[For English Translation, Click HERE.]
Papaano nga ba maisasagawa ng mga tunay na lingkod ng Diyos ang marapat na paraan ng paggunita sa Sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito? Mayroon pa bang kabuluhan ang pagsusugo ng Diyos sa Kapatid na Felix Y. Manalo? Sa pagsapit ng ika-133 na taon ng pagsilang ng Kapatid na Felix Ysagun Manalo alamin natin kung sino nga ba ang mga tunay na nagpapahalaga dito at sino naman ang nagwawalang kabuluhan dito?
“Winawalang kabuluhan ng mga taong nagpapakilalang kabilang sa katuparan ng hula ukol sa “napakakaunting labi” o “Small Remnant” ang pagsusugo ng Panginoong Diyos kay Kapatid na Felix Y. Manalo!”
Ang ganitong uri ng paniniwala ang malimit na matatagpuan sa mga taong kabilang sa institusyon na pinamumunuan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo. Maaaring taglay nila ang “rehistradong” pangalan na “IGLESIA NI CRISTO”, subalit hindi na ito ang nagtataglay ng tunay na kahalalan ng pagiging katawan ni Cristo, na siya nating patutunayan sa artikulong ito sa pamamagitan ng mga dalisay na mga salita ng Diyos.
Alamin muna natin, papaano natin makikilala ang mga tunay na lumalapastangan sa pagsusugo ng Panginoong Diyos sa Kapatid na Felix Y. Manalo sa mga huling araw na ito? Anong hula ang nakasulat sa Biblia na katuparan ng kahalalan ng Kapatid na Felix Y. Manalo?
“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” ~ Isaias 41:9-10 Ang Biblia (1978)
Alin ang katwiran ng Diyos na kaniyang ipang-aalalay sa Kaniyang sugo sa mga wakas ng lupa? Ang Ebanghelyo o ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.
“Ito ay sapagkat hindi ko ikinakahiya ang ebanghelyo patungkol kay Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat isang sumasampalataya. Ang ebanghelyo ay una, para sa mga Judio at sunod ay para sa mga Gentil. Ito ay sapagkat sa ebanghelyo, ang katuwiran ng Diyos ay nahayag mula sa pananampalataya patungo sa pananampalataya. Ayon sa nasulat: Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” ~ Roma 1:16-17 Ang Salita ng Diyos (SND)
Samakatuwid, hindi kayamanan, kapangyarihan, impluwensya sa gobyerno o karunungang panglupa ang magiging basehan ng ikapagtatagumpay ng gawaing ipinagkatiwala ng Panginoong Diyos sa Kaniyang sugo, kundi, ang ebanghelyo o mga dalisay na salita ng Diyos. Ito ang dahilan kaya bagamat hamak lamang ang Kapatid na Felix Y. Manalo batay sa paningin at pamantayang panlupa ng tao, subalit pinili siya, pinalakas, tinulungan at inalalayan ng Makapangyarihang Diyos kaya nagtagumpay ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang lingkod.
Ano ang natatanging kaloob ng Sugo ng Diyos na siya ring tinaglay ng sumunod na Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eraño G. Manalo, pagkatapos papagpahingahin ng Panginoong Diyos ang Kapatid na Felix Y. Manalo? Ang kaloob sa ministeryo ng pagkakasundo.
“Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo; Sa makatuwid baga’y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo’y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo’s makipagkasundo sa Diyos.” ~ II Corinto 5:18-20 Ang Biblia (1978)
Gaano ba kahalaga na mataglay itong ministeryo ng pagkakasundo? Lubhang mahalaga ito sapagkat ito ay paraan upang hindi na mapabilang ang mga nagawang kasalan ng tao sa Diyos, samakatuwid baga’y, ito ang kaligtasan ng ating kaluluwa. Subalit dito nagkakaroon ng kalituhan ang marami sapagkat tinatanaw na ng maraming tao na kinakailangan na sila ay makipagkasundo o makipagkaisa sa isang tao upang magkamit ng kaligtasan. Walang pinagkaiba ito sa konsepto ng “One With EVM” o absulutong pagsunod o pagpapasakop sa Pamamahala ng Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang tanging kaparaan upang ang tao ay magkamit ng kaligtasan, at ang HINDI pagsunod o pagpapasakop kay EVM ay katumbas ng sumpa sa dagat-dagatang apoy. Kaya kinakailangan ang pagsunod na walang anumang kwestiyon o reklamo.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang natatakot na matiwalag ni EVM kahit pa alam na nilang nagpakasama na siya at ang kaniyang pamamahala ay nalugmok na sa pangangalakal, pagkitil sa karapatang pangtao at pagtugis sa mga hindi nagpapasakop sa kaniya.
Ganito rin ba ang itinuro ng Kapatid na Felix Y. Manalo noong siya ay nabubuhay pa? Hindi po. Sapagkat malimit na maririnig sa alinmang pagtuturo ng Kapatid na Felix Y. Manalo na huwag siya ang pakinggan, paniwalaan, sapagkat siya ay tao lamang na nagkakamali, kundi ang paniwalaan ay ang Biblia o ang Banal na Kasulatan na naglalaman ng mga salita ng Diyos. Samakatuwid, hindi kailanman tinuruan ng Sugo, maging ng Kapatid na Eraño G. Manalo na maging bulag na taga-sunod o panatiko ang mga kapatid. Laging itinuturo ng Kapatid na Eraño G. Manalo na ang tunay na kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay nagsusuri, hindi basta tanggap lamang ng tanggap, ang ganitong uri ng “spiritual maturity” ang naging dahilan kaya naging matatag at malakas ang Iglesia Ni Cristo noon.
Hindi rin kailanman itinuro ng mga naunang namahala sa Iglesia ang labis na pagpapahalaga sa sarili bilang nangunguna sa bayan ng Diyos. Ito ang mabuting katangian na tinaglay ng Kapatid na Felix at Eraño Manalo mula sa mga apostol na nagsasabing:
“Subalit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral namin sa inyo, parusahan nawa siya ng Diyos! Sinabi na namin ito sa inyo, at inuulit ko ngayon, parusahan nawa ng Diyos ang sinumang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na naiiba kaysa tinanggap na ninyo.” ~ Galacia 1:8-9 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Hindi kailanman inisip ng mga apostol na “exempted” sila sa pagkakamali kaya buong giting na ibinilin nila sa mga kapatid noon na kahit pa sila (Apostol at namamahala sa Iglesia) o kahit pa isang anghel mula sa langit ang mangaral ng ibang aral o “ibang ebanghelyo” ay parusahan nawa ng Diyos. Papaano malalamn ng mga kapatid kung ebanghelyo pa rin ang itinuturo ng mga apostol o “ibang ebanghelyo” na? Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga aral na itinuturo nila kung taglay pa rin nito ang mga dalisay na salita ng Diyos o sumasalungat na sa aral na nakasulat sa Biblia. Sa panahon ng mga apostol at mga unang namahala sa Iglesia, HINDI pinapatahimik ang mga nagsusuri na mga kapatid, HINDI pinatitiwalag, HINDI binabantaan, HINDI pinakukulong at lalong HINDI PINAPAPATAY!
Bakit ganun na lamang katapang at bukas sa pagsisiyasat at pagsusuri ang mga naunang namahala sa Iglesia, anupat buong tapang na inanyayahan ng Kapatid na Eraño G. Manalo ang mga kapatid na magpunta sa Tanggapang Pangkalahatan at suriin ang pananalapi ng Iglesia?
Ang buong tapang na paghamon ng Kapatid na Eraño G. Manalo ukol sa “transparency” at kalinisan sa pananalapi sa Iglesia ay dahil sa kanilang tapat na pagsunod at pangangaral sa mga dalisay na salita ng Diyos at walang itinatagong ibang layunin o makasariling pagnanasa sa makamundong pakinabang, kayamanan o kapangyarihan. Hindi katakataka kung bakit maraming mga kapatid ang namulat ang puso at isipan sa kakaibang paguugali at espiritu ng kasalukuyang namamahala, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo at ang mga Ministrong kabilang sa kaniyang liderato. Ito ay dahil sa naaralang mabuti ang mga kapatid na huwag sa tao tumingin kundi sa Diyos manghawak.
“Subalit wala namang binago o nilalabag na aral ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, samakatuwid wala siyang sala, kaya kami ay patuloy na nagtatapat sa pagsunod sa kaniya at sa kaniyang Pamamahala,” ang karaniwang ipinangangatwiran ng mga Kapatid sa loob ng institusyong pinamamahalaan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo. Wala nga bang aral na nilabag o binago ang Kapatid na Eduardo V. Manalo? Ano ba ang isa sa maraming aral na nilabag ng Ka Eduardo at ano ang kinahinatnan nito ayon sa Biblia?
“Sapagka’t sinabi ng Dios, igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala. Datapuwa’t sinasabi ninyo, sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios: ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali’t-saling sabi. Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.” ~ Mateo 15:4-9 Ang Biblia (1978)
Kahit pa sabihin ng maraming tao na walang sala si EVM, subalit dahil sa ginawa niya sa kaniyang ama at ina ay parurusahan siya ng Panginoong DIyos. Bakit? Sapagkat ang Diyos mismo ang nag-utos na igalang natin ang ating Ama at Ina at ang kawalan ng paggalang sa kanila gaya ng panunungayaw sa kanila o pagdisrespeto sa kanila ay parurusahan Niya ng kamatayan.
Dahil sa paglapastangan ni EVM sa kaniyang ina at ang pagpayag niya na lapastanganin din ng kaniyang mga Ministro at mga kapatid na nasasakupan na disrespituhin din ang kaniyang magulang, isang kultura na ngayon na kasalukuyang namamayani sa loob ng Iglesia na pinangungunahan ng Ka Eduardo, dahil dito ay winalang kabuluhan niya ang mga salita ng Diyos. At dahil sa malabis na kagustuhan nilang pagtakpan ang kalapastangan ng isang anak sa kanyang ina, ay ipinagbawal na ang paggunita sa araw ng mga ina o “Mother’s Day” matapos niyang itakwil ang Kapatid na Tenny Manalo. Labag daw ito sa doktrina dahil ito ay pagdiriwang ng mga pagano ngunit hindi naman nila pinagbawal ang “Father’s Day”. Ang sabi nga ng iba, “Masyado namang obvious ang Ka Eduardo na guilty sa ginawa niya sa kaniyang ina!”
Kaya nga hanggang ngayon ay gulat na gulat sila kung paanong nakalusot ang poster na ito na kumalat sa Social Media Account ng INC gayong pasong-paso sila sa “topic” na ito na paggalang sa magulang dahil lalo lang lumulutang ang katotohanang ang unang-unang lumapastangan sa magulang ay ang mismong nagpapakilalang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Kahit nga sa mga leksyon sa pagsamba ay namimilipit sila sa pagtuturo ukol dito kaya nga halos minsan na lamang lumabas ang paksang ito sa mga pagsamba at kapag itinuro ay halos pahapyaw lamang at pipilipitin pa rin nila ang mga talata ng Biblia para palabasing napakabuti ni EVM. Malamang isang Defender ang may gawa ng poster na ito.
Gaano kabigat na kasalanan ang ginawa ni EVM sa mata ng Diyos? NAPAKABIGAT NA KASALANAN NA HINATULAN NIYA NG KAMATAYAN! Subalit, kamatayan lamang ba ang magiging resulta ng ginawang paglapastangan ni EVM at ng kaniyang mga Ministro at mga Kapatid na ka-espiritu nila? Hindi po. Ano pa ang lalong matinding resulta ng kanilang ginawa?
“Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.”
Ang pagsamba na pinangangasiwaan ng Ka Eduardo mula noong gawin niya ang pagdisrespeto sa kaniyang ina, hanggang ngayon, kabilang ang lahat ng mga Ministro sa kaniyang Pamamahala at lahat ng mga kapatid na kasama sa kanilang mga pagsamba, ang sabi ng Biblia, “DATAPUWA’T WALANG KABULUHAN ANG PAGSAMBA NILA SA AKIN”. Bakit walang kabuluhan, walang saysay o walang kwenta na ang pagsamba nila sa Diyos kahit pa nasa kanila ang “rehistradong pangalan” ng Iglesia Ni Cristo at ang mga pisikal na gusaling samabahan? Sapagkat ang sinunod nila ay utos ng mga tao (EVM at ang kaniyang mga Ministro), at hindi ang utos ng Diyos. Samakatuwid, hanggang sa papel na lamang sila Iglesia Ni Cristo ngunit hindi na sa espiritu sapagkat hindi na espiritu ng Ama ang taglay nila kundi espiritu na ng kalaban ng DIyos. Kaya kahit pa araw araw silang magsagawa ng pagsamba, ang pasya ng Panginoong Diyos ay wala ng kabuluhan ito sa Kaniyang harapan at hindi na ikapagtatamo ng kaligtasan.
Nangangahulugan ba ito na natalikod na ang Iglesia dahil kay EVM at ang kaniyang mga Ministro na nagsilbing mga bayarang pastol sa Iglesia? Hindi po. Bakit tayo nakatitiyak na bagamat umumang ang pagtalikod sa Diyos, dahil kay EVM, ay hindi pa rin lubusang natalikod ang Iglesia?
Sang ayon sa mas ganap na katuparan ng hula ni Isaias ukol sa Anak na Babae ng Sion o ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw na ito:
“At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob. Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra.” ~ Isaias 1:8-9 Ang Biblia (1978)
Dahil sa nagbukod ang Panginoong Diyos ng napakakaunting labi, hindi ganap na matatalikod ang Iglesia at matutulad sa Sodoma at Gomorra na lubusang tumalikod at pinarusahan ng Ama.
Samakatuwid, ang ganap na katuparan ng hula ni Isaias ukol sa “Small Remnant” o napakakaunting labi na natupad sa panahon natin ay hindi salungat sa pagsusugo ng Diyos kay Kapatid na Felix Y. Manalo, manapa ito ang nagpapatuloy sa kahalalan na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tinawag Niya sa mga wakas ng lupa, sa mga huling araw na ito.
May ilan na, na napabilang sa mga ibinukod ng Diyos subalit tumalikod at bumalik muli sa tiwaling institusyon sa pamumuno ni EVM, dahil sa suhol, dahil sa hindi kinaya ang paguusig, dahil sa takot, dahil sa pangakong posisyon at materyal na pakinabang at iba pa. Makikita ninyo sila ngayon, pami-pamilya na ginagamit ng kasalukuyang Pamamahala ni EVM para magsilbing panuorin sa mga kapatid sa panahon ng pagsamba, ipinapalabas sa NET25, INCTV, INC Social Media Sites bilang bahagi ng kanilang “balik-loob-propaganda”.
Jun Sales (former INC Minister), his wife Julie Sales and Children. They were seduced by a promise that they will be returned to the church immediately, be given a position and rescued from their financial burdens of bankruptcy
Alan Montederamos (former INC Minister) returned for a promised position and fear of lawsuits filed against him by the influential Church, his family refused to join him
Randy Dela Merced and Family (one of the pioneer Defenders but succumbed to pressure when his Post-Production business with TV Stations was threatened to his contracts cancelled by the influential INC Officials)
Sa mga nakaalam na ng tama at muling bumabalik sa mali, ang sabi ng Biblia:
“Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, Gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.” ~ Mga Kawikaan 26:11 Ang Biblia (1978)
Huwag nawa tayong mangamba o matakot anoman ang gawin ng kasalukuyang Pamamahala ni EVM sa mga kakaunting tinawag upang manindigan sa panig ng Kaniyang katwiran. Ang Panginoong Diyos ang may hawak sa Kaniyang Sugo, sa humaliling matuwid na Pamamahala at sa lahat ng magpapatuloy ng katapatan sa pagsunod sa mga kalooban ng Diyos.
Kaya sa paggunita natin sa ika-133 taon ng kapanganakan ng Kapatid na Felix Y. Manalo, ating gunitain ang kaniyang buhay at bigyang halaga natin ang aral na kaniyang itinuro na siyang ipinagpatuloy ng Kapatid na Eraño G. Manalo, sa pamamagitan ng buong tapang at katapatan na pagsunod sa mga dalisay na salita ng Diyos at hindi sa kanino mang tao o institusyon. Tulungan nawa tayo ng Diyos at lubos na pagpalain habang ipinagpapatuloy natin ang banal na gawain sa mga huling araw na ito, maging ilan man ang tawagin ng Ama, bilang katuparan ng “napakakaunting labi” sa Kaniyang Bayan.
“Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili.” ~ Mateo 22:14 Magandang Balita Biblia
Pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoong Diyos.
~ Antonio Ramirez Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – A.E.
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Question adn Answer: Q & A with Antonio Ebangelista
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information:
Official Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: http://www.incsilentnomore.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/iglesianicristosilentnomore/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioramirezebangelista
Official Twitter: @AEbangelista01
#iglesianicristo #inc102 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rolandoesguerra #benefridosantiago #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #onewithevm #accessthetruth #iglesianicristoblogspot #mandirigma #spiritualwarriors #arneltumanan #babylynmanalo #jojodeguzman #TJOrosa #GPSantos #SergieSantos #AnnieSantos #incradio #angelomanalo #churchofchrist #Johncollado #orthodoxpriest #angelmanalo #lottiehemedez #36tandangsora #sirkular #circular #proudtobeINC #sherlock #thetakingofroviccanono #PhilippineRedCross #RichardGordon #andrewE #philippinearena #christmasdaygames #pba #oilfracking #southdakota #standingrock #violieedrosalan #roviccanono #bairanfamily #australiasilentnomore #mandirigmanomore #maribelmetano #spiritualbusinessmen #rommelsanpedro #regaladodelosreyes #isaiassamsonjr #aidtohumanity #inc #lingappamamahayag #lingapsamamamayan #incinafrica #stampedeinafrica #venerationforevm #evmministers #felixvillocino #dannypatungan #farleydecastro #rodrigoduterte #jameswhite #joeventilacion #incfakepriest #incfakenun #nonoponce #newsanjosebuilders #joseacuzar #nureauofcustoms #teddyraval #dollytoledo #mandirigmanomore #episode2 #thepawnnameddolly #justiceforlitofruto #litofruto #incwhistleblowersreport #diplomaticpassport #dfa #gemmamanalo #stf #evmsalaysay #angelomanalo #newbreedofdefenders #felixvillocino #danilopatungan #jonathanledesma #sterlingcañete #inchinirang #incmurderers #inccriminals #rommelsanpedro #carmelitasanpedro #evmobsession #accessthetruth #fakevideos #isaiastsamson #junsamson #remnantfew #chrisbrown #incextortionist #maligayadevelopmentcorporation #mcconchielaw #faithweaponized #rappler #ramonang #philippinedailyinquirer #canada #immigrationandrefugeeboard #ericrankin #cbc #specialenvoy #duterteseelshissoultothedevil #cyberattack #TunaynaDefenderofthefaith #michaelsandoval #bobbyfernandez #jessemacaspac #inckillings #richmondnilo #oxnardlocale #recycledchapel #rededication #hendersonlocale #golden1center #50thanniversaryinthewest #immigrationandrefugeeboard #CanadaIRB #donorozco #reyfortmediagroup #philippineasiannewstoday #cbc #fifthestate #bobmckeown #rodantemarcoleta #vimarbarcellano #jahoonku #randydelamerced #juliesales #alanmontederamos
You must log in to post a comment.