VOICE OF THE BRETHREN: Sulat po sa atin ng mga kapatid…
Brod Ton good day! napansin mo ba may ginawa din palang site yun kampunsangguni unmask…”- binasa ko rin pero nakakasuka, nag try silang sagutin kuno ang ilan lang naman sa issue tulad nun sa Japan tax evasion case, coffee table, humble texas for sale-mukhang nag hire pa sila ng atty para maghanay ng sagot nila hahaha !!! tapos wala na kasunod..pati sa FB mo dami nagsulputang alagad nila, takot din magpakiklala pero grabe gagaspang ng mga ginagamit na salita name dropping pa talaga- dapat yun ang i trace ng mga activ at itiwalag agad, kya sa ginagawa nilang yan lalo lang hinahanap lagi ng mga kapatid yun mga article mo bro pati ako addict narin paggising ko sa umaga agad ko open ang site mo kung may bago- lahat kasi naman ng sinasabi mo totooo, kasi isa ako sa nagpapatotoo kasi dati rin akong nag office sa Central ng 30 years at na destino sa Manila- pero mas grave ngayon kasi dati barya barya lang ngayon condo condo na. hay nako Bro kailan kaya matatapos ang pakikpaglaban nating ito? balita ko nga may cancer daw ang ka EVM gaano ba katotoo ito? kaya ba inihahanda na ng Sanggunian ang takeover nila? nako dyan na tayo hindi papayag, magkakamatayan na.
alam mo yun lesson nitong Thursday na hanay ni ka Benef ito lang yun lesson na ok na ok kasi walang halong application na kesyo paglaban sa Pamamahala at patama kay Anton, kaya sarap ituro kasi ukol sa panalangin. iwasan lang natin ipanalangin sa tribuna ang family ng ka Erdy kundi matutulad tayo sa isang ministro sa Tarlac, hayun suspendido yata ang kawawang minstro. pero ths coming sunday hayan binago na naman at namili pa talaga ng ministrong mapagkakatiwalaan daw para mag magturo sa lesson, kaya hindi lahat sa sunday ay makakapg texto, pag di ka sugo, meaning no good ka na hindi ka mapagkakatiwalaan- buti nalang kasama pa ako sa may sugo hahaha. pero yun 01 namin hindi rin nya gaanong binabanggit yun ukol kay Anton parang pag nagturo sa klase parang dinaanan lang yun lesson at yun naman ang tama, wala rin syang paki alam sa mga computers, CP etc na gamit ng family ng ministro, yun ang ok na ok. kasi nga marami tayong mga kabaro na silent lang but no more belib sa kanila hahaha.
hay nako Brod Anton, sa yo nalang kami nag uulat ng saloobin namin, wala eh saan pa tayo mag uulat? pary nalang tayo na sana matapos na ito. ingat lang lagi Bro, ingat din kami lagi baka ma trace kami hehehe
============
Maraming salamat po Kapatid, hindi po natin hinahangad kailan man ang kapurihan, iisa po tayong lahat ng layunin at ito ay ang maingatan ang ating pinakamamahal na Tagpamahalang Pangkalahatan at maalis ang lahat ng uri ng karumihan sa Iglesia upang manumbalik ito sa kaniyang malinis at walang dungis na kalagayan.
Ukol sa Kalusugan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo, bagam’t marami po akong naririnig na ipinapakalat daw ng Sanggunian na health issues ng Ka Eduardo para ihanda ang loob ng Iglesia kung sakali mang sila ang pumalit sa Ka Eduardo, subalit wala po itong katiyakan at hindi po ako kailanman magsusulat ng ukol sa anomang bagay na hearsay lamang po o sabi-sabi, tinitiyak konglahat ng akong isinisiwalat sa aking mga isinusulat ay pawang mayroon akong personal na kabatiran o pinanghahawakang ebidensya. Sa tulong at awa ng Panginoong Diyos ay dumadamai na po ang mga kapatid na nakakaalam ukol sa mga impormasyong ito, gising na ang maraming makapatid kaya hirap na ring makakilos ang mga taga-sanggunian sa kanilang ginagawang mga katiwalian. Busy po sila sa pagtatago ng ebidensya ukol sa kanilang mga hindi maipaliwanag na kayamanan. At pagdating ng takdang panahon ay ihahayag din sila ng Panginoong Diyos. Patuloy po tayong sumampalataya na ang Iglesia at ang Ministeriong ito ay sa Panginoong Diyos at hindi sa kanino mang tao o grupo ng tao, ang Diyos ang siyang mag-iingat sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan. maraming salamat po.
-Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”
Official Website: http://www.iglesianicristosilentnomore.org
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE
You must log in to post a comment.