VOICE OF THE BRETHREN: Nakakapanlumo ang Webex ng Ka Eduardo V. Manalo noong August 4, 2015

email-header
email-body-1 email-body-2email-body-4 email-body-5 email-body-6 email-body-7email-body-8

 

 

 

Similar Posts

46 Comments

  1. magandang araw po….

    Ako po ay hindi natuloy maging kaanib ng INC ngunit meron akong mahalang kaibigan na kaanib po. Alam ko po na wala ako gano alam sa inyo po mga pamamahala ngunit ang pagcomment ko po na ito ay hindi lamang po tungkol sa isyu na mayroon po ang INC ngayon. Nababahala lamang po dahil alam ko po na may mas matuwid po na aral ng pananampalataya na sa kahabagan ng Dios ay ibinilang nya po ako dahil sa paghahanap ko na katotohanan. Nais ko po ipabatid sa inyo na sana mabuksan po ang inyong mga mata at maging malaya sa pag alam na katotohanan na dapat sa Iglesia na ating kinabibilangan ay dapat apostol ang nangunguna sapagkat ang Iglesia na walang buhay na apostol ay hindi sa Dios.

    Nirerespeto ko po ang inyong pananampalataya. Nais ko lamang po na mabuksan po ang isip po ninyo sa inyong mga maling nakikita na hindi po nagmumula sa espiritu ng Dios.

    Pagpalain po tayo ng Dios…

  2. talagang nakakalungkot ang nangyayari sa iglesia ngayon ngunit ang dios ang may kalooban nito sa ikabubuti ng lahat……kasama sa proceso ito upang malinis ang iglesia di ka nag-iisa marami na ang tumindig upang bakahin angmga tiwaling ito…..ang nakapanlulumo nito ay naapektuhan ang lahat ng gawain ng dios…kaya kung ma-aakay ka sa palagay mo makaka akay ka kaya? sabihin lang nila paano mo ko aaakayin sa iglesia mo kung mga tiwali ang nangunguna sa inyo? tiyak uubusin lang nito ang iaabuloy ko sa kanilang luho? paano kayo lang ang iligtas kung ang iglesia ninyo ay pinamumugaran ng mga tiwali at mga bulag na tagasunod na kaalyado nila? dahil ang iglesia sa kasalukuyan ay iglesiang talikod…..dahil ito ay iglesia ni santos,iglesia ni evm,o mas lalong kilala sa tawag na iglesia ng mga tiwali ta mga bulag na tagasunod………..

  3. Ka AE, kumusta po kayo? Lagi ko kayong kasama sa prayer ko. Para kayong si Jose Rizal. Honestly po natatakot ako para sa inyo po. Mang Aawit po ako, pero since itiniwalag si Ka Tenny na walang due process nanlupaypay ako. Doktrina PAG IBIG! Nasaan ang pag ibig na itinuturo Nila? I’m not blind and dumb. Silently I’m furious but helpless can’t do anything. Kaya po I decided na Hwag ng tumupad kasi sabi ko sa AMA mabigat ang aking loob. Patawarin ako ng ating AMA.

    Honestly po maraming kapatid alam Nila at aware sila Kaso po takot kami talagang matiwalag so they take advantage. For sure tuwang Tuwa sila na takot ang mga kapatid sa pagtitiwalag. kaya panalangin ko sa AMA na sya na ang gumawa ng paraan para Alisin ang mga iilang Tao na sumira sa kalinisan ng Iglesia. Like what He did to King Saul, pinatay sya ng ating AMA.

    Pag palain at ingatan kayong lagi ng ating AMA.
    Please lang po paki hide ang email add ko po kasi kinuha Nila Lahat ng email add ng mga kapatid.
    Maraming salamat po.

  4. Hay naku. Kung sno man yang ka Norman eh mukang di nakabiya sa pngangasiwa ng Ka Eduardo. Sayang. At ikaw AE eh d nlbas na tlgang kulay mo…kunwa d kalaban pamamahala…kunwa kalaban lng ng Sangunian kuno…ngyon halata na !! Di lng npapasakop sa pamamahala! KALABAN PA NITO!!!

  5. Kapatid na Norman, habang binabasa ko ang liham mo na hindi ko maintindihan kung bakit ngkaroon ka ng alinlangan na ipagpatuloy mo ang tungkuling katiwala kamo. Una lahat ng obserbasyon nyo po ay base sa napnood nyo at nababasa sa mga pahayan alam mo ba ang katotohanan sa likod ng lahat ng napanood mo at nabasa kaya bakit mo agad ito pinaniwalaan. Himayin natin ang iyong mga sinulat ..
    una.. bakit kay AE ka sumulat kilala mo ba sya ng personal at nagtiwala ka sa kanya e ni hindi nga nya maipakilala ang tunay nyang pagkatao ..
    Pangalawa.. ano ba ang inaasahan nyo sa Pamamahala ipakita ang kanyang panghihina dahil sa pinagdaraanang suliranin.. ganon ba ang isang matatag na lider sa inaakala mo mali po sapagkat ang isang mabuting nammahala di nagpapakita ng kahinaan dahil manghihina din ang kanyang nasasakupan.. manapa dapat ay nahabag ka sa kanya sapagkat di birong sakit ang itinatago nya sa kanyang puso
    , ako ay magulang din ramdam ko ang sakit habang sya ay humaharap sa milyong Iglesia na kanyang pinangangasiwaan habang ipinapakita nyang parang balewala sa kanya ang ginawa ng kangyang kapatid at ina. Isa pa ano ba ang dapat talikuran nya ang aral at doktrina ng Dios na syang dapat na mamayani sa ating mga Iglesia ni Cristo, hindi ba’t mali na hikayatin mo ang mga kaanib sa pagkakabahabahagi..gusto mo bang sang ayunan nya ang mali dahil ito ay kanyang pamilya. Baka kung ito ang kanyang ginawa ay higit na madami ang mawala sa Iglesia sapagkat ang namamahala mismo ang bumali sa doktrinang ating sinusunod. Kapatid mas kahabag habag ang naging kalagayan nang ating namamahala sapagkat tinalikuran nya ang kanyang kapatid dahil sa Iglesia pinili nya ang kawan na ipinagkatiwala sa kanya ng Dios kaya dapat imbis na magdalawang isip ka sa pagsunod sa kanyang mga habilin dapat ay naging katuwang ka na lamang na mangalaga sa iyong nasasakupan.
    Pangatlo. yong napanood mo kamo sa TV na naglabas ng ibedensya ang binabanggit mong tao sapat na ba yong natayan sa iyo na may ibedensya di ba iyon sinisiyasat bago pagtibayin na lihitimong ibedensya at bakit ito ang pinaniniwalaan mo na kung tutuusin kahit bata makikita kung sino ang gumagawa ng mali. Sabi mo nga may malaki ang pamilya nyo at mapayapa di ba dahil anumang sigalot ay sa loob ng bahy pinag uusapan, matutuwa ka ba kung ang kapatid mo ay ipinagkukuwento sa labas ng bahay nyo o sa mga taong wala namang kinalaman sa buhay nyo ang suliranin nyong mag anak, ito ay maliwanag na paninira sa Iglesia at Pamamahala dahil doon nila ipinagsisigawan ang mga paratang nilang walang basehan sa media mga taong walang kinalaman sa ating mga Iglesia. Pero sa isang mananampalataya at ganap na nakauunawa ng aral di ito dapat magpahina bagkus ay dapat na lumakas sapagkat inuusig tayo dahil sa ating pangalan gaya din i Cristo na naghirap at inusig dahil sa kanyang Iglesia, bakit habnag binabato ka ng kantyaw at masasakit na salita pangalan mo ba ang binabanggit, hindi naman di ba kaya dapat pa tayong higit na magpakatatag nagyon ay alam na natin ang pinag daanan ng ating Panginoon hindi talaga madali.
    Di namamatay ang isyu, kasi ito talaga ang gusto nilang mangyari ang manghina ang mga kapatid dahil sa mga nababasa at nadidinig kaya paulit ulit silang gumagawa ng isyu kaya imbis na ito ay iyong basahin manghawak tayo ng husto sa ating pananampalataya.
    Bakit si Anthony na kapatid ni Ka Rowel ang papaniwalaan mo anu ba ang sinasabi nay di ba tungkol kay Ka Rowell sino ba ang mas nakakalam ng kanyang sarili at pinagdadaanan hindi bat ang mismong may katawan, kapatid kung totoo ka man at hindi ka DUMMY lang isispin mo ngang mabuti ang iyong sinabi ” sabi daw ni ” daw lang pero ang mismong may katawan ang nagsasalita na sya ay ligtas at wala sa panganib ang kanyang sambahayn.. sino ang papaniwalaan mo ikaw ba ilalagay mo sa kapahamakan ang asawa at anak mo kung may alam ka namang makabubuti para sa kanila.
    Ang suliraning kinkaharap ng Iglesia ay suliraning ang Pamamahala ang hayaan nating lumutas sapagkat sila ang nakakaalam ng tamang hakbang upang ito ay malutas ang dapat nating gawin ay ipanalangin sila na sana ay patuloy suilang ingatan sa mga taong nais na sila ay pinsalain di lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, gugustuhin ba ninyo na mawala sa atin ang Pamamahala ang kapatid na Eduardo V. Manalo meron pa bang higit sa kanya na karapat dapat sa gampanin na ito ..WALA na at WALANG SINUMAN, kaya habang sinusulat ko ito ay nananalangin ako na sana ay maunawaan mo ang ating pinagdadaanan.
    Ang kailangan natin ay panalangin at ibayong pananalaig sa Dios hindi sa tao upang huwag tayong manlumo sa pananampalataya. Kung nakikita man natin ang ating mahal na Tagapamahal na parang wala lang sa kanya ang lahat ng ito nagkakamali ka sapagkat sa puso nya ay naroon ang sakit pero pinili nyang Iglesia dahil sa pagmamahal nya sa atin kaya dapat ay mahalin din natin sya.”therefore I endure everyhing for the sake of the elect, that they too may obtain the salvation that is in Christ Jesus, with eternal glory” ( II timothy 2:10) ito po ang nabasa ko sa isa sa mga lumang pasugo na sa tagalog ay maliwanag na ang isang inatasan ng Dios upang mangalaga ay titiisin ang lahat alang alang sa kanyang pinangangalagaan kawan upang marating ang kaligtasan.
    Kaya kapatid kung sino ka man o kung totoo ka man at sa lahat nag makababasa ng aking sagot sa iyo.. wag na tayong makinig sa iba waga tayong patitinag sa mga napapanood natin at nababasa natin dahil ililigaw tayo nito . Doon lang tayo tumingin sa ating kaligtasan, sa pPamamahala tayo makinig kasi sya ang tunay na nagmamalasakit sa atin at panoorin mo ito https://www.youtube.com/watch?v=2uXUI36Q5eE , https://www.youtube.com/watch?v=u4VlEts-MUw

    #TIWALA#PAG-ASA#PANANAMPALATAYA#

    #staystrongkapatid #Pamamahala #AkoyINC #MgaHebreo #BiblicalVerses #StayStrongEVM #PASUGO #Kabataang #EVM #PuspusangPagpapaskop #KadBin #akoyiglesianicristo #pagtalima #TagapamahalangPangkalahatan #KaEVM #BroEVM #Pagpapasakop #iglesianicristo #IAmOneWithEVM #incmedia #verseoftheweek #INC101 #proudinc #INCCMV #incmusic #ILovetheINC #proudINCmember #incc3 #incmedianews #foreverinc #intensiverenewaloflife #iamonewithchrist #NoSmoothieEmoji #kadiwa #binhi #buklod #completelyunite #DistrictOfAustraliaWest #onewithevm #incforever #churchofchrist #theadministrationofthechurch #obidienceisthickerthanblood #intensiveobedienceandsubmissiontobesaved #Net25 #internationalUNITYgames #ExecutiveNews #PastoralVisitation #eaglenews #INCfashion #sitdowninterview #1with25 #centennialclosingceremony #closingceremony #journeyto101 t #EagleBroadcastingCorporation #EagleBroadcastingStudios #Net25Interviews #TeamINC #incootdfamily #marcmanalo #angelmanalo #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #itsnotfunbeingexpelledhuh #byebyeHolySpiritdaw #lumalaban #hostageinc #hiddenagenda #paglaban #expelledpeople #tiwalag #incootd #theyblockedme #incdefenders #hostagedaw #fakersgonnafake #antonioebangelista #AMBISYONKOAYNALUSAW #ISAIASSAMSONJR #JOYYUSON #ROVICCANONO #LOTTIEHEMEDEZ #LLOYDABRERA #LOWELLMENORCAII #Gemnet #GusalingSambahan #incgiving #staystrongkapatid #Pamamahala #AkoyINC #MgaHebreo #StayStrongEVM #PASUGO #Kabataang #Organisadong #EVM #PuspusangPagpapaskop #KadBin #akoyiglesianicristo #pagtalima #TagapamahalangPangkalahatan #KaEVM #BroEVM #Pagpapasakop

  6. Ka Norman, hindi kita masisisi kung ganyan ang paninindigan mo dahil sa sapagkat ang paninindigan ay nakasalalay sa iyong pananampalataya. Mabigat at masakit man ang ginawa ni Kapatid na Eduardo ay ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang inilagay ng Diyos na manguna sa kanyang bayan sa huling araw na ito. Sa analysis ko ayon sa pahayag mo, ay may alinlangan ka na, sa Iglesya, na sa konting kalapit ni Satanas nadadaya ka na niya. Si Satanas ay tuso at maraming kasangkapanin maging ang ating sarili. Dapat mong tandaan na naglilingkod ka sa Diyos at sa ating Panginoong Hesukristo, at hindi sa kanino mang iba. Sa tingin mo sa blog na ito ay may anyong pagmamalasakit gaya ng ginawa ng ahas sa kay Adan at Eba. Pero ang nasa likod nito ay anghel na may sungay, at ito nga ay si Satanas. Hindi pa ba tayo natututo sa mga pangyayari maging sa mga unang lingkod ng Diyos? Humingi ka ng Kanyang patnubay para ikaw ay hindi madaya ng sinoman.

  7. Kung Bulag ang aakay sa Bulag, kapwa mahuhulog sa Hukay.. Pahanon na para magsuri.. Open your eyes.. Suriin niyo ang Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios International a.k.a. Members Church of God International..

  8. Mr Norman,

    Kailangan po bang lumuha o maglumpasay ang Ka Eduardo upang mapakita sa inyo na sya ay nalumbay sa mga pangyayari. Sya po ay may malaking gampanin ang buong Iglesia ang mga totoong kaanib na po ang kaniyang ina kapatid at ama at pamilya. Ng sya po ay atangan ng maging Tagapamahala sya po ay sa Diyos at kay Cristo at sa Iglesia hindi na po sya ang dating Eduardo ba kanilang kapatid bagkus sya po ay para sa Iglesia. Ang aral po ng ating Diyos sa biblia ang ating panghawakan at hindi ang katiwalian Diyos ang maghahayag sa tamang panahon kung may nasisilaw na ministro tao po lahat tayo lahat din po ng nandito sa inc silent no more na nagbibintang sa sanggunian may motibo at sa aking palagay maraming oras na maghanap ng kamalian ng ibang tinuturing nilang kaibigan sa ministro kaya nakapagsulat ng paghuhusga dahil may inggit sila dahil ang perks ng Iglesia ang gusto nila na makamit at hindi ang iligtas lahat tayo. maraming salamat magsuri po tayo ng ating paniniwalaan. itong site na ito promotor ng pagkabahabahagi ng Iglesia upang di natin makamtan angbayangbanal. #angelmanalo,#antonioebanghelista,#incsilentnomore.

  9. Nakakalungkot at nakapanlulumo talaga.
    Kahit iyung leksiyon noong July 26 sa Philippine Arena. Inatake lang ang mga kapatid niya gamit ang pulpito. Pati panalangin, ginamit para magpaimbabaw. Natutuwa kaya ang nasa ITAAS tungkol sa nangyayari sa Iglesia?
    Sabi sa panalangin “masakit talaga, masakit talaga” at inulit sa panalangin sa Sacramento. Masakit ba talaga iyun? Hindi sana pinag-uusapan kung gayon. Bakit binanggit pa sa panalangin? Drama?
    Makakatawa ka pa ba sa tribuna sa nangyayari sa Iglesia? Knowing natiwalag ang NANAY at MGA KAPATID mo? Ibig sabihin hindi na sila ligtas. Parurusahan sa apoy. NAKAKATUWA ba iyun? Bakit pinagtatawanan ang issue? Sa pagsamba pa?
    Wala na bang chance na bumalik sa Iglesia ang nanay at mga kapatid niya? Kagaya rin ba iyun ng wala ng chance na mabago pa ang kasalukuyang bulok na sistema sa Iglesia? Sino ba may-ari ng iglesia?
    Nakapanlulumo talaga!

  10. Someone was explaining to me about this email from Ka Norman, that Edwardo Manalo was not sad and have no emotion, while what he did to his mother and siblings is very serious!!! You People must know that a person drugged, or doubles, or cloned!!! are people who cannot connect spiritually and has no emotion; It is the only thing that they cannot do compared to the untouched original person. Read about it, it is all over the internet, magazines and newspapers. Everything is very advanced nowadays. Anything can be possible especially with those who have access to billions of money from your donations.

    Edwardo needs help, he is the hostage here by his wife and everyone supporting his wife. This is evil doing, extremely difficult to handle, and the only way to fight is with lots of your prayers and vigil so God will help the INC. Money donations must be stopped, it’s one way to expedite the process to a halt.

  11. The best for Iglesia ni Cristos’ faithful members including those natiwalag ay magtayo ng bagong Iglesia ni Cristo sa pamununo ni Ka Angel Manalo. Siya ang tunay na larawan ng isang pinuno, matapang, but humble. his name reflects to his countenance. I believe he deserves to be the leader. When King Saul become unrighteous, he commanded Prophet Samuel to look for the replacement of King Saul. And it is apparent, the Lord is pleased if Ka Angel will be the new Leader of the Iglesia ni Cristo. It doesn’t matter kung wala muna kayong bahay sambahan, to start with, but the most important is to please the Lord. Later on all of this will return back to the righteous members thru righteous leader. I’m not Iglesia but this is the way I feel proper for all of you in order to save the church from humiliation because of tiwaling mga leader.

  12. Magising na po kayo mga taga Iglesia kasi hindi naman talaga yan ang Iglesia na itinayo noong panahon ni Jesus Christ, ginagamit lang ninyo ang panagalan ni Jesus Christ para papaniwalin kayo na kay Jesus Christ yan pero hindi naman talaga totoo. Magbasa po kasi kayo ng biblia para malaman nyo ang totoo.

  13. ang ginawang tanging pagsamba na yon noong august 4, ay totoong dinaluhan ng napakaraming kapatid.. sa Local ng Central ako dumalo, 6:00pm pa lang, puno na ang loob ng templo kaya doon na kami sa tabernakulo pinaderecho, at nasa tuktok na kami nakaupo.. ramdam na ramdam namin ang pakikipagkaisa ng buong iglesia. lalo na nung nagtuturo na ang ka eduardo. nakita namin sa kanya ang pag ibig sa iglesia, ang pagmamalasakit niya.. mukang yang “ka norman” na yan eh kasama nyo lang na lumalaban sa pamamahala at di talaga na sya nakakadalo ng mga pagsamba.. at puro kasinungalingan lang ang pinagsasabi.. Gumagawa na lang kayo ng VOICE OF THE BRETHREN, DAPAT JAN “VOICE OF THE X-BRETHREN”.. DI KAYO MAGTATAGUMPAY NA SIRAAN ANG PAMAMAHALA.. KALABAN NINYO ANG BUONG IGLESIA SA GINAGAWA NINYO.. DAHIL KAMI AY KATAWAN NI CRISTO AT KAYO ANG MGA SANGANG ITATAPON SA APOY!!

  14. kasinungalingan lahat ng mga VOICE of the brethren ninyo eh.. halatang halata na gawa gawa nyo lang.. di ba kayo natatakot sa ginagawa ninyo? mali mali mga impormasyon ninyo.. halatang di kayo talaga dumadalo sa mga pagsamba.. NAHAHAYAG NA KAYO.. ANG KAPATID NA EDUARDO MANALO, KITANG KITA NAMIN SA KANYA ANG PAGMAMAHAL NYA AT PAGMAMALASAKIT NYA SA IGLESIA.. PERO UNG MGA LABAN SA PAMAMAHALA, MABABAKAS MO SA KANILA ANG PANINIBUGHO AT INGGIT SA KATAWAN.. ANG AMA NA BAHALA SA INYO..May maakit mamn kayo sa ganitong blog nyo, napakababaw ng pananampalataya nya..sana MAGBALIKLOOB NA KAYO! DI KAYO MAGTATAGUMPAY PARA SIRAAN ANG PAMAMAHALA, PARA GULUHIN ANG IGLESIA. ANG DYOS NG IGLESIA NI CRISTO AY BUHAY.. hUMANDA KAYO SA GALIT NYA KAPAG DI PA KAYO NAGBAGONGBUHAY..

  15. Still up to the old tricks of making dummy accounts and sending them to yourselves to post on this stupid blog of your’s? You guys are dying huh…? Stupid asses. Jun Samson, you are my ninong. I respected you. You are an idiot now. When will realisation and the desperation of your mistakes sink in and start killing you? I hope it’s soon so you can actually repent and try to return to God. Kawawa ka talaga.

  16. Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, magbasa ka naman ng Biblia (pag may time) at intindihin mo ang iyong binabasa (all the time). Excerpt from Brother Joel V. San Pedro post. Please click the link to read more from him para maliwanagan kayo sa mga pangyayari sa Iglesia ngayon. Ito’y HINDI ISANG BAGONG BAGAY.

    https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1452635401729558&id=100009493378034#!/joel.sanpedro

    Joel V. San Pedro

    A MOTHER’S CONCERN
    It was about that time that the mother of the Zebedee brothers came with her two sons and knelt before Jesus with a request.
    “What do you want?” Jesus asked.
    She said, “Give your word that these two sons of mine will be awarded the highest places of honor in your kingdom, one at your right hand, one at your left hand.”
    Jesus responded, “You have no idea what you’re asking.” And he said to James and John, “Are you capable of drinking the cup that I’m about to drink?”
    They said, “Sure, why not?”
    Jesus said, “Come to think of it, you are going to drink my cup. But as to awarding places of honor, that’s none of my business. My Father is taking care of that.” (Matthew 20:20-23, The Message)

    THE TRUE BROTHER, SISTER AND MOTHER OF OUR LORD JESUS CHRIST
    Matthew 12:47-50:
    Someone told Jesus, “Your mother and brothers are out here, wanting to speak with you.” Jesus didn’t respond directly, but said, “Who do you think my mother and brothers are?” He then stretched out his hand toward his disciples. “Look closely. These are my mother and brothers. Obedience is thicker than blood. The person who obeys my heavenly Father’s will is my brother and sister and mother.”

  17. Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, anong karapatan mong mangaral ngayong nasa labas ka na ng Iglesia? Basahin mo ang post ni kapatid na Jose Ventilacion. Sana matauhan ka at mag isip-isip muna pag may time.

    https://www.facebook.com/#!/profile.php?id=100009493378034&fref=nf&pnref=story

    Ang tingin at pananaw ko sa ilang mga ministro at mga kaanib na tumalikod sa pananampalataya

    Nitong mga nakaraang araw ay nakita natin at narinig ang ilang mga ministro na ginamit ang social media upang bumitiw sa tungkulin bilang ministro. Nabasa din natin ang kanilang mga dahilan kung bakit nila ito ginawa. Gayunpaman, bagama’t ang kanilang mga pangangatuwiran sa pag-urong ay magkakaiba, lahat ng ito ay nauuwi lamang sa iisang konklusyon: hindi sila naniniwala na ang Iglesia Ni Cristo ay sa Diyos at si Kapatid na Felix Y. Manalo ay Sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang kanilang pagtalikod sa pananampalataya at paglisan o pag-urong sa ministeryo ay nagpapakita ng kanilang mababaw na pagkakilala sa karapatan ng Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia.

    Hindi na tayo nagtataka na sa panahong ito ay may mga ministro gaya ni Louie Cayabyab na ginamit ang tribuna upang ipahayag ang kaniyang pag-urong sa ministeryo. Hindi na ito isang bagong bagay dahil sa noon pa mang una ay ginawa na rin ito nina Teofilo Ora at ng kaniyang mga kasama nang sila ay maghimagsik laban kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Maging sa panahon ng pamamahala ng Kapatid na Eraño G. Manalo ay naghimagsik ang mga katulad nina Lucio Silvestre at Berting Pajanel na nagtatag pa ng kanilang sariling relihiyon.

    Hindi ako magtataka kung ang mga ministrong ito na itiniwalag sa Iglesia ay lilitaw at mangangaral ng ibang iglesia o kaya ay gagamitin ang pangalan ng tunay na Iglesia upang ipahayag ang kanilang mga likong isipan at maling paniniwala. Ang ibang mga natiwalag noon ay umanib sa ibang iglesia gaya nina Raymundo Mansilungan at ang iba na nagdilim ay nangaral pa na ang ating Panginoong JesuCristo ay tunay na Diyos daw. Kung sakaling sa darating na panahon ay muli ninyo silang makakaharap, ang unang bagay na dapat ninyong itanong sa kanila ay ang kanilang karapatan. Ano ang kanilang karapatan o awtoridad sa pangangaral? Saan galing at paano nila tinamo ang karapatang ito sa pangangaral?

    Ang mga tunay na ministro sa Iglesia Ni Cristo ay natamo ang karapatan sa pangangaral mula sa karapatan na ipinagkaloob ng Diyos kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Malinaw na pinatutunayan ng mga hula na nakasulat sa Biblia ang kahalalan at karapatan ni Kapatid na Felix Y. Manalo sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang isa sa mga hulang ito ay nakasulat sa Apocalipsis 7:2-3 ukol sa “ibang anghel” at mga kasama niyang “magtatatak” sa mga alipin ng ating Diyos. Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ito ay itinatatak sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo at tinatanggap ito ng pinangaralan kapag sinampalatayanan ang ebanghelyo ayon sa Efeso 1:13.

    Sinasampalatayan natin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang katuparan ng hinuhulaang “anghel” o “Sugo” na magmumula sa Silangan na magtatatak o mangangaral ng ebanghelyo na kalakip ang Espiritu Santo. Ang karapatang ito na ipinagkaloob ng Diyos sa kaniya ay natamo rin ng mga ministro na sumampalataya sa kaniyang kahalalan at naging kasama niya sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo. Kaya, bagama’t maraming mga nangangaral sa panahon natin, ang mga sugo lamang ng Diyos sa pangalan ni Cristo ang siyang mga nagsasalita para sa Diyos at mga nangangasiwa ng pakikipagkasundo ng tao sa Diyos ayon sa 2 Corinto 5:18-20.

    Kaya kung ang mga natiwalag na mga ministro ay lilitaw at magsimulang mangaral, dapat natin silang tanungin: “Mula kanino ninyo tinamo o kinuha ang karapatan sa pangangaral”? Ang mga nangangaral bang ito na wala na sa Iglesia ay may karapatan pang mangaral sa atin? Sa palagay ba ninyo ay may dalang katotohanan ang mga taong sinira ang kanilang pananampalataya gaya nina Himineo at Alejandro na kapuwa ibinigay kay Satanas? May dala ba silang katotohanan na maghahatid sa tao sa kaligtasan?

    Ayon sa Biblia, ang Pamamahala ay inilagay ng Diyos sa Iglesia upang magpahayag ng Kaniyang mga salita (Colosas 1:25). Kung hindi sila nakaugnay sa Pamamahala, papaano sila magiging kaugnay ni Cristo at higit sa lahat ay paano sila magiging kaugnay ng Diyos? Tandaan natin ang ipinahayag ng ating Panginoong JesuCristo: “sinuman na tumatanggap sa sinugo ko ay ako ang tinatanggap, at sinumang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang Ama na nagsugo sa akin” (Juan 13:20 NLT).

    Ang mga hindi tunay na tagapangaral ay may gagawing malaking gampanin: dapat nilang ipakilala ang tao na kinikilala nilang sugo ni Cristo at sa kaniya sila nakaugnay upang maugnay sila kay Cristo at sa Diyos. Subali’t ngayon pa lamang ay hindi na nila magagawa ang napakalaking hamong ito sapagka’t wala nang susunod na gawaing pagliligtas sa gawaing sinimulan ni Kapatid na Felix Y. Manalo dahil ang kasunod nito ay Araw na ng Paghuhukom ayon sa Apocalipsis 14:9-16.

    Kaya kanino tutungo at makikipag-ugnay ang mga tumalikod na ministro gaya nina Louie Cayabyab upang tumanggap ng buhay na walang hanggan? Ang tanong na ito ay nakakatulad ng itinanong ni Apostol Pedro kay Cristo nang siya at ang kaniyang mga kasama ay tinanong “nais ba ninyong magsialis din naman?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Nasa iyo ang mga salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan at kami ay sumasampalataya na ikaw ang Banal ng Diyos” (Juan 6:67-69 NLT).

    Ang paghiwalay sa Iglesia ni Cristo ay katumbas ng paghiwalay kay Cristo sapagka’t si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay iisa (Colosas 1:18; Efeso 2:15). Ang Iglesia ang may kaugnayan kay Cristo ayon sa Efeso 5:30-32 MB. Kung ang isang tao ay wala sa Iglesia, wala siyang kaugnayan kay Cristo sapagka’t ang mga nasa labas ng Iglesia ay walang pag-asa sa kaligtasan at walang Diyos (Efeso 2:11-12 NPV).

    Kaya ang mga taong tumalikod mula sa tunay na Iglesia ay dapat na magsikap na makabalik sa tunay na pananampalataya. Dapat din silang sumampalataya sa Diyos katulad ng ginawa ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Sumampalataya siya sa Diyos sa buong panahon ng kaniyang ministeryo. Hindi siya binayaan ng Diyos na nag-iisa at tayo ang mga buhay na saksi kung paano siya tinulungan ng Diyos. Ang pagtitiwala sa magagawa ng Diyos ang siya ring itinuro sa atin ng Kapatid na Eraño G. Manalo noong siya ay nabubuhay pa at ito rin ang patuloy na itinuturo sa atin ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

    Kaya ang tanong ko sa mga natiwalag na mga ministro at mga kapatid: “Saan manggagaling ang tulong na inaasahan ninyo lalo na ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa? Sino ang magbibigay sa inyo ng buhay na walang hanggan ngayong wala na kayo sa Iglesia”? Dili-dilihin ninyong mabuti ang mga bagay na ito dahil sa nakagawa kayo ng malaking pagkakamali nang lagutin ninyo ang inyong kaugnayan sa pumapatnubay sa inyo at umaakay sa inyo sa kaligtasan na walang iba kundi ang Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia (Colosas 1:25, 28-29).

    Marami na tayong hinarap na mga problema sa nakaraan, hindi lamang mula sa labas kundi maging sa loob ng Iglesia. Naranasan natin ang mga pagsubok at mga pag-uusig. Pinabayaan ba tayo ng Diyos? Hindi ba tinupad ng Diyos ang Kaniyang mga pangako sa Sugo at sa buong Iglesia ayon sa Isaias 41:9-16? Mahina ba ang Diyos na nangako sa atin upang lunasan ang ating mga suliranin? Bakit sa halip na magtiwala sa Diyos ay pinanghawakan ninyo ang inyong pansariling karunungan at mahinang kakayahan upang lunasan ang diumano’y kasalukuyang suliranin ng Iglesia? Bakit hindi ninyo hinintay ang Diyos na kumilos upang lunasan ang suliranin? Mahirap ba para sa Diyos na lunasan ang sinasabi ninyong mga problema at mga panganib? Bakit sa halip na maghintay sa Diyos ay sa inyong mga kamay na mahihina at kakayahang pansarili ninyo nilunasan ang diumano’y mga suliranin ng Iglesia?

    Ang Diyos ang may-ari ng Iglesia at Siya ang nag-aayos nito ayon sa Kaniyang minagaling (1 Corinto 12:18). Inilagay Niya ang Pamamahala sa Iglesia upang tayo ay pangunahan at akayin sa kaligtasan. Dapat sana ay sa Pamamahala ninyo idinulog ang inyong suliranin at hindi sa mga taga labas ng Iglesia na walang karapatan na humatol o magpasiya sa anumang sigalot ng mga magkakapatid sa Iglesia (1 Corinto 6:4-6 MB).

    Sa kasalukuyang nagaganap ngayon, kailan kaya ninyo mararamdaman na ang ipinakikipaglaban ninyo ay mauuwi lang sa walang kabuluhan? Hindi kayo magtatagumpay laban sa Diyos na Siyang naglagay ng Pamamahala sa Iglesia (Colosas 1:25). Lumalabas ngayon na ang kinakalaban ninyo mismo ay ang Diyos kaya tiyak na hindi kayo magtatagumpay.

    Tinatapos ko ang pagpapahayag na ito sa pamamagitan ng paghamon sa inyong lahat na isipin ninyong mabuti ang inyong kasalukuyang kalagayan at magbago kayo ng pag-iisip. Kung pipiliin pa rin ninyong makipaglaban sa Iglesia at sa Pamamahala, ako at ang milyong mga ministro, maytungkulin at mga kaanib sa buong mundo ay tiyak na maninindigan laban sa inyo! Hindi kayo mananaig sa amin dahil kasama namin ang Diyos na Siyang naglagay at naghalal kay Kapatid na EDUARDO V. MANALO bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia.

    Buong-buo ang aming pagtitiwala sa kaniyang kakayahan bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng buong Iglesia dahil sa nakita naming pagtulong at basbas ng Diyos sa kaniyang pamamahala. Buong puso kaming susunod at patuloy na pasasakop sa kaniya dahil sa ito ang utos ng Diyos na nakasulat sa Hebreo 13:17. Kahit anuman ang mangyari sa buhay namin at sa mundo, patuloy kaming makikipagkaisa at hindi kami tatalikod sa pananampalataya dahil ito ang sinumpaan namin sa Diyos nang kami ay hirangin Niya sa loob ng banal na Iglesia at sa ministeryong pinaglagyan Niya sa amin.

    Idinadalangin naming lagi sa Diyos na pagkalooban siya ng ibayong kapangyarihan at natatanging karunungan upang patuloy niyang mapangunahan at maakay kami sa mahirap at mapanganib na paglalakbay upang makarating kami sa piling ng Ama at manirahan sa bayang banal.

  18. Sa pagbabasa nitong post na ito, hindi ko po mapigilan ang matawa.

    Unang-una, mukhang dummy account ang nagliham. Wag nyong burahin ang mga detalye ayon sa kanyang pagkatao. Dapat nga maging proud kayo dahil may mga natutukso kayo sa pangungwestyon sa Pamamahala diba? Pero sana yung mga ipinopost nyong nangungwestyon ay totoong tao na hindi nagtatago sa ibang pangalan.

    Sunod, seriously? Ako man po ay nakadalo sa TP. At damang-dama ko na kasama pa din ng Ka Eduardo ang Espiritu Santo o kahit nung hindi pa napasok sa tribuna ang Ka Eduardo, umaawit pa lang kame ay dama na namin na kinakasihan pa rin ang Iglesia at hinding-hindi matitinag. Nakakatawa ding isipin na WALA raw tumatawa o nagrereact sa mga sinasabi ng Ka Eduardo? BATO PO ANG DAMDAMIN ng nagsabi nyan at SARADO ANG ISIP ng nagsabi na nangungutya ang Pamamahala.

    Wala raw nasagot ang Pamamahala na issue? Baka po tulog yan sa TP, baka di nya napakinggang lubos. Simula nga po ng napanood namin via Webex ang mensahe ng Pamamahala, sobrang gumaan ang aming mga pakiramdam, nasagot ang mga pag-aagam-agam, at lubos na tumitindig ang Pamamahala at Iglesia. Porke hindi nya tuwirang sinabi ang sagot sa mga issue, wala na agad isinagot? HINDI PO GANOON KABABAW MAG-ISIP ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO.

    Isa lang sinisigurado ko sa inyo AE, akala nyo masisira nyo ang Iglesia dahil sa ginagawa nyo? HINDI, lalo lang nag-aalab ang aming pananampalataya, lalo kaming magtatapat sa aming tungkulin. AT TULAD NG NAMAMAHALA, DADAAN MUNA KAYO SA AMIN BAGO NYO MASIRA ANG BALAK NYONG SIRAIN.

  19. halata naman talaga na tinakot lang ang interview kay lowell menorca eh..may takot sa mga mata nila lalo pa yung babae na may hawak sa bata..malungkot ang mukha nila at pinagpapawisan at balisa.

  20. Ay sus naman! Very obvious na isa sa mga dummy accounts ng mga tiwalag na ang gumawa ng “liham” kuno na ito. Voice of the brethren?! We should stop kidding ourselves. Sana naman Mr. Samson a.k.a AE, Mr. Yuson a.k.a Kelly Ong, Mr. Angel Manalo and Team, sana talaga, binago nyo ng konti writing style para mas maging kapanipaniwala. And let’s stop writing “fictitious” stories, ano po? Maging makatotohanan tayo, pwede ba?

    I am one of the brethren who have observed the whole fiasco started by you, people. After dragging your issues to the social media and doing TV stunts, after the crisis you brought to our faith, I have made my choice as to which side should I stand. Marami sa mga ka-lokal ko, mga kilala kong kapatid, mga ka-may tungkulin, walang damdamin ng pag-aalinlangan at simpatya sa inyo tulad ng nilalaman ng letter na ‘to. After attending the Tanging Pagtitipon via Webex, we are all comforted. We are at peace…kasi alam namin, nananatiling matatag ang Iglesia, dahil matatag ang Pamamahala. Na wala kaming dapat ipag-alala dahil makapagpapatuloy kami sa mga payapang paglilingkod. Kung totoong Cristiano ka, dapat sumapat sayo ang leksyong itinuro ng Ka Eduardo at hindi ka dapat nakaramdam ng panlulumo; instead, you should have felt the love and his concern for you. Why? Because a true believer would feel the comfort from the Holy Spirit. Yun kasi yung tatak na natanggap ng tunay na Iglesia Ni Cristo. Pero pag hindi mo naingatan ang aral at pumayag kang ipaagaw ito sa diablong kaaway, mawawalan ng bisa sayo ang aral ng Panginoong Dios. At tiyak, hindi mo na matataglay ang espiritu ni Cristo.

    Hindi ako nangangaral; mang-aawit ako eh. Ngunit kahit alam kong mas maalam kayo sa Biblia dahil inaral nyo yan (as most of you are ex-ministers), I strongly knew in my heart, nasa puso ko si Cristo at ang aral ng Panginoong Dios na sinampalatayan ko buhat pagkabata ko. And I would not let people like you, to harm my faith, and harm Bro. Eduardo V. Manalo.

    This is actually one of your cheap shots towards him. You sympathized with his family, na unang-una ay nagtaksil di lamang sa kanya at sa Iglesia, kundi kay Jesucristo at sa Panginoong Dios. Ginagamit ninyo ngayon ang lakas ng loob ng Ka Eduardo na harapin ang suliranin nya sa kanyang ina at mga kapatid na tumutuligsa at lumalaban sa kanya with their “pity party”, at sinasabi na ito ay pagkutya and a manifestation na hindi mababa ang loob ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Is he a proud man? Did he take pride about the expulsion of his mom and siblings? Did he rejoice with this? I don’t think so. And many of the brethren na hindi nyo maloko feel the same. Kaya nga hindi ma-post ni Yuson/Kelly Ong sa page nya yung kopya ng sirkular ng pagtitiwalag sa mag-iina eh! Kasi sa palibot-liham na ‘yon ng Ka Eduardo, ramdam ng mga kapatid kung gaano syang nasaktan ng aksyunan niya ang sarili nyang ina at mga kapatid. At ito ang dahilan kung bakit may mga lumuha ng basahin ang sirkular. Not because we sympathizes with Angel and the rest, but because we empathizes with Ka Eduardo. How much pain did he suffer na mismong sya ang mag-alis sa mga ito sa Iglesia? Gaano kasakit ito sa kanya, gayong alam nating lahat na ang pagkaalis sa Iglesia ay pagkaalis ng karapatan sa pagtatamo ng buhay na walang hanggang at pangakong kaligtasan? Alam mo ba kung bakit lumuha ang Iglesia sa mga nakaraan tanging pagsamba at pagtitipon? Simple lang ang sagot dito. Lumuha kami dahil ramdam namin ang pighati ng Ka Eduardo. Lumuha kami dahil ramdam namin ang hirap nya at pagsisikap na laging maging malakas para sa buong Iglesia. Higit lalo, lumuha kami kasi KAMI ang pinili nya. We cried because we felt his unconditional love for us and for the Church.

    Whatever you guys may say, walang magbabago sa Iglesia. Hindi manlalamig pag-ibig namin sa Panginoong Dios at sa Pamamahalang inilagay nya upang magbantay, magsanggalang, magpatatag sa aming pananampalatay, at maghatid sa amin sa pag-asa naming kaligtasan.

    You might throw endless issues and dirt and work the hardest to uproot our faith and love towards Ka Eduardo and his council; yukaran man ninyo kahalalan nila at pasamain ang imahe nila sa buong mundo, I am but sure of ONE THING. Hindi kayo magtatagumpay. Magtaksil man ang ibang mga ministrong nagpakasangkapan kay satanas (like Cayabyab, et al), tiwala ang buong Iglasia na higit ang dami ng mga ministro at manggagawang tapat at patuloy na magpapastol sa kawan. Palawakin nyo man ang isyu ng korapsyon, katiwalian, abduction, and so on and so forth; for us, you would only sound like an empty clanging gong.

    Next time, kumausap po kayo ng totoong mga kapatid so you could really hear the Voice of the Brethren. This way, you would get a clear picture kung gaano karami o kakaunti ang nahikahat ninyo upang magtaksil sa Pamamahala. At dahil mga dating ministro kayo ng Iglesia, malamang alam ninyo kung gaano kalaking pagkakasala nagawa ninyo. Higit pa ito sa kasalanan ng Sodoma at Gomora, dahil nagkasala kayo sa Espiritu.

  21. Kelangan po bang umiyak ako para sa nagdadala ng gulo sa buhay ko? Hindi bat katawa tawa lang naman ang magbigay ng kaguluhan na walang katuturan. Ang nakakaiyak ay ang mga taong hindi marunong kumilatis ng tunay na ginto sa tanso. Ngayon ko napatunayang malakas ang pananampalataya ko at matalino ako dahil hindi ako basta mapapaniwala sa mga bagay bagay na panloloko. Mga kapatid, magsuri kayo. Makikita nyo kung sino ang tunay na sinungaling, kung sino ang tunay na gumagawa ng katiwalian at nanggugulo lamang.

  22. WALANG KARAPATANG MANGARAL ANG NASA LABAS NG IGLESIA (TIWALAG)
    excerpt from Ka Jose Ventilacion post.

    Jose Ventilacion

    Ang tingin at pananaw ko sa ilang mga ministro at mga kaanib na tumalikod sa pananampalataya

    Nitong mga nakaraang araw ay nakita natin at narinig ang ilang mga ministro na ginamit ang social media upang bumitiw sa tungkulin bilang ministro. Nabasa din natin ang kanilang mga dahilan kung bakit nila ito ginawa. Gayunpaman, bagama’t ang kanilang mga pangangatuwiran sa pag-urong ay magkakaiba, lahat ng ito ay nauuwi lamang sa iisang konklusyon: hindi sila naniniwala na ang Iglesia Ni Cristo ay sa Diyos at si Kapatid na Felix Y. Manalo ay Sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang kanilang pagtalikod sa pananampalataya at paglisan o pag-urong sa ministeryo ay nagpapakita ng kanilang mababaw na pagkakilala sa karapatan ng Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia.

    Hindi na tayo nagtataka na sa panahong ito ay may mga ministro gaya ni Louie Cayabyab na ginamit ang tribuna upang ipahayag ang kaniyang pag-urong sa ministeryo. Hindi na ito isang bagong bagay dahil sa noon pa mang una ay ginawa na rin ito nina Teofilo Ora at ng kaniyang mga kasama nang sila ay maghimagsik laban kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Maging sa panahon ng pamamahala ng Kapatid na Eraño G. Manalo ay naghimagsik ang mga katulad nina Lucio Silvestre at Berting Pajanel na nagtatag pa ng kanilang sariling relihiyon.

    Hindi ako magtataka kung ang mga ministrong ito na itiniwalag sa Iglesia ay lilitaw at mangangaral ng ibang iglesia o kaya ay gagamitin ang pangalan ng tunay na Iglesia upang ipahayag ang kanilang mga likong isipan at maling paniniwala. Ang ibang mga natiwalag noon ay umanib sa ibang iglesia gaya nina Raymundo Mansilungan at ang iba na nagdilim ay nangaral pa na ang ating Panginoong JesuCristo ay tunay na Diyos daw. Kung sakaling sa darating na panahon ay muli ninyo silang makakaharap, ang unang bagay na dapat ninyong itanong sa kanila ay ang kanilang karapatan. Ano ang kanilang karapatan o awtoridad sa pangangaral? Saan galing at paano nila tinamo ang karapatang ito sa pangangaral?

    Ang mga tunay na ministro sa Iglesia Ni Cristo ay natamo ang karapatan sa pangangaral mula sa karapatan na ipinagkaloob ng Diyos kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Malinaw na pinatutunayan ng mga hula na nakasulat sa Biblia ang kahalalan at karapatan ni Kapatid na Felix Y. Manalo sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang isa sa mga hulang ito ay nakasulat sa Apocalipsis 7:2-3 ukol sa “ibang anghel” at mga kasama niyang “magtatatak” sa mga alipin ng ating Diyos. Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ito ay itinatatak sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo at tinatanggap ito ng pinangaralan kapag sinampalatayanan ang ebanghelyo ayon sa Efeso 1:13.

    Sinasampalatayan natin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang katuparan ng hinuhulaang “anghel” o “Sugo” na magmumula sa Silangan na magtatatak o mangangaral ng ebanghelyo na kalakip ang Espiritu Santo. Ang karapatang ito na ipinagkaloob ng Diyos sa kaniya ay natamo rin ng mga ministro na sumampalataya sa kaniyang kahalalan at naging kasama niya sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo. Kaya, bagama’t maraming mga nangangaral sa panahon natin, ang mga sugo lamang ng Diyos sa pangalan ni Cristo ang siyang mga nagsasalita para sa Diyos at mga nangangasiwa ng pakikipagkasundo ng tao sa Diyos ayon sa 2 Corinto 5:18-20.

    Kaya kung ang mga natiwalag na mga ministro ay lilitaw at magsimulang mangaral, dapat natin silang tanungin: “Mula kanino ninyo tinamo o kinuha ang karapatan sa pangangaral”? Ang mga nangangaral bang ito na wala na sa Iglesia ay may karapatan pang mangaral sa atin? Sa palagay ba ninyo ay may dalang katotohanan ang mga taong sinira ang kanilang pananampalataya gaya nina Himineo at Alejandro na kapuwa ibinigay kay Satanas? May dala ba silang katotohanan na maghahatid sa tao sa kaligtasan?

    Ayon sa Biblia, ang Pamamahala ay inilagay ng Diyos sa Iglesia upang magpahayag ng Kaniyang mga salita (Colosas 1:25). Kung hindi sila nakaugnay sa Pamamahala, papaano sila magiging kaugnay ni Cristo at higit sa lahat ay paano sila magiging kaugnay ng Diyos? Tandaan natin ang ipinahayag ng ating Panginoong JesuCristo: “sinuman na tumatanggap sa sinugo ko ay ako ang tinatanggap, at sinumang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang Ama na nagsugo sa akin” (Juan 13:20 NLT).

    Ang mga hindi tunay na tagapangaral ay may gagawing malaking gampanin: dapat nilang ipakilala ang tao na kinikilala nilang sugo ni Cristo at sa kaniya sila nakaugnay upang maugnay sila kay Cristo at sa Diyos. Subali’t ngayon pa lamang ay hindi na nila magagawa ang napakalaking hamong ito sapagka’t wala nang susunod na gawaing pagliligtas sa gawaing sinimulan ni Kapatid na Felix Y. Manalo dahil ang kasunod nito ay Araw na ng Paghuhukom ayon sa Apocalipsis 14:9-16.

    Kaya kanino tutungo at makikipag-ugnay ang mga tumalikod na ministro gaya nina Louie Cayabyab upang tumanggap ng buhay na walang hanggan? Ang tanong na ito ay nakakatulad ng itinanong ni Apostol Pedro kay Cristo nang siya at ang kaniyang mga kasama ay tinanong “nais ba ninyong magsialis din naman?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Nasa iyo ang mga salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan at kami ay sumasampalataya na ikaw ang Banal ng Diyos” (Juan 6:67-69 NLT).

    Ang paghiwalay sa Iglesia ni Cristo ay katumbas ng paghiwalay kay Cristo sapagka’t si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay iisa (Colosas 1:18; Efeso 2:15). Ang Iglesia ang may kaugnayan kay Cristo ayon sa Efeso 5:30-32 MB. Kung ang isang tao ay wala sa Iglesia, wala siyang kaugnayan kay Cristo sapagka’t ang mga nasa labas ng Iglesia ay walang pag-asa sa kaligtasan at walang Diyos (Efeso 2:11-12 NPV).

    Kaya ang mga taong tumalikod mula sa tunay na Iglesia ay dapat na magsikap na makabalik sa tunay na pananampalataya. Dapat din silang sumampalataya sa Diyos katulad ng ginawa ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Sumampalataya siya sa Diyos sa buong panahon ng kaniyang ministeryo. Hindi siya binayaan ng Diyos na nag-iisa at tayo ang mga buhay na saksi kung paano siya tinulungan ng Diyos. Ang pagtitiwala sa magagawa ng Diyos ang siya ring itinuro sa atin ng Kapatid na Eraño G. Manalo noong siya ay nabubuhay pa at ito rin ang patuloy na itinuturo sa atin ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

    Kaya ang tanong ko sa mga natiwalag na mga ministro at mga kapatid: “Saan manggagaling ang tulong na inaasahan ninyo lalo na ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa? Sino ang magbibigay sa inyo ng buhay na walang hanggan ngayong wala na kayo sa Iglesia”? Dili-dilihin ninyong mabuti ang mga bagay na ito dahil sa nakagawa kayo ng malaking pagkakamali nang lagutin ninyo ang inyong kaugnayan sa pumapatnubay sa inyo at umaakay sa inyo sa kaligtasan na walang iba kundi ang Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia (Colosas 1:25, 28-29).

    Marami na tayong hinarap na mga problema sa nakaraan, hindi lamang mula sa labas kundi maging sa loob ng Iglesia. Naranasan natin ang mga pagsubok at mga pag-uusig. Pinabayaan ba tayo ng Diyos? Hindi ba tinupad ng Diyos ang Kaniyang mga pangako sa Sugo at sa buong Iglesia ayon sa Isaias 41:9-16? Mahina ba ang Diyos na nangako sa atin upang lunasan ang ating mga suliranin? Bakit sa halip na magtiwala sa Diyos ay pinanghawakan ninyo ang inyong pansariling karunungan at mahinang kakayahan upang lunasan ang diumano’y kasalukuyang suliranin ng Iglesia? Bakit hindi ninyo hinintay ang Diyos na kumilos upang lunasan ang suliranin? Mahirap ba para sa Diyos na lunasan ang sinasabi ninyong mga problema at mga panganib? Bakit sa halip na maghintay sa Diyos ay sa inyong mga kamay na mahihina at kakayahang pansarili ninyo nilunasan ang diumano’y mga suliranin ng Iglesia?

    Ang Diyos ang may-ari ng Iglesia at Siya ang nag-aayos nito ayon sa Kaniyang minagaling (1 Corinto 12:18). Inilagay Niya ang Pamamahala sa Iglesia upang tayo ay pangunahan at akayin sa kaligtasan. Dapat sana ay sa Pamamahala ninyo idinulog ang inyong suliranin at hindi sa mga taga labas ng Iglesia na walang karapatan na humatol o magpasiya sa anumang sigalot ng mga magkakapatid sa Iglesia (1 Corinto 6:4-6 MB).

    Sa kasalukuyang nagaganap ngayon, kailan kaya ninyo mararamdaman na ang ipinakikipaglaban ninyo ay mauuwi lang sa walang kabuluhan? Hindi kayo magtatagumpay laban sa Diyos na Siyang naglagay ng Pamamahala sa Iglesia (Colosas 1:25). Lumalabas ngayon na ang kinakalaban ninyo mismo ay ang Diyos kaya tiyak na hindi kayo magtatagumpay.

    Tinatapos ko ang pagpapahayag na ito sa pamamagitan ng paghamon sa inyong lahat na isipin ninyong mabuti ang inyong kasalukuyang kalagayan at magbago kayo ng pag-iisip. Kung pipiliin pa rin ninyong makipaglaban sa Iglesia at sa Pamamahala, ako at ang milyong mga ministro, maytungkulin at mga kaanib sa buong mundo ay tiyak na maninindigan laban sa inyo! Hindi kayo mananaig sa amin dahil kasama namin ang Diyos na Siyang naglagay at naghalal kay Kapatid na EDUARDO V. MANALO bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia.

    Buong-buo ang aming pagtitiwala sa kaniyang kakayahan bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng buong Iglesia dahil sa nakita naming pagtulong at basbas ng Diyos sa kaniyang pamamahala. Buong puso kaming susunod at patuloy na pasasakop sa kaniya dahil sa ito ang utos ng Diyos na nakasulat sa Hebreo 13:17. Kahit anuman ang mangyari sa buhay namin at sa mundo, patuloy kaming makikipagkaisa at hindi kami tatalikod sa pananampalataya dahil ito ang sinumpaan namin sa Diyos nang kami ay hirangin Niya sa loob ng banal na Iglesia at sa ministeryong pinaglagyan Niya sa amin.

    Idinadalangin naming lagi sa Diyos na pagkalooban siya ng ibayong kapangyarihan at natatanging karunungan upang patuloy niyang mapangunahan at maakay kami sa mahirap at mapanganib na paglalakbay upang makarating kami sa piling ng Ama at manirahan sa bayang banal.

  23. Pwede po ba na ma-ibahagi po sa amin yung naging webex sermon ng Ka Eduardo, kung meron po kayong audio recording. hindi po kasi kami nakadalo po sa mga satellite lokal po sa distrito. Maraming salamat po.

  24. Ang Pamamahala ay direktang nanagot sa Diyos sa lamang, gayun din ang lahat na MT sa INC ay nanagot sa Diyos so anumang katiwalian na ginagawa ng sinuman ay mananagot sa Pamamahala at sa Diyos, subalit may proseso at may takdang panahon lalo na iyong mga ginagawa ng lihim ay mahahayag. Gaya lang iyan ni Hudas na matagal ng may ginagawang katiwalian sa pananalapi ng Iglesia na hindi lihim sa ating Panginoong Hesucristo subalit kelan siya nahayag at naparusahan? Ganyan din sa kasalukuyan kalagayan ng Iglesia, Diyos ang maghahayag pagdating ng takdang panahon.

  25. Kung ikaw ay naglilingkod sa tao ay totoong manlulumo ka sapagkat hinahanap mo iyong mga bagay na makapagbibigay lugod sa iyo at sa iba bilang tao. Subalit kung sa Diyos ka naglilingkod ay madadama mo ang lakas at biyaya ng aral na itinuro ng pamamahala. Ang kasagutan na hinahanap mo sa iyong mga katanungan ay sasagutin ng Ama sa takdang panahon sapagkat nasusulat “ilalagay ng Diyos sa kaayusan ang lahat bago ang wakas”. Kung hindi ka makapaghintay at makapagtiyaga ay mabibilang ka sa “maiiwan sa daan” …

  26. Parehas tayo ng damdamin Kapatid ng mapanood nmin ng pamilya ko ang teksto ni ka Eduardo, nanlumo naming mag anak, sa panghahamak nya sa mga kapatid at Ina nya. Ni minsan Hindi nya nabanggit ang Ama nya ang mahal nating Kapatid na Eraño G. Manalo..Naging mataas at hambog na sya, tulad ng mga huwad at mga sinungaling na mga demonyong SANGGUNIAN.
    Nawala na ang rin ang tiwala ko sa Nangangasiwa sa Iglesia sa huling araw na ito…Wala raw ebidensya, eh katakot takot na nga mga ebidensya ang nagsi labasan, ano yan sinungaling na rin ang namamahala ng Iglesia. Imbes na kwestyunin nya mga kapalpakan at mga pangdaraya ng mga bagong Sanggunian, nakisali pa sya, at nilait lait pa ang mga kapatid nya at Ina nya sa pagsamba.
    Kaya sa susunod na magpatawag uli sya ng emergency na pagsamba, never na naming pupunta ng pamilya ko, iba na kasi ang tinuturo nya, puro pagtatakip lang sa pagdarambong ng Sanggunian at pati na ang asawang nyang si BABYLYN Na syang JEZEBEL na hula sa Biblia…Sa Panig kami ng Mahal na Kapatid na Angel Manalo, Siya dapat ang NANGANGASIWA NG BANAL NA IGLESIA NI CRISTO SA HULING ARAW NA ITO, HINDI ANG HAMBOG NA HINDI SINUSUNOD ANG ARAL SA BIBLYA NA…. MAHALIN MO ANG MAGULANG MO WITH A FIRST PROMISE,, Yun ba eh ginawa ni Eduardo sa Magulang nya…

  27. Tanong lang po Ka AE.

    Kung maghukom po ngaun at Magkita ang Ka Eduardo at ka Erdy sa Bayang banal. Marahil Hahanapin po ng Ka Erdy ang ka Tenny at iba pang mga anak nito. Maaaring masasabi nya “Nasaan ang iyong mami at iba mo pang mga kapatid”?

    Ano pong isasagot ng ka Eduardo? “Lumikha sila ng pagkakabahabahagi kaya tiniwalag ko silang lahat” Inihanda ko ang Iglesia at ngaun ay malinis na.

    Ano po kaya ang masasabi kaya ng ka Erdy? “GOOD JOB”? YOU’VE DONE YOUR WORK ACCORDINGLY?

  28. Sinadya kong hindi sumamba ang katunayan po nyan sinadya ko din na hindi tumupad kahit maluwag ang oras at pagkakataon ko. Tama lang ang naging desisyon ko dahil lalo lang akong mahahapis at maguguluhan…

    Asan dito ang isa sa sampung utos ng Dios na igalang mo ang iyong mga magulang? Tama ba na kutyain mo ang kapatid mo sa laman? Pano na tayo na pangkaraniwang kapatid at hindi nya kadugo? kung ang sariling kadugo at sariling ina hindi pinahalagahan paano pa tayo? Bagkus ang ipinagtanggol pa ang mga taong pinag uusapang tiwali? Ka Eduardo nakakaawa ka po? Sino ang magtatanggol sayo sa kinalalagyan mo kung gusto ka ng sirain ng nakapaligid sa yo at baligtarin ka pagdating ng araw sa dahilang ikaw na tagapamahalang pangkalahatan ay walang kakayanan ayusin ang sariling pamilya? Paano pa ang buong IGLESIA? At duon na nila ilalagay ang taong gusto nilang maupo… halatang halata na po ang ginagawa nila inalis nila lahat ang dugong MANALO sa loob dahil alam nila kung gaano kalakas ang mga ito sa mga kapatid… subalit patuloy akong nanalangin sa Ama na huwag masayang ang aking pagpapapagal sa IGLESIA kayat huwag sana nyang nyang ipahintulot na mahulog tayong lahat sa kapahamakan at maghari ang katotohanan.. Ipanalangin natin yan kapatid alisin na ng Dios ang dahilan ng lahat ng ating hinagpis sa loob bago pa mahuli ang lahat.. Tandaan natin mga kapatid mahahayag at mahahayag ang katotohanan sa ayaw at sa gusto nila kung kumikilala pa sila sa TUNAY NA DIOS ang lahat ng pinagndaraan natin ngayon ay may kadahilanan at ang Tunay na DIOS lang ang nakakaalam…. Manalangin po tayo ng mataimtim katulad nila ka AE manalangin din tayong katulad nila… Hindi natutulog ang DIOS.. hindi lingid sa kanya ang mga pangyayaring ito… MAGHINTAY lang po tayo at papawiin nyang lahat ng ating mga hapis at panggigipit na ginagawa nila sa mga anak at asawa ng pinakamamahal nating kapatid Erano Manalo. Kung buhay ang kapatid na Erdy hindi mangyayari ang lahat ng ito..

  29. Naniniwla ako na tlagang na dimlan na ang inyong isipan.at tinakasan na ng espiritu santo ang inyong mga puso.para mag salita ng ganyan laban sa kapatid na eduardo manalo.sana kung paano mo napuno ang mga bagay na sinsabi mo gayun mo din sana napansin ang mga sinabi ng kapatid na eduardo na kayang kaya nyang ibigay ang kanyang buhay alang alang sa iglesia.
    Siguro nga ikaw lang ang iglesia sa pamilya mo kaya d mo pa naramdaman ang sakit ng mayroon kang mahal sa buhay na naiwan sa daan ng pag lalakbay.
    Pero sino ang sisihin ang pamamahala sa iglesia si cristo o ang Ama? Pinakita lang ng kapatid na Eduardo na ang kalooban ng dios ang pangunahin sa kanyang puso at ang kapakanan ng iglesia sa kabuuan.
    At paano mo nalaman na hindi nalungkot o na hapis ang ka eduardo? Kung sabi mo nga mga pangkaraniwang kapatid at mga ministro eh naiyak ng natiwlag ang pamilya ng ka Erano dahil sa kanilang mapag sariling kalooban eh ano pa kaya ang kapatid na Eduardo.? Bakit nakikita mo ba lahat ng galaw ng ka Eduardo.? Dyan pa lang nakikita kna kung ano at gaano ang pag tingin mo sa taga pamahalang inilagay ng dios.ngayun kung nasa loob kpa ng iglesia kapatid manalangin ka at bka mahayag ka dumating ang araw na wla kna din sa iglesia at kung nag papangap ka man na nasa loob kapa ng iglesia.itigil mo na yang maling isipan mo baka hindi kana pag pahinuhuran at matulad ka sa mga nagtaksil sa mga apostol at kay cristo na ang espiritu santo ang mismong kumuha ng kanilang buhah.
    At sa AE post mo tong comment ko dahil ito ang Voice ot the TRUE uilitin lo TRUE IGLESIA NI CRISTO na hangang ngayun sa awa at pagmamahal ng Ama ay nasa loob pa ng Tunay tunay na iglesia

  30. Kung ako si Ka Norman, ipagpapaliban ko ang pagiging katiwala hanggat hindi natatanggal ang mga magnanakaw at tiwali na mga ministro, at maalis sa kapangyarihan ang asawa ni EVM.

  31. We are the people on the bleachers applauding and cajoling the players. But when you smell that they are seliing the game will you continue taking part in the foolihness. At INC it is now the blind leading , shall we follow them to the pit of shame . F…!alfeo

  32. Ka Antonio,

    Please wag nyo po ilabas yung email address ko po..Salamat po ng marami…ako po yang nagsulat ng liham na iyan para kay ka Eddy. Sobrang nababagabag lang po talaga ako sa nangyayari. Salamat po and God bless you and your family. Pinapanalangin ko po ang inyong safety.

    AM

  33. “ka” Norman,

    Paumanhin kung bakit ko nilagyan ng “apostrophe” ang “ka” sa aking salutation. Prangkahan usapan lang. Ang blog na Ito ay ginawa ng mga taong lumalaban sa pamamahala ng iglesia. Kung bakit dito napublish ang diumano ay mga tanong mo Kung totoo man na ito ay legit na sulat mo ay indikasyon na nauubos na ang mga legitimate issues na gustong ilabas ng mga taong nasa likod ng blog na Ito.

    I come here to do my own research, to weigh the supposedly facts these people present so I can make my own judgment, sadly as weeks go by I feel am wasting my time..

    Ang Iglesia ay isang religion na nakarating na sa estado na kahanga hanga Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na. Ang mga kaanib nito ay hindi mga “bobo” na kagaya ng pag kaintindi ng mga taong nasa likod ng blog na ito. Proof is – only a handful showed up when the brother of the executive minister went on live TV asking the faithful to hold a vigil in tandang sora. Those who went there are tiwalag na ministro and members and/or brethren who were misled into believing na tama ang mga accusations nila. Kung ihahalintulad sa kwitis or fireworks eh “suyot” ang results ng strategy ni Angel. Siya na mula pagkasilang at mga Angkan nya ay nagpasasa na at nakinabang sa mga abuloy na galing sa mga Kapatid. They grew up very much loved, adored, protected and moulded into being a true iglesia ni cristo member but what are they now?

    Do you think for a minute a discerning kapatid will conclude that the executive minister will refuse to talk to his brothers or sisters more so to his mother for months? There must be a very valid reason. ! That because of this refusal we will now create a video publish it for the whole world to see? Mga ministro ang mga yan alam ang patakaran sa loob ng iglesia. They made a huge mistake.

    I have attended two of ka Eduardo’s sermon after the you tube showdown. He rose to the occasion. He is truly the anointed one. Wala sa kanyang mga kapatid sa laman ang may kakayahan na mamuno sa Iglesia. Tama si ka Erano. Guided by the Holy Spirit ang pagkatalaga ni ka Eduardo na mamuno sa Iglesia.

    Kaya hwag kang manlumo “kapatid ” dapat matuwa ka, magpasalamat sa Diyos dahil ang banal na spiritu ang gumagabay sa pamamahala. Ano man ang sabihin nila manindigan Ka. Hwag padadaig Kay Satanas.

    Salamat,

    Rex
    ,

  34. Sulat Para sa Tagapamalahang Pangkalahatan
    Mahal na Ka. Eduardo V. Manalo,
    Purihin ang Panginoong Dios dahil buhay pa tayo’t may lakas. Hindi naman na kaila sa aming mga kapatid ang suliraning bumabalot sa loob ng Iglesia ngayon. Nakapanlulumo lang po na nung mag Webex po kayo imbis na makita namin sa puso ninyo ang compassion, pride at pangungutya pa po ang narinig namin na ginawa ninyo sa sarili po ninyo ka pamilya. Naintindihan po namin ang inyong response na ang Iglesia ay di family corporation kundi religion. Tulad po ng mga itinatagubilin ninyo sa aming mga maytungkulin, ang pamilya ang isa sa pinakaimportanteng unit ng isang bayan dahil sa pamilya nabubuo mismo ang values, kultura at spriritual maturity ng bawat miyembro mula sa mga magulang hanggang sa mga anak.
    Kabilang din po ako sa isang pamilya ngunit hindi nagkapalad maging isang mapayapa at masayang pamilya. Lahat po ng buong sambahayan namin ay Iglesia at inihandog din po ako sa Iglesia at naging masiglang kaanib. Sa kasawiang palad po ay nasira ang relasyon ng aking ama’t ina at naging involve ang mga tiyahin, tiyuhin, pinsan at iba pang kamag-anakan namin sa parehong side para lalong masira ang relasyon ng aking mga magulang. Dumating pa nga po sa puntong di kinaya ng pastor sa lokal ang aming suliranin at pinakausap kami kay Ka. Dan V. Orosa. Hindi pa din po naayos ang kanilang relasyon at ngayon kahit na kasal sila sa loob ng Iglesia ay may kani-kaniya na silang bagong kinakasama.
    Pinaglaban ko po ang mga kapatid ko at mga magulang ko sa iba naming mga kamag-anak na nakikisali sa alitan ng magasawa ngunit nabigo po ako dahil sinaktan nila ako physically, mentally at emotionally. Wala po akong kakampi noon at akala ko po ay masisiraan na ako ng bait sa panggigipit,panlalait at pananakit na ginawa sa akin ng aking mismong mga kamaganak na kaanib at mga maytungkulin pa sa Iglesia.
    Lumipas ang ilang mga taon, sariwa pa din sa aking alaala ang sakit at pangaapi na idinulot sa akin ng aking mga kamag-anak/ kapatid sa Iglesia. Naiiyak pa din po ako pag naaalala ko po ang mga masasakit sa salita at pisikal na pananakit na ginawa nila sa akin na parang kahapon lang nangyari subalit dumating po ako sa punto na sobra na akong nang nasasaktan. Pinanalangin at iniluhod ko po iyon sa Ama. Nabasa ko po sa biblia na mismong ang Panginoong Hesus na ang nagsabi na kailangan mong patawarin ang iyong kapatid na nagkasala sa iyo ng maraming beses. Mateo 18:22. Ito din po ay itinuturo ninyo sa doktrina at pagsamba. Dumating po ako sa punto na gustong maghiganti sa mga nangapi, nanlait at nanakit sa akin ngunit binagabag po ako ng aking puso at konsensiya. Alam ko po na di malulugod ang Panginoong Diyos sa ganung gawain at di ako magmamana ng buhay na walang hanggan kung gawin ko iyon.
    Hindi pa po sila humihingi ng tawad sa akin pero napatawad ko na po sila at handa ko po silang kausapin kung kelan sila ay handa na. Nagkasala din naman po ako sa kanila dahil alam kong di ako perpektong tao at umaasa na mapatwad din nila ako. Sino ba ako para di magpatawad? kung ang Panginoong Dios nga ay di nagdadalawang isip na patawarin ako sa lahat ng pagkakasala ko araw araw then sino ba ako para di magpakumbaba at magpatawad?
    Alam ko po ako ay isa lang karaniwang tao na walang mataas na gampanin at kapangyarihan tulad ninyo. Nakakapanlumo lang na nagmamakaawa nang makipagusap sa inyo ang inyong mga kapamilya ngunit nagkikibit balikat pa din kayo. Alam ko po na di ko na kailangang mag sitas ng biblia dahil malamang memoryado nyo pa po ang biblia pero gusto ko lang po na ipaalala ang nakasulat sa Mateo 20:28 “Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.” Kung ang Panginoong Hesus mismo ay naglingkod sa kaniyang kawan, ano pa kaya tayong nasa kawan? “A Great Leader is a Great Follower” at kung di po ninyo kayang kausapin ang inyong kapamilya at magpatawad, mas mabuting tanggalin nyo na lang po sa doktrina ang pagiibigang magkakapatid lalo na po kung exempted pala ang namamahala at mga namamahala sa Iglesia. Wala pong paglapastangan sa aking puso at sana malinaw po sa inyo na wala din pong paglaban sa pamamahala at galit man sa aking puso. Mahal ko po kayo at ang Iglesia kaya naglakas loob po akong isulat ito kahit na alam kong kukutyain po ako ng mga ministro, manggagawa at mga kapatid. Panalangin ko po ay sna mabasa po ninyo itong aking liham.

    Ang Inyong Kapatid sa Panginoon,
    Antonio Malaya

  35. madali magparatang pero mahirap patunayan. madali tayong mapapaniwala kung tinititigan lang natin ang isang bahagi at di natin tinitingnan ang kabuuan.

  36. Ka Norman, pakitanim na lang po sa isip at puso nio na sa Panginong Dios tayo naglilingkod at hindi sa kanino mang tao. Kaya ano man ang mangyari, manatili po tayong maging matatag at patuloy na manghawak sa banal na magagawa ng ating Ama.

    Patuloy po nating ipakipaglaban na masikap ang ating pananampalataya at panghawakang mabuti ang ating kahalalan.

    Sabi nga, sa panahon ngayon… matira ang matibay! Dahil pagdating ng ating Pang. Jesus ay kaniya kaniya tayo ng pagsusulit.

    Ipagpatuloy ninyo ang inyong masiglang paglilingkod kasama ng inyong pamilya at ang pagtanggap ng tungkulin dahil dito tayo lalong tatatag, mababanal at makakalugod sa ating Ama.

    Higit sa lahat manatili sa inyo ang pagpapanata ng sambahayan at mamalagi sa ating tuwina ang pag iibigang magkakapatid.

    Ingat po kapatid at palagi po na sa Ama natin ilagak ang lahat.

    Pagpalain po tayong lahat ng ating Pang. Dios at maawa Siya sa atin na makapanatili tayong tapat hanggang wakas.

    Joey

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *