Voice of the Brethren: via EMAIL
Ka Antonio Ebangelista,
Ilang buwan ko n apong pinipigilan ang sarili ko na sulatan kayo dahil sa napakahigpit ang bilin sa amin na huwag magbabasa ng inyong mga sinulat sa FB man o sa Blog, subalit masyado po akong binabagabag ng aking budhi dahil sa nararamdaman ko talaga na parang may mali na sa mga nangyayari ngayon sa Iglesia. Kahit na panay ang panenermon sa amin ng aming Pastor ukol sa mga lumalaban daw sa Pamamahala, naglakas loob na akong magsimulang magbasa ng inyong mga artikulo sa wordpress mula sa una ninyong sinulat noong Abril hanggang sa kasalukuyan at habang binabasa ko iyon, tumutulo ang aking mga luha dahil napatunayan ko po na hindi ako nagkakamali sa aking pakiramdam. Buong araw at magdamag ko pong binasa ang inyong mga panulat ng walang tulugan dahil sa hindi ko mabitawan hanggat hindi ko natatapos ang lahat, at ng natapos ko na po lahat, ako po ay nanalangin sa akin pong gagawing pagpapasya… Hinding hindi na po ako magpapakasangkapan sa mga taong nagbabanal-banalan subalit puro kasamaan naman at pagkamuhi sa kapwa ang itinuturo sa amin.
Kaya po ako nakapagpasya ng ganito ay dahil sa hindi ko na po talaga kaya ang pinagagawa nila sa amin. Ako po ay masiglang maytungkulin sa aming Lokal at sa kasalukuyan pong Mang-aawit ako, Pananalapi P-9 at pamunuan sa Kapisanang Kadiwa sa aming Lokal dito po sa isang malaking Lokal sa Distrito ng Quezon City. Ako po ay kabilang sa mga nasa grupo ng mga kapatid na nasa ACTIV at regular na tagasagot ng mga post nyo, kami din ay kabilang sa mga taga report sa FB ninyo at iba pang mga Defenders. Ito po ang isa sa mga kasama sa email blast namin sa lahat ng mga kapatid sa iba’t-ibang Distrito:
Mga kapatid,
Nagpapakalat po sila ng mga post sa Social Media na “Free Ka Angel” at “Free Ka Lottie and Family” Tugunin po natin sila.
Sabihin natin na parang ganito: “Manang Lottie at Manong Angel you are free. Labas masok nga kapag magpapapress at kung magpapapansin. Free na free kayong nakakalabas. Itodo ninyo na. Layas na!”
“Aleng Lottie, Mang Angel, you are free to go!!! LUMAYAS NA KAYO DYAN!!! Hindi kayo hostage, di kayo nakakulong, iniintay na nga ng buong sambayanan na lumabas kayo diyan!”
Idagdag din po: “Lowell, ikaw na naman magpapakulo na kunwari palayain sina aleng lottie at si Angel. ANO, MAGLALABAS KA NA NAMAN NG VOICE RECORDING MO NA MADAMI NA KAYONG PAPUNTA sa #36??? HOY, MGA PAKULO MO PURO KALOKOHAN!!! Ikaw nga ni hindi nakita kahit anino mo, kahit isang kasama mo, asan na yung napakarami kamong pupunta? SINUNGALING KA TALAGA!!!”
Kailangan po natin ito maipakalat TODAY. Unahan natin ang pagpapaawa nila. PASS TO ALL GROUPS.
Reply YES for confirmation po.
Ka AE, sa totoo lang po ay hiyang hiya ako tuwing makaka-receive ako ng mga ganitong emails mula sa ACTIV dahil bakas na bakas ang kababawan at pagtatanim ng galit at kaguluhan sa puso ng mga kapatid. Hindi ko mapigilan na maikupara ang uri ng pagsasalita ninyo sa pamamagitan ng inyong mga panulat at pagsagot sa mga bumabatiko sa inyo. Sapagkat kung ikukumpara sa mga Ministro na kasama namin ngayon na inatasan na manguna sa amin at maging sa mga paggawa ng mga sagot at posts sa Social Media, ay talaga namang nakakahiyang sabihing mga Ministro sila o Kristiyano pa ba sila? Ang mga panunulat po ninyo, bagaman naghahayag ng mga sensitive topics, ay mahinahon pa rin po kayo at very patient kung magpaliwanag na para bang lagi ninyong isinasaalang alang pa rin ang damdamin ng inyong kausap, samantalang ang mga Ministro ngayon ay puro barumbado na at bastos magsalita, NAKAKAHIYA talaga! Para silang mga ipokrito, mga pakitang tao lamang, kunwari mga mababait at banal pero pag nagsalita o nagsulat na, daig pa ang lasenggo magsalita at di kagalang galang o marangal. Dito pa lang ay masasabi ko ng obvious na obvious na talaga kung sino ang nagtataglay ng maamong Espiritu Santo at sino ang kinakukubabawan ng mahalay na espiritung mapanira. Masakit tanggapin na marami pa rin ang bulag na tagasunod ng mga mayayabang at mga garapal na mga MInistrong ito. At kung mapapansin ninyo ang karamihan sa mga ginagamit para magsalita ng masama sa inyo at sa mga Defenders ay puro mga kabataan, bihira ang mga may edad na lubos na nakakaunawa at marunong mag-isip ng tama at mali.
Kapag nagsasalita sila ng mga mabababaw at mapanirang mga pananalita, naghihiyawan sa tuwa at galak ang mga panatikong mga kapatid na hindi nakakaunawa sa totoong nangyayari. Naiisip ko tuloy na para silang nung panahon ng Sodoma at Gomora kung saan nagkakasayahan sila sa paggawa ng kamalian na parang mga baliw na hayop, ganyan ang karamihan sa mga kapatid ngayon na nahikayat ng mga barumbadong mga Ministro ngayon. Subalit hindi ko naman nilalahat ang mga Minstro sapagkat meron din naman pong ilan na hindi nila kapuso subalit napipilitan lamang na sumunod dahil atas daw ng Pamamahala. Nagkukwento po sa amin ang aming Destinado, may edad na po sya at hindi po sya sangayon sa kilos ng Iglesia ngayon at hirap na hirap po ang kaniyang damdamin tuwing mayroon siyang babasahing tiwalag na alam naman nyang kaya lamang itinitiwalag ay dahil sa facebook o dahil sa ayaw makipagkita sa Pastor. Wala lamang daw syang magawa dahil wala naman silang ibang patutunguhan, at matanda na sya para magtrabaho pa kaya sabi nya baka isang araw ay uuwi na lamang sya sa kanilang probinsya kapag di na talaga nya kinaya, umaasa pa kasi sya na bubuti pa ang lahat subalit s anakikita natin ngayon ay parang palala pa ng palala ang Pamamahala.
Ka AE, sa palagay ko po ay huwag na po ninyong sagutin ang mga email blast o postings sa FB mul apo sa ACTIV gaya po ng isinama ko dito sa email ko. Una dahil sobrang bababaw ng mga sinasabi nila, dahil ang nasa isipan lamang nila ay ang kalayaan mula sa mga rehas na kulungan. Ganyan po kabababaw ang isipan nila at ganyan sila kung mangkutya, walang mababakas na kabanalan ng pagiging kristyano. Kaya nagpasya na po ako na lahat ng mga pinapadala nilang email blast at mga tagubilin mula sa ACTIV ay ipapadala ko po sa inyo para malaman nyo kung anong masasamang balak nila at mga pinagagawa sa amin. Kasama po kayo sa aming mga panalangin na sana ay patuloy kayong kasangkapanin ng Ama para ilantad ninyo ang mga kasamaan sa loob ng Iglesia NA PILIT NILANG PINAGTATAKPAN. Patuloy din naming ipinapanalangin ang pamilya ng Ka Erdy na sana ay matapos na ang panggigipit ng Sanggunian sa kanila. Namimiss ko na ang kapayapaan at kadalisayan ng paglilingkod sa loob ng Iglesia, kung sino ang mga matuwid ay silang pinagtitiwalag at yung mga tiwali ang syang namamayagpag sa kapangyarihan. Salamat po sa inyong panahon.
Lubos na gumagalang,
Bless
=============================================================
Salamat po Ka Bless sa inyong pagpapadala ng mensahe po sa akin, natatandaan ko po ang inyong mga unang naging liham sa akin gamit ang inyong pseudo name. Sa totoo lamang po, kaya hindi ko magawang magalit o makipag-away sa inyo noon ay dahil sa nauunawaan ko ang inyong kalagayan at alam ko na kung loobin ng Ama ay mauunawaan din ninyo ang lahat ng ito, na hindi kami nagtatatag ng ibang relihiyon, na hindi kami ang sumisira sa Iglesia, at lalong hindi kami naninira. Kung iyong nabasa ang lahat ng aking mga inilathala mula noon ay marahil nasundan mo kung paanong pinilit namin noon na idaan ang lahat sa tamang proseso ng pag-uulat upang maituwid ang mga gawang mali sa loob ng Iglesia. Subalit dahil sa ang mga pangunahing iniuulat ay mga nasa Sanggunian at mga Tagapngasiwa, dumating na sa panahon na sa halip na siyasatin sila ay hinaharang na nila ang mga ulat at pinagtatakpan ang kanilang mga kamalian. Iyan ang pangunahing dahilan kaya ang mga kapatid ay naghanap ng ibang paraan para mailabas ang mga nagaganap na kasamaan ngayon. Subalit ang hindi nauunawaan ng marami, hindi kayang itago ang katotohanan. Maaring nakapagtago ang mga tiwali ng ilang panahon, subalit hindi sa habang panahon.
Patuloy po nating ipanalangin sa Ama na lalong marami pa ang maliwanagan at sa halip na matatabil na pananalita ang manggaling sa mga Ministro, bakit hindi rekonsilyasyon ang kanilang ipalaganap? Bakit hindi sila magkaisa ng tinig na ipagmalasakit ang Tagapamahalang Pangkalahatan na hilingin sa kaniya na siya na mismo ang unang kakitaan ng pag-ibig kahit pa sa mga taong itinuturing ng iba na kaaway.
THE BEST LEADERS LEAD BY EXAMPLE NOT BY AGGRESSION.
Magingat po kayong lagi kapatid at salamat po sa lahat ng mga information na ipinapadala po ninyo sa akin. Bagaman malaking tulong po ito upang mapinpoint namin ang mga maruruming balak ng ACTIV subalit hindi ko po nais na bumaba sa lebel nila, itaas po natin ang uri at antas ng pakikipagbaka sa kasamaan. Iuudyok ng Panginoong Diyos ang tamang paraan, panahon at sa mga tamang tao na tatawagin nya sa iba’t-ibang panahon at paraan upang mamulat sa katotohanan at makipaglaban sa panig ng katotohanan. Salamat po.
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore