SAGOT SA LIHAM NI KAPATID NA NORMAN

Kapatid na Norman,

Marami pong salamat sa inyong sulat tungkol sa naging reaksiyon ninyo sa Webex ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan noong Aug. 4, 2015. Ang inyong reaksiyon ay sumasalamin sa reaksiyon ng nakararami. Bilang isang ministro na patuloy na gumagalang sa ating Tagapamahala ay wala na po akong maidaragdag pang komento sa mga nasabi na ninyo. Nauunawaan ko po kung kayo man ay apektado ng mga nangyayari sa kasalukuyan. Ganyan din po ang nangyayari sa marami nating mga kapatid. Ang kaibahan lang ninyo ay hindi ninyo kinimkim sa inyong damdamin ang inyong nadarama kundi inihayag ninyo sa pamamagitan ng inyong sulat. Nawa ang inyong sulat ay makapukaw sa damdamin ng mga kapatid upang kanila ring maiparating sa ating namamahala ang kanilang mga nakikita at nadarama.

(Many thanks to your letter about your reaction on the Webex of our Executive Minister on Aug. 4, 2015. Your reaction mirrors that of many. As as Minister who continues to respect our Executive Minister, I do not hae anything to add to what you have already stated. I understand that you are affected by the current events. That is also what our many brethren feel. The difference is that you do not keep these emotions within yourself, instead express them through your letter. May your letter awaken the emotons of our brethren as well in the hopes that what they see and feel may still reach  the Adminitration.)

Ang mga katulad ninyo na nagmamahal at nagmamalasakit sa Iglesia ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang patuloy na ihayag ang mga katiwaliang ginagawa sa Iglesia ng ilang tiwaling mga ministro sa pangunguna ng Sanggunian sa pag-asang mamumulat ang buong Iglesia at maaksiyunan ang mga tiwaling Sanggunian.

(People like you who love and care for the Church give me the courage to continue exposing the corruption that some members of the Council are doing in the Church, in the hopes of awakening the whole Church to action against the evil works of the Council.)

Ang masasabi ko po sa inyo bilang ministro, ay mamalagi nawa kayong matatag sa inyong pagka-Iglesia ni Cristo. Gaya ng lagi ko pong sinasabi, gaano man katiwali ang ilang ministro ay namamalaging totoo ang Iglesia at ang mga aral nito at dito lang natin matatamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng tapat na pagsunod sa mga aral. Patuloy po tayong manalangin at sumampalataya na ihahayag din ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan.

(What I can tell you as a Minister, is my hope for you remain strong in your being an Iglesai ni Cristo. As I always  say, no matter how corrupt some Ministers may be, the Church remains true and the teachings herein and it is the Church where salvation is found through our obedience to the teachings. Let us continue to pray and have faith that God will reveal His power.)

-Antonio Ebangelista

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”

Official Website: http://www.incdefenders.org/

http://www.iglesianicristosilentnomore.org

Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com

Instagram: @antonioebangelista

Twitter: @AEbangelista1

Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista

Similar Posts

8 Comments

  1. A false prophet that twists the truth. A desperate counterfeit preacher who serves only his stomach. A secular individual who turned after the evil spirit.

  2. Ipagpatuloy po ninyo kapatid ang pagsisiwalat ng katotohanan.Lage po kaming nagaabang ng inyong mga blog.Darating din ang tamang panahon n maisisiwalat ang lahat.Patuloy po kami sa pananalangin.

  3. Isa din akong OFW.. alam ko pakiramdam ng pumila sa airport. Maghintay pag delayed ang flight..kung may pambili naman bakit hindi bilin. Hindi naman inutang ang pinambili. Aanhin ba ang pera kundi gastusin. Duh!

  4. Sigurado ako…kayo kayo lang din ang gumawa nyang reaction nyo na yan. Tigilan nyo na. Di bumibenta. Ano ba gusto nyo? Ano pinaglalaban nyo? Gusto nyo din ng private airplane? Inggit kayo? Kung ako maraming pera, di lang eroplano bibilin ko para sa mahal na Ka Eduardo Manalo…bibilan ko pa sya ng yate, ng sariling tren, lahat ng magandang bagay para lang makarating sa mga kapatid na malayo. Nagpapakapagod ang kapatid hindi para kumita ng pera…kundi para sa kabanalan ng lahat ng kapatid. Hindi bakasyon ang punta nya…kaya yung maliit na bagay na comportable ang upo at walang pila sa public plane…konti lang kung tutuusin..sagutin nyo lahat to…bakit di ko makita mga comment ko. Bakit di mabasa ng mga kaibigan ko? Ihack nyo pa..sige lang.

  5. Magandang araw kapatid na AE

    Ako po ay isang masiglang kaanib sa INC mula pa po noong ako’y bata pa hanggang ngayon po na ako’y isang ina na. Iminulat po kami ng aming mga magulang sa paghawak ng tungkulin kung kaya’t kaming mga magkakapatid ay naging maytungkulin sa aming local mula pa nong aming kabataan hanggang sa kasalukuyan. Pinalaki po kami ng aming mga magulang na bagama’t hirap ay matutong magsubi alang alang sa handugan sa Iglesia dahil dito po nalulugod ang ating Panginoong Diyos. Kami pong magkakapatid sa murang gulang pa lamang ay natuto ng mag save mula sa aming mga baon sa school na ipigpapasalamat namin una sa Diyos dahil sa ganitong pamamaraan ay gumanda po ang aming pamumuhay.

    Bilang isang kaanib sa INC at lumaki sa INC, napakasakit po para sa aming magkakapatid ang lahat ng mga nangyayari ngayon lalo na po sa pamilya ng mahal nating Ka. Erdy, hinde ko po lubos maisip kung bakit humantong sa ganito na kung iisipin batay sa aral natin na ang pangunahing utos na may pangako ay ang paggalang sa ina at ama. Hinde ko po maintindihan ang espiritung nag-udyok sa Ka Eddie Boy na itiwalag ang kaniyang mga kapatid at ina na kasabayan niyang lumaki at pinalaki ng Ka. Erdy, ang inang nag-aruga sa kaniya mula pa noong siya’s nasa sinapupunan pa lamang. Hinde po ba itinuturo rin sa atin na bilang mga kaanib sa loob ng Iglesia lalo na at malapit na ang Sta Cena ay makipagbati sa mga kaalitan. Si Ka Eddie Boy ilang Sta Cena na po ang nagdaan bago pa matiwalag ang kaniyang mga kapatid at ina na hinde na niya kinakausap. HInde po ba bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ay siya ang manguna sa pagsunod sa alituntuning ipinatutupad sa Iglesia, pero bakit po nagkaganito at ngayon po sa ibang magkakapatid na nagkakaalitan ine expect po ba nila na susunod sila kapag pinagbabati eh kung yung mga naamumuno nga po eh hinde tuwirang
    sumusunod sa mga alituntunin ng Iglesia.

    Saan na po patungo ang Iglesia ngayon na kung ang mga namumuno ay walang malasakit sa Pananalapi ng Iglesia – mga salaping nanggaling sa paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino na dahil sa laki ng pagkaunawa sa halaga ng pag-aabuloy ay iniaawas pa sa kanilang pagkain makasunod lang sa utos ng ating Panginoong Diyos na ngayon ay pinagpapasasaan ng mga miyembro ng Sanggunian.

    Nasaan na po ang inyong kunsensiya (o meron pa po ba) sana wag dumating ang sandaling maski sa inyong panaginip ay binabagabag na kayo dahil sa inyong mga maling Gawain.

    Salamat kapatid na AE na sa pamamagitan nito ay nalalaman namin ang mga nangyayari sa Iglesia at harinawa po ay matapos na itong kris sa loob ng mahal nating Iglesia. Sana po ay magising na ang Ka. Eddie Boy at para po muling manumbalik ang sigla sa nananamlay ng Iglesia ngayon.

    Ang inyong kapatid kay Cristo,

    Kapatid na Milagros

  6. KAPAL NG MUKHA MO SA PAG GAMIT NG PANGALANG IGLESIA NI CRISTO E TIWLAG NA KAYO AT KAPAL PA ULIT NG MUKHA MO SA PAG GAMIT NG PANGALAN NG PAMAMAHALA ! AT ISANG KAPAL NG MUKHA MO ULIT N SABIHING KAPATID ANG MGA KAPATD SA IGLESIA,NASA LABAS NA KAYO NAGHIHINTAY NG DAGAT DAGATANG APOY NA NATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM PARA SA INYO ANG ISANG TUNAY NA INC DI NA NINIWALA SA KASINUNGALINGAN NYO !

  7. Subali’t sa layunin natin ihayag at baguhin ang nangyayari sa kasalukuyan ang kapalit naman ay pagtitiwalag, banta sa buhay at ibang mga panganib. Saan na lalagay ang mga ministro at kaanib na tulad ninyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *