Ang Katotohanan sa Pagkatiwalag Ni Joven O. Sepillo, Sr. ?Sa iglesia Ni Cristo

Narito po ang pahayag ni Ka Joven, isang makatotohanang salaysay na sana ay makarating sa maraming mga kapatid para sa pagkaunawa at pagka alam ng katotohanan…

Ako po si kapatid na Joven O. Sepillo, Sr. isang ministro ng ebanghelyo sa loob ng Iglesia ni Cristo sa loob ng mahigit na 29 na taon, mula nang maordenahan subalit itiniwalag ng Sanggunian kasama ng aking pamilya,?dahil? sa hindi pagpapasakop sa Pamamahala, ayon sa isinasaad sa unang sirkular na binasa sa buong Distrito ng Leyte East noong Hulyo 25, 2015. Sinabi ko pong una, dahil may sumunod na pagbasa ng sirkular noong Hulyo 29 at 30, 2015. Ang unang pagtitiwalag ay nangyari noong hindi ko sinunod ang bilin ng Central na gumawa ng isa pang video na ang sasabihin ay idinikta na ng tagapangasiwa batay sa tagubilin ng Central. Ang ikalawang pagbasa ay noon pong tanggihan ko ang proteksiyon na iniaalok ng Sanggunian para sa aking pamilya at sa pamilya ng aking anak na si Joven Sepillo, Jr. na isang ministro rin. Marahil kung tinanggap ko po ang proteksiyon na inialok nila ay masasapatan na sila sa unang pagbasa ng sirkular ng pagtitiwalag sa amin.

Nagpasya po akong lumabas upang marinig ng mga kapatid sa buong iglesia ang panig ko dahil pinalilitaw ng Sanggunian ngayon na ako ay lumalaban sa Pamamahala at nagkakalat ng kasinungalingan sa layuning guluhin ang Iglesia. Hindi ko po gagawin iyon, kung mayroon po akong nilalabanan at hinahangad na masawata ay ang mga katiwalian na umiiral sa Iglesia ngayon.  Batid ko pong hindi magugustuhan ng mga taga- Sanggunian ang paglabas kong ito. Subalit dahil sa ipinasya nila na ipaalam pa sa mas maraming kapatid na tiwalag na ako at ang aking pamilya, gayong may una nang pagbasa ng sirkular sa pagtitiwalag sa Distrito ng Leyte East na aming kinadedestinuhan, marahil ay marapat lang pong malaman ng mga kapatid lalo na ng mga nakakakilala sa amin ang tunay na dahilan kung bakit humantong kami sa ganitong kalagayan.

Ito po ang talagang nangyari.

Noon pong Hulyo ?18, ?2015 ay lumitaw sa social media ang pangalan ko na isa sa mga ministrong dinukot at hindi makita. Marami pong nakaalam nito kaya sila ay nabahala lalo na ang aming mga kamag-anak. Kinumpirma naman namin sa mga nakakakontak sa amin na ligtas kami at hindi kami nadukot. Naging palaisipan po sa aking pamilya kung bakit ako nakasama sa mga ministrong nawawala gayong tahimik lang kaming tumutupad ng tungkulin sa lokal ng San Roque at Tolosa Extension sa Distrito ng Leyte East. Sino po kaya ang may gawa nito at ano ang kanilang layunin? Noong pong Hulyo 21, 2015 ay pinagawa po ako ng video na ang sasabihin ay “I am INC.” Nakipag-cooperate po ako at ginawa ko ang video batay sa itinagubilin ni kapatid na Rommel Sanvictores ng INCTV at ipinadala po sa kaniyang email. Panatag po kami ng pamilya ko na kung maipalalabas iyon ay maglilinaw na hindi ako nadukot at hindi ako nawawala kundi nasa destino at tumutupad ng tungkulin. Pagsapit ng Hulyo 24, 2015 ay may tinanggap na naman akong tagubilin mula sa Central na gumawa ng panibagong video kasama ang mga kapatid sa lokal na ang sasabihin naman ay “kaming mga maytungkulin at mga kapatid sa lokal ng San Roque, Distrito Eklesiastiko ng Leyte East ay nagpapahayag ng puspusang pagsunod at pagpapasakop upang maligtas” at babati ng maligayang ka-101 kaarawan ng Iglesia ni Cristo. Pag-uwi ko po sa lokal ng San Roque ay dinatnan ko na ang mga kapatid na tinipon ng pangulong diakono batay sa itinagubilin ng Distrito at naroon na rin po ang ministro na kukuha ng video. Hindi po iyon araw ng pagsamba sa San Roque, palalabasin lang na ang video ay katatapos lang ng pagsamba.

Sa pagkakataon pong iyon ay may desisyon na ako na huwag gawin ang video, sapagkat una, nakagawa na ako ng video noon lamang Hulyo 21, 2015 na marahil ay upang patunayan na hindi ako dinukot. Ikalawa, nakarating na po sa mga kapatid ang balita noong Hulyo 23, 2015 ang panawagan nina Ka Tenny at Ka Angel Manalo, na dahil doon ay nagtatanong na sila kung ano ang nangyayari sa Iglesia, sinundan pa kinabukasan, Hulyo 24, 2015 ng pagbasa ng sirkular ukol sa pagtitiwalag sa pamilya ni Ka Erdy. Binasa ko naman po ang sirkular ukol sa pagtitiwalag sa pamilya sa idinaos na pagsamba sa Tolosa Ext., pero sobrang sakit ang naramdaman ko dahil bakit humantong sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na po maatim na pagkatapos basahin ang pagtitiwalag sa pamilya ay saka po nila ako uutusan para ipahayag ang puspusang pagsunod at pagpapasakop sa Pamamahala, idadamay ko pa ang mga kapatid. Sa akin pong pananaw ay sukdulan nang panggigipit at pang-aapi ang ginawa nilang ito sa pamilya ni Ka Erdy. Sinabi ko pong sukdulan sapagkat matagal nang mayroong hindi kanais-nais na mga nangyayari sa pamilya mula nang papagpahingahin ng Diyos si Ka Erdy bagamat pilit na itinatago, pero nahayag pa rin lalo na sa mga taga-Central. Hindi lamang po ang pamilya ni Ka Erdy ang nakararanas ng panggigipit at pang-aapi kundi maging ang mga kamag-anak nila, pati na ang mga taong malapit sa kanila. Ang ganito pong krisis sa pamilya ay nasamantala naman ng mga taga-Sanggunian pangunahin ni Ka Jun Santos upang makapagpalawak ng kapangyarihan sa Iglesia. Buhay pa po ang Ka Erdy ay katuwang na po niya ang kaniyang mga anak sa maayos niyang pamamahala sa Iglesia. Subalit pinag aalis silang lahat nang pumanaw na si Ka Erdy. Ang kapansin pansin po habang tinatanggal ang mga Manalo sa panunungkulan sa Iglesia, sinamantala naman ni Ka Jun Santos na ipagpupuwesto ang kaniyang mga anak at asawa sa maseselang posisyon sa Iglesia. Pati nga po si Ka Bienvenido Manalo na bunsong anak ni Kapatid na Felix Manalo at kapatid ni Ka Erdy na siyang pinagkatiwalaan sa Engineering & Construction Department (ECD) ay pinagbalakan ding alisin, ?hindi nga lang nila magawa. Gayonman ay unti-unti nilang nagawang bawasan ng mga gampanin si Ka Bien. Bukod po sa pagiging Head ng Engineering & Construction Department, dati ring saklaw ni Ka Bien ang Maintenance Department, General Services, at Motorpool, na bagamart marami ay nagagampanan niyang maayos ang lahat sapagkat matuwid ang kaniyang pangunguna at naroon ang tunay na malasakit sa kapakanan ng Iglesia. Nagawan ng paraan ni Ka Jun Santos na ang itira na lang na gampanin ni Ka Bien ay ang pagiging Head ng ECD, pero bawas na rin ang trabaho. Sapagkat nagtayo po siya ng bukod na grupo na tinawag na Admin Maintenance na sa bandang huli ay naging parang isa na ring ECD dahil nagre repair at nagtatayo na rin ng kapilya. Nagawan din nila ng paraan na makakuha ng mga tao sa ECD. Noong panahon ni Ka Erdy ay kinokonsulta si Ka Bien sa maraming bagay lalo na sa bahagi ng konstruksiyon, subalit nang siya ay pumanaw na ay halos hindi na nila sinasangguni si Ka Bien. May mga gusali silang naipatayo na hindi na ikinonsulta kay Ka Bien sa halip ay ipinakontrata. Halos saklawin na rin ni Ka Jun Santos ang ukol sa Construction gaya ng ginawa niya sa ibang mga kagawaran. Kung ano na lang po ang gusto nilang ipasang trabaho o proyekto kay Ka Bien at sa ECD ay iyon na lang ang nagagawa nila. Sa panahon po ni Ka Erdy ay isinasangguni kay Ka Bien ang pagtatayo ng kapilya maging sa ibayong dagat, pati ang repair o renovation ng mga binibiling mga gusali na gagamiting dako ng sambahan, subalit ngayon ay hindi na. Sinaklaw na pong lahat ni Ka Jun Santos mula sa pagbili ng lupa na pagtatayuan ng kapilya, pagbili ng mga gusali na irerenovate upang gawing dako ng sambahan. Maging ang pagkuha at pagsusuri sa contractors ay inako na niyang lahat.

Mahigit ?30 taon po akong nakasama ni Ka Bien Manalo sa ECD. Napagtiwalaan ng maseselang gampanin sa Kagawaran mula pa noong panahong nabubuhay ang Ka Erdy. Hayag po sa akin kung gaano ipinagmalasakit at sininop ni Ka Erdy sa tulong ni Ka Bien ang pananalapi ng Iglesia na inilaan sa mga proyektong pang-konstruksiyon, kapilya man o iba pang mehoras. Hangga’t may maisusubi ay ginagawa, subalit hindi isinasakripisyo ang kalidad. Priority sa pinaggugugulan ng abuloy at handog ng Iglesia ang pagtatayo ng mga gusaling sambahan at mga kaugnay na mga mehoras gayundin ang pagkukumpuni ng mga eksistidong mehoras na nagkakaroon ng kasiraan. Matagal na panahon na ang malaking bahagi ng pananalapi ng Iglesia ay ginugugol para sa mga kapilya, halos nasa 80% ng pananalapi ay nakaukol dito. Ang totoo hanggang sa bago papagpahingahin ng Diyos si Ka Erdy ay may pinagtibay po siyang mahigit na 400 chapel projects at nadagdagan pa, sa layuning lipulin ang mga abang kapilya o mga dako na wala na sa kaayusan ang pagsamba, na nakapanukalang tapusing itayo hanggang sa pagsapit ng ika-100 taon ng Iglesia. Hindi na nga lang po inabot ni Ka Erdy ang pagkukumpleto sa mga ito sapagkat pinapagpahinga na siya ng Diyos noong 2009, gayonman ay naikasa na po ni Ka Bien ang sistema ng konstruksiyon para maipatapos ang bilang na ito sa takdang panahon. Samantalang on going ang konstruksiyon ng mga ito, binuksan na ng kasalukuyang Pamamahala ang malalaking proyekto ng Iglesia, ang Philippine Arena, EVM Convention Center, etc. noong 2011. Pinagpaunahan po ni Ka Bien si Ka Jun Santos na sa dami ng binuksang malalaking proyekto ay baka maubusan ng pondo ang para sa mga priority chapel projects, na ang buong giting na sagot niya ay “HINDI PO.” Nakabukod na raw ang pondo para roon kaya huwag daw mag-alala si Ka Bien. Subalit lumipas lang ang halos dalawang taon, bandang second quarter ng 2013 ay dumalang na ang pagbaba sa ECD ng pinagtibay na budget ukol sa kapilya na kasama sa priority projects. Pagdating ng third quarter ng 2013 ay halos wala na talagang bumababang approval kahit pa ng mga for repair na mga kapilya na nasira ng mga nagdaang kalamidad. Sa pagkakataong iyon ay namroblema na si Ka Bien dahil may natatapos na proyekto pero wala namang malipatang bagong proyekto ang mga trabahador. Napilitan pong mag-alternate na lang ng pasok ang mga trabahador sa mga on-going na proyekto para ma-accommodate ang mga nabakante, pero dumating din sa punto na wala na talagang mapaglagyan kaya may mga pansamantalang natigil na trabahador. Sa ganito pong kalagayan ay naglakas-loob na akong sumulat sa Pamamahala upang magfollow-up ng budget ng mga naka-propose na bagong proyekto o hindi man ay ng budget ng mga kapilyang for repair na nasira ng bagyo at lindol sa mga distrito ng Aurora, Nueva Ecija, at sa Visayas. Sa kasawiang palad, sa gayong sitwasyon ay dumating pa ang bagyong Yolanda kaya lalong dumami ang pagawain ukol sa kapilya, gayonman ay wala pa ring napagtitibay sa mga naunang naka-propose na budget. Ayon po kay Ka Gerry Purification ay hindi nagustuhan ni Ka Eduardo ang sulat ko dahil nakikialam na raw kami sa pamamahala sa Iglesia, at dahil dito ay binalaan ako na idedestino sa Tacloban para raw makita ko ang sitwasyon ng mga nasirang kapilya loon, na iyon na ang priority ng Pamamahala sa panahong iyon. Nang iparating ko po kay Ka Bien ang naging reaksiyon ng Pamamahala na ipinarating sa akin niKa Gerry Purification, ay nasabi niya na hindi tayo nakikialam, nagfollow-up lang tayo ng budget, talaga namang gagawin din ang mga iyon. Bukod dito ay marami pa pong ibang mga pangyayari na nagtulak sa akin upang maniwala na may krisis na sa pananalapi ng Iglesia. Ang isa po rito ay ang nabibinbing pagbabayad sa mga utang ng Iglesia sa mga supplier at contractor. Nagtuturuan na po ang Finance at Legal Department kung kanino dapat magfollow-up ng kanilang koleksiyon. Bawat koleksiyon kasi ay nirequire ni Ka Glicerio Santos IV ng Legal na idaan sa kanila ang mga billing statements lalo na ang malalaki kaya mas tumagal ang proseso. Dati po ay matagal na ang dalawang linggo at nababayaran na kaagad ang mga supplier at contractor. Sa episyenteng paraan ng pagbabayad noon ay talagang walang nagiging utang ang Iglesia. Subalit dumating po ang panahon na umabot na nang isang buwan at lumala pa, dahil umabot na ng mga buwan ay hindi pa rin nakakasingil ang mga supplier at contractor. Pati nga po sa Engineering ay nagpafollow-up na rin ang mga naniningil kaya nahihiya na kami sa kanila, wala naman kaming magawa. Pagka nagpafollow-up po ang Engineering ng delivery ng mga materiyales o ng serbisyo na naka-P.O. sa kanila ay madali silang tumutugon upang huwag mabinbin ang mga proyekto. Pero pagdating sa paniningil ay sumasakit na ang ulo nila, dahil hindi naman dating ganoon. Sa ganito pong kalagayan ay sumulat ako kay kapatid na Ernesto Suratos, ang General Treasurer ng Iglesia upang alamin ang talagang sitwasyon ng pananalapi ng Iglesia. Ang sabi niya ay 1-assure ko si Ka Bien na may pera ang Iglesia, huwag mag alala. Mababayaran ang mga utang dahil may darating na pera galing sa Canada, Australia, at Saudi Arabia. Tinanong ko po sa kaniya kung dati nang ginagawa ito ng Iglesia, na para mabayaran ang mga utang ay kukuha ng pondo sa ibang mga bansa. Ang sagot niya ay “HINDI,” malakas lang daw gumastos ngayon dahil sa Arena at iba pang malalaking proyekto. Pabirong sinabi niya, “Joven, ako ay ingat na lang, wala nang yaman.” Nalungkot po ako sa katotohanang nahayag sa pag-uusap naming iyon ni Ka Erning.

?Ang isa pang nagpatibay ng aking paniniwala na may problema na ang pananalapi ng Iglesia ay noong ibenta sa Robinsons ang property sa Ugong. Inaapura ang tauhan namin sa Engineering na lakarin ang ukol sa paglilipat ng metro ng kuryente mula sa lote dahil magbabayaran na raw. Inapura ko naman dahil kailangan na raw ang pera. Tinanong ko po ang nagfollow-up sa akin, na hindi ko na babanggitin ang pangalan para sa kaniyang kaligtasan, kung saan gagamitin ang pera bakit inaapura ang pagbebenta, ang mahinang sagot ay “sa Philippine Arena”, huwag ko na raw ipagsabi dahil magagalit si Ka Jun Santos. Akala ko po ba nang ipanukalang itayo ang PA ay may available nang funds, bakit kailangan pang magbenta ng property, saan napunta ang nakatalagang pondo? Ilan lang po ito sa malilinaw na katunayan na hindi na nagugugol nang maayos ang pananalapi ng Iglesia. Hindi po imbento ang mga ipinahayag ko rito. Ito po, ang totoong nangyari.

Ang babala po sa akin na ako ay idestino sa Tacloban ay naisakatuparan sa pamamagitan ni Ka Radel Cortez. Ipinatawag po niya ako sa kaniyang opisina para sabihin na iniulat ako ni Ka Florencio Padre sa Pamamahala at ang pasiya ay lilipat kami sa Tacloban. Sumunod po kami sa pasiya at nakalipat po kami noong Disyembre 13, 2013, mahigit isang buwan pagkatapos na manalanta ang bagyong Yolanda. Ang paninindigan ko po na igalang ang “office procedure” at ang ibinungang pakikipagsalitaan ko sa foreman na si Ka Padre ay hindi ikinatuwa ni Ka Radel at ni Ka Eduardo kaya natuloy akong idestino sa Tacloban. Ang gusto kasi ni Ka Padre ay kumuha ng materiyales sa Construction Support Facilities (CSF)-Warehouse na nasa Montalban nang hindi na dumadaan sa Engineering. Ang sabi ni Ka Radel sa akin, kapag para sa Pamamahala, kahit hindi na padaanin kay Ka Bien. Sa sinabi po niyang ito ay lalong nahayag sa akin na binabale-wala na nila talaga si Ka Bien. Sinagot ko po siya na hindi ba ang Pamamahala ang naglagay kay Ka Bien sa kagawaran kaya marapat lang na sundin ko ang patakarang ipinatutupad niya sa opisina. Idadaan Lang naman po ni Ka Padre ang kahilingan ng Shop Extension sa Engineering upang maigawa ng requisition na kapag nalagdaan na ni Ka Bien ay maaari nang ibigay ng Warehouse ang materiyales, pero hindi niya ginawa. Pagkatapos ay magdaramdam dahil hindi niya kaagad nakuha ang hinihingi niya? Ang totoo po ay naipadeliver din sa kanila ang naturang materiyales, gayonman ay may pasiya narin sa ?
akin. Tanggap ko po iyon sapagkat ang Pamamahala ang nagpasya.

Hindi ko po minasama ang pagkakadestino namin sa Tacloban. Wala pong naging kapaitan sa puso ko. Nakapagdagdag pa nga iyon ng magagandang karanasan sa amin upang lalo naming mapagbuti ang pagtupad ng tungkulin. Saksi po ang mga kapatid mula sa mga lokal na aming kinadestinuhan kung paano namin minahal at ipinagmalasakit ang Iglesia sa kabila ng mahirap na kalagayan ng pamumuhay sa dakong pinagdalhan sa amin.

Nang sumulat po ako sa Pamamahala upang ipaalam na hindi ko na maipagpapatuloy ang pagtataguyod ng aking tungkulin sa aking destino ay ipinarating ko po na isa ako sa mga naghihintay sa gagawin niyang hakbang upang sawatain ang mga katiwalian na umiiral sa Iglesia ngayon. Ikinagalit po nila iyon sa akin. Kaya sa halip na ibaba lang ako sa karapatan ay tuluyan po nila akong itiniwalag kasama ng aking pamilya. Kung maayos lang daw po akong nagpaalam ay hindi hahantong sa ganito. Ang maayos po ba ay iyong pagpapaalam na wala nang babanggiting katiwalian at hindi na mananawagan sa Pamamahala na sawatain ang mga ito? Natiyak na po ba na wala talagang katiwaliang umiiral ngayon? Nagsagawa na po ba ang Pamamahala ng isang honest to goodness na imbestigasyon upang mapasinungalingan ang mga akusasyon laban sa mga taga-Sanggunian? Kung nagsagawa na pero ang inatasang mag-iimbestiga ay iyon ding mga akusado, may hustisya pa kayang makikita ang mga kapatid na naghahanap ng katotohanan? Nakalulungkot po na ang lagi na lang naririnig sa mga tagapagsalita ng Iglesia patungkol sa mga pumupuna ay pawang paninira lang daw ang kanilang ginagawa at wala namang maipakitang ebidensiya. Ang mga kumokontra pa sa katiwalian ang pinalilitaw na masasama at nagsisipanggulo sa Iglesia. Sila ang ginigipit, binabantaan at ginagawan ng lahat ng hakbang mapatahimik lang.

Wala na po ba talagang isa man sa taga-Sanggunian na titindig sa panig ng katotohanan? Hihintayin na lang po ba talaga nila ang pagkilos ng mga kamay ng Diyos para igawad ang paghatol sa mga tiwali? Baka nakakalimutan po nila na bayan ng Diyos ang pinamamahalaan nila. Sila po ang inaasahan ng Diyos na pangunahing magbabantay upang maingatan at huwag mapahamak ang bayan Niya. Sa tingin po ba nila ay nagagampanan pa nila ang kanilang kaukulan sa Iglesia? Kung sa tingin nila ay wala talaga silang ginagawang katiwalian kaya walang dapat baguhin sa sarili nila, nasasa kanila po iyon. Pakatandaan Lang po nila na ang bawat gawa ng tao, mabuti man o masama, maging ang kubling bagay ay ipagsusulit natin sa Diyos, batay sa nakasulat sa Eccl. 12:14. Ang Diyos po ang Huling Hukom at malapit na ang takdang araw ng pagharap nating lahat sa hukuman Niya.

Ang ugat na dahilan ng ?ligalig sa Iglesia ngayon ay ang nabagong pananaw ng ilang mga ministro sa dapat na maging buhay sa loob ng ministerio. Hindi po namalayan ng iba na dito pumasok ang katiwalian sa Iglesia, sa lifestyle ng mga ministro. Ang Panginoong Jesucristo at maging ang Kaniyang mga Apostol ang magandang halimbawa na dapat sundan sa pagdadala ng ministerio. Hindi po nila kinailangang maging marangya ang buhay at pamumuhay upang maging magiting sa pagtataguyod ng kanilang ministerio. Sa halip ay nagtanggi po sila ng sarili at ibinuwis ang kanilang sariling buhay para sa kapakanan ng Iglesia. Hindi po nila isinakripisyo ang kapakanan ng Iglesia para sa kanilang sariling kapakanan. Hindi po nila pinabigat ang pasan ng mga kapatid. Binigyan po nila ng dangal at buong giting na itinaguyod ang kanilang ministerio dahil sa pagmamahal sa Iglesia.

Ito po sana ang inaasahan ng Diyos sa lahat ng mga nasa ministerio ngayon sa loob ng Iglesia. Ang bigyang dangal ang ministerio at ang Iglesia. Marangal po ba na isangkot ang Iglesia sa negosyo at gawing ahente ang mga ministro, manggagawa ng mga produkto ng Unlad Kabuhayan? Kung sa akala nila ay marangal ito, dapat marahil na isama na rin nila ito sa criteria kapag inaantasan ang performance ng mga ministro at manggagawa. Kailangan po ba talagang puhunanin sa negosyo ang abuloy at handog ng mga kapatid
para matugunan ang lahat ng pangangailangan Iglesia? Hindi po ba insulto ito sa Diyos na para bagang hindi Niya kayang ipagkaloob ang pangangailangan ng Iglesia sa paglilingkod sa Kaniya? Hindi po ba sa panahon ng bayang Israel ay sapat na ang ikapu na handog ng buong bayan para mapangasiwaang maayos ng mga saserdote ang paglilingkod ng Israel sa Diyos? Sa mga ginawa nilang ito sa Iglesia, sa tingin ba nila ay sa Diyos pa nila dinadala ang mga kapatid? Sa kaligtasan pa po ba nila inihahatid ang Iglesia?

Kapatid na EDUARDO V. MANALO, bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ay nasa inyo po ang buong kapangyarihan para lunasan ang krisis ng Iglesia ngayon, siyempre po sa tulong ng Diyos. Hindi po ang solusyon ay sikilin ang mga lumalaban sa katiwalian sa pamamagitan ng walang taros na pagtitiwalag at panggigipit gaya ng ginawa ?sa akin at sa aking pamilya.?Hindi pa po ba ninyo namamalayan na marami nang mga kapatid na lumayo ang loob sa inyo lalo na nang itiwalag ninyo ang inyong sariling ina at mga kapatid sa laman? Paki-subukan po naman ninyong kumausap ng iba, huwag naman pong ang mga nakapaligid lamang sa inyo ang palagi ninyong nakakausap. Paki-abutin na po ninyo ang inyong pinagmulang pamilya, ang lahi ng sugo at ang maraming mga kapatid na naghahangad na maibalik na sa dating tiwasay at payapang kalagayan ang Iglesia. Pakihatid po ninyo ang Iglesia sa tamang daan patungo sa kaligtasan!

Umaasa sa pagbabago,

Joven O. Sepillo Sr.

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”

Official Websites: http://www.incdefenders.org/

www.iglesianicristosilentnomore.org

Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com

Instagram: @antonioebangelista

Twitter: @AEbangelista1

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

Similar Posts

34 Comments

  1. Dios po ang hahatol di nya hahayaan na manalo ang katiwalian kya kung sino man ang tama lilitaw po yan ang kpangyarihan ng dios ay WALANG MAKAKAPANTAY DAHIL SYA PO LUMANG SA ATIN HWAG NYO PONG ISIPIN NA TIWALAG KAYO DAHIL KUNG TAMAKAYO TAO YUN NAGTIWALAG SA INYO DI ANG AMANG DIOS NATIN KABILANG PARIN KAYO SA BAKURAN NG KANYANG PINILI ILIIGTAS masakit sa puso at matinding lungkot ang nararamdman nmin buong taga japan sa pangyaaring ito dibapo yun banal na hapunan na huli nG paninoong jesu cristo traidor lumabas si HUDAS pinagkanlo sya kya gayanbo anG nangyayari ibibigay ng dios ang ultimatum na hatol sa tiwali sa kanyang aral

  2. Sana po mapansin ng mga babasa nito na nakasama si Ka Joven sa listahan ng mga nawawalang ministro, pero ligtas sila noong pnahong iyon. Pero pinalabas sa isang artikulo ditto sa blog na ito na isa isya sa mga nawawalang ministro.

  3. Ka AE, nabanggit niyo po na kayo ay ministro kaya naisipan ko po na magtanong sa inyo sa bagay na bumabagabag sakin. Ang totoo po, hanggat maaari, neutral po ako. Pareho ko pong pinakikinggan at binabasa ang magkabilang panig – sa inyo at sa pamamahala. Tinitimbang ko po kung ano ang kapanipaniwala o may credibility at ang haka haka lang. Sa nakalipas na ilang Linggo, nakakalungkot na dumadami ang mga “pangit” na imahe na lumalabas tungkol sa Iglesia at mga nasa Central. Masakit po isipin na ang Iglesia na itinatag ni Cristo ay nadudungisan at nagiging paksa ng katatawanan, panlilibak at pang aalipusta lalo na ng mga nasa sanlibutan. Subalit mas masakit po pala na may malaman na mga bagay na magbibigay ng alinlangan sa puso. Ito po ay yung pag call up sa mga taga P-13 ukol sa mababang tanging handugan. Matagal na po ako sa finance, at ito po ang unang beses na narinig ko sa kapwa ko pananalapi na na call up sila hindi dahil sa pagkakamali kundi dahil sa mababang TH at Lingap. Ako po kase ay nasa P-9. Hindi ko po alam kung papano sasagutin ng P-13 ang call up dahil hindi po kayang lakipan ng paliwanag ang bagay na hindi alam. Alam po ba ng taga P-13 kung bakit mababa ang TH at Lingap? Hindi po ba ang handog ay ayon sa pasya ng puso? Saklaw pa ba ng P-13 ang puso at bulsa ng mga naghahandog?Ano po kaya ang ini expect na sagot ng Central? Na un lamang ang pasya ng puso ng mga kapatid na nag TH at nag Lingap? Nakakabahala na po ang pagbabago. Ayoko po sana mabahiran ng alinlangan ang puso ko pero bilang tao, may mga tanong na po ako sa isip na walang kasagutan. Salamat po.

  4. Huwag po kayong matakot sa pagtitiwalag nila, dahil sila lang ang nagtiwalag sa atin at hindi ang Diyos. Kung hindi na tama ang kanilang ginagawa at corrupt na sila ay baka sila pa ang hindi maligtas, dahil nakasulat din sa biblia na ang nasa loob na gumagawa ng masama ay itatapon din sa dagat dagatan apoy at hindi rin maliligtas. UNANG UNA NG SUSUNUGIN ITONG ATING CORRUPT NA LEADER NA MANHID AT MAGNANAKAW NG KABAN NG IGLESIA.

    SANA HUWAG NINYO BURAHIN ITONG MGA COMMENT NAMIN LABAN SA LEADER NATIN NA SI EVM. HAYAAN PO NINYO NA MABASA NILA ITO, KASAMA ANG KANYANG BUONG FAMILIA NA CORRUPT DIN KATULAD NG LEADER. (FAMILIA PO NI KA EDUARDO MANALO AT HINDI NG KA ERDY MANALO) .

    HUWAG ITAGO ANG INYONG DAMDAMIN, ILABAS NINYO AT HANAPIN ANG KATWIRAN. HUWAG NINYO HAYAAN NAKAWIN NILA AT MAGPASARAP SILA SA PERA NA GALING SA ATING ABULOY.

  5. Huwag po kayong matakot sa pagtitiwalag nila, dahil sila lang ang nagtiwalag sa atin at hindi ang Diyos. Kung hindi na tama ang kanilang ginagawa at corrupt na sila ay baka sila pa ang hindi maligtas, dahil nakasulat din sa biblia na ang nasa loob na gumagawa ng masama ay itatapon din sa dagat dagatan apoy at hindi rin maliligtas. UNANG UNA NG SUSUNUGIN ITONG ATING CORRUPT NA LEADER NA MANHID AT MAGNANAKAW NG KABAN NG IGLESIA.

    SANA HUWAG NINYO BURAHIN ITONG MGA COMMENT NAMIN LABAN SA LEADER NATIN NA SIEVM. HAYAAN PO NINYO NA MABASA NILA ITO KASAMA ANG KANYANG BUONG FAMILIA NA CORRUPT DIN KATULAD NG LEADER.

    HUWAG ITAGO ANG INYONG DAMDAMIN, ILABAS NINYO AT HANAPIN ANG KATWIRAN. HUWAG NINYO HAYAAN NAKAWIN NILA AT MAGPASARAP SILA SA PERA NA GALING SA ATING ABULOY.

  6. Hindi na po mababago ang ISIP NG KA EDUARDO MANALO. DIMONIO NA PO ANG NAGHAHARI SA PUSO AT ISIP NG ATING LEADER. PARA PO SIYANG SI HARING SAUL NA CORRUPT. HANGGANG SA PATAYIN SIYA NG DIYOS AT IPALIT SI HARING DAVID.

    ANG TOTOO PO SI AY SI EVM ANG UGAT NG NAKAWAN SA KABAN NG INC. KASAMA PO NIYA O KASABWAT ANG KANYANG ASAWA AT MGA ANAK NA LAGING NAG SHO SHOPPING SA IBAT IBANG BANSA. KUNG GUMASTOS PARA BANG SA KANILANG PAWIS NANGGALING ANG PERA NA GINAGASTOS NILA. KUNG WALA ANG MGA ABULOY NG MGA KAPATID AY WALA NAMAN SILANG KAKAININ AT HINDI SILA MAKAPANANAMIT NG MAGAGANDANG KASOOTAN.

    IPANALANGIN NA LAMANG PO NATIN NA SUNUGIN NA SILA DITO SA LUPA PARA HINDI NA SILA MAKAPANIRA SA IMAGE NG ATING MINAMAHAL NA IGLESIA NI CRISTO
    MGA WALA SILANG KUENTANG TAO. MINSAN NGA NASASABI KO PO, SILA PO BA AY TAO, PARANG SA TINGIN KO MASAHOL PA SILA SA MABAHONG HAYOP SA LUPA.

    46 YEARS PINAGMALASAKITAN NG ATING MINAMAHAL NA KAPATID NA ERANO G. MANALO ANG IGLESIA, TAPOS AY 6 YEARS IN THE MAKING LANG AY MASISIRA ANG MALINIS NA IMAGES NG IGLESIA NI CRISTO. NALULUHA AKO PAG NAKIKITA KO ANG GANITONG NAKAWAN AT PANG AABUSO NA GINAGAWA NG ATING CORRUPT NA LEADER N SI EVM.

    GISING NA PO MGA KAPATID KO HUWAG NA KAYONG MAGBULAG BULAGAN MASAMANG HAYOP NA ANG LEADER NATIN SA SI EVM.

  7. Ka Antonio, urgent po. sana po maipasa ninyo agad sa lahat ng kapwa natin defenders at warriors. malaki pong pagkilos sa buong mundo upang gisingin ang Sanggunian, at ipagtanggol po ang pamilya ng Ka Erdy. heto po ang link ng event, bale po isang buwan itong pagkilos: https://plus.google.com/u/0/events/c3113mlpc8l7fet73ihv3p4jj8s
    at heto pa pong isa, sana po maipasa nyo rin po agad sa mga kapatid kung maari. ayon po sa link na nasa ibaba, ang tunay na Ka Eduardo po abudcted at ang tumatayo pong “Ka Eduardo” ay doublegangger lang po niya. pakibasa na lang po: http://www.network54.com/Forum/70213/thread/1432940703/Glicerio+Santos+uses+1+Corinthians+6-1+as+his+%26quot%3BGet+Out+of+Jail+Free%26quot%3B+card
    maraming salamat po.

  8. MANILA – After days of silence, the Iglesia Ni Cristo hierarchy on Tuesday finally faced the media amid accusations of corruption hurled by its former members.

    However, instead of responding to questions about the crisis that has hit the organization, the church’s leaders subjected newsmen to a 30-minute Bible study, and declined to answer questions.

    The Iglesia Ni Cristo invited members of the media to attend its Bible exposition on Tuesday.

    The Bible study was held at the INC’s central temple along Commonwealth Avenue, which is normally off-limits to non-members.

    The Bible exposition is a regular event organized by Iglesia Ni Cristo to encourage non-INC members to join the religious organization.

    Hundred others of non-INC members, or those from other religious groups, attended the gathering.

    According to Virafel Saberon of the INC Media Group, they invited media members not only to encourage them to join INC but to help media outfits understand the principles of the religious sect.

    In the sermon, however, INC ministers led by Maximo Bularan Sr. concentrated only in answering two things: why some members of the Roman Catholic Church left their religion, and why they chose to transfer to INC.

    The ministers cited various verses in the Bible to justify their answers. According to the ministers, the purpose of the Bible exposition was to encourage non-INC members to join them.

    The Bible exposition lasted for about 45 minutes.

    There was no question and answer held with the audience, including journalists.

  9. Kung ang lahat ng kapatid sasabihin mas tama sila at gagawin nila sa inyo yang ginawa nyo anong pakiramdam mo. Tignan nyo or panoorin nyo yang pinaggagawa nyo, para kayong mga uud na naglabasan sa loob ng Iglesia na pinagpyepyestahan ng mga tagasanlibutan na kung maririnig nyo lang sana ang tawanan at comento nila, kaawa-awa ang itsura nyo.

  10. Hindi na kayo natakot Diyos. Siguro may dahilan kung bakit kayo naalis ,dahil sa nababasa at naririnig ko dapat nga. Siguro dapat nyong maranasan ang mamuhay sa labas ng iglesia. Hindi kayo nakuntento sa simpleng buhay sa loob ng igesia na akala nyo maraming anumalya, mas maraming anomalya sa labas. Iglesia ako hindi dahil sa matalino yong ministro or mayaman ang iglesia, iglesia ako dahil ito ang tutuong iglesia, dahil sa aral na nasa bibliya. Kung uubusin ko ang oras ko sa pagkwekwenta ng kung anu- anung bagay dyan eh hindi na ako sumasamba sa Diyos kundi para na rin akong tagasanlibutan na nanunungkulan sa gobyerno na walang ginawa kundi magkwenta at silipin ang lahat ng sintimo na ginagastos. Pera lang yan pag ginastos mo wala na, kahit nasa iyo na ang lahat ng yaman at talino pero wala ka naman sa iglesia, wala rin silbi ang lahat, at yan ay napatunayan ko na. Malungkot at masalimuot sa labas ng iglesia, walang peace and satisfaction sa labas ng iglesia kahit nasa iyo na ang lahat ng materyal na bagay bahay, kotse,pera etc. hindi nya ito mapupunuan ang puso mo. Sa loob ng iglesia kahit walangwala ka na, yong kapanatagan sa yong puso ay nandoon pa rin, hindi yan mababayaran ng kahit ano. Kaya kung ang basehan mo ay pera and power eh wala ka na , hindi kana matatahimik. Huwag mong pangunahan ang Diyos, may kanya kanya tayong opinyon pero huwag natin panguhan ang Diyos. Piliin mo ang Diyos, huwag yong akala natin or dahil sa sinabi sa iyo ng isang malapit at nirerespeto mong tao. Tama hintayin mo ang Diyos, huwag kang mabagot dahil may rason kung bakit kayo nilinis. Alam mo na ang Iglesia ay tama, bakit ilaladlad mo ito sa kahihiyan sa kamay ng mga sanlibutan na numero uno sa curruption. Tignan nyo ang itsura nyo, para kayong nakikiamot ng power and limelight sa mga tagasanlibutan. Sino kayo para sabihin kayo ang tama.

  11. Napakatotoo po ng mga pahayag na ito lalo na po sa nabanggit ukol sa mga suppliers sa Iglesia.

    Hindi kaduwagan ang hindi pagbanggit sa pangalan ng isang kompanyang nagsusupply sa Iglesia kundi proteksyon lamang sa tunay na laganap ng karahasang nangyayari sa Iglesia gawa ng tuwaling pamumuno ng ilang opisyal sa sanggunian.

    Buong giting at katapatan ang pag susupply ng kompanyang ito para sa Iglesia para makatugon sa mas ikagaganda at ikaniningas pa ng gawaing paglilingkod sa Panginoong Diyos. Lahat ng kakulangan ng mga naunang kompanya ay buong ingat na tinugunan, binago at inaalagaan ng pumalit na kompanyang ito. Kung noon ay kapag may nasisirang unit ay pinababayaan nalang subalit ng pumalit ang kompanyang ito ay kahit na napakabusy sa sched para sa mga pagdeliver sa lokal ay tinutugunan parin na madalaw, magawa at kung posible mapalitan ang unit para di maabala ang pagsamba.

    Walang ni katiting na katiwalian kung masasabi Ang inihalo sa pagsusupply na ito sa Iglesia dhil ang mga nasa kompanyang ito ay pawang mga maytungkulin din sa Iglesia na kahit maliit lang ang kikitain basta para sa Iglesia daig pa ang malaking salaping makakamal kung mapaglingkuran lang ang Iglesia. Napakaganda na sana ng takbo ng lahat.

    Dumating po ang panahon nagpalit ng pamunuan ang purchasing at unti unti ng nakararamdam ng kabigatan sa takbo ng pagbaba ng mga P.O. ( purchase order ) at kasaby nito ang kahirapan sa pagsingil sa hindi malamang dahilan bakit nahohold.

    Pinakamasaklap po na nangyari ay sa pagbabago ng taon, ikinagulat ng kompanyang ito na hindi na tinugunan ng central ang renewal ng kontrata ng kompanyang ito… Bakit?? Simple lang… Biglang may lumitaw na isang supplier na un na daw ang bagong kikilalaning nagsusupply ng unit na iyon na ipinangalan pa sa Iglesia ang mismong unit… Na ang may hawak pala ng distributorship na ito ay walang iba kundi… ANG ANAK PO NG KA JUN SANTOS.

    Pero hindi parin nawawalan ng pag asa ang kompanyang ito dahil ang kompanyang ito ay nabuo mula sa taos sa pusong pagapapanata ng mga kapatid na kaanib nito at bilang tugon ng Panginoong Diyos ay pinagkaloob ng Ama sa kompanyang ito ang halos 4 na taong paglilingkod sa Iglesia.

    Bagaman may mga nabiling stocks ang kompanyang ito na sana ay nakalaan para sa projected locales noong nakaraang taon ay patuloy parin ang mataas na pananaw na paraan lamang ng Ama ang mga pangyayari ngaun na mahayag ang tiwali na sobrang taas ang kanilang paglipad, gayundin ang taas ng kanilang babagsakan ay maipagkakaloob parin sa mga lokal ang mga nabinbing mga units kahit wala ng kabayaran basta para sa paglilingkod.
    Sana ay dumating na ang panahon ng tuluyang paglilinis sa Iglesia na kung tuluyang mahayag man ang mga tiwali ay lubusan ng magiging maningning ang Iglesia para sa kaligtasan.

    Ipagpatuloy nawa ng Ama ang pagkasangkapan sa mga ganitong pagbubunyag ng mga tiwaling tila baga anay na sumisira sa Iglesia.

  12. Ang hirap magbasa ng tagalog, i am used to reading english which is faster. The article are great but i have a hard time reading tagalog

    Sent from my iPad

    >

  13. MGA HUWAD NA LIDER NG BAYAN NG DIOS – NGAYON..

    Punto por punto!

    o Ang maliwanag na TUNTUNIN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ay kapag nasumpungan na nagdadalang tao ang isang kaanib na babae na hindi pa kasal sa asawa ay tahasang itinitiwalag.

    o Kung tiniwalag ang isang anak ng may tungkulin lalo pa at MINISTRO ay inaalisan ng karapatan ang magulang na MINISTRO, diakono, mangaawit, katiwala ng pangkat.

    SINO BA ANG LUMABAG NG ARAL AT TUNTUNIN NA ITO?

    Si Gemma Manalo de Guzman ay alam ng mga kaanib na mayroon na siyang dinadalang sanggol (nagdadalang tao) noong ikinasal siya kay Jojo de Guzman!

    1. ama – KA EDUARDO V. MANALO
    (may tungkulin – ministro)

    o Kung nag-asawa ng taga sanlibutan ang anak ng isang may tungkulin ay tinitiwalag agad ang kaanib na nag-asawa nag di kapanampalataya.

    o Kung tiniwalag ang isang anak ng may tungkulin lalo pa at MINISTRO ay inaalisan ng karapatan ang magulang na MINISTRO, diakono, mangaawit, katiwala ng pangkat.

    SINO ANG LUMABAG NG ARAL AT TUNTUNIN NA ITO?

    Si Gertrudez Santos ay alam ng mga kaanib na nag-asawa ng taga sanlibutan na hanggang ngayon ay nananatiling tiwalag.

    1. ama – GLICERIO SANTOS JR.
    (may tungkulin – ministro)

    SINTIDO:

    Dahil sa nilabag nila ang mga tuntunin na ito sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ay maliwanag na wala silang karapatan na humawak ng mga tungkulin nila NGAYON.

    Bagama’t nakaluklok sila sa kanilang mga position at DAHIL SA MALIWANAG na NILABAG ang MGA TUNTUNIN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ay maliwanag din na inagaw lang nila ang kanilang pwesto NGAYON.

    HINDI SILA ANG TUNAY NA PANGANGASIWA?!

    Tungkol kay ka EDUARDO V. MANALO – ang pagkakabalik sa talaan ni Jojo de Guzman ay ginawa lamang upang di matiwalag si Gemma subalit hindi pa rin maikukubli na DAPAT AY WALA NA SIYA SA KARAPATAN kahit pa noong ikasal si Gemma M. de Guzman at hindi niya dapat iniluklok ang sarili niya bilang tagapamahalang pangkalahatan.

    Tungkol naman kay Glicerio Santos Jr. dahil sa PAG-AASAWA NG TAGA SANLIBUTAN ng kaniyang ANAK NA SI GERTRUDES dapat ay wala na rin siyang karapatan noon pa man.

    Ito ay isang maliwanag tuwiran na PAGLABAG at PAGYURAK SA MGA TUNTUNIN na ipinatutupad sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Kung sinasabi nila sa kanilang mga pagtuturo na dapat ay MAKIPAGKAISA SA PAMAMAHALA – ang TANONG…. SILA NGA BA ANG LEGITIMONG PAMAMAHALA natin NGAYON?

    DAHIL malinaw na INAGAW LAMANG NILA ang position na kanilang kinaroroonan ngayon ay dapat mapansin ng mga TAGA-BANTAY ng BAYAN NG DIOS!

    Kayong mga MINISTRO na nakababatid nito bakit para kayong mga ASONG BAHAG ANG BUNTOT NA MAY BUSAL SA NGUSO na inuuna ninyo ang inyong mga pansariling pakinabang?

    Bakit kayo mga DUWAG ipanindigan ang katotohanan sa harap ng iglesia at ng DIOS? Alam namin na ALAM NINYO ang mga bagay na ito subalit mga bantay kayong naturingan na hinalal ng Dios upang pangalagaan ang bayan ng Dios SUBALIT ang nasumpungan sa inyo ay mga karuwagan at KATAKAWAN SA PAKINABANG.

    Walang pagsala na ibababa ng Dios ang kaniyang anghel upang usigin ang mga taong yumurak sa malinis na pangalan ng panginoong JESUCRISTO. Mas natakot KAYO mga MINISTRO sa PANANAKOT ni JUN SANTOS AT KA EDUARDO AT BABYLYN MANALO kesa sa parusang ipapataw ng Dios sa inyong mga karuwagan?

    At kayong mga kaanib na di gumagamit ng pagiisip, hindi rin kayo makatatakas sa kaparusahan na iniuukol sa mga taong TULAD NINYO na nagbibingi-bingihan at nagpinid ng mga mata sa nagdudumilat na katotohanan na ang IGLESIA NI CRISTO ay ipinapahamak sa ating unahan. Ngunit pinili ninyo manahimik at ito ay larawan ng isang DUWAG!
    ISAIA 24:16
    We hear songs of praise for God from every place on earth.
    They praise the God who does what is right.
    But I say, “Enough!
    I have had enough.
    What I see is terrible.
    Traitors are turning against people and hurting them.”

    ACTS 20:
    30 Also, men from your own group will begin to teach things that are wrong. They will lead some of the Lord’s followers away from the truth to follow them.

  14. “Hihintayin na lang po ba talaga nila ang pagkilos ng mga kamay ng Diyos para igawad ang paghatol sa mga tiwali?”
    Eh bakit po hindi?
    Pinangunahan na po ninyo ang ating ama. Hindi na po ba kayo naniniwala na hindi pababayaan ng ating panginoong diyos ang kanyang Iglesia sa huling araw?
    Kayo na po mismo ang nagpasya na bitiwan ang inyong sinumpaang katungkulan.
    Hindi nalang po kayo sumunod at ipinagpanalangin na sa diyos, na ipabahala ang lahat. Kahit papaano naman po, alam nating mag kakapatid na ang administration ay inilagay ng ating panginoong diyos.
    Nawalan po kayo ng tiwala sa Iglesia, sa kanyang admistration at pati na rin sa ating panginoong diyos na nagtatag nito.
    Siguro nga po meron pong hindi magandang nagyayari kayong napansin, pero kayo po ang nag decide na bumitaw…ministro po kayo… alam nyo po na ang isang ministrong natangal sa tungkulin nya ay hindi maliligtas.
    Hindi po ba paglabag iyon? Hindi po ba pag rerebelde?
    Sa tingin ko po lahat ng mga bumitaw sa kanilang tungkulin dahil hindi nila “DAW” makayanan ang anomalya ay hindi tamang rason. Pinangungunahan ninyo ang ating ama, hindi kayo naniniwala na meroong syang paraan. Inilagay ninyo sa inyong mga kamay ang paghuhusga dahil hindi ninyo mahintay ang kung anu man ang gagawin ng diyos.
    Pag lilinis na nga po siguro ito sa Iglesia.
    Ang pag bitiw sa tungkulin ay hindi kelan man rason para maituwid ang mali.
    Respeto na lang po siguro sa lahi ng sugo pero hindi po sa mga MANALO ang Iglesia Ni Cristo. Ito po ay sa diyos, ang administration ang mag gagabay sa kaniyang buong Iglesia sa mga huling araw.

  15. ANO YAN UNCLE TSISMIS NA NAMAN ?,PAKITA KA NAMAN EBDENSYA KUNG MAY PAGKA UTANG ANG IGLESIA NI CRISTO .MADALING NGUMAWA MAHIRAP MAG PATOTOO LALO NA’T BINTANG NA WALANG KATIBAYAN UNCLE

  16. nalulungkot po ako sa lahat ng nangyayari ngayon sa INC.para sa akin kung masasagot lamang bawat isang pahayag ng katiwalian ay matatapos ang sigalot na ito.sa palagay ko sa dami ng anomalyang ito kahit isa lang sa mga ito ay totoo,ay hindi na dapat manatili pa sa kanilang posisyon ang mga nasa Sanggunian. salamat po sa inyo.

  17. VERY WELL SAID KA JOVEN SEPILLO…MABUHAY KA!!!SANA DUMAMI PA ANG MGA IGLESIA NA MANINDIGAN TULAD MO…NSA PANIG KA NG KABUTIHAN AT KATOOHANAN KAYA’T SIGURADONG HINDI KA PABABAYAAN NG PANGINOON…ISA KANG MARANGAL,TAPAT AT MABUTING TAO..MARAMI ANG NANINIWALA AT NAGMAMAHAL SAU..MAY PARAAN ANG DIYOS UPANG MAPAKINGGAN AT MAIPARATING SA KINAUUKULAN ANG LAHAT NG HINAING MO AT NANINIWALA KAMI NA DARATING ANG PANAHON NA MAAYAOS DIN ANG LAHAT NG ITO..MAG IINGAT KAU PALAGI..WELOVEYOU….

  18. kakalungkot naman ang nangyayari, dahilan yan sa kasakiman sa pera, kasakiman sa material na bagay…asan na ang tamang aral? nakakahiya! bakit humantong sa ganito ang sitwasyon, hindi man lang inayos, kaming ordinaryong miembro ay nakakaranas din ng pagkukutya ng mga tagasanlibutan sa nangyayaring ganito..nayayanig din ang aming pananampalataya sa nangyayaring isyu na yan.

  19. Saludo ako kay Joven Supillo, Farely Decastro at iba pang mga ministro na laban sa katiwalian ni Jun Santos at sanggunian. Sana marami pang ministro ang maglahad ng mga katiwalian.

  20. Sana nga mabago. Sana makinig sa mga sumisigaw na kapatid. Sana makaramdam. Masyado ng nakakahiya ang Iglesia. Hindi dahil sa mga kapatid na itiniwalag nila kundi dahil sa mga kasama niya na hindi ma-disiplina.

  21. Salamat po sa inyo Ka Joven

    Sa mga hanggang ngayon ay kagaya rin namin na hindi makalantad dahil baka itiwalag, panalangin lang po ang magagawa natin.
    Ang pakiramdam po kasi nila ay wala silang mali na ginagawa. Bagaman alam nila na walang tao na hindi nagkakamali, kahit pa ministro, kahit pa lider sa bayan ng Diyos.
    Si Saul naging masama. Si David, nagkamali rin sa isinagawa niyang “census” sa bayan. Si Solomon. Ang mga sumunod sa kaniya ganoon din, malala pa.
    Natandaan ko iyung lecture ni Ka Benefrido tungkol sa isang lalake na kumukutya kay David, noong nagsabi si Abesai kay David na sabihin lang ni David at papatayin niya iyung lalaking nagsasalita ng masama kay David, ang sabi lang ni David kay Abesai ay “hayaan mo, baka may ipinasasabi ang Diyos sa pamamagitan niya”.
    Kung ganoon lang sana ang Ka Eduardo. Sana pakinggan niya ang isinisigaw ng napakaraming kapatid.
    Ama., maawa ka po. Sa pangalan ng Panginoong Jesucristo na NAGTATAG ng Iglesia, huwag mo pong iwan ang Namamahala, manumbalik sana ito sa kalagayan na pinaghirapan ng Sugo at ng Ka Erdy, kalagayang banal at malinis sa paningin MO.
    Patawarin niyo na po kami!

  22. Bro. A.E.
    I have my sentiments to what is happening to our beloved church. I am completely sadden that good ministers who have served their lives long enough to the church are expelled (or being expelled). I am a member of Iglesia ni Cristo (Church of Christ) and a quiet observer of what is happening right now. I believe with the church teaching which is based from the bible, but for some reasons I have noticed that what the church is teaching to all the brethren are not being deliver by the church administration thru their actions (these current days); I do not comprehend their logical decisions on how they run the church right now. I have some reservations now , however, I pray to the Almightly Father that He will help all of us in these tribulation time; that He may strengthen our faith no matter what, that all brethren that are expelled (whose telling what is the current situation of the church) get back to serve Our Almight Father, that He may enlighten all the brethren about the truth so that way our beloved church can go back to its holiness and righteous of serving our Almighty Father. May the Holy Spirit guide us all.

    Your brethren in faith;
    Yaniv

    P.S. I pray for your safety

  23. Magandang araw po Ka AE.

    Damang dama ko po ang katotohanan sa bawat kataga ng liham ng Ka Joven Sepillo Sr. Patnubayan nawa tayo ng Ama sa mga pagsisiwalat natin ng katotohanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *