AUDIO RECORDING: THE OPEN SECRET

VOICE OF A NON-BRETHREN: “OPEN SECRET”

AE,

Hindi nyo ako kapatiran at di mo rin ako kilala pero matagal ko ng binabasa ang mga expose mo. Aaminin ko na isa ako sa mga nakikinabang sa mga kontrata na nakukuha namin sa mga politiko kapag inilalapit kami ng mga M (Ministro), lalo na ng mga Bossing (Sanggunian). Marami kami na nangongontrata na pinagtitiwalaan nila dahil marunong kaming “makisama” at dahil na rin marahil di naman ako kapatid. Hindi naman magsasabi ang mga yan ng presyo, pero magpaparinig ng mga gastos daw sa pagpapagawa ng sasakyan, pagpapagamot ni misis, tuition ni Jr. at iba pa, ang kailangan lang ay marunong kang makiramdam, at alam mo ang mga paboritong pagkain at mga hilig na brand ng damit, gamit o gadgets. Syempre, gasino lang naman ang mga “pasalubong” na ito kung ikukumpara sa mga nakukuha naming projects.
Kaya ako sumulat sa inyo, dahil sa alam kong may mali sa ginagawa ko dahil ang perang nakikinabang ko ay mula sa mga offerings nyo, pero ang punto ko naman, kung hindi ko ito gagawin, may iba lang na gagawa nito, kaya bakit pa ako magmamalinis, eh kung yun ngang mga M na kausap ko eh ang tatapang na sumawsaw sa mga pagkakakitaan, ako pa kaya na tauhan lang at di naman kapatiran, edi ako na lang, atleast nakakatulong pa ako sa mga Ministro nyo para naman guminhawa ang buhay nila. Pero dumating din ang panahon na di ko na masikmura lalo na ng mabalitaan ko ang mga panggigipit nila sa pamilya ng ka Erdie at iba pang mga M, para naman kasing di na makatao yun, mali talaga. Siguro medyo nakahalata sila Boss kaya bihira na rin akong kausapin at hindi na nagbibigay ng mga projects. Tutal marami naman silang kausap na contractor na katulad ko. 
Gusto ko sanang ibigay ang mga projects na ibinibigay nila sa amin, kaso nga lang ay mapipinpoint ako dahil iilan lang kami sa grupo na binibigyan ng project na 5M pataas na nakukuha nila sa mga kaibigan nilang politiko. At kung sa mga Ministro nga ninyo ay nagawa nilang ipakidnap at ipakulong, ako pa kaya. Magaling silang magtago ng paper trail at ibang phone number ang gamit para sa mga transaksyon para di talaga matetrace sa kanila kaya sa palagay ko ay nagaaksaya lang kayo ng panahon na mapatunayan yang mga korapsyon dahil para din silang mga politiko na namaster na ang galing sa malinis na pangungurakot. Pero di ibig sabihin na magaling ang pagkakatago ng ebidensya ay wala na talagang korapsyon dahil ito ay isang open secret naman sa mga taong nakakaalam nito, takot lang magsalita.
Kaya ang tanging maibibigay ko lang sa iyo ay itong audio recording na nakuha ng isang kasama ko ng kausap niya ang isang kilalang General na malapit sa mga M at Boss. Marami naman silang kausap nya kaya ok lang, malamang ay magtatago na rin sya kapag lumabas itong recording ni General. Sya ang kalimitang kaukausap para sa kanilang mga raket. Di ko inaasahang maniniwala ka sa maririnig mo, pero sa amin na nakakaalam ng kalakaran sa loob, alam naming totoo ang lahat ng ito. Para lang malaman mo kung ano talaga ang nangyayari sa labas at ng maunawaan mo na sobrang lalim na ng ugat ng kalakaran sa inyo kaya talagang imposible na matatalo mo sila, siguro dapat manahimik ka na lang at hayaan mo na lang sila. Sooner or later meron ding mabubuking dyan.
pakitago mo na lamang ang mga id ng mga taong ito para maprotektahan din sila kahit papaano. Sana AE magtagumpay ka sa hangarin mong mailantad ang mga gumagawa ng masama para na rin sa kabutihan ng kapatiran nyo. By the way, 2 sa mga anak ko ang ngayon ay dinudoktrinahan pati ang pamilya nila dyan sa Manila, matagal na nila akong inaakay noon pero sabi ko saka na kapag malinaw na ang lahat. Ngayon ay tumigil na rin sila sa pagpapadoktrina at pagsamba nila dahil sa ibang iba na raw ang ambiance ng simbahan nyo kapag sumasamba sila, puro na lang daw pera pera pera at pasakop sa leaders nyo.
Goodluck sa inyo AE.
JPA

GenGen Audio2

======================================

Dear Mr. Whoeveryoumaybe,

Thank you for your efforts in writing and sending me this voice record. Unfortunately I cannot confirm nor deny any of these statements due to the lack of documentary evidences. Although a lot of what was discussed are really open secret amongst  the brethren, especially those in the “circle of trust” of the Ministers and the Sanggunian. Hopefully more and more people will come out so that the undeniable truth will be revealed for all to accept, especially the blinded ones.

As much as they want they want to sanitize their “tracks” to assume absolute deniability, they cannot fool the people who knows the TRUTH. The TRUTH will surface for everyone to see, because no matter how they try to cover things up, smoke will always come out when there is a fire.

And to those who may be reading this and is still in denial, it’s up to you to listen to this recording and correlate it with what you know to be true, but bear in mind that even if you know nothing of these things, it doesn’t automatically negate the fact that they can be true, just properly hidden from people like you.

Antonio Ebangelista

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”

How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”

This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”

F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista

 Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY

Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”

Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS

The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”

Contact Information

Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com

Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com

Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/

Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77

Official Instagram: @antonioebangelista

Official Twitter: @AEbangelista1

#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

Similar Posts