Recovered Article: Posted May 20, 2015. Shutdown by ACTIV July 17, 2015
Part 1: Ang Katangian ng Pananalapi sa Iglesia… noon.
Sa kahit anong institusyon, organisasyon at gobyerno ng tao sa mundo, iisang kagawaran ang siyang laging ugat ng karumihan at katiwalian, at iyan ang Kagawaran ng Pananalapi o Finance Department. Diyan nasisira ang lahat ng tao, sa pera, iyan ang dahilan kaya maraming mga organisasyon ang siyang nabibigo na mapanatili ang integridad at kalinisan ng Pananalapi, ito rin ang dahilan kaya marami ang HUMAHANGA at NAMAMANGHA sa KALINISAN AT KAWASTUAN NG PANANALAPI NG IGLESIA….NOON.
Subalit papaano nga ba nagkaganito ang minsang napakalinis na Kagawaran ng Pananalapi na ngayon ay pinakasentro ng lahat ng katiwalian sa buong Iglesia. Ano ba ang papel ng Kagawaran ng Pananalapi sa patuloy na pag-iral ng Iglesia at sa pagkakasangkot nito sa iba’t-ibang katiwalian ng mga nasa Sanggunian?
Gaya po ng itinuro sa atin ng tayo ay dinudoktrinahan pa lamang, Ang pag-aabuloy ay isang utos ng Panginoong Diyos na hindi natin dapat kalimutan, sapagkat sa mga gayong hain ay totoong nalulugod ang Diyos. Tangi sa mga handog ng labi (pag-awit ng pagpupuri at pananalangin), mayroon ding handog na salapi, ito ang pangunahing ginagamit sa pangangasiwa sa mga banal (Iglesia) mula sa pagpapatayo ng mga gusaling sambahan, sa mga pangangailangan sa paglilingkod, sa pagpapadala ng mga Minsitro sa iba’t-ibang Lokal at sa pamamahala sa Iglesia sa kabuuan sa pamamagitan ng Tanggapang Pangkalahatan sa Iglesia. Ang Pananalapi sa Iglesia ay SENTRALISADO, lahat ng mga handog ay isinusulit sa Tanggapang Pangkalahatan at pinananatiling mahigpit at walang dungis na siyang dahilan ng mabilis na pagsulong ng Iglesia dahil nagagamit ang mga halagang natipon sa tamang kaukulan at hindi ito nahahaluan ng katiwalian. Ang mga kapatid ay panatag na nagaabuloy, nagtatanging handugan, naglilingap at naglalagak ng buong puso at walang bahid ng pagaalinlangan dahil sa alam nating lahat na tayo ang unang-unang nakikinabang sa ating inahahandog dahil natutugunan ang ating mga pangangailangan na maisagawa ang maayos na paglilingkod sa Panginoong Diyos.
Mula ng pumanaw ang Kapatid na Eraño G. Manalo at nakabalik na sa pwesto ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. bilang Pangkalahatang Awditor ng buong Iglesia, dito na nagsimulang ang pagdungis sa napakalinis na pangalan ng pananalapi sa Iglesia. Papaano nga ba nagawang matukso ng Ka Jun Santos na pangahasang kalikutin ang handugan sa Iglesia….?
URI NG TANGGAPAN NG PANANALAPI NOON
Upang mapanatili ang kalinisan ng Pananalapi sa Iglesia, buong higpit na nagtaguyod ng mga tuntunin ang Pamamahala mula pa sa panahon ng Sugo hanggang sa panahon ng Kapatid na Eraño G. Manalo. Alam ito ng mga Ministro at Manggagawa, maging ng mga maytungkulin sa Pananalapi.
MAYTUNGKULIN SA PANANALAPI – Maging ang pagtanggap ng tungkulin sa pananalapi ay hindi basta-basta, kailangang matagal ka ng kaanib sa Iglesia Ni Cristo, matibay ang pananampalataya at totoong mapagkakatiwalaan, hindi ring pwedeng magkakamag-anak ang mga maytungkulin sa pananalapi. SInomang tatanggap ng tungkulin sa Pananalapi ay sinisiyasat munang mabuti at dumadaan sa masusing pagseseminar upang matiyak na sila ay magiging karapat-dapat sa isang napakaselang gampanin sa Iglesia. Kung sa karaniwang kapatid ay napakahigpit tumanggap ng maytungkulin sa pananalapi, lalo na sa mga Ministro na bibigyang ng natatanging gampanin sa pananalapi. Tinitiyak ng Pamamahala na kwalipikado ang isang Ministro na humawak ng maselang tungkulin na may kinalaman sa mga pribadong impormasyon sa pananalapi sa Iglesia.
TUNTUNIN SA PANANALAPI – Ang lahat ng mga may kinalaman sa pananalapi ay mayroong kaakibat na tuntunin at mga pormularyo at resibo opisyal. Hindi maaaring ang isagawa ang anumang bagay na may kinalaman sa pananalapi ng walang kaakibat na pagpapaalam at pagpapatibay mula sa Tanggapang Pangkalahatan. Tinitiyak ng Pamamahala na lahat ng mga isasagawang paggugol na ang gamit ay salapi ng Iglesia, na ito ay may kaukulang mga opisyal na resibo at mga salaysay at dumaan sa proseso ng pago-audit upang matiyak kung ang salapi ba ng Iglesia ay naingatan na magamit sa kaniyang kaukulan. Kaya ng kahit na gaano kabuti ang layunin ng isang Minsitro na nakadestino o ng kahit na sinong maytungkulin sa Lokal, halimbawa ay may namatayan na nangangailangan ng tulong, o may gamit na may kasiraan sa Lokal na kailangang ipagawa o mayroong kinakailangang bilhin, HINDI ITO BASTA PWEDENG MAGLIKOM NG HALAGA NG WALANG KAUKULANG PAGPAPAALAM AT PAGPAPATIBAY MULA SA TANGGAPANG PANGKALAHATAN. Kaya nga mayroon pang mga pormularyo gaya ng P-10 Donasyon o P-10 Gugol ng Lokal/Distrito dahil sa kinakailangan itong dumaan sa tamang proseso at matiyak na hindi ito magagamit sa hindi nito kaukulan. Nasa tuntunin rin na hindi rin maaaring mamigay ng sobre ng Tanging Handugan at Lingap, kinakailangang ito ay nasa tanggapan lang ng pananalapi o sa kapilya at ang kapatid ang kusang kukuha nito.
ABSOLUTE CONFIDENTIALITY – Ang mga impormasyon ukol sa handugan ay hindi kailan maaaring sabihin sa kapulungan o sa karaniwang mga kapatid o ibang maytungkulin dahil CONFIDENTIAL ang mga ito at hindi nga dapat pinaguusapan ang mga ito sa mga pagpupulong o anumang aktibidad sa Iglesia, kahit pa sa mga pagsamba. Dati ay tanging mga Tagapangasiwa lamang at mga taga Pananalapi ang siyang nakakaalam ng mga impormasyon ito. Ang mga Ministrong nakadestino sa Lokal ay walang kalayaang banggitin kanino man ang mga impormasyon ukol sa Pananalapi, halimbawa ay ang halaga ng mga handog, kung sinu ang mga naghandog at iba pang maseselang impormasyon na may kinalaman sa pnanalapi. Maging sa panahon ng Pagpapasalamat ay laging may seminar ang lahat ng mga Destinado at mga maytungkulin sa Pananalapi ukol sa kaayusan at mga tuntunin na ipinaiiral sa isasagawang pagbibilang para sa Pasalamat. Taun taon din ay iisa lang naman ang itinatagubilin subalit mahigpit na ipinagbabawal na gamitan ito ng Video Presentation/Slide Presentation o kaya naman ay mag-iwan sa mga Ministro o kahit pa sa mga Maytungkulin sa Pananalapi ng sipi ng gabay sa Pananalapi, tanging ang mga Ministrong Auditor o Ingat-Yaman sa Distrito ang may hawak ng gabay na iyon. Ganyan kahigpit ang Tanggapang Pangkalahatan patungkol sa maseselang impormasyon ukol sa Pananalapi.
MASINOP NA PANGANGALAGA SA TANGGAPAN NG PANANALAPI – Itinuro ng mga unang namahala sa Iglesia, ng Kapatid na Felix Y. Manalo at maging ng Kapatid na Eraño G. Manalo na hindi kailanman dapat mangutang ang Iglesia para sa ANUMANG mga pagawain nito kaya hindi sila magsasagawa ng anumang pagpapatayo ng kapilya o mehoras sa Iglesia ng hindi muna tinitiyak na may sapat na pondo ang kaban ng Iglesia kaya hindi sila maya’t maya ay nagpapatanging handugan gaya ng ipinatayo ang Templo at New Era University, hindi nanawagan ang Tagapamahalang Pangkalahatan na magtanging handugan ang mga kapatid, sapagkat sapat na ang linggu-linggong handog ng mga kapatid. Lahat ng aspeto ng pananalapi ay hindi kailanman matatawaran ang Iglesia, maging ang mga contractor at mga suppliers para sa Iglesia ay nagpapatotoo na napakalinis ng transaksyon nila sa Iglesia dahil walang utang ang Iglesia, bayad lahat ng mga isinu-supply sa Iglesia, walang mga under-the-table na transaksyon, ni hindi nga tumatanggap ng corporate give-aways ang Tanggpang Pangkalahatan mula sa mga contractors at suppliers dahil sa iniingatan nito ang imahe ng Tanggapan ng Pananalapi.
ACCOUNTABILITY – Bawat pagkakamali o anomalya na may kinalaman sa pananalapi, kahit gaano pa ito kaliit ay may kalakip na pagsisiyasat at pagagawin ng salaysay ang lahat ng mga kinauukulan at kapag napatunayang may kapabayaan o katiwalian ay tiyak na ikawawala ito ng karapatan ng sinoman. Ipinairal ng Ka Erdy ang matas na TRUST RATING ng Pananalapi sa Iglesia kaya walang sinoman ang maaaring kumwestyon sa integridad at katapatan ng pananalapi sa Iglesia at hindi ito kailanman nasangkot sa kahit anumang anomalya.
Bakit nga ba ganito mahigpit na inalagaan ng mga unang Namahala sa Iglesia ang kalinisan at integridad ng Pananalapi sa Iglesia?
Kung ating susuriing mabuti, ahat ng tuntunin na pinaiiral ng Pamamahala ay upang maingatan ang kasagraduhan at kalinisan ng pananalapi sa Iglesia na ito ay batay sa mga utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia na “Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya (II Corinto 9:7). “ Sa talatang ito pa lamang ay nakapaloob na ang pinaka esensya ng utos ng Diyos ukol sa ating mga paghahandugan. 1. Ang paghahandog ay isang tungkulin ng BAWAT ISA kaya hindi ito dapat katisuran ng sinoman kungtayo man ay hinihikayat na pagtalagahan ang bagay na ito. 2) Walang sinoman ang maaaring magdikta sa atin kung ano ang halaga ng ating ihahandog, ito ay idinidikta ng ATING PUSO. Samakatuwid ang ating inihahandog ay kung ano ang LAMAN NG ATING PUSO. 3) Hindi dapat mabigat sa loob o dahil sa kailangan lamang kaya tayo naghahandog. Kaya hindi dapat pinipilit ang sinoman na magtanging handugan, maglingap, magdonasyon o ano pa mang gugulin sa Iglesia dahil oras na napilitan ang isang kapatid na bumili ng isang bagay na ibinebenta o ipinabebenta s akaniya gaya ng Ticket sa Phil Arena, World Wide Walk T-Shirts, Memorabilia, Coffee Table Books at mga kauri pa nito, nagigingmabigat na ito s akaniyang loob kaya nawawalan na ng kabanalan ang isasagawang paghahandog ng isang kapatid, at hindi na ito magiging katanggap-tanggap sa Panginoong Diyos. Kaya hindi rin marapat na ipapanawagan pa na MAGTANGING HANDUGAN DAHIL MAY GANITO, DAHIL MAY GANYAN o “dahil sa kailangan”. Ang sabi ng Biblia, kapag nagawa natin ang paghahandugan ng ayon sa kalooban ng Diyos, Siya ay totoong nalulugod.
I-download at panoorin po muna natin ang isang video ng pangangasiwa ng Kapatid na Eraño G. Manalo ng ituro nila ang isang mahalang katangian ng Pananalapi sa Iglesia na dapat maingatan nating hanggang ngayon at ito ay ibinilin pa ng Sugo, ng Kapatid na Felix Y. Manalo.
Nota: Pakidownload po ang video file na ito ng Kapatid na Eraño G. Manalo sapagkat ginagawan ng paraan ng Sanggunian na ito ay maalis upang hindi makita ng mga kapatid, katunayan ay nagtagumpay na sila ng mapatanggal nila ito sa aking Youtube Account at ang nagfile ng Complaint ay ang Christian Era Broadcasting Service International Inc. Kaya mas maganda na kayo na mismo ang magkaroon ng kopya.
Marahil ay naiisip ng marami sa inyo kung bakit ko inilalahad ang mga bagay na ito lalo nga at maseselang impormasyon ang ilan sa mga bagay na ito, hindi po ito upang ilantad ang Iglesia sa kahihiyan o masamang imahe, kundi upang lalong ipamulat sa lahat ng mga kapatid kung ano ba talaga ang layunin ng Panginoong Diyos kaya Niya kinilos ang mga naunang namahala sa Iglesia na mapangalagaang malinis ang pananalapi sa Iglesia. Kaya napakahalaga na ating maalala ang mga katangian ng Pananalapi sa Iglesia NOONG UNA upang ito ay ating maikumpara kung nananatili pa ba ang ganitong kalagayan at katangian ng Pananalapi ng Iglesia ngayon? ANg kasunod ko pong ilalahad ay ang KASALUKUYANG kalagayan at katangian ng Pananalapi ng Iglesia NGAYON.
~ Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore