For those who were not able to read and watch the declaration of an INC veteran Minister, Bro. Jesse Macaspac, you can read up here: https://incsilentnomore.com/2018/05/10/bro-jesse-macaspac-inc-veteran-minister-silent-no-more/
It was thru God’s divine intervention that Bro. Jesse Macaspac was able to stand his ground. What he went thru, a lot of INC Ministers are also going thru or can only imagine it. Here’s one of them…
Kapatid na Jess,
Nawa po ay makarating sa inyo ang liham kong ito ng payapa at nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan. Ako po ay isang matandang Ministrong katulad din ninyo subalit aktibo at nasa destino pa. Hindi ko na ididetalye kung nasaan aahil sa mahigpit ngayon ang pagbabantay sa mga Ministro lalo na sa matatandang katulad namin mula ng lumabas ang inyong sulat sa mga Ministro at mga Kapatid sa iba’t-ibang lokal sa buong mundo. Lalong dumalas ngayon ang pagsasagawa sa bawat Distrito ng “loyalty check” sa mga Ministro at matindi ang pagbabanta sa sinoman na magkukwestyon sa anumang pamamalakad o aktibidad na inilulunsad ng Sanggunian o ng Ka Eduardo dahil ito raw ay tahasang paglaban sa Pamamahala at sa Diyos. Sa buong buhay ko sa Ministerio ay hindi ko kailanman nasaksihan ang ganitong uri ng pagmamataas sa sarili sa panahon ng Ka Erdy at ng Ka Felix, ngayon lang, sa panahon ng Ka Eduardo.
Isa ako sa mga nakatanggap ng sulat. Kinalaunan ay napag-alaman ko na marami pala kaming nakatanggap dito sa aming Distrito at maging ang ibang mga Ministrong malalapit sa akin ay nakatanggap din nito. Nang una ay walang nagiimikan mula sa hanay ng mga Ministro kung sino-sino ang nakatanggap at nakabasa ng sulat dahil hindi namin alam kung sino-sino lamang ang tunay na mapagkakatiwalaan na hindi magsusumbong sa Pamamahala. Nang nakuha ko ang sulat ay agad ko itong binalot ng ******, isinupot sa ******** at itinago sa ********* ng Pastoral upang matiyak na walang makakakita nito kung sakali mang magkaroon uli ng surprise inspection sa gaya ng ginawa noon. Pasado hating-gabi ng muli kong kinuha ang sulat at pumasok ako sa kapilya, pumunta ako sa tribuna at lumuhod upang manalangin sa Diyos na gabayan ako sa gagawin kong ito. Habang binabasa ko ang inyong liham ay hindi ko napigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata mula simula hanggang sa matapos ko itong mabasa. Parang binabayo ang aking dibdib ng pighati na aking naramdaman sa inyong bawat salita. Damang-dama ko ang damdamin ng isang ulirang kawal ng Diyos sa inyong katauhan at sinsero kong masasabing totoo na ang inyong pagkaministro ay higit sa kanino man sa amin. Kahihiyan sa amin sa Ama, na Wala sa amin ang inyong tapang upang di matulad sa asong hindi makatahol. Nagawa ninyong hindi magatubili o mangimi na magsalita kay EVM ng buong katotohanan na akay ng mataas na uri ng pag-ibig at pananampalataya upang paalalahanan siya sa kaniyang kamalian. Hindi kayo natakot na ipakita ang baluktot na katwiran ng Ka Eduardo sa kaniyang pinaggagawa sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang ina at mga kapatid. Ramdam na ramdam ko ang inyong marubdob na hangarin na maituwid ang maling isipan ni EVM at maalis ang masamang espiritu sa puso niya na binalot na ng poot at pagiimbot sa kaniyang kapatid. Kung nanaig lang sana ang pag-ibig at kabutihan sa puso ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia edi sana ay hindi nangyari ang ganitong iskandalo at kahihiyan sa Iglesia sa buong mundo.
Nakita ko ang inyong pagsisikap na manatili sa karapatan bilang kawal ng Diyos upang matupad ninyo ang ating sinumpaang tungkulin na maalagaan ang mga Kapatid at ang kanilang pananampalataya na makapagpatuloy sa takbuhin hanggang sa alisin ng Diyos si EVM at lahat ng mga tiwali at suwail na mga Ministro sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Subalit sa nakita kong mga pangyayari sa Iglesia, sa ginawa sa inyo at sa inyong buong angkan, ipinakikita lamang ng Diyos na ito ay mga palatandaan kung paanong ang kasalukuyang Iglesia sa ilalim ni EVM ay ipinahihintulot ng Ama na mahulog sa mga pagkakamali. Ang masilaw sa karangyaan at kayamanan, masangkot sa iba’t-ibang iskandalo at magsimulang pumasok sa pagnenegosyo at maging sa pagsasanla at pangungutang sa bangko ay ilan pang karagdagan. Nasagot na ang aking pagpapanata sa Ama at ang inyong sulat ang siyang nagpatibay ng aking kapasyahan. Bagamat matagal ko nang nalalaman ang mga anomalya at paghiwalay ni EVM sa mga aral at tuntunin na itinuro ng Sugo at ng Ka Erdy, ay nanatili pa rin akong tahimik. An aking pananmpalataya ay ihahayag lahat ito ng Ama, parurusahan Niya at aalisin ang Ka Eduardo at lahat ng kauri niya na mga Ministro at papalitan ng Ama ng Tagapamahala na taglay ang puso at espiritu ng mga naunang namahala sa Bayan ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kaya bagamat nananatili ako sa karapatan ay hindi ko na sinusunod ang mga walang kabuluhang tagubilin ng Sanggunian na alam ko namang wala na sa katinuan dahil ang tanging hangarin lamang ay itanyag ng itanyag ang imahe ng Ka Eduardo para sa kaniyang sariling kapurihan. Dito hayag na hayag ang pagiging batang-isip o pagiging “immature” pa ng Ka Eduardo dahil sa madali pa syang nakukuha sa pamamagitan ng panunulsol ng mga taong nakapaligid sa kaniya kaya inimbento ng Sanggunian yang “One with EVM” at “Make EVM Smile” para lamang tugunan ang napakalaking “insecurities” ni Ka Eduardo. Hindi ito pinayagan na mangyari sa panahon ng mga unang magigiting na Namahala sa Iglesia. Ang pokus ng mga kapatid ay nawala na sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesucristo at napunta na sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Naaalala ko po noong nabubuhay ang Ka Erdy, dulot ng napakataas na uri ng paggalang at pagmamahal sa kanila ng mga Kapatid ay pinararangalan sila, subalit agad itong sinasaway ng Ka Erdy sa layuning huwag mahulog ang sinoman sa mga kapatid na pahalagahan sila ng higit sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesucristo. Makapangyarihan ang Ka Erdy, maging ang Sugo sa mga huling araw na ito, subalit napakababang loob dahil sa puspos ng pag-ibig at kabutihan ang puso kaya hayag na hayag ang pag gabay ng Espiritu Santo sa kanila.
Idinadalangin ko sa Ama na nawa ay bigyan pa Niya ako ng pagkakataon na mapatunayan sa Kaniya na karapatdapat akong mapabilang sa hanay ng mga Saserdote na taglay ang katangian ng isang tunay na pastol ng kawan. At kapag nahabag pa sa akin ang Ama, nawa ay igawad din Niya ang lakas at tapang na aking kakailanganin upang maitaguyod ko ang isang matuwid na pagpapasya na itindig ang katuwiran ng Diyos at hindi na pumayag na pakasangkapan pa sa isang suwail na Pamamahala sa pangunguna ni EVM, ng isang lider na nilamon ng kasakiman, inggit at poot sa katauhan ng Ka Eduardo. Ito ay upang subukin ang Kaniyang bayan kung kanino nating ilalaan ang ating pananmpalataya at banal na takot, sa Kaniya na Diyos na makapangyarihan sa lahat o sa isang tao na ginagamit ang awtoridad at kapangyarihan upang manikil ng karapatan at kalayaan ng sinuman na maninindigan sa tama at hindi susunod sa kaniyang mga makasariling hangarin.
Nanariwang muli sa aking isipan ang panahon ng Ka Erdy kung kailan napakahigpit nya sa mga Ministro at sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kabanalan ng Iglesia, hindi sya nangingimi na sumaway at disiplinahin ang sinoman na lalapastangan sa kasagraduhan ng kawan ng Diyos at ng banal na Ministerio. Subalit sa lahat ng aspeto ng gawain ng Ka Erdy, maging sa pagtitiwalag at pagdidisiplina kung nagkasala, hindi mararamdaman nino man ang magalit o magdamdam sa Tagapamahala dahil sa damang dama lagi ang pag-ibig ng isang mapagmahal na ama na dumidisiplina ng isang anak.
Bagamat sa panahon ng Ka Erdy ay nasa rurok na ng tagumpay at pagkilala ng buong mundo ang Iglesia, subalit hindi kailan man nasilaw ang Ka Erdy sa kayamanan at karangyaan ng buhay, o kaya naman ay tumanggap ng anumang posisyon sa gobyerno o naghangad ng makamundong karangalan mula sa Guinness World Records, hindi gaya ngayon na puspos ng kapaimbabawan ang walang habas na paghabol sa iba’t-ibang Guinness Records na wala namang naidudulot na kapurihan sa Diyos kundi kapurihan lamang ng mga taong uhaw na uhaw sa atensyon at pabuya sa sanlibutang ito.
Mula ng mapabalita ang ukol sa mga liham na ipinadala ninyo sa mga Kapatid at sa mga kapamatok sa Ministerio ay nabahala ng husto ang Pamamahala. Napakahigpit ng bilin ng Sanggunian na ang sinomang makatanggap ng sulat o email ay huwag itong babsahin ni bubuksan, sa halip ay ibigay agad ito sa Tagapangasiwa ng Distrito kalakip ang salaysay ukol dito na may kalakip na pangangako ng katapatan at pagmamahal kay ka Eduardo Manalo. Ito ang paksa ng lahat ng mga pagpupulong ngayon maging sa mga Maytungkulin at sa mga kapatid. Angsinoman na nakabasa nito o kaya naman ay napatunayang nakatanggap at binasa ito ay agad na kailangan kuhanan ng video ng pangangako ng katapatan kay EVM. Tinagubilinan pa kami na magdalaw sa mga kapatid at maglektura upang ipakita ang panganib kapag nagbasa ng mga ganitong impormasyon na paninira daw sa Pamamahala, na ituring ang mga sulat na ito na may lason o “anthrax” na gaya ng ginagawa ng mga terorista kaya tyak na ganitong sakuna din ang aabutin ng sinomang makakabasa ng sulat na ito. Dito pa lamang ay makikita kung gaano kaapektado ang Pamamahala sa paglabas ng katotohanan sapagkat ngayon lang sa kasaysayan ng Iglesia pinagbawalan ng Pamamahala na huwag magbasa o makinig sa kanino man na magsasalita ng laban sa Pamamahala na para bang mga walang sariling pag-iisip at kakayanang umunawa ang mga kapatid kaya takot na takot silang malaman ng mga kapatid ang totoong nangyayari sa Iglesia. Ang hindi nauunawaan ni EVM at ng kaniyang Sanggunian, kapag lalo nilang pinipigilan ang mga kapatid na magtanong ay lalo lamang nilang inihahayag ang kanilang sarili na may itinatago at lalo namang nagsusuri ang mga kapatid para mamulat sa katotohanan na hindi maitatago habang buhay.
Nais ko pong magpasalamat sa inyo Ka Jesse, dahil ginamit kayong kasangkapan ng Ama. Nagbigay kayo ng inspirasyon at gabay sa maraming mga Ministrong katulad ko at mga kapatid sa buong mundo upang lubusan ng makapanindigan sa panig ng Diyos at ng Kaniyang banal na katwiran. Nagkausap-usap na kami ng mga kasamahan kong mga Ministro at iba pang mga kapatid na kailan man at ipapatawag kami ng Distrito o ng Sanggunian ay alam na namin ang aming gagawin at hindi na kami papakasangkapan sa mali at ganap na kaming maninindigan sa katotohanan. Panahon na para sumunod sa mga kautusan mg Diyos sa ibabaw ng utos ng tao at tutuparin ng Ama ang Kaniyang pangako na hindi Nya tayo pababayaan at ipagkakaloob ang lahat ng ating pangangailangan. Nais ko na kapag dumating ang araw na haharap ako sa Panginoong Diyos ay taas noo kong masasabi na natapos ko ang aking takbuhin, nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka. Dalangin ko ay lalo pang maraming mga kapatid ang mamulat na sa katotohanan at kapag dumating na din sila sa kasukdulan at sinubok na sila ng Ama, ay magawa din nilang piliin ang Ama at huwag ng magpanggap na sila ay “One With EVM” pa rin gayong alam naman nilang mali na ang lahat ng pinaggagawa ni EVM.
Lubos kaming umaasa ng aking mga kasamahan na sa lalong madaling panahon ay ipatawag na rin kami para harapan naming masabi sa kanila ang aming totoong saloobin. WALA KAMING HINDI MAHAL SA ANGKAN NG SUGO, KASAMA DUN ANG SUWAIL NA ANAK NG KA ERDY NA SI KA EDUARDO. Nawa, sa malaot madali ay makapiling nyo na rin ako sa tunay na paninindigan sa panig ng Diyos. Basbasan nawa lagi ng Ama ang lahat ng mga kapatid na ginagamit Nyang kasangkapan para sa Kaniyang banal na gawaing paglilinis sa kawan ng Diyos upang maging karapatdapat sa kaligtasan.
ANg inyong kapatid sa Ministerio,
Ka R******** A**********
Pakitago po muna ang aking tunay na pagkakakilanlan
[Translation – Reaction to Bro. Jesses Letter]
I can only imagine what this fellow Minister, and those like him, must have felt upon reading the cry and plea of a veteran Minister who has served three generations of Executive Ministers in the Church and was instrumental in its pioneering expansion in the Far West. Most of the Ministers today, especially the young (and arrogant) would probably not survive the Ministry during that era. These over-privileged, snotty and naive Ministers during the time of EVM and Angelo couldn’t even fathom the thought of living with no allowance, no housing provisions, no vehicles, no cellphone, no internet, no computers, no laptops, and projectors, only their faith in God and love for the Church that fueled their drive to shepherd the flock and propagate the words of God in a time when the Church of Christ was not yet known, in places where there were rarely, if not none, any members of the Church. Yet they persevered and succeeded because of God’s guidance and empowerment. You can see how these ignorant and inexperienced Ministers (and Ministerial students) dismiss and disrespect older Ministers who have served in the Ministry way before they were even born. This is only indicative of what kind of breed the Church Administration EVM has cultivated and how volatile the future holds for the Church.
The automatic and instant response of the Church Administration towards these kinds of revelation is banishment, sweeping denial, and absolute rejection. Just read up on social media and you will see how the blind fanatics violently bash people who spoke the truth. The EVM army’s golden formula? Statements from Non-INC Member = LIES; Statements form expelled INC members = LIES. Statements from EVM and Sanggunian = THE ONLY TRUTH. This kind of reasoning by the EVM fanatics escapes all logic and sound reasoning, lacking in any form or need for actual brain activity.
It is true that even if a Minister has served in the Ministry all his life or even if a member has served God his entire life but has turned away completely in the end or has been expelled, then none of the things he has done will be remembered and it will be worthless in the sight of God. But this is only valid IF the expulsion is also valid. The validity of the expulsion should be based on the doctrines and the teachings of God and not on the whims and personal grudge of anyone claiming the power to expel any man here on earth. So if a man is expelled for doing what is right as commanded by God, if a man is expelled for loving and helping others who are in need, if a man is expelled for not allowing himself to be an instrument of evil by a corrupt church administration then by any measure, that will never be a valid expulsion, therefore, it is not justified and accepted by God who is the over-all editor-in-chief of the Book of Life in heaven, unless EVM has truly lost his marbles and has also claimed deity and divinity for himself. Well, that’s not far from happening I suppose…
Fortunately, for the rest of the THINKING MAJORITY, we are able to discern truth from lies and fact from fiction. Many people are now starting to question the validity of expulsions based on personal whims and are wondering why the Chruch Administration and its Ministers keep giving illogical explanations and lame excuses and a the same time avoiding clarity on the following valid questions :
- Why can’ t EVM admit that his church administration entered into Billion-peso bank loans and mortgaged church properties?
- Why is EVM so obsessed with himself and his need for self-glorification and adoration to fill his insecurities as reflected by the “One With EVM” and “Make EVM Smile” mantra and the flooding of EVM’s eerie face everywhere?
- Why is asking questions almost tantamount to making a person a candidate for express expulsion?
- Why are expulsions nowadays involve whole families including young innocent children?
- Why are EVM and the Sanggunian so obsessed with Guinness World Records and worthless worldly recognition that only pleases their own egos but was never intended for the glory of God?
- Why is the EVM Administration entering into commercialism and placing the church as merely a front for it to conduct business and acquire profit?
- Why is EVM full of hatred, especially for his own family? if God can forgive, why can’t this puny mortal do the same since he has already elevated himself to almost godhood?
There are still a lot of questions unanswered, but these ones are sure to make any EVM Minister choke with cold sweat and tongue-tied from blabbering useless alibis. If anyone would dare ask any EVM Minister these questions, be prepared to see these Ministers transform into eye-bulging, artery-popping, and nail screeching, high-pitched monsters ready to declare war with all of hell’s wrath and fury. If only we can take a picture of every District Minister or Sanggunian asked with these questions then we would have another Guinness World record with the most horrifying human transformation in any religion on all of the earth! But anyway, that’s another article altogether- gruesome and not even worth our time.
So in closing, I do hope that many more Ministers and brethren all over the world would have the courage and open-mindedness to realize the truth in order to make that monumental decision to step up and speak up on the side of God’s righteousness. Please always bear in mind that we are all called by God in different ways and in different times, but if we truly belong to those who are being called to fight for God’s righteousness, then we will all come together towards one goal and destination until we reach the perfection of our faith.
~ Antonio Ramirez Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – A.E.
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Question adn Answer: Q & A with Antonio Ebangelista
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information:
Official Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: http://www.incsilentnomore.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/iglesianicristosilentnomore/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioramirezebangelista
Official Twitter: @AEbangelista01
#iglesianicristo #inc102 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rolandoesguerra #benefridosantiago #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #onewithevm #accessthetruth #iglesianicristoblogspot #mandirigma #spiritualwarriors #arneltumanan #babylynmanalo #jojodeguzman #TJOrosa #GPSantos #SergieSantos #AnnieSantos #incradio #angelomanalo #churchofchrist #Johncollado #orthodoxpriest #angelmanalo #lottiehemedez #36tandangsora #sirkular #circular #proudtobeINC #sherlock #thetakingofroviccanono #PhilippineRedCross #RichardGordon #andrewE #philippinearena #christmasdaygames #pba #oilfracking #southdakota #standingrock #violieedrosalan #roviccanono #bairanfamily #australiasilentnomore #mandirigmanomore #maribelmetano #spiritualbusinessmen #rommelsanpedro #regaladodelosreyes #isaiassamsonjr #aidtohumanity #inc #lingappamamahayag #lingapsamamamayan #incinafrica #stampedeinafrica #venerationforevm #evmministers #felixvillocino #dannypatungan #farleydecastro #rodrigoduterte #jameswhite #joeventilacion #incfakepriest #incfakenun #nonoponce #newsanjosebuilders #joseacuzar #nureauofcustoms #teddyraval #dollytoledo #mandirigmanomore #episode2 #thepawnnameddolly #justiceforlitofruto #litofruto #incwhistleblowersreport #diplomaticpassport #dfa #gemmamanalo #stf #evmsalaysay #angelomanalo #newbreedofdefenders #felixvillocino #danilopatungan #jonathanledesma #sterlingcañete #inchinirang #incmurderers #inccriminals #rommelsanpedro #carmelitasanpedro #evmobsession #accessthetruth #fakevideos #isaiastsamson #junsamson #remnantfew #chrisbrown #incextortionist #maligayadevelopmentcorporation #mcconchielaw #faithweaponized #rappler #ramonang #philippinedailyinquirer #canada #immigrationandrefugeeboard #ericrankin #cbc #specialenvoy #duterteseelshissoultothedevil #cyberattack #TunaynaDefenderofthefaith #michaelsandoval #bobbyfernandez #jessemacaspac
You must log in to post a comment.