOT SIYA KAY PAPA, ISUSUMBONG KO SYA!” Nakakawalang galang kasi yung ganyang uri ng pananalita mula sa anak ng isa sa mga pangunahing pinagtitiwalaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan.
Nakikiusap na po kaming mga Ministro, Manggagawa at mga Kapatid upang huwag na po ninyong madungisan ang Ministerio at ang Sanggunian at higit sa lahat ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan na siyang nagtiwala sa inyo at naglagay sa inyo sa ganiyang pananagutan dahil sa kanilang paniniwala na magiging malakas at TAPAT kayong katuwang niya sa pagsinop at pangangalaga sa Kaniyang bayan. Sana po ay maging lalo kayong maaingat sa inyong pakikipag-usap ng hindi naman po nakakaladkad ang pangalan ng Iglesia Ni Cristo tuwing kayo po ay mahahayag gaya po ng nangyari sa Bureau of Customs Commissioner appointment na nalantad ang inyong pakikialam sa appointment ng mga posisyon sa gobyerno. Konting ingat po sana sa susunod po. Hindi ko na po ito pagkakahabaan mga Kapatid sapagkat sa palagay ko po ay sapat na ang mga ebidensyang na kasama ng post na ito ukol sa isang katotohanan ng katiwalian na HINDI NILA KAYANG MAPASINUNGALINGAN PA.
Maraming salamat po.
-Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”
Official Website: http://www.iglesianicristosilentnomore.org
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Mail: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE
