MARUNONG DIN PALANG MATAKOT ANG SANGGUNIAN
English translation below.
Ang Sanggunian ay kilala hindi lamang sa korupsiyon kundi maging sa pananakot gamit ang kanilang kapangyarihan—kapangyarihang maihahalintulad sa isang pugita na maraming galamay at maraming naaabot. Nagagamit nila ito hindi lamang sa Iglesia kundi maging sa iba’t bang sangay ng Pamahalaan. Pangunahin nila itong ginagamit laban sa mga ministro at mga kapatid na inaakala nilang may nalalaman, nagtatanong, pumupuna, at lalo na sa mga tumutuligsa sa kanilang ginagawang mga katiwalian. Dahil sa gamit nila ang resources ng Iglesia, madali nilang puntahan upang takutin ang sinuman kahit pa ang mga nasa ibayong dagat kabilang na ang mga kamag-anak at malalapit sa kanilang mga inuusig. Dahil sa lakas ng kanilang loob, iniisip nila na ang lahat ng kanilang ginagawa at nagagawa dito sa Pilipinas ay magagawa rin nila sa ibang mga bansa, halimbawa ay sa Amerika. Hindi lamang kabi-kabila ang kanilang ginagawang pagtitiwalag na ang gamit lamang ay telepono (tinatawagan nila sa telepono ang itinitiwalag at sinasabing, “tiwalag ka na” kahit hindi na dumaan sa tamang proceso), kundi nitong nakaraang mga araw ay walang tigil ang lipad ng mga “interrogators” at mga “intimidators” ng Sanggunian na sina kapatid na Benefrido C. Santiago at Mathusalem V. Pareja upang takutin ang mga kapatid doon, at ang kataka-taka o katawa-tawa, pati ang mga itiniwalag na nila ay gusto pa nilang kausapin at muling takutin.
Dito sa Pilipinas, kapag ginusto nila ay nagagawa nilang gamitin maging ang mga may kapangyarihan upang ipatugis ang gusto nilang pinsalain gaya ng napanood ng marami sa Television na nagpapakita na si Col. Marcelino Pedroso at ang kaniyang mga tauhang police, dala ang kanilang malalakas at mahahabang armas ay nagsikap na kunin si kapatid na Jun Samson sa kaniyang pinagtataguan. Mabuti na lang at hindi siya iniwan ng mga taga-media at nang lapitan ng reporter ng ABS-CBN sina Pedroso ay nagtakbuhan sila sa kanilang sasakyan at dagliang umalis. Tinawagan ng reporter ang MPD kung may operation sila sa dakong iyon at ang naging sagot ay “negative.”
Dahil sa labis na pagkalasing sa kapangyarihan, ang pananakot o pangbu-bully ng Sanggunian ay ginagawa na rin nila sa mga nasa Pamahalaan. Ang tapang nila di po ba? Sa unang tingin! Bakit po? Sapagkat kapag pinag-isipang mabuti, makikita na ang ginagawa nila ay hindi na naghahayag ng katapangan kundi ng karuwagan at labis na pagkatakot sa maaaring mangyari sa kanila. Tiyak na naipaunawa na sa “Sang goon nian” ng kanilang mga Attorney at law na napakabigat na parusa ang kanilang kinakaharap kapag napatunayan ang mga kaso laban sa kanila na “illegal detention.” Bukod sa hindi sila makapagpi-piyansa ay habang-buhay na pagkabilanggo ang hatol sa bawat kaso. Kaya, kung tatlong kaso ay tatlong panghabang-buhay na hatol. Kung sabagay, matandang-matanda na ang ilan sa kanila gaya ni kapatid na Glicerio B. Santos, Jr., kaya marahil ay isang hatol na lang ng panghabang-buhay na pagkabilanggo ang kaniyang bubunuin. Tiyak po na matutuwa siya sa magandang balita.
Dahil sa matinding takot, nagtatago sila sa mga kasinungalingan. Ipinakalat nila ang mga sunod-sunod na balita na ang tanging layunin ay iligaw ang mga kapatid. Halimbawa, ang nakademanda raw at aarestuhin na ay si kapatid na Eduardo V. Manalo, o, pagkatapos raw na arestuhin ang Sanggunian ay isusunod na si kapatid na Eduardo gayong maliwanag na hindi kasama ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan sa demanda. Minadali raw ng DOJ, at inuna ang kaso ni kapatid na Isaias T. Samson, Jr. at ilalabas na raw ang warrant of arrest gayong wala pang schedule ng preliminary investigation upang alamin kung maaaring isampa ang kaso sa korte na ito ay isang matagal na proceso. Ito raw ay dahil sa biased o may kinikilingan si Secretary De Lima kaya walang maaasahang hustisya sa kaniya na para bagang si Secretary din ang Hukom na lilitis at huhusga sa kanila. Isinasangkalan din nila ang kaso ng SAF-44 na doon ay may dalawa raw na kapatid sa Iglesia na namatay. Tama lang po na dapat ay naaksiyunan ang kaso ng SAF-44 pero may karapatan o nasa posisyon ba ang Sanggunian na isangkalan ito upang sabihing walang hustisya? Kung tunay na pinagmamalasakitan nila ang mga kapatid na namatay sa Mamasapano, bakit hindi nila alam ang kanilang tiyak na bilang? Dalawa lang daw, pero ang tama ay tatlo. Bakit ngayon lang sila nag-iingay tungkol dito? Tama na sana ang kanilang kapaimbabawan at kasinungalingan. Nahahalata na sila ng marami.
Sinasabi rin ng Sanggunian na hindi raw dapat makialam ang DOJ dahil ang nangyayari ay internal problem ng Iglesia. Paanong maituturing pa na internal samantalang ang nagdemanda sa kanila ay itiniwalag na nila at hindi na nila kinikilalang kaanib sa Iglesia? At kahit pa kaanib sa Iglesia ay hindi na nila maikakatuwiran ito sapagkat lumabag na sila sa batas kaya may pakialam na ang gobyerno. Kung idemanda ba sila ng isang taga-labas ng Iglesia ay ipipilit kaya nila na internal lang kaya hindi dapat makialam ang gobyerno? Magra-rally din kaya sila?
Sa mga nakaaalam ng batas at masusing nagsusuri sa mga nangyayari ay agad nilang nahalata na pakana lamang ng Sanggunian ang pagpapalabas ng mga maling impormasyon upang sila ay makapagtago sa likod ng mga kapatid. Dito ay kitang-kita kung ano ang nakahanda at kaya nilang gawin maprotektahan lamang nila ang kanilang sarili. Kung baga sa natatakot mabaril at mapatay ay ginagamit nila ang mga kapatid na pananggalang sa bala at ang lalong nakababahala pati ang Tagapamahalang Pangkalahatan na di umano ay kanilang pinu-protektahan ay ang una nilang ginawang pananggalang.
Nang tanungin ni Doris Bigornia na isang TV reporter ang isang kapatid kung bakit sila nagra-rally, ang sagot ng kapatid ay ipinaglalaban nila ang “separation of Church and State.” Nang tanungin siya kung ano ang pagkakaunawa niya sa separation of Church and State, ang mabilis niyang sagot ay “Pinapunta lang po kami rito ng aming pastor.” Bagamat nais ko sanang matawa sa sagot ng kapatid ay awa ang aking nadama at naisip ko na tiyak na hindi siya nag-iisang ganoon. Hindi naman ipinaliwanag sa kanila ang mga nakasulat sa placards kundi ang karamihan ay napilitan lamang na magpunta dahil pinilit este inakit lang sila at tinagubilinang ang hindi magpupunta ay hindi nakikipagkaisa o kalaban ng Pamamahala. Tinagubilinan ang mga lokal na isama pati mga bata na hindi na isinaalang-alang ang kapakanan ng mga ito na baka maipit kung sakaling dumagsa ang tao, maguton, maulanan, at magkasakit. Ipinasama rin ang mga hindi kaanib sa Iglesia na sa halip na makita ang magandang ugali ng mga kaanib ay na-exposed lang sa mga bulgar at magagaspang na pananalita at aksiyon ng mga naturingang ministro ng Diyos.
Isang dating mataas ang posisyon sa Iglesia at iginagalang sana ng marami ang bigla na lang nagbakla-baklaan sa stage at hinikayat ang mga kapatid na isigaw ang “Hostess siya” sa halip na “Hustisya” na ang pinatutungkulan ay si Secretary De Lima. Isa pang ministro na halos bulag na raw ang hindi lang pala bulag dahil hindi niya nakita ang kagaspangan ng kaniyang aksiyon sa stage kundi naging bingi rin sa kaniyang mga sinasabi laban sa Pamahalaan na nasa border na ng inciting to sedition o rebellion. Bukod sa paghikayat niya sa kapulisan at mga nasa militar na sumama na sa kanilang ipinakikipaglaban ay ginawa pa niyang mga panauhing tagapagsalita ang ilang pulitiko na noon ay kabawal-bawalan sa mga pagtitipon ng Iglesia. Ito ay kahayagan na hindi na nila kaya sa kanilang sarili lamang na kumbinsihin ang mga kapatid upang makipagkaisa sa kanila. Kinailangan pa nilang gumamit ng mga taga-sanlibutan pati mga awtoridad ng ibang mga relihiyon upang makumbinsi ang mga kapatid. Nagmukha tuloy political rally ang religious rally. Isa namang ministro na dati ay walang masabi at nauutal kapag tinatanong sa interview ang buong yabang na nagsalita at pinabababa pa sa puwesto sa gobyerno (na obviously ang tinutukoy ay ang Pangulo) dahil daw sa walang utang na loob pagkatapos na tulungan o iboto siya ng Iglesia. Brod, kailan pa natin pinatanaw ng utang na loob o humingi tayo ng kapalit sa ating ibinoto. Napakarami na tuloy ang nakahahalata kaya ayaw na nilang sumunod sa Sanggunian.
Katunayan, kinailangan pa nilang paluwasin ang mga kapatid mula sa malalayong probinsiya para lang dumami ang nasa Edsa. Sana ay hindi mga pulitiko ang gumastos sa kanilang mga pamasahe at pagkain. Sana ay hindi rin totoo na binantaan ang mga kapatid na nasa pamayanan ng Iglesia na sila ay palalayasin kapag hindi sila nagtungo sa Edsa. Kung nakikinig pa ang mga kapatid sa kanila, sobra-sobra na ang matitipon nila kahit mula lamang sa Distrito ng Quezon City, higit pa sa natipon nila sa Edsa pagsama-samahin man.
Hindi rin kataka-taka na hindi maunawaan ng marami ang kahulugan ng separation of Church and State at Freedom of Religion sapagkat mismong ang mga taga-Sanggunian ay mali ang pagkaunawa o binabaluktot ang kahulugan nito. Ang ipinipilit nila ay hindi raw maaaring pakialaman ng gobyerno ang Iglesia o ang mga namiminuno rito kahit na sila ay may nilabag sa batas dahil ang ginawa raw nila ay bahagi ng disiplina sa Iglesia na isang pag-amin sa kanilang mga ginawa. Ang pagkaunawa nila ay labag mismo sa kanilang itinuturong doktrina na ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay dapat na “magpasakop sa bawat palatuntunan ng tao, maging sa hari na kataas-taasan, o sa gobernador na isinugo ng Diyos …” gayundin ang sinabi ni Cristo na “ibigay kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.” Kapag gusto nilang gamitin ang mga nasa Pamahalaan sa illegal na gawain tulad ng nabanggit nang pagtugis ng mga pulis kay kapatid na Jun Samson ay ginagawa nila at walang makapipigil sa kanila, subalit kapag sila na ang inusig ng batas ay aakusahan nila ang Pamahalaan ng paglabag sa konstitusyon. Double standard, di po ba?
Natapos na ang rally. Salamat sa Diyos sapagkat walang napahamak sa mga kapatid na pinagod nila. Sana lang ay ilabas at ipaliwanag nila ang sinasabi nilang tagumpay ng Iglesia sa rally. Napilit ba nila ang Pangulo na magbitiw, o alisin si Secretary De Lima? Kung hindi, napilit ba nila na i-drop ang demanda bago pa magsimula ang preliminary investigation? Nauna pa ba ang hatol sa hearing? Kung ito’y totoo, ang dahilan ay takot. Maaaring takot ng mga nasa gobyerno sa Sanggunian na brinaso sila dahil ang mga miyembro naman ng Sanggunian ay takot na takot sa demanda. A.E.
The Sanggunian members are well known not only for their corruption but also for using their power to make threats- this power may be likened to an octopus with a gang of arms able to reach many. They use this not only in the Church but also in many branches of the Government. Primarily, they utilize this power against ministers and brethren they suspect to know something, questioning, criticizing, and especially against those who object to their corruption. Because they control the use of the resources of the Church, it is easy for them to pay anyone a visit to threaten them, even those who are abroad including the relatives and those close to the ones they persecute. They have the nerve to assume that whatever they can do in the Philippines they can also do in other countries such as America. They have expelled many using the telephone (calling brethren and saying “you are expelled” even without due process), and in these last few days, Sanggunian interrogators and intimidators, brothers Benefrido C. Santiago and Mathusalem V. Pareja have been flying abroad non-stop to threaten the brethren there, and the perplexing and comical thing is, they insist to communicate to those they have expelled and once again try to threaten them.
Here in the Philippines, their wish is the command even of those in power to hunt whom ever they want to destroy just like what many witnessed on Televison when Col. Marcelino Pedroso and his police men, bearing powerful and long arms tried to nab brother Jun Samson from his hiding place. Thanks to the media for staying with him and when a reporter from ABS-CBN approached Pedroso and his men, they ran to their vehicles and speedily left. The reporter called MPD to ask if they had an operation in that area and the answer was negative.
Heavily drunk in power, the Sanggunian is also threatening and bullying those who are in the government. Courageous, don’t you think? Only at first glance! Why? If you think hard enough, you’ll see that what they are doing exposes not bravery but cowardice and great fearfulness of what may befall them as consequences to their actions. Surely the lawyers of the Sang goon nian” have explained how serious the punishment will be if they are proven guilty of “illegal detention.” Aside from being a non bailable offense, life imprisonment is the penalty for such a crime. Three cases will equal three life sentences. At his old age, brother Glicerio Santos Jr. would only need one. This must be such thrilling news to him!
Trembling in fear, they hide behind many lies. They resorted to spreading news one after another to confuse the brethren. Concocted stories such as, Ka Eduardo V. Manalo was the one charged and will be arrested, or he will be arrested after the Sanggunian when clearly, the law suit does not name the Executive Minister as one of the defendants. They accuse the DOJ of rushing the case, prioritizing the complaint of bro. Isaias T. Samson Jr. and releasing the warrant of arrest, while a preliminary investigation hasn’t even began to determine if the case could be brought to court, which is needless to say a very long process. Secretary De Lima is accused of being biased and unfair therefore no justice could be expected from her as if the Secretary is also the Judge who will try and convict them. They confronted the case of SAF-44 wherein according to them, two members of the Church died. It is only right that the SAF-44 case should be acted upon but what right or position does the Sanggunian posses to advance this claim and say that there is no justice? If they truly care about the brethren who died in Mamasapano, why don’t they even know the true number? They stated two, when in reality there were three. Why make noise about it just now? Enough of their arrogance and lies which are obvious to many.
The Sanggunian also stated that the DOJ should not meddle in the internal problems of the Church. How can this be considered internal when they have expelled the plaintiff and longer consider him a member of the Church? They cannot use the same premise even if he was a member because the law was violated giving the Government the right to interfere. Will they insist it to be an internal problem if a non member files a case against them? Will they call for a rally as well?
To those who know the law and are truly researching the facts behind these current events, it won’t be hard to see the Sanggunian’s concoction of wrong information as they hide behind the brethren. We can clearly see what they are ready and capable of doing just to protect themselves. They fear to get shot and die and so they dodge bullets by using the brethren as a shield and what’s more alarming is that instead of protecting the Executive Minister, they have also used him as a shield.
When TV reporter Doris Birgonia asked one member why they joined the rally, his answer was they were fighting for the “separation of Church and State.” When asked about how he understands separation of Church and State, his immediate response was “We were told by our Pastor to come here.” Although I wanted to laugh at his answer, I felt sorry knowing that he wasn’t the only one caught in the middle of the situation. Nothing was explained to them thoroughly, not even the words written on the placards. Most of them were persuaded to be there by force, I mean lured and were persuaded that those who will not go are not in unity or enemies of the Administration. Locals were instructed to take even their children without regard to their well being and safety from a stampede, hunger, inclement weather, and sickness. Non members were also invited only to be exposed to the vulgar and rough speeches and actions of many so called ministers of God.
A former high ranking official in the Church and well respected by many all of a sudden lead the audience to chant “Hostess sya” instead of “Hustisya” (justice), in reference to Secretary De Lima. Another minister was blind enough not so see his actions and was deaf enough not to hear himself speak words harsh enough against the Government bordering on inciting sedition or rebellion. Aside from inciting police officers and the military to join their cause, he has also invited as guest speakers politicians who were in the past prohibited in joining Church activities. This only proves that they can no longer by themselves convince the brethren to unite with them. They had to use non members, even authorities of other religions to convince the brethren. The religious rally became a political rally. One minister who normally would not speak out and stuttered when questioned during interviews, haughtily spoke and challenged a leader to step down (referring to the President) accusing him of being ungrateful after the Church has voted for him. Bro, since when have we asked favors in exchange of our votes? Many are waking up and refusing to obey the Sanggunian.
The proof is, they had to ask brethren from far provinces to come and fill the streets of Edsa. We hope the politicians weren’t responsible for their fare and food. We hope it isn’t true that the brethren in the INC Housing were threatened to be displaced if they didn’t go to Edsa. If the brethren were still listening to the Sanggunian, they would have gathered enough people from the District of Quezon City alone, much, much more than the crowd they have gathered all together.
It is no mystery why many do not understand the meaning of separation of Church and State and Freedom of Religion because the Sanggunian members themselves have the wrong understanding or they twist its meaning. They insist that the Government cannot meddle in the Church or interfere with the leaders even if they have broken the law because what they are doing is part of the discipline implemented to those who admit wrong doing. Their understanding contradicts the doctrine they teach that the members of the Church of Christ must “submit to every law of man, even to the highest king, or to the Governor commissioned by God…” As stated also by Christ, “give to Cesar what is for Cesar, and to God what is for God.” If they want to use their government resources in illegal acts as mentioned by using the police to pursue bro. Jun Samson, they will do it and no one shall stop them, but if they law pursues them, they will accuse the Government of violating the constitution. Double standard, don’t you think?
The rally is over. Thank God none of the brethren they inconvenienced were harmed. Now, we wish for them to reveal and explain their so called victory of the Church in this rally. Did they force the President to step down, or remove Secretary De Lima? If not, did they coerce her to drop the case even before the preliminary investigation? Has judgement come before the hearing? If this is true, the reason is fear. Some Government officials do fear the Sanggunian who was able to flex their their biggest muscle, but is also a fact that the Sanggunian members hastily showed force because a law suit is their biggest fear.
A.E.
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Official Website: http://www.incdefenders.org/
http://www.iglesianicristosilentnomore.org
Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

bro nabasa ko lahat ng isinulat mo.. at ako lamang ay natawa dahil akalain mo ba naman sobrang labo ng kaisipan mo?
kung ikaw ay nadoktrinahan sa loob ng iglesia, alam mo ang tamang paraan paano iwaksi ang sinasabi mong katiwalian, kahit punooin mo pa etong blog mo ng 1million napost, ang ama ay hindi papanig sau..
isa lang gusto mo mangyari bro, hati-hatiin ang buo.. mahirap tangapin un dahil iba na paniniwala mo.
mang mang man ang mga kapatid na papaniwala mo, pero ama lang magtuturo sa kanila ng tamang daan, at burahin ang bulok..
wag mo sanang isipin na ikaw ang bagong henerasyon na apostle, dahil na pamali ka ulit ng bilang ng taon, isa sa ginagawa mo napatunay na malapit na talaga paghuhukom..
sana maliwanagan ka bro, bago naman mahuli ang lahat, pede kapa magbagong buhay at bumalik sa diyos. salamat.
Antonio lupit mong mag imbento ha. Pasensya na pero lalo pa kaming tumatatag sa pananampalataya at pasasakop sa pamamahala. So, imbento pa more….clap clap clap!
mga ulol nagcomment kayo mag corrupt
Im one with EVM
Sa panahon ng ating Panginoong Jesucristo, isa lang ang NANGHUDAS sa Kaniya; subali’t sa panahon ngayon ay HIGIT pa sa WALO ang mga tinatawag na HUDAS.