LET YOUR VOICES BE HEARD:
For almost a month now that i’ve been reading the BLOG of AE at bilang isang kaanib sa INC buong buhay ko at ng aking pamilya! I cant help but seek for the truth. Siguro naman po at karapatan din namin na makahanap ng sagot sa laht ng mga nangyayaring ito. For the last 2weeks na pagsamba, wala kaming narinig kundi ang PAGTITIWALAG sa mga hindi napapasakop sa Pangangasiwa. Binasa ko namang mabuti ang sinulat ni AE, wala akong nabasang kahit anuman na paglaban sa pangangasiwa, maliban na lang kung mali ang pagkakaintindi ko! Pero naniniwala ako na iminulat ako ng aking mga magulang na ginugol ang buong buhay sa pagtupad ng tungkulin na maging mapagpasakop sa pamamahala!
Medyo matagal tagal na rin naman na nagiging usap usapn kundi man nagiging biruan na ang tungkol sa sunod sunod na tanging handugan at ng mga bagay na bago ukol sa ating paglilingkod. Ngunit dahil na rin sa pananampalataya, patuloy kaming sumusunod at tumutupad sa lahat ng panawagan ng pangangasiwa! Ganun naman dapat di ba!? Magrereklamo lang pero susunod naman dahil, ganoon iyon eh! Udyok ng pananampalataya! Madalas sabihin ng mga kapatid o ng mga may tungkulin na nasa loob na ang pag uusig, na matira ang matibay! Hindi namn tayo bulag na taga sunod dahil labis nating itinatanggi na isa tayong kulto kagaya ng paratang ng mga hindi natin kapapanamplataya!
Ngunit bakit ganoon!? Naalala ko pa noong ipahayag ang tungkol sa pagbabawal sa mga pamilya , asawa ng mga ministro at mga ministro sa paggamit ng anumang social media. Hindi naging maganda ang dating at may halong pag kaawa sa mga kaibigan nating pamilya ng mga ministro, dahil iyon lang ang paraan to communicate at maging malapit sila sa mga kapatid! Sharing pictures, kumustahan! I dont see anything wrong sa lahat ng ito kung wala naman itinatago ang isan tao, kagaya na lang ng ginagawa ng halos lahat ng tao sa mundo. It is a choice! kung ano ang gusto mong ipaalam sa mga taong gusto mong makaalam ang FB, noong isa isang nagpaalam ang mga asawa ng mga ministro na iiwan na nila ang FB, you cant help but ask WHY!? pero ngayo ay naiintindihan ko na!
Habang binabasa ko ang Blog ni AE, I try to have an open mind at the same guarding my faith! Ngunit habang binabasa ko ito, mas lalo ko lang minahal ang Pananampalatayang nag buong buhay! Kung noon ay sarili, pamilya ang laging laman ng panalangin ko, ngayon ay buong iglesia ang palaging laman ng pananlangin ko! dahil na rin sa mga nagyayari sa loob ng Iglesia!
Kung titignan mo naman lahat ng ito! BUHAY ANG PAGKAKAISA SA INC, IISA ANG IPINAGTATANGOL NG LAHAT NG MGA KAPATID! ANG BANAL NA IGLESIA NI CRISTO! Wala namang pinagtatalunan dito na lalabag sa Doktrina! Pero, bakit nga ba me pagtatalo!? Iisa ang laging laman ng AE blog. ANG KATIWALIAN SA LOOB NG INC! Bilang isang naghahanap ng kasagutan, we also read the answer from the blogspot, peor sad to say, mas lalo lang nadidiin ang Katiwalian sa loob dahil, HINDI PO BOBO ANG MGA KAPATID sa loob ng INC, hindi naman ninyo nasasagot ng maayos ang mga akusasyon eh, common sense lang naman di po ba!? Bakit ho kasi, kailangan pa ninyong pagtakpan ang anumang katiwalian na nangyayari sa loob!? INC po ba ang pinuprotekhan ninyo? O mga Tao na sangkot sa mga inihahayag na katiwalian? Palagi ninyong sinasabi na, ipasa Diyos na lang natin ang paghahayag o pagpaparusa sa mga me kasalanan! Hindi pa ho ba Paghahayag ang mga nangyayaring ito? Wala pong lumalaban sa Pamamahala! Lahat tayo gustong protektahan ang Pamamahala! Pero, ano na ba ulit ang punot dulo nito? Di ba nagkakaroon lang tayo ng pagtatalo ngayon dahil sa CORRUPTION! nasaan ho ba ang Corruption? Bakit hindi Putulin ang Corruption!? Bakit hindi alisin ang Sakit na nagiging sanhi na pagkakaba bahagi (opinyon) ng mga kaptid?
Nakakalungkot na kelangan dumating tayo sa puntong, me kailangan panigan sa loob ng INC, kung iisa lang naman ang ipinagttatangol nating lahat, ang kalinisan at katatagan ng ating Iglesiang minamahal! Ang kalinisan (no corruption, no hidden agenda, pananamantala). Sana alisin sa gitna nating lahat ang dahilan ng lahat ng ito! Na syang dahilan ng unti unting pagkakaba bahagi ng mga Kapatid! Buong puso akong naniniwala na sa lahat ng nagyayaring ito, mas marami ang mga kapatid na maninindigan sa totoo, na mas magiging matatag pa sila sa paglilingkod, na gagawin ang tama ng may patnubay ang ating Ama! At sana, mangyari ito sa lalong madaling panahon!
=============
Maraming salamat po sa inyong mensahe. Talaga pong ang nais natin ay maturuan (educate) ang mga kapatid, hindi upang kampihan ako o maniwala lang sa akin, kundi ang magsuri at magsaliksik sa katotohanan. Timbangin ang mga impormasyon at mga ebidensya upang mapagtimbang natin kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan o katha lamang. Hayaan nating ang Espiritu Santo ang gumabay sa atin upang makaalam ng katotohanan at ang Panginoong Diyos naman ang magkakaloob ng pagtatagumpay sa lahat ng ating paggawa at pagmamalasakit alang-alang sa Iglesia upang maibalik ito sa kaniyang malinis at walang dungi na kalagayan. Maraming salamat po.
-Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”
Official Website: http://www.iglesianicristosilentnomore.org
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Email: [email protected]
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” - AE
Reblogged this on INC Contemplation by Robert Ramos and commented:
INC Thinking class...with the blessings of our almighy God, he had open up our eyes and mind to fight for the truth and return the church to its unblemished state.