Greetings my beloved brethren! So many things continue to test us in our faith yet we are still here through the grace of our Almighty God! Praises be to Him for all the more strenghtening us and guiding us through these life changing events called tribulations.
The seeds have grown and more continue to sprout and grow as the days go by and so we are faced with greater tasks for our edification. Let us continue the work in this New Era for victory lies ahead of us against the evil works of those who have been corrupted by power and greed. May our Almighty Father and our Lord Jesus always bless us all!
A.E.
Sa social media ay mababasa mula sa blogs (reference: https://onetruechurch1914.wordpress.com2015/08/22/ang-makabagong-jezebel-gng-cristina-v-manalo-part1/ & part2) ng mga nagpapakilalang sila ay mga tunay na mga kaanib sa Iglesia ni Cristo at kaisa ng Pamamahala, subalit walang patumangang nilalait ang pamilya ni Ka Erdy. Masasamang salita ang sinasabi nila laban kay Ka Tenny na asawa ni Ka Erdy , at kina Ka Lottie, Ka Angel, at Ka Marc na mga anak nila. Ano pa’t hindi kayang sikmurain ng mga matitinong kaanib sa Iglesia ni Cristo ang kanilang ginagawang panlalait sa kanila. Ang pamilya diumano ni Ka Erdy ay nanggugulo at nagtatatag ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia. Gusto raw nilang mang-agaw ng kapangyarihan. Nakikialam daw sa pamamahala sa Iglesia. Binansagan pa nila si Ka Tenny na siya raw ang modern day Jezebel, at marami pang ibang akusasyon ang ibinabato nila sa pamilya. Palibahasa ang karamihan sa mga nagsasalita laban sa kanila’y mga bata pa noong ang namamahala ay si Ka Erdy kaya hindi na nila gaanong natatandaan kung paanong ipinagmalasakit ni Ka Erdy ang Iglesia, katuwang ang mga tapat at matitinong mga ministro, manggagawa at mga maytungkulin. Sa panahon ng pamamahala ni Ka Erdy ay buo at matatag ang Iglesia. Marami ang kumilala, gumalang at humanga sa Iglesia. May bumangon ding mga suliraning panloob gayunma’y agad nalunasan. May mga nang-usig at bumatikos subalit hindi natinag ang Iglesia dahil naroon ang pagtulong at pagkasi ng Diyos sa Pamamahala ni Ka Erdy. Hindi naging suliranin ng Iglesia at ni Ka Erdy ang kaniyang pamilya sa loob ng 46 na taong pamamahala niya. Sapagkat una, ang kaniyang butihing asawa na si Ka Tenny ay hindi kailanman nakialam sa pamamahala niya sa Iglesia. Ang kaniyang mga anak ay nakatulong sa iba’t ibang kapakanan ng Iglesia at wala ni isa man na nakagawa ng anumang bagay na nakasira o nakapagpahina ng katatagan ng Iglesia. Buo at maligaya ang kaniyang pamilya at hayag sa Iglesia na naghahari sa kanila ang pag-iibigan, at ito ay nagsilbing inspirasyon sa buong Iglesia. Masaya at tiwasay din ang buong Iglesia sa panahon ng pamamahala ni Ka Erdy.
Kung nakalakhan lang sana at lubos na nasaksihan ng mga nagsasalita ngayon laban sa pamilya ni Ka Erdy ang mabisa niyang pamamahala sa Iglesia at ang maayos niyang pangangasiwa sa kaniyang sariling pamilya, disinsana‘y hindi sila nagsasalita ngayon ng anomang laban sa kanila, maliban na lang kung may nakakaimpluwensiya sa kanilang tao o mga tao na ang taglay na kaisipan o espiritu ay hindi kaisa ng espiritung tinaglay ni Ka Erdy noong siya pa ang namamahala sa Iglesia.
Sa mga akusasyon ng mga nagsasalita ng laban sa pamilya ni Ka Erdy, ang pagtutuunan ng pansin sa akdang ito ay ang sinasabing si Ka Tenny diumano ang modern day Jezebel. Upang alamin kung mapatitibayan ang kanilang akusasyon, ay hindi maiiwasang alamin kung sino si Jezebel at kung paano siya ipinakikilala ng Biblia. Sa ibang pagkakataon tatalakayin ang ibang mga akusasyon laban sa pamilya ni Ka Erdy.
SINO SI JEZEBEL NA IPINAKIKILALA NG BIBLIA?
Si Jezebel ay isang babaeng taga-ibang lupa, subalit naging reyna sa Israel dahil kinuha siyang asawa ni Acab na isa sa mga naging hari sa bayan ng Diyos. Siya ay anak ni Etbaal na hari naman ng Sidon (o ng Fenicia). Palibhasa’y lumaki siya sa kaharian bilang isang prinsesa, nasanay siya na nakukuha kung ano ang magustuhan niya. Nang siya ay nakipamayan sa Israel bilang asawa ng hari ay nagpakumberte siya sa relihiyon ng mga Israelita at tinularan ang kanilang kaugalian, gayonman dinala niya sa Israel ang mga diyus-diyusan ng mga pagano, at hindi kinilala ang tunay na Diyos. Dahil din sa sulsol ni Jezebel nagumon si Acab na lider ng bayan ng Diyos sa paggawa ng masama sa paningin ng Diyos. Naging masamang hari siya hindi lamang dahil ipinagpatuloy niya ang masamang paghahari ni Jeroboam kundi nahikayat pa siyang maglingkod at sumamba sa mga diyus-diyusan. Ang katunayan ay ipinagtayo pa niya ng dambana si Baal sa mismong punong-lunsod, sa Samaria. (I Hari 16:31-33).
Si Jezebel ay isang masamang babae, mas masama pa kaysa sa asawa ni Potifar (na pinuno ng mga bantay ng hari ng Ehipto) na nang tanggihan ni Jose na siya’y sipingan nang nabighani siya sa kaniya ay iginawa niya siya ng usap upang ipahamak. Nakulong si Jose dahil sa panunulsol niya kay Potifar. Mas masama rin siya kaysa kay Delila na isang babaeng nagbibili ng aliw na dumaya at nagpahamak kay Samson na noon ay Hukom ng Israel. Nabihag ng mga kaaway si Samson at namatay dahil sa masamang ginawa sa kaniya ni Delila. Bukod sa si Jezebel ay mapakiapid, siya ay isa ring mangkukulam (II Hari 9:22). Isa rin siyang mamamatay-tao, siya ang nag-utos na ipapatay ang mga propeta na isinugo ng Diyos sa Israel (I Hari 18:4).Sa panahong naghahari si Acab ay tumakas si propeta Elias upang magtago dahil pinatutugis siya ni Jezebel upang ipapatay gaya ng ginawa niya sa iba mga propeta ng Israel. Nakialam si Jezebel sa pamamahala ni Acab sa bayan ng Diyos. Ipinapatay niya sa pamamagitan ng pagbato ng taong-bayan si Nabat upang makamkam ang kaniyang lupang ubasan sa Jezreel na ang kinaroroonan ay malapit sa palasyo ng hari. Ginawa niya ito upang pasayahin si haring Acab na gustong-gustong mabili at maangkin ang ubasan subalit hindi pumayag si Nabat kahit anong gawin niyang paghimok sa kaniya. Si Jezebel ang nagplano at nagpasya upang sa pamamagitan ng daya ay mapasakanila ang ubasan (I Hari 21: 2-7). Pinatunayan niya sa mga ginawa niya na siya ay makapangyarihan at magagawa niya kung ano ang gusto niyang gawin sa kaharian.
Sa mga ginawang ito ni Jezebel ay labis na nagalit ang Diyos sa sambahayan ni Acab. Inutusan ng Diyos si Elias na propeta upang sabihin kay Acab na “…isa kang mamamatay tao. Ngayon nama’y pangangamkam ang ginagawa mo. Malagim na parusa ang babagsak sa iyo, itatakwil kita.” Ito naman ang sumpa laban kay Jezebel: kakanin siya ng mga aso sa nasasakupan ng Jezreel. Sinuman sa angkan ni Acab ang mamatay sa bayan ay kakanin ng mga aso: sinumang mamatay sa bukid ay kakanin ng mga uwak (I Hari 21:20-24). Lulupigin ni Jehu (o Zimri) na hari ang sambahayan ni Acab para maipaghiganti ang mga propeta at ang lahat ng mga lingkod ng Panginoon kay Jezebel (II Hari 9:7). Si Jezebel ay lalapain ng mga aso sa kaparangan ng Jezreel at walang mag-aabalang maglibing sa kaniya (II Hari 9:10). Parang duming sasambulat ang kaniyang bangkay at walang makakakilala sa kaniya (II Hari 9:37). Lahat ng isinumpang ito ng Diyos laban kay Jezebel ay natupad sa kaniya. Inihulog siya ng mga bating mula sa balconahe, pinasagasaan sa karuwahe at nilamon ng mga aso ang kaniyang bangkay, ulo, kamay at paa na lamang ang natira. (II Hari 9:30-37).
Mula sa mga talatang ito ng Biblia ay nakilala natin si Jezebel, kung gaano siya kasama, at kung ano ang napakasamang kinahantungan niya. Kung ginawa rin ni Ka Tenny ang mga kasamaang ginawa ni Jezebel, angkop lang na tawagin siyang modern day Jezebel. Subalit, ginawa nga ba ni Ka Tenny ang katulad ng ginawa ni Jezebel na ipinakikilala ng Biblia? Ginawa ba niya na sulsulan si Ka Erdy noong siya ang namamahala upang gumawa ng kasamaan sa Iglesia, hikayatin si Ka Erdy na lumabag sa aral o sumamba sa diyus-diyusan at talikuran ang tunay na Diyos sa pamamagitan ng paglabag o pagsuway sa Kaniyang mga utos at tuntunin, at makialam sa pamamahala sa Iglesia? Nagplano ba siya at nagpatupad ng anumang bagay sa Iglesia sa ganang kaniyang sarili lamang, nakiapid, nangkulam o nagpahamak ng kapatid at pumatay ng tao? Naminsala ba siya ng mga ministro at manggagawa sa Iglesia, naging sakim o nangamkam ng ari-arian ng iba, ginawa ang balang maibigan sukdulang makapaminsala at makasakit sa iba? Subalit alinman sa mga kasamaang ginawa ni Jezebel ay hindi kailanman ginawa ni Ka Tenny. Ang mga kapatid, sa pangunguna ng mga ministro’t mga manggagawa at mga maytungkulin na nakasaksi sa pamamahala ni Ka Erdy sa buong Iglesia at sa pangangasiwa niya sa kaniyang sariling pamilya ang makapagpapatotoo nito. Kaya napaka-unfair at isang napakalaking kalapastanganan kay Ka Tenny, sa mga anak niya, kay Ka Erdy at sa buong Iglesia ang iresponsableng akusasyon sa kaniya ng mga hindi nakakakilala kung sino talaga siya. Kung mayroon mang nakakahawig ngayon si Jezebel ng Biblia, tiyak ay hindi si Ka Tenny iyon.
Kung sa kabila ng paghahayag na ito ay mayroon pa ring sinuman na magpaparatang na si Ka Tenny ay ang modern day Jezebel, tiyak sila ang mga taong hindi na makapag-isip kung ano ang tama at matuwid, kundi naiimpluwensyahan o napatatangay na lang sa isipan ng mga taong ang espiritung taglay ay iba na kaysa sa espiritung tinaglay ni Ka Erdy na tunay na nag-aruga, nagmalasakit at nagmahal sa kaniyang sariling pamilya at sa buong Iglesia. Kaya nakapamahalang mabisa si Ka Erdy sa Iglesia noon, napanatili niya itong buo at matatag sa buong panahon ng pamamahala niya, ay sapagkat una niyang pinamahalaang mabuti ang kaniyang sariling pamilya. Ayon sa pahayag ni Apostol Pablo, hindi makapamamahalang maayos sa Iglesia ang hindi nakapamamahalang maayos sa sariling sambahayan (I Timoteo 3:5 MB). Ganito ang nangyari kay Acab, sa halip na siya ang mamahalabilang hari ay nakubabawan ng masamang babaeng si Jezebel ang pangunguna niya sa bayan ng Diyos, kaya masasabing isang kabiguan sa kasaysayan ng Israel na naging hari nila si Acab. Namatay si Acab ayon din sa ipinagpauna sa kaniya ng Panginoon.
Isang panawagan lalo na sa mga ministro at mga manggagawa na bunga ng Pamamahala ni Ka Erdy at kaisang espiritu niya: Mga kapatid, huwag tayong pumayag na baluktutin ninoman ang katotohanang tinanggap natin sa panahon ng Pamamahala ni Ka Erdy ni pasamain ang kanilang imahe sa panahong ito na wala na siya, at ang pamilya na lang niya ang ating kasama. Hindi pa huli ang lahat, muli nating papag-isahin ang ating puso at isipan. Sawatain natin ang umuusbong namga kaisipan sa Iglesia na ibang-iba na sa kaisipan o espiritu na tinanggap natin sa panahon ng pamamahala ni kapatid na Felix Y. Manalo at ni kapatid na Eraño G. Manalo.
A.E.
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Official Website: http://www.incdefenders.org/
http://www.incsilentnomore.org
Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
You must log in to post a comment.