Featuring Ka Eraño “Erdz” Codera’s Hyundai Titanium Silver Sta. Fe

Isa lamang po ito sa napakadaming sasakyan ng Kapatid na Eraño “Erdz” Codera. Bagamat maraming kapatid na ang nagpapadala sa akin ng mga larawan ng magagarang High-End Luxury Vehicles ng Ka Erdz ay hindi ko po inilalabas hanggat hindi ako tiyak ukol sa kanilang pag-aari nito o kaya ng kaniyang kamag-anak o ibang tao na ginagamit na “dummy”.

Pangalan: Eraño “Erdz” Codera

Tungkulin: Ministro

Natatanging Tungkulin: Political Liaison ng Iglesia Ni Cristo

Unexplained Wealth: High-End Luxury Vehicles

1.  Hyundai Sta. Fe Titanium Silver

ANO NGA BA ANG ITSURA NG ISANG MAMAHALING SUV NA ITO?

titanium-1

titanium-2

titanium-3

 

ANONG KATUNAYAN NA SI KA ERDZ AY NAGMAMAYARI NG ISANG HIGH-END LUXURY SUV?

MULA PO SA LAND TRANSPORTATION OFFICE (L.T.O.) MAIN OFFICE DATABASE:

lto-registration-erano-codera-titanium

PAKI-ZOOM IN NGA PO PARA LALONG MAKITA…

lto-registration-erano-codera-titanium-snippet-1

lto-registration-erano-codera-titanium-snippet-2

MAGKANO NAMAN KAYA ANG ISANG HIGH-END LUXURY SUV NA ITO?

titanium-price-list

 

Mga tanong lamang po na naglalaro sa aking isipan Kapatid na Erdz Codera… Maaari ko po bang buong galang na itanong ang mga sumusunod:

  • Alam po ng karamihan ng mga Kapatid at kaming mga Ministro at Manggagawa na kayo po ang kinatawan ng Iglesia upang kumausap sa mg Politiko ng ukol sa anumang may kinalaman sa kapakanan ng Iglesia, subalit natitiyak po ba ninyo na ang pagkausap po ninyo sa mga Politiko ay KUNG ANO LAMANG ANG INIUTOS SA INYO NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN?
  • Alam po ba ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang lahat po ng inyong lakad kasama po ang inyong pakikipagmeeting sa mga Politiko?
  • Alam din po ba ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang lahat ng inyong ipini-push na promotions at appointments sa iba’t-ibang sanghay ng gobyerno?
  • Paano po kasi ay kilalang-kilala na rin po kasi kayo sa hanay ng mga politiko na laging may “BITBIT”, bitbit na mga contractors na inyo pong ipinakikila sa mga Politiko. At pagkatapos ipakilala ay dun na ang simula ng “mabungang pagsasama”.
  • Natitiyak nyo po ba na ang lahat ng mga kaibigan ninyong supplier/contractors na “INILAPIT” ninyo sa mga politiko ay talagang sa inyo? Walang ni isa man ang magkakanulo sa inyo at gagawa ng salaysay na tinulungan nyo sila na makakuha ng mga projects sa gobyerno at ang kapalit ay mayroong regular na “PADALA” tuwing may collection sa project dahil nga ito ay PROGRESSIVE BILLING?
  • Paano po kayo nakabili ng isang High-End Luxury SUV sa pamamagitan lamang po ng “TULONG” na tinatanggap ng mga Ministro mula sa Pamamahala linggu-linggo?
  • At kung hindi ito galing sa inyong TULONG, saan po galing ang perang inyong ginamit upang makabili ng ganitong uri ng sasakyan?
  • At kung sakaling mayroon nga kayong ganyang kalaking halaga para makabili ng ganyang uri ng sasakyan, marapat lamang ba na maging huwaran sa buong Iglesia at Ministerio ang makita ang isang kinikilalang Ministro na nasa mataas at maselan na gampanin sa Iglesia, na nagmamay-ari ng ganitong uri ng sasakyan?
  • Papaano po ninyo maipapaliwanag ang di-maipaliwanag na kayamanang ito?
  • Saan po ninyo ipina-park ang sasakyang ito para hindi makita ng ibang tao, na ipinasusundo nyo na lamang sa inyong “trusted” runner kapag nais na ninyong gamitin ito?
  • Pang-ilan po ito sa bilang ng maraming HIGH-END Luxury Vehicles na pag-aari po ninyo o nakapangalan sa inyong kamag-anak at ipa bang pinagtitiwalaan ninyo na tumatayong “Dummy” po ninyo?
  • Ano po ang paliwanag po ninyo sa mga taong nakaka-alam na mayroon kayong mga ganitong uri ng sasakyan upang huwag po silang matisod sa inyo?

Sana po ay masagot po ninyo ang mga kasagutang ito bago ko po mailabas pa ang mga susunod pang mga sasakyan, bahay at mga mamahaling pag-aari po ninyo na lalong makapagpapatunay na kayo po ay nagtataglay ng mga hindi maipaliwanag na kayamanan.

Sana po Ka Erdz ay maiwasan na po ninyo na makagawa pa ng mga bagay na maaaring makapagpawala ng inyong kredibilidad, integridad at kababaan ng loob. Pakisabihan nyo din po ang anak ninyo na huwag syang masyadong mayabang kapagnakikipagkwentuhan sya sa mga kaibigan nya na kapag mayroon silang inilapit na PROPOSAL kay Mayor/Congressman at hindi sila pinansin ay sasabihin nya “SIGE LAGOT SIYA KAY PAPA, ISUSUMBONG KO SYA!”  Nakakawalang galang kasi yung ganyang uri ng pananalita mula sa anak ng isa sa mga pangunahing pinagtitiwalaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan.

Nakikiusap na po kaming mga Ministro, Manggagawa at mga Kapatid upang huwag na po ninyong madungisan ang Ministerio at ang Sanggunian at higit sa lahat ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan na siyang nagtiwala sa inyo at naglagay sa inyo sa ganiyang pananagutan dahil sa kanilang paniniwala na magiging malakas at TAPAT kayong katuwang niya sa pagsinop at pangangalaga sa Kaniyang bayan. Sana po ay maging lalo kayong maaingat sa inyong pakikipag-usap ng hindi naman po nakakaladkad ang pangalan ng Iglesia Ni Cristo tuwing kayo po ay mahahayag gaya po ng nangyari sa Bureau of Customs Commissioner appointment na nalantad ang inyong pakikialam sa appointment ng mga posisyon sa gobyerno. Konting ingat po sana sa susunod po. Hindi ko na po ito pagkakahabaan mga Kapatid sapagkat sa palagay ko po ay sapat na ang mga ebidensyang na kasama ng post na ito ukol sa isang katotohanan ng katiwalian na HINDI NILA KAYANG MAPASINUNGALINGAN PA.

Maraming salamat po.

-Antonio Ebangelista

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”

Official Website: http://www.iglesianicristosilentnomore.org

Instagram: @antonioebangelista

Twitter: @AEbangelista1

Mail:  INCDefendersSilentNoMore@gmail.com

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders

“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career.  Skills that make me a nightmare for people like you.  If you tell the truth now, that’ll be the end of it.  I will not look for you, I will not pursue you.  But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE

 

 

Similar Posts

15 Comments

  1. My goodness!!! This is not a luxury vehicle to my standard. If it’s rolls Royce, Bugatti , Ferrari etc then THAT is a luxury car. Wake up. You are doing more harm than good. You are an ex minister of the church. Why don’t you practice what you preach to the brethren on how to resolve conflicts? Do you think you can get support from brethren who have been taught the teachings in the bible? Yes you can – the doubting brethren who gets offended easily. Those whose faith fell on barren land. And good luck with that.

  2. O, ito na naman ang isa pang ebidensiya. Ano pa ang hinihintay ng mga decision makers? Paano maipaliliwanag ang hindi maipaliwanag na sitwasyon? Magsalita nga kayo mga kapatid ko? Akala ko naghihintay kayo ng ebidensiya? Ito na….. di ba?

  3. Mr Antonio Ebangelista matanong ko lang po kayo paano po kung well off ang pamilyang napangasawa ng Ka Erdz at tinutulungan ng magulang sila dahil mahirap po ang maging ministro ng Iglesia simula ng sumumpa ka sa Ating Panginoong Diyos na maglilingkod ka sa huling hininga ng iyong buhay at psasakop ka sa pamamahala ikaw ay sa Diyos na. Nakakalungkot isipin na dati kayong ministro pero di kayo natamnan ng aral hinayaan nyo na material things pagkainggit ang naghari sa isip at puso nyo. Nawalan na kayo ng pag asa sa banal na magagawa ng Diyos at ni Jesus Cristo sa inyong buhay. Hindi nyo po ba naaala na Diyos ang magpupuwesto sa lahat ng bagay kung para sa iyo ang isang Tungkulin minsan may paglayo syang gagawin dahil hindi ka pa handa at di pa panahon. parang bata kang inagawan ng candy paumanhin po Nakakahinayang dahil alam kong nakapagligtas ka ng tao nakapag akay ka rin at naging puspos ang iyong panalangin sa Diyos ng kinailangan mo abg tulong nya. May panahon pa! Sa pag expose po ba ninyo may magagawa ba yon gusto nyo lang po dumamay ng tao na hindi maliligtas Alam nyo po ang nasa biblia! at payo ko po lumangtad na kayo sa istilo nyo ng pagsulat para kayong manunulat na naduduwag at hindi kayang aminin ang sarili nyang obra.

  4. hindi na po sa amin o sa akin mahalaga ang bagay na ito. ang pinahahalagahan ko po ay nakapaghandog ako at nakasunod sa mga gawang hinahanap ng Panginoong Diyos sa kanyang lingkod. Sa gayong bagay, naluwalhati ko ang Panginoong Diyos. Mas nanaisin ko rin po na manatili sa loob na Iglesia dahil nandito ang tunay na pagsamba at pagbibigay ng karangalan sa Panginoong JesuKristo. ang Ama na po ang bahala sa may mga likong gawa at hindi ko po hahayaang madaig ang aking pananampalataya ng ganitong mga makamundong nangyayari.. salamat po.

  5. Repost again? Wala ka ng masulat na bago? Baka naman inggit ka lang sa SUV nya. May Kakilala nga akong Ministro naka-Land Cruiser. Di mo yun napansin no? Hindi nila kasalanan kung mayaman ang pamilya nila bago pa sila pumasok sa ministeryo. Masama talaga ang ibinubunga ng inggit sa tao. Para kang si Cain.

  6. sulat lang gud wala may mopansin nimo.. dili man sa tao nag alagad ang mga igsoon. kung dili sa dios man.. manira2x Kaman ng ibang tao.. disisyon mo yan.. padayon sa imo gibati.. dili na bag o. sa iglesia. noon pa inuusig na.. pagsubok .na kayang lampasan ng mga kapatid.. good luck nimo…

  7. Ginamagamit nyo pa pangalan ka Erano sa kawalanghiyaan nyo, cguro sungay nyo kasing taas na ng giraffe .teka nga pala Tanong ko lang magkano ba ung TSHIRT NA SUOT MO SA PRESSCON di ako nagkakamali mga 5K yun .Ano po?

  8. ang dami mong kasinungalingan lampas na po sa mga pagkatao nyo AE AND COHORTS.wag po kayong mag alala malapit lapit na, nakahanda na po ang dagat dagatang apoy sa inyo. nahahayag na kung sino ang tunay na Iglesia ni Cristo

  9. wag po kayong dada ng dada dito lagyan nyo po ng katibayan di naman lahat ng ministro mahihirap mayroon din may kaya,Tulad mo na masama ang balak AE Para kang si lucifer kwestyon ng kwestyon sa balak ng panginoong diyos ,ang tulad mo may pagkalalagyan sa araw ng paghuhukom .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *