Maraming mga ministro at mga may tungkulin sa Pananalapi ang nag-ulat ng resulta ng nakaraang Pasasalamat para sa ika-101 anibersaryo ng Iglesia. Maraming kapatid ang naghulog ng sobreng walang laman, o kaya ay piso ang laman at may nakasulat pang “piso para kay JS” (Jun Santos). Ang iba naman ay may lamang mga sulat na kinukuwestiyon ang mga korupsiyon at katiwaliang ginagawa ng Sanggunian. Subalit ang nakararami ay ang biglang pagbagsak ng halaga ng kanilang mga handog. Sabi ng isang taga Midwest, “Ang ihahandog ko po sana ay $1,000.00 pero ginawa kong $10.00 na lang. Inihulog ko na lang sa Tanging handugan para sa lokal ang iba. Matitiyak ko pa na kunin man nila ay may halagang matitira at magagamit pa rin ang aming lokal.” Ganito ang sentimiyento ng mga kapatid sa buong mundo. Maging ang mga abuloy sa karaniwang pagsamba ay labis nang humina.
Iniisip ng Sanggunian na hindi naniniwala ang mga kapatid sa mga katiwalian at korupsiyon na kanilang ginagawa. Gayunpaman, ito ay pinabubulaanan ng kasalukuyang kalagayan ng abuloy ng mga kapatid. Kahit ang mga naghandog ng malaki ay nagsasabing ginawa nila iyon dahil sa doktrina at dahil sa sa Diyos sila naghahandog. Na kung ito man ay gagamitin ng Sanggunian lalo na ni ka Jun Santos sa katiwalian ay lalo lang nilang pinabibigat ang kanilang kasalanan at ang katapat nito ay ang lalo ring mabigat na kaparusahan. Ang mga pangyayaring ito ay naghahayag hindi lamang ng pagdududa kundi ng matibay na katunayan na hayag na sa mga kapatid ang ginagawa ng Sanggunian. Kung natatakot man sila sa mga pagbabanta at maaaring gawin sa kanila ng Sanggunian ay pilit pa rin silang gumagawa ng kaparaanan (sa pamamagitan ng abuloy) upang maihayag ang kanilang pagtutol sa korupsiyon ng Sanggunian.
Maisip sana ng Sanggunian na ang abuloy sa Iglesia ay namalaging pinagtatalagahan ng mga kapatid sa kabila ng katotohanan na inatangan nila sila ng “lalong mabigat na pasanin” at pinapasok sa Iglesia ang malaking bilang ng taong hindi naman sumasampalataya kundi sumasampa-sa-lata ng mga sardinas. Hindi upang maging kaanib ng tunay na Church of Christ kundi ng Church of Rice, hindi upang maging Iglesia kundi upang maging Iglecerio. Kaya kung bumulusok man ang handugan sa Iglesia, ito ay isang SIGAW NG DAMDAMIN ng buong Iglesia. Ito ay katumbas ng “TAMA NA, HINDI NA KAMI PAPAYAG NA NILULUSTAY NG SANGGUNIAN ANG BANAL NA ABULOY NG IGLESIA. DAPAT NANG MAPUTOL ANG KORUPSIYON AT KATIWALIAN. DAPAT NANG MAIBALIK ANG IGLESIA SA KANIYANG DATING BANAL NA KALAGAYAN.” Ito ay isa ring babala sa mga tiwaling miyembro ng Sanggunian na malapit nang matapos ang kanilang ginagawang kasamaan sa banal na Bayan ng Diyos.
Ako ay sumasampalataya na ang paghina ngayon ng abuloy ay pansamantala lamang. Hindi ito nangangahulugan na ayaw na o bumagsak na ang pagkakilala ng mga kapatid sa kahalagahan ng abuloy. Hindi ganoon kadali matibag ang pananampalataya ng mga kapatid. Alam nila na aral ng Diyos ang pag-aabuloy pero alam din nila ang tuntunin sa pag-aabuloy at kung ano-ano ang tamang kaukulan into. The sudden and rapid decline in the offerings of the Church is an expression of a strong sentiment and a silent protest against the corruptions being committed by the Sanggunian members as led by the General Corruptor (I mean Auditor of the Church, the honorable, brother Glicerio B. Santos, Jr. Once they are out of the picture, the sceneries will once again be pleasant and peaceful and everything will be back to normal. Muli, ay pagtatalagahan ng mga kapatid ang paghahandog at pag-aabuloy sapagkat makatitiyak na sila na ang kanilang mga handog ay magagamit na lamang sa kaniyang mga banal na kaukulan.
-Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”
Official Websites: http://www.incdefenders.org/
http://www.iglesianicristosilentnomore.org
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Email: [email protected]
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – A
I am not angry with anyone in your group. But do not be envious and jealous if your wife does not have an imported or designer bag. Restrain your wife from focusing her NVG upon things owned by others and do not make yourself available to the materialistic demands of your wife. Remember that nothing material will bring us to the promise made by God for His children even prior to creation. Do not do things haywire if others are doing it. For you are accountable only to your frailties and not others.
You have no choice for you have to obey the law of God for it is mandamus. And pretending and mouthing not to go against the Administration, by way of doing your advertisements in a subtle manner, will not heal your pains. I am in pain for I never expected that those few like you whom I also expected to bring us towards perfection in the faith are the very ones trying to pull me down into the abyss of destruction and humiliation.
But no, I can't go somewhere else. For my own frailties have taught me a lesson that there is no substitute for being inside and not outside. I have to abandon your group's temptation. You can't offer me salvation and the Sanggunian is not the reason for my being inside. God called me and I do not wish to follow you even if you hide your intents and purpose in order to have a ready victim. My father and mother brought me to this God's calling and there is no regret.
I will always love sunshine for the light of the earth is akin to it and not the darkness which the pseudo-religions proselytize. I will hope for my love of sunshine to continue always for no salt on earth is formed if religious derelicts continue to obfuscate the path towards everlasting happiness. You should had know better.
The amount of offerings are on the rise and not decreasing. Remember that members of the true Church do not serve men.
http://Pay4invite.com/?ref=12837
Ang husay mong gumawa ng kuwento...kung dati kang ministro, advise ko lang Antonio Ebanghelista, sa nakikita ko, magsulat ka na lang ng mga nobela...may future ka sa career na iyan...hehehehe...
Sumulong ang lokal namin, ewan ko pano mo nasabi na umurong, at pano mo nasabing naghulog ng piso, ikaw na nananawagan na huwag mag abuloy, isasama mo pa kami sa kamaliaan mo, mga matalinong naging mangmang dahil sa pagkaingit.
naiinggit ka lang kay ka santos
paraparaan lang mga banat mo antonio. paulit ulit yung bago naman
Iyung mga pumupuna sa amin, napuna niyo na ba ang mga sayawan ngayon sa Iglesia? Meron ba dati sa panahon ng Sugo at Ka Erdy? Rap, reggae at hiphop na Christian Music? Walang kabuhay-buhay na awit sa pasalamat pa man din?
Alam natin lahat iyan. Nasisikmura ba iyan nila Ka Bien Santiago? Ka Bularan? Ni hindi nga sila makatawa noong nagjo-joke ang Ka Eduardo sa pagsamba sa Sacramento . Alam kasi natin na pinalalala lang ng mga leksiyon ngayon ang sugat ng Iglesia. Ang Iglesia ang kawawa. Eh iyung mga nakapaligid sa Ka Eduardo? Busog na busog. Tuwang tuwa. Tama ba iyung narinig kong sagot noong isang ministro na "inggit lang kayo". Ang kapal mo Brod. Baka banggitin ko pangalan mo. Saan ba galing ang bago mong kotse? Sa Ka Eduardo ba? Sariling pera ba niya? Iyung First Class Condominium na ipinagawa na ang mga may unit ay mga nakapaligid kay Ka Jun Santos, ang isa ay tagabasa ni Ka Eduardo, 2 unit pa na worth 3 million each na ipinangalan sa anak niya, Kaninong pera ipinagpagawa noon? Handog iyun ng mahihirap na kapatid. Wala ba kaming karapatang magtanong? Kapag nagbibiyahe at nagpapawithdraw sa USMO ng $500,000 o kaya ay $700,000 at minsan ay $900,000, may liquidation receipt ba ang mga iyon? Saan napunta ang mga iyon? Pocket money at allowance po iyon ng mga kasama sa PAGDALAW o VISITATIONS. Pero walang maayos na accounting. Kaya bawat BIYAHE, pocket money pa lang, katumbas na ng isang kapilya sa dami ng kasama sa biyahe. Pamasahe at hotel pa. At hindi basta basta hotel dahil kita mo sa sobrang mahal ng reservation dahil nga sa hindi naman maayos ang schedule ng mga pagdalaw. Arkila ng MGA sasakyan dahil marami ngang kasama. Sa pamilya lang, iba ang sa Ka Eduardo, iba minsan ang sa Ka Babylyn at Iba sa pamilya ng Ka Jojo, Ka Angelo at Ka Christine. Magakano lahat iyun? Pati sa mga STF? Mga ministrong kasama? Masaya ba kayo ng dumalaw ang Ka Eduardo? Masayang masaya. Pero pwede namang magtipid siguro para sa Iglesia?
Nasa tao ang lihim, NASA DIOS AMA ANG PAGHAHAYAG!....
DI PA KAYO NAMAMTAY SINUSUNOG NA KALULUWA NYO SA IMPYERNO!
SAU BAGAY SAU DEMONYO KASI KAYO!
expose mo patunayan mo totoo lahat sinabimo ,kung matapang ka, hindi dito sa social media ang labanan..lumaban ka ng patas,, dami ba naakay mo Antonio ebangelista?
Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, magbasa ka naman ng Biblia (pag may time) at intindihin mo ang iyong binabasa (all the time). Excerpt from Brother Joel V. San Pedro post. Please click the link to read more from him para maliwanagan kayo sa mga pangyayari sa Iglesia ngayon. Ito'y HINDI ISANG BAGONG BAGAY.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1452635401729558&id=100009493378034#!/joel.sanpedro
Joel V. San Pedro
A MOTHER'S CONCERN
It was about that time that the mother of the Zebedee brothers came with her two sons and knelt before Jesus with a request.
"What do you want?" Jesus asked.
She said, "Give your word that these two sons of mine will be awarded the highest places of honor in your kingdom, one at your right hand, one at your left hand."
Jesus responded, "You have no idea what you're asking." And he said to James and John, "Are you capable of drinking the cup that I'm about to drink?"
They said, "Sure, why not?"
Jesus said, "Come to think of it, you are going to drink my cup. But as to awarding places of honor, that's none of my business. My Father is taking care of that." (Matthew 20:20-23, The Message)
THE TRUE BROTHER, SISTER AND MOTHER OF OUR LORD JESUS CHRIST
Matthew 12:47-50:
Someone told Jesus, "Your mother and brothers are out here, wanting to speak with you." Jesus didn't respond directly, but said, "Who do you think my mother and brothers are?" He then stretched out his hand toward his disciples. "Look closely. These are my mother and brothers. Obedience is thicker than blood. The person who obeys my heavenly Father's will is my brother and sister and mother."
Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, anong karapatan mong mangaral ngayong nasa labas ka na ng Iglesia? Basahin mo ang post ni kapatid na Jose Ventilacion. Sana matauhan ka at mag isip-isip muna pag may time.
https://www.facebook.com/#!/profile.php?id=100009493378034&fref=nf&pnref=story
Ang tingin at pananaw ko sa ilang mga ministro at mga kaanib na tumalikod sa pananampalataya
Nitong mga nakaraang araw ay nakita natin at narinig ang ilang mga ministro na ginamit ang social media upang bumitiw sa tungkulin bilang ministro. Nabasa din natin ang kanilang mga dahilan kung bakit nila ito ginawa. Gayunpaman, bagama’t ang kanilang mga pangangatuwiran sa pag-urong ay magkakaiba, lahat ng ito ay nauuwi lamang sa iisang konklusyon: hindi sila naniniwala na ang Iglesia Ni Cristo ay sa Diyos at si Kapatid na Felix Y. Manalo ay Sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang kanilang pagtalikod sa pananampalataya at paglisan o pag-urong sa ministeryo ay nagpapakita ng kanilang mababaw na pagkakilala sa karapatan ng Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia.
Hindi na tayo nagtataka na sa panahong ito ay may mga ministro gaya ni Louie Cayabyab na ginamit ang tribuna upang ipahayag ang kaniyang pag-urong sa ministeryo. Hindi na ito isang bagong bagay dahil sa noon pa mang una ay ginawa na rin ito nina Teofilo Ora at ng kaniyang mga kasama nang sila ay maghimagsik laban kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Maging sa panahon ng pamamahala ng Kapatid na Eraño G. Manalo ay naghimagsik ang mga katulad nina Lucio Silvestre at Berting Pajanel na nagtatag pa ng kanilang sariling relihiyon.
Hindi ako magtataka kung ang mga ministrong ito na itiniwalag sa Iglesia ay lilitaw at mangangaral ng ibang iglesia o kaya ay gagamitin ang pangalan ng tunay na Iglesia upang ipahayag ang kanilang mga likong isipan at maling paniniwala. Ang ibang mga natiwalag noon ay umanib sa ibang iglesia gaya nina Raymundo Mansilungan at ang iba na nagdilim ay nangaral pa na ang ating Panginoong JesuCristo ay tunay na Diyos daw. Kung sakaling sa darating na panahon ay muli ninyo silang makakaharap, ang unang bagay na dapat ninyong itanong sa kanila ay ang kanilang karapatan. Ano ang kanilang karapatan o awtoridad sa pangangaral? Saan galing at paano nila tinamo ang karapatang ito sa pangangaral?
Ang mga tunay na ministro sa Iglesia Ni Cristo ay natamo ang karapatan sa pangangaral mula sa karapatan na ipinagkaloob ng Diyos kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Malinaw na pinatutunayan ng mga hula na nakasulat sa Biblia ang kahalalan at karapatan ni Kapatid na Felix Y. Manalo sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang isa sa mga hulang ito ay nakasulat sa Apocalipsis 7:2-3 ukol sa “ibang anghel” at mga kasama niyang “magtatatak” sa mga alipin ng ating Diyos. Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ito ay itinatatak sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo at tinatanggap ito ng pinangaralan kapag sinampalatayanan ang ebanghelyo ayon sa Efeso 1:13.
Sinasampalatayan natin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang katuparan ng hinuhulaang “anghel” o “Sugo” na magmumula sa Silangan na magtatatak o mangangaral ng ebanghelyo na kalakip ang Espiritu Santo. Ang karapatang ito na ipinagkaloob ng Diyos sa kaniya ay natamo rin ng mga ministro na sumampalataya sa kaniyang kahalalan at naging kasama niya sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo. Kaya, bagama’t maraming mga nangangaral sa panahon natin, ang mga sugo lamang ng Diyos sa pangalan ni Cristo ang siyang mga nagsasalita para sa Diyos at mga nangangasiwa ng pakikipagkasundo ng tao sa Diyos ayon sa 2 Corinto 5:18-20.
Kaya kung ang mga natiwalag na mga ministro ay lilitaw at magsimulang mangaral, dapat natin silang tanungin: “Mula kanino ninyo tinamo o kinuha ang karapatan sa pangangaral”? Ang mga nangangaral bang ito na wala na sa Iglesia ay may karapatan pang mangaral sa atin? Sa palagay ba ninyo ay may dalang katotohanan ang mga taong sinira ang kanilang pananampalataya gaya nina Himineo at Alejandro na kapuwa ibinigay kay Satanas? May dala ba silang katotohanan na maghahatid sa tao sa kaligtasan?
Ayon sa Biblia, ang Pamamahala ay inilagay ng Diyos sa Iglesia upang magpahayag ng Kaniyang mga salita (Colosas 1:25). Kung hindi sila nakaugnay sa Pamamahala, papaano sila magiging kaugnay ni Cristo at higit sa lahat ay paano sila magiging kaugnay ng Diyos? Tandaan natin ang ipinahayag ng ating Panginoong JesuCristo: “sinuman na tumatanggap sa sinugo ko ay ako ang tinatanggap, at sinumang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang Ama na nagsugo sa akin” (Juan 13:20 NLT).
Ang mga hindi tunay na tagapangaral ay may gagawing malaking gampanin: dapat nilang ipakilala ang tao na kinikilala nilang sugo ni Cristo at sa kaniya sila nakaugnay upang maugnay sila kay Cristo at sa Diyos. Subali’t ngayon pa lamang ay hindi na nila magagawa ang napakalaking hamong ito sapagka’t wala nang susunod na gawaing pagliligtas sa gawaing sinimulan ni Kapatid na Felix Y. Manalo dahil ang kasunod nito ay Araw na ng Paghuhukom ayon sa Apocalipsis 14:9-16.
Kaya kanino tutungo at makikipag-ugnay ang mga tumalikod na ministro gaya nina Louie Cayabyab upang tumanggap ng buhay na walang hanggan? Ang tanong na ito ay nakakatulad ng itinanong ni Apostol Pedro kay Cristo nang siya at ang kaniyang mga kasama ay tinanong “nais ba ninyong magsialis din naman?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Nasa iyo ang mga salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan at kami ay sumasampalataya na ikaw ang Banal ng Diyos” (Juan 6:67-69 NLT).
Ang paghiwalay sa Iglesia ni Cristo ay katumbas ng paghiwalay kay Cristo sapagka’t si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay iisa (Colosas 1:18; Efeso 2:15). Ang Iglesia ang may kaugnayan kay Cristo ayon sa Efeso 5:30-32 MB. Kung ang isang tao ay wala sa Iglesia, wala siyang kaugnayan kay Cristo sapagka’t ang mga nasa labas ng Iglesia ay walang pag-asa sa kaligtasan at walang Diyos (Efeso 2:11-12 NPV).
Kaya ang mga taong tumalikod mula sa tunay na Iglesia ay dapat na magsikap na makabalik sa tunay na pananampalataya. Dapat din silang sumampalataya sa Diyos katulad ng ginawa ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Sumampalataya siya sa Diyos sa buong panahon ng kaniyang ministeryo. Hindi siya binayaan ng Diyos na nag-iisa at tayo ang mga buhay na saksi kung paano siya tinulungan ng Diyos. Ang pagtitiwala sa magagawa ng Diyos ang siya ring itinuro sa atin ng Kapatid na Eraño G. Manalo noong siya ay nabubuhay pa at ito rin ang patuloy na itinuturo sa atin ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Kaya ang tanong ko sa mga natiwalag na mga ministro at mga kapatid: “Saan manggagaling ang tulong na inaasahan ninyo lalo na ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa? Sino ang magbibigay sa inyo ng buhay na walang hanggan ngayong wala na kayo sa Iglesia”? Dili-dilihin ninyong mabuti ang mga bagay na ito dahil sa nakagawa kayo ng malaking pagkakamali nang lagutin ninyo ang inyong kaugnayan sa pumapatnubay sa inyo at umaakay sa inyo sa kaligtasan na walang iba kundi ang Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia (Colosas 1:25, 28-29).
Marami na tayong hinarap na mga problema sa nakaraan, hindi lamang mula sa labas kundi maging sa loob ng Iglesia. Naranasan natin ang mga pagsubok at mga pag-uusig. Pinabayaan ba tayo ng Diyos? Hindi ba tinupad ng Diyos ang Kaniyang mga pangako sa Sugo at sa buong Iglesia ayon sa Isaias 41:9-16? Mahina ba ang Diyos na nangako sa atin upang lunasan ang ating mga suliranin? Bakit sa halip na magtiwala sa Diyos ay pinanghawakan ninyo ang inyong pansariling karunungan at mahinang kakayahan upang lunasan ang diumano’y kasalukuyang suliranin ng Iglesia? Bakit hindi ninyo hinintay ang Diyos na kumilos upang lunasan ang suliranin? Mahirap ba para sa Diyos na lunasan ang sinasabi ninyong mga problema at mga panganib? Bakit sa halip na maghintay sa Diyos ay sa inyong mga kamay na mahihina at kakayahang pansarili ninyo nilunasan ang diumano’y mga suliranin ng Iglesia?
Ang Diyos ang may-ari ng Iglesia at Siya ang nag-aayos nito ayon sa Kaniyang minagaling (1 Corinto 12:18). Inilagay Niya ang Pamamahala sa Iglesia upang tayo ay pangunahan at akayin sa kaligtasan. Dapat sana ay sa Pamamahala ninyo idinulog ang inyong suliranin at hindi sa mga taga labas ng Iglesia na walang karapatan na humatol o magpasiya sa anumang sigalot ng mga magkakapatid sa Iglesia (1 Corinto 6:4-6 MB).
Sa kasalukuyang nagaganap ngayon, kailan kaya ninyo mararamdaman na ang ipinakikipaglaban ninyo ay mauuwi lang sa walang kabuluhan? Hindi kayo magtatagumpay laban sa Diyos na Siyang naglagay ng Pamamahala sa Iglesia (Colosas 1:25). Lumalabas ngayon na ang kinakalaban ninyo mismo ay ang Diyos kaya tiyak na hindi kayo magtatagumpay.
Tinatapos ko ang pagpapahayag na ito sa pamamagitan ng paghamon sa inyong lahat na isipin ninyong mabuti ang inyong kasalukuyang kalagayan at magbago kayo ng pag-iisip. Kung pipiliin pa rin ninyong makipaglaban sa Iglesia at sa Pamamahala, ako at ang milyong mga ministro, maytungkulin at mga kaanib sa buong mundo ay tiyak na maninindigan laban sa inyo! Hindi kayo mananaig sa amin dahil kasama namin ang Diyos na Siyang naglagay at naghalal kay Kapatid na EDUARDO V. MANALO bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia.
Buong-buo ang aming pagtitiwala sa kaniyang kakayahan bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng buong Iglesia dahil sa nakita naming pagtulong at basbas ng Diyos sa kaniyang pamamahala. Buong puso kaming susunod at patuloy na pasasakop sa kaniya dahil sa ito ang utos ng Diyos na nakasulat sa Hebreo 13:17. Kahit anuman ang mangyari sa buhay namin at sa mundo, patuloy kaming makikipagkaisa at hindi kami tatalikod sa pananampalataya dahil ito ang sinumpaan namin sa Diyos nang kami ay hirangin Niya sa loob ng banal na Iglesia at sa ministeryong pinaglagyan Niya sa amin.
Idinadalangin naming lagi sa Diyos na pagkalooban siya ng ibayong kapangyarihan at natatanging karunungan upang patuloy niyang mapangunahan at maakay kami sa mahirap at mapanganib na paglalakbay upang makarating kami sa piling ng Ama at manirahan sa bayang banal.
corny ng post mo ae...childish...hahaha..nakakatawa ka nmn. desperado
Ako po ay kaanib sa INC na lubos na nalungkot dahil sa mga ngyayari ngayon sa Iglesia.
May pinapaaral po ako sa ministeryo ngayon ang isa kong kapatid. Ako ang unang naconvert sa INC noong January 30, naakay ko nadin ang aking nanay, 4 kong mga kapatid at ang kanilang mga asawa at mga anak, mula lamang noong 2010 hanggang ngayon ay nakapagbunga na aq ng 11.
Hinahangaan ko at ipinagmamalaki sa mga kakilala, kaibigan katrabaho ang pamilya ng sugo na namumuhay ng simple, masaya at role model sa mga kapatiran. Nagkamali po pala ako!
Una, Ang tanong ko sa aking sarili "Kakalabanin kba ng nanay mo, mga kapatid mo kong ikaw ay mabuti o mabait na anak o kapatid?
2. Bakit po tiniwalag din si Ka Mark Manalo? Ano po ba ang kanyang violation? Hindi nmn po sya nagsalita sa media...
3. Bakit po hindi pinalitan yong 2 sangunian na involved na inaakusahan ng korupsyon? Para mawala ang pangamba ng mga kapatid at alang alang sa delikadisa at kapakanan ng IGLESIA...
4. Ayaw kong sumali sa welga, vigil o ano pamang kilos protesta kasi lumalaban naq sa pamamahala non.
Pero sa aking puso, mga kapatid masakit, nasugatan ako nasaktan sa mga nangyari maraming tanong na namumuo sa aking isipan na kumekwestiyon sa pamamahala. Pero dahil INC ako hanggang isip nlng, maging ang mga destinado walang alam.
Gusto kong mawala ang katiwalian.
Gusto kong bumalik ang dati kong pananampalataya pero paano?
Kahapon huwebes sumamba ako sa pagsamba yon nanaman ang topic pinatamaan nanaman ang pamilya manalo. Imbes na 100 ang ihandog ko ang naihulog ko 2pesos.
Hindi ko alam bkit ayaw ko ng maglagak.
May lagak ako simula enero hangang july pero nito lamang inihinto ko na.
Ipinanalangin ko lagi sa AMA na tulongan nya akong sumigla muli at ituro sa akin kong ano ang TAMA.
Hiling ko din po sa AMA na maayos na sana ito.
SALAMAT
Hindi po ako naniniwala sa lahat ng sinasabi nyo. Hindi ako ministro. Isang pangkaraniwang miyembro, laki sa aral ng Iglesia ni Cristo, mang-aawit, kalihim at minsan naging finance officer ng local.
Simple lang po ang mensahe ko sa inyo. Diyos ang magaayos ng lahat ng mali. Sa Diyos tayo naglilingkod. Kung may katiwalian man na nangyayari, hindi ba dapat Diyos ang kinakausap natin para hingan ng tulong na matapos ang problema. Bakit kailangan kaming mga miyembro na walang kinalaman sa kung ano ang nangyayari sa loob ang kailangan nyo ng tulong. Bakit di kayo kayo sa loob ang magusap. Nakarinig kayo ng aral. Sana sa lahat ng narinig nyong aral, mah natutunan kayo. Salamat po.
tama po kayo, malamang nga dahil sa isa po naming lokal dito sa Englatera, kung saan ako ay isang PD ay umurong din po ang aming abuluyan, bakit kaya maari po sigurong tama yan, ginawan nalang namingn dagdagan para sumulong, kaya sulong po kami. ang pag-aabuluyan po ay aral na dapat gawin, wala pong duda doon. pero tuwing nakikita ko po ang mukha ni ka june santos ako po ay nagkakasala, patawarin nawa ako ng diyos.
kahit tanungin pa nila ng verabal ang marami, ganoon din siguro na nagkakasala sila kapag nakikita ang mukha ng ka glicerio.
saang companya ka ba naman makakakita ng ikaw na ang auditor at ikaw pa ang treasurer, pamilya mo ay nakaugnay sa mga proyekto sa iglesia, pamilya mo nakaugnay sa pagnenegosyo, ang asawa na dapat ay ang mag-asikaso dapat sa isang minstro. siya ba ay pinangak na mayaman sa salapi bago mag ministro? kung hindi lalo lang akong nagkakasala tuwing naiisip ko siya.
okey lang po na kumita siya o sila at magkasala sa mga salaping galing sa mga politico, keysa naman sa na nakikinabang sa mga porsiyentohan sa mga proyekto sa ibat ibang mga proyekto sa iglesia. hindi ba sila kinikilabutan, na ang mga abuluyan karamihan ay galing sa masnakakaraming mahirap na mga kapatid, na imbis pambili ng baon ng kanilang mga anak sa eskuwela ay ito ay itinatabi para lang sa banal at paghahanda sa kanilang abuluyan. ako din ay lumaking mahirap kaya po ramdam na ramdam ko po ang mga ito.
alam ko po na alam ng pamamahala ang mga ito, nau pa ngat tayo ay mag-antay at darating din ang panahon na sumpain ang buong angkan ng mga mananamantala sa kabang yaman ng iglesia.
maraming hindi nakakaalam kung paano nananakaw ang salaping kaban ng iglesia, dahil uimposible nga namang makuiha ito ng rekta sa kabang yaman. ito po ay nakukuha sa pamamagitan ng porsiyentohan sa mga proyekto, o pagkuha ng mga project ng iglesia, or mga tinatawag na good will money, at iba pa, sana po kung ganoon ay ibalik manlang sana nila sa kabang yaman ng iglesia. sumpain nawa ang buong lahi ng nagsasamantala sa kabang yaman ng iglesia.
bakit gusto mo dito sa social media idaan?kasi gusto mo pag usapan ng buong mundo,?gusto ninyo pabagsakin ang iglesia..nagkamali kayo....
gusto mo ng kapangyarihan?magtayo ka ng sarili mong relihiyon?tingin naming sayo inggit kalang?kahit anu gawin mo hindi kami maniniwala sayo..?manira Kaman sa iglesia karapatan mo yan,,ikaw ang nakakaalaam anung tama o mali?noon paman may lumaban na sa tagapamahala..hindi na bago sa amin yan.. si satanas matalino gagawa ng paraan hanggang kaya.. nagpadala kayo ehh!!!!yon napala ninyo !ngayon galit kayo matiwalag kayo.. masama ang mainggit...ito masabi ko sayo. cg blog kanang blog hanggang kaya mo pa. manira Kaman sa iglesia wala kami pakialam, dahil alam naming ang totoo..iglesia ni cristo kami hanggang sa wakas..
sadyang nakakatawa ang post na ito. isipin mo na lang ang pinagkaiba ng 100 sa 101.
palagay ko po ay tama si ka Bien nang niya kay ka Jun Samson na " wala tayong magagawa dahil siya(Ka GSJ) ang apple of the eye ngayon tagapamahala kaya kahit sabihin natin ay hindi tayo paniniwalaan". kung siya na anak ng isang pioneer na ministro a katukatulong ng tagapamahala noon pang panahon ng ka Erdy ay nawalan ng pagasang pakikinggan siya ng ka Eduardo, eh kayo pa po kaya na sa internet lang nag-uulat ang paniniwalaan?hindi po sa hindi ako naniniwala sa inyong mga ibinunyag subalit ang dating po niyan kay Ka Eduardo ay paninira at paglikha ng pagkabahabahagi lang. kaya ang turing po sa inyo ay kalaban ng Pamamahala...yang usapin ng kurapsiyon, naniniwala po akong mayroon talaga niyan sapagkat mayroon ng mga nabalitaan akong nadisiplina dahil diyan, subalit iba po kurapsiyon ngayon dahil tanging siKa Eduardo lang ang maaring magdisiplina sa kanila. hindi ko lang maiintindihan dahil ang alam ko po ay kapag ang Ministro ay naiulat, totoo man o hindi ay may kaulang diciplinary action. e sana maimbestihan man lang, pero sadyang napakalakas po yata nila sukdulang pinili ng iba na manahimik na lang at umasang Panginoong Diyos mismo ang gagawa at mahahayag sa mga lobo sa Kaniyang bayan.sana ihayag na kaagad ng Panginoong Diyos ang mga masama ang gawain sa Iglesia nang sa gayon matapos na itong krisis.
malaki po setback sa Iglesia sa kung paanong napakahirap mag-akay ng mga tao noon mas lalo na po ngayon...
maging dito po sa aming lokal ay urong din po ang mid-year namin pero palagay ko po ay hindi dahil sa inyong blog, nabigla lang ang mga kapatid noong centential...
wala pong katotohanan ang mga pinagsasabi niyo, galit lang po kayo sa iglesia kaya po kayo ganyan. dito po sa aming distrito maayos po ang ginawa naming hadugan. magpakita naman po kayo ng mga totoong ebidensiya para kapanipaniwala.
I'm glad to know that INC members are not blind followers. This is one of my postings that i posted everywhere too :
NO TURNING BACK NOW - YOU CAN'T PUT SPILT MILK BACK IN
THE BOTTLE!!!
DO NOT ALLOW SANGGUNIAN TO TAKE OVER YOUR CHURCH FOR
FREE!
DO NOT GIVE CONTRIBUTION to the church until this problem
is solved, or else, you are allowing them to continue to
stay in power, and Angel, Tenny and family are sufffering
for NO water, NO electricity and NO food.
Do not allow horrible things to happen to the Manalo
family, you must act fast enough to save them.
Let the sanggunian realized that this church belongs to
all members of the church, and you will not allow the
family of the FOUNDER to disappear by evil deeds of the
sanggunian.
INC members all over the world must
Demand for Edwardo Manalo to come out and go back to his
mother and siblings. MOTHER WILL KNOW IF IT IS HIS SON.
Demand that they all have medical examinations by
reliable hospitals, not the one at New Era, because that
is sanggunian hospital, IT'S contaminated!
When Erdy was sick! and now Edwardo is sick! and Tenny is sick! but they
do not go to doctors and to the best doctors abroad for
second opinion, WHY? They can buy airplane for eleven
billions, but cannot afford hospitals and best doctors for
their leaders???
you must ask WHY??? what are they doing to them???
Is Manalo bloodline being eliminated? and Edwardo is being used
so members will remain blind followers.
THE WHOLE WORLD IS WATCHING, LISTENING, and PRAYING!!!
FOR THE SAFETY OF ALL.
I read this joke from another site and i posted everywhere possible:
When 24 Sanggunian who signed to expel Tenny Manalo goes
to heaven, they will be met by Erdy at the pearly gate
and will ask them, Where is Tenny? my beloved wife of 46
years, and where are all my children and their family?
The 24 Sanggunian will reply, "Sorry Erdy, we sent them
all to hell, because we thought that is where you went"
----
This is a joke, but has deep meaning to it like: that
all these problems already existed while Erdy Manalo was
still alive and was sick, but nobody was strong enough to help
Erdy and they did not send him abroad for thorough health check up!
to have second opinion from reliable source.
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo ... Hinirang.
LEADERS OF ABOMINATION
The end is really near!
In the latest article of those who call themselves INCDEFENDERS, they rejoice in the diminishing offerings of the brethren.
“Kaya kung bumulusok man ang handugan sa Iglesia, ito ay isang SIGAW NG DAMDAMIN ng buong Iglesia. Ito ay katumbas ng ‘TAMA NA, HINDI NA KAMI PAPAYAG NA NILULUSTAY NG SANGGUNIAN ANG BANAL NA ABULOY NG IGLESIA. DAPAT NANG MAPUTOL ANG KORUPSIYON AT KATIWALIAN. DAPAT NANG MAIBALIK ANG IGLESIA SA KANIYANG DATING BANAL NA KALAGAYAN.’”
Perhaps they will deny that they do not “rejoice” this fact, but they surely do love what is happening, for it is the manifestation that their actions are causing the brethren to doubt the sanctity of the transactions within the church.
Brother Erano G. Manalo mentioned in one of his sermons that in all his efforts, with the help of the ministers and church workers, the Iglesia Ni Cristo is being preached to all the world. Not all will become members, but once the Church has been preached to all the world, then then end will come. That was, in Greece. Now, after being in more than a hundred races and ethnicities, the Church has been preached to all the world. Even the queen of England was intrigued by the growth and power of the Church. Thus the scriptures say,
14 And this gospel of the kingdom will be preached in the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come.
Matt. 24:14 NIV
But there is one more thing. For in the following verse, the Bible speaks of “the abomination that causes desolation.”
15 “So when you see standing in the holy place ‘the abomination that causes desolation,’[a] spoken of through the prophet Daniel—let the reader understand—
Matt. 24:14-15
What is this abomination, after which the end will come? The verse specifically mentioned “spoken through the prophet Daniel.” So consulting Daniel, this is what we can find:
11 “From the time that the daily sacrifice is abolished and the abomination that causes desolation is set up, there will be 1,290 days. 12 Blessed is the one who waits for and reaches the end of the 1,335 days.
Daniel 12:11-12 NIV
The angel explaining to Daniel mentioned what the abomination is – “the daily sacrifice is abolished.” For sure we are not doing the daily sacrifices, but we are regularly giving our offerings. Although we did not stop, many ceased in giving the way they used to. Let me reiterate that this is abomination in the sight of God. How long would this take? The scriptures say “there will be 1,290 days.” How should the true servants of God face this abomination?
31 “His armed forces will rise up to desecrate the temple fortress and will abolish the daily sacrifice. Then they will set up the abomination that causes desolation. 32 With flattery he will corrupt those who have violated the covenant, but the people who know their God will firmly resist him.
33 “Those who are wise will instruct many, though for a time they will fall by the sword or be burned or captured or plundered. 34 When they fall, they will receive a little help, and many who are not sincere will join them. 35 Some of the wise will stumble, so that they may be refined, purified and made spotless until the time of the end, for it will still come at the appointed time.
Daniel 11:31-35 NIV
Those who are happy about the diminishing amount of offerings and those whose actions have led to it have “set up the abomination that causes desolation.” And they “corrupt those who have violated the covenant…” Come to think of it, all these ministers who are doing their expose are ministers with an existing grudge for not having things their way, beginning with the second eldest son of EGM. What should our reaction be? The verse states clearly, “but the people who know their God will firmly resist him.” We must not fall prey to the dirty tactics of this group of people who hide their malicious intents by staging false evidences and speaking like they are really concerned.
Who will fall prey to their words of “concern” and false search for justice? Verse 34 says, many who are not sincere will join them.” NO matter how they try to poison the minds of the brethren, those who are sincere will not change. We give our offerings not to men, but to the Lord God. Never did these people who call themselves INCDEFENDERS remind the brethren to continue offering. Instead, it is evident that they are rejoicing about the downward trend of the amount of offerings.
Perhaps, they will reason out that they mentioned that they believe that the decline in the offerings will not last, that it will go back to normal once the corrupt elders have been removed from office. But all these are but for a show. Or, by an honest mistake, they believe blindly that they are doing the right thing.
Is it the end for those who were cheated by these false leaders? Not at all. For the scripture further tell us, “Some of the wise will stumble, so that they may be refined, purified and made spotless until the time of the end.” Even the wise may stumble, but they must rise and be “refined, purified and be made spotless.”
After these things happen, what will follow? The end will follow.
SUMMARY:
• INCDEFENDERS are the ones who “will rise up and abolish the daily sacrifices…”
• We should not listen to them.
• As these things happen, the more we are sure that the end is near.
NOTE: The interpretation is not the interpretation of the INC administration. It is my interpretation. If I'm wrong, God have mercy on my soul. Prove me wrong.
ang abuloy, handogan at pasalamat namin ay sa bangko namin ilalagak muna, para safe hindi mananakaw ni JS, may tubo pa, hanggat hindi natatanggal ang lahat ng corrupt ministers.
Wala man ng paghina Dong, lumaki nga e...hahahaha lima lang kayo na hindi pahintulotang mag abuloy dahil tiwalag na kayo. Alam niyo kung magkano ang pera sa kaban ng iglesia? 98 bilyon po. Anong say mo ha!
Oo sana gawin ng lahat ang huwag PAGHANDOG!
Huwag na kayong MAGHANDOG mga kapatid! Nagkakasala lang kayo! Wala kasing mababasa na dapat MAGHANDOG sa Biblia! Puro katiwalian lang ang ginagawa nila. Mali, mali, mali. Ang MAGHANDOG sa panahon ng pagsamba ay sa tao naglilingkod hindi sa DIYOS.
Sana huwag na silang magbulag-bulagan, bugsan na ninyo mga MATA ninyo at pumanig na sa KATOTOHANAN!
Hindi puedeng nasa gitna lang tayo o alanganin, DALAWA LANG ang puedeng PANIGAN:
1. Ang kasamaan
2. Ang DIYOS
TAYO ANG MAMILI PARA SA ATING KALIGTASAN!
Mga kasama ko, sana HUWAG kayong magsasawang ILANTAD ng ILANTAD ang ALAM ninyo.
Napanood ko yun ah. lol. Fan ka pala ng movie na "Taken". Kinopya mo pa talaga yung dialogue.
Pati banal na Handugan ng Iglesia ni Cristo ay nilalapastangangan nyo. Tungkulin ng bawat isa ang mag handog. wag nyong sirain ang layunin ng Ama sa paghahandog. kayong mga kampon ni SATANAS na naghahanap pa ng damay sa Iglesia.. Pati kaluluwa nyo ngaun palang sinusunog na sa Impyerno.. #AEkamponngdemonyo