Mga mahal na Kapatid,
Kalakip po nito ang Audio File ng Lektura ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. sa isinagawa po nilang WEBEX Video Conference ng lahat ng mga Ministro at Manggagawa noong sila ay nasa Japan noong Abril 28, 2015.
Hahayaan po naming kayo mismo ang makapakinig sa mensahe ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. upang maunawaan ninyo at maramdaman ang kaniyang mga pananalita. Bagamat medyo mahirap unawain ang takbo ng kaniyang pagsasalita, may pagka mawidwid magturo at pamali-mali, ay pagtyagaan po ninyong unawain ito sa abot ng inyong makakaya.
Listen to Audio here: https://soundcloud.com/antonio-ebangelista/part-1-js-webex
Pagkatapos po ninyong mapakinggan ang unang bahagi (3 bahagi sa kabuuan) ng kaniyang lektura ay hayaan po ninyong ibahagi po namin sa inyo ang mga sumusunod na bagay na dapat po ninyong mapansin:
- Sa kaniyang mga panimula ay ipinagmalaki lahat ng Ka Jun Santos ang mga tagumpay ng Iglesia sa pamamagitan ng mararaming mga bagong gusaling sambahan na naipatayo hindi lamang sa loob ng Pilipinas kundi maging sa labas ng Pilipinas, lalo na ang Philippine Arena, Sports Stadium at Sports Center, at mga properties na binili ng Iglesia para tayuan ng mga gusaling sambahan.
- Lahat ng mga tagumpay na ito ay upang ipagbigay diinan niya na HINDI TOTOO ang sinasabi ng mga nagkakalat ng paninira sa Internet na di-umano’y BANKAROTE na raw ang Iglesia.
- Para lalong patunayang hindi ito totoo ay binanggit pa niya ang sinabi ng Kapatid na Eduardo V. Manalo na kung talagang bankarote na ang Iglesia ay hindi sila dapat nandoon. Ang ibig sabihin ng ating mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan kung ito ay ating susumahin, hindi sana nakapagpapatayo ng mga gusaling sambahan ang Iglesia Ni Cristo at nakapagpatayo pa ng Philippine Arena at iba’t-ibang malalaking establishimento at patuloy na bumibili pa ng mga properties, kung ito nga ay totoong bankarote. Samakatuwid ay hindi totoo ang sinasabi ng mga nagkakalat ng impormasyon sa internet o sa social media ng maling balitang ito, ito ay pawang mga paninira lamang.
- Kaya daw ito ginagawa ng mga taong ito ay dahil sa nais lamang nilang siraan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo at guluhin ang Iglesia.
- Sa talumpati ng kapatid na Glicerio Santos Jr. ay sinabi pa nya sa mga Ministro na papayag daw ba kami na kami’y akusahan ng akusahan ng wala namang ebidensya.
- Kaya daw walang ebidensya ay dahil sa hindi daw namin mailabas ang aming sarili at magpakilala at ang gusto lang daw namin ay manira lang ng manira ng walang ebidensya.
- At kaya daw kami naninira ay dahil sa wala kaming anumang nalalaman ni katiting man ukol sa pamamalakad sa pananalapi sa Iglesia.
Hindi ko na po iisa-isahin pang muli ang mga bagay na paulit-ulit na binanggit ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. kaya sasagutin ko na lamang po ang kaniyang mga pananalita upang mahayag lalo kung sino sa amin ang walang NI KATITING NA KABATIRAN UKOL SA MGA BAGAY NA NAGAGANAP NGAYON.
Ang mga isasagot ko po sa bahaging ito ay patungkol po lamang sa AKIN at sa aking ginagawang pagsisiwalat sa kanilang mga katiwalian. Ito po ang mga nais kong linawin kay Kapatid na Glicerio B. Santos at sa lahat ng mga taga-Sanggunian.
- IISA lang po AKO at wala akong ibang mga kasama sa ginagawa kong paglalahad. Kung mayroon mang ibang sumasang-ayon sa aking mga sinasabi o kaya naman ay may inilalabas ding mga pahayag ukol sa Pamamahala, hindi ko po sila mga kasamahan at hindi ko po sila kakilala. Bagamat may ilan na nakikisakay lang sa mga ginagawa kong pagsisiwalat ng katiwalian sa Sanggunian subalit hindi ko po sila mga kasamahan.
- Hindi po ako kailanman nagsalita ng anuman na laban o paglapastangan sa Tagapamahalang Pangkaahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, sapagkat ako po ay sumasampalataya sa aral na aking tinanggap na ang Panginoong Diyos lamang ang tanging kay karapatan na sumiyasat sa Kaniyang itinalagang lider ng Kaniyang bayan. Ang akin pong kalaban ay ang KATIWALIAN, lalo na sa hanay ng mga nagpapakilalang PANGUNAHING KATUWANG ng Tagapamahalang Pangkalahatan na mas kilala sa katawagang SANGGUNIAN. Ang pagpuna sa KASAMAAN at KATIWALIAN ng Sanggunian ay hindi paglapastangan sa Tagapamahalang Pangkalahatan sapagkat ang layunin nito ay upang makatulong sa Pamamahala na makita ang mga itinatagong katiwalian ng mga tiwaling Ministrong ito.
- Hindi po ako tiwalag. Ako po ay aktibong MINISTRO sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Hindi rin po yata akma Ka Jun ang inyong naging pahayag na porket tiwalag ang isang tao ay hindi na sya maaaring paniwalaan. Ibig sabihin, kapag ang isa palang saksi sa krimen, pang-aabuso o katiwalian ay isang tiwalag ay wala palang saysay ang kaniyang testimonya o pahayag? Hindi rin pala maaaring tumistigo sa hukuman o makapaglaan ng makubuluhang pahayag ang sinoman na nasa uring tiwalag. O ang ibig nyo po bang sabihin ay kahit pa mayroong saksi sa katiwaliang ginagawa ninyo, subalit naipatiwalag na ninyo ay hindi na maaaring tanggapin ang kanilang salaysay o pahayag kaya hindi na sila dapat pakinggan ng Iglesia o ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Ngayon ay nauunawaan na ng marami kung bakit ganun na lang kadami at kabilis ang pagtitiwalag ngayon sa Iglesia, lalo na yung mga nakakaalam ng katiwalian ng Sanggunian.
- Kung bakit hindi ako nagpapakilala ukol sa aking totoong pangalan, marahil bobo na lamang ang hindi makaiintindi kung bakit. Kung ngayon nga na ako ay hindi ninyo kilala ay todo todo na ang ginagawa ninyong “man hunt” para sa akin, nagpadala na kayo ng mga “chase dogs” nyo sa iba’t-ibang Distrito, pinaghahalungkat na ninyo ang lahat ng mga R5-004 files ng mga Ministro/Manggagawa na inaakala ninyo na maaaring gumawa nito, pinahanap na ninyo sa lahat ng mga kaso na tinanggap ng Tanggapan ninyo para masuysoy kung sino ang maaaring magtanim ng galit sa inyo para gumawa nito, sumulat na kayo s alahat ng mga Tagapangasiwa ng Distrito upang magsagawa ng “pagdadalaw” sa lahat ng mga Ministro at Manggagawa sa kanilang Distrito at sa kanilang pagdalaw ay papasok sila hanggang sa loob ng kwarto o kung saan man naroroon ang computer nila, pabubuksan ito maging ang mga cellphone at iba pang gadgets para makita ang laman at makahanap ng kahit anumang ebidensya ukol sa pagkakakilanlan ko at kinaroroonan ko, pinagtatanong na ninyo ang mga Tagapangasiwa kung mayroon silang Ministro o Manggagawa sa Distrito na maaaring gumawa nito, inatasan nyo ang ka Emer Culala at Ka Efren Tercias na tugisin si Antonio Ebangelista saan man sya naroroon, hanapin ang lahat ng IP address na lilitaw sa facebook, magpadala ng mga “fake email” na may lamang trojan virus/malware para matunton ang source ko, ginamit nyo pa ang koneksyon nyo sa mga telecommunications network para makuha ang trianggulation ng signal na ginagamit ko, pinaba-block ang lahatng FB accounts ko, pinapagsiyasat ang mga nasa Paaralan at nasa Pasugo para kilalanin kung sino ang may ganitong uri ng panunulat at hanay sa mga natanggap nilang sulat at artikulo na pang-Pasugo sa nagdaan, pinaghinalaan pa ninyo ang ilang mga Tagapangasiwa, tagapagturo at maging ang mga Regular na Manggagawa… “the list goes on”. Kaya ngayon Kapatid na Glicerio B. Santos Jr., pakisabi mo uli sa kapulungan ng mga Ministro at Manggagawa na inaakala mong naniniwala naman sayong mga ipinapahayag, kung bakit hindi ako makapagpakilala kung sino ako kung talagang matuwid ang layunin ko. Malamang sa susunod na sabihin mo yan, lihim ng ngigiti na lamang ang mga nakikinig sayo. Dun sa maraming mga kapatid na ng dahil sa pag-ibig sa Iglesia ay nagtangkang ihayag ang mga katiwalian ng Sanggunian, inilantad ang kanilang totoong pagkakakilanlan, anung nangyari? Pinagtitiwalag at pinagtutugis pa ninyo. Marami ngang matatalino at magagaling na kapatid, pero walang tapang na tindigan ang totoo, ang sangayon sa katwiran, ang ayon sa mga dalisay na salita ng Diyos. Kaya pagpasensyahan na po ninyo ako kung hindi ko pa maaaring ipakilala ang totoo kong pagkatao dahil mas maiging buong tapang na ihayag ang tama na buong giting na ginagamit ng kakayahan ng isipan na ibinigay ng Panginoong Diyos upang ilantad ang mga taong tiwali na nagdudunong-dunungan gaya ng mga nasa Sanggunian subalit sa kahuli-hulihan ay gagawing mangmang ng Panginoong Diyos.
- Buong diin pang sinasabi po ninyo na HINDI TOTOONG BANKAROTE ANG IGLESIA SAMAKATUWID HINDI TOTOO ANG MGA PARATANG SA INYO. AT HINDI RIN TOTOO NA MAY ANOMALYA SA PANANALAPI NG IGLESIA. NA ITO AY MGA PANINIRA LAMANG. Iyan ang inyong buong igting na pangangatwiran ukol sa bagay na iyan. Kapatid na Glicerio B. Santos Jr., wala po ako, ni minsan, na binanggit na BANKAROTE na ang Iglesia. Wala. Kaya kahit wag na po ninyong isangkalan ang Kapatid na Eduardo Manalo sa inyong mga pagtatalumpati, dahil totoo naman talagang HINDI BANKAROTE ang Iglesia. Subalit HINDI PORKET HINDI BANKAROTE ANG IGLESIA AY NANGANGAHULUGANG WALANG SULIRANING PINANSYAL ANG IGLESIA. HINDI RIN ITO NANGANGAHULUGANG NA WALANG ANOMALYA SA PANANALAPI NG IGLESIA. Kung iisa-isahin ko pa uli ang mga anomalyang nagaganap ngayon sa pananalapi sa ilalim ng inyong pangangasiwa Ka Jun, baka kulangin itong sinusulat ko para matapos ang mga iyon (maaaring mabasa na lang ang mga ito sa http://www.incsilentnomore.com).
- Sa lahat ng inyong pahayag Ka Jun, ang inyong laging kinakaladkad at ibinabalandra sa tao ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan na kesyo sya ang sinisiraan, pinupuna at nilalapastangan. LET ME GET ONE THING STRAIGHT KA JUN, AND WITH ALL DUE RESPECT, STICK THIS TO THE TOP OF YOUR HEAD: THIS IS NOT ABOUT BRO. EDUARDO V. MANALO. THIS IS ABOUT YOU, THE WHOLE SANGGUNIAN, AND ALL THE CORRUPT MINISTERS PLAGUING THE CHURCH. Kaya huwag na kayong magtago sa likuran ng Tagapamahalang Pangkalahatan dahil kayo ang siyang gumagawa ng katiwalian, kaya kayo din ang inilalantad ko sa mga isinisiwalat kong katotohanan na hindi ninyo kayang pasinungalingan. Huwag nyo pong ilagay ang inyong sarili na kapantay ng Tagapamahalang Pangkalahatan na ibig bagang sabihin ay hindi rin kayo maaaring punahin lalo nga at mayroon kayong ginagawang karumihan sa loob ng Pamamahala. At parang awa na po ninyo Ka Jun, huwag po ninyong bigla-biglang tinatanong ang Ka Matt Pareja na walang ibang ginawa kung tumango ng tumango sa bawat sinasabi ninyo, subalit ng bigla ninyong tinanong ay biglang napahinto at natulala at walang maisagot, bilang katunayan na hindi naman talaga sya nakikinig sa sinasabi ninyo o kaya naman ay hindi rin nya naintindihan ang pagtuturo ninyo (Pasensya na po sa mga kapatid na hindi nakakaintindi sa bahaging ito sapagkat ito po ay nauunawaan lamang ng mga Ministro at Manggagawa na nakasaksi sa Video Conference kung saan hagip na hagip ang laging pagtungo ng ulo ng Ka Mat Pareja habang sya ay nakaupo sa tribuna na upang ipakita yata na buong pananampalataya nyang sinasangayunan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng Ka Jun).
- Ka Jun, ilang beses ninyong buong-widwid na paulit-ulit na binanggit na naninira lang ako, dahil sa ang sabi nga ninyo sa amin “WALA KAYONG ALAM, WALA KAYONG KABATIRAN, WALA KAYONG NI KATITING NA NALALAMAN, LALO NA SA PANANALAPI SA IGLESIA DAHIL SA WALA KAYONG EBIDENSYA.” Ano pong sabi ninyo? “WALA KAYONG EBIDENSYA! WALA KAYONG ALAM! WALA KAYONG EBIDENSYA! WALA! WALA!” (Read my lips: WALA KAYONG ALAM, WALA KAYONG EBIDENSYA!) Habang pinapakinggan ko po kayo nung Video Conferencing ay naaalala ko ang mga senate hearing sa TV kung saan ang mga Pulitiko ay buong giting na nagsasalita na HINDI DAW TOTOO ang ipinararatang sa kanilang mga kaso ng PLUNDER dahil sa….? WALA SILANG EBIDENSYA! Sounds familiar? Samakatuwid, kapag walang ebidensya, ibig sabihin ay walang katiwalian o kaya naman, kapag magaling kang magtago ng ebidensya, maaari ka ng gumawa ng anomalya o katiwalian. Ngayon alam na namin kung ano ang bagong Battlecry ng buong Sanggunian, hindi na SUPERHUMAN ENERGY, kundi… “Hindi totoong may anomalya kasi WALA KAYONG ALAM, WALA KAYONG EBIDENSYA! WALA! WALA! WALA!”. Ipapaprint na rin po namin ito sa tarp at ipapa-frame at ilalagay sa bawat opisina ng Ministro sa Lokal.
- Buong giting na tinitindigan ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. na walang anomalya sa Pananalapi ng Iglesia, kahit sya na ang tumatayong Ingat-Yaman at Awditor Pangkalahatan ng buong Iglesia. Na Hindi Bankarote ang Iglesia, na walang anomang anomalya sa Pananalapi sa iglesia. Talaga namang hindi bankarote ang Iglesia dahil linggu-linggo ay may mga pagsamba na may handugan, may Tanging Handugan, May Lagak, may Lingap, samakatuwid ay mayroong regular na pumapasok na pera sa kaban ng Iglesia tuwing Miyerkules/Huwebes at Sabado/Linggo na pagsamba. Kaya ang mas akmang tanong ay ito… sapat ba ang kasalukuyang pananalapi ng Iglesia upang masustenehan ang pangangailangan ng Iglesia sa maraming mga pagawain na kapilya, mga magagarbong aktibidad at pagtitipon, mga mamahaling mga byahe, transportasyon, akomodasyon, (hindi ko na isasama ang maluhong paggastos ng mga Sanggunian) at marami pang iba’t-ibang mga pangangailangan sa Iglesia? Hindi ko naman pangangahasan na sagutin itong tanong na ito dahil sabi nga ng Ka Jun ay WALA TAYONG ALAM. Hindi natin alam na lahat ng maaaring gawin ng garment factory ay sapilitang ipabibili sa Iglesia, gaya halimbawa ng mga Amerikana ng mga Ministro ay sapilitan ng kailangang magpatahi (kahit meron pa kayong bagong Amerikana) uli gaya ng sinimulan ng gawin sa mga Distrito ng Buacan at iba pa. Hindi natin alam na ang mga handugan ay hindi na idinedeposito sa bangko ay iba ay dinederecho na sa hotel room ng Ka Jun kung saan sila nanunuluyan. Hindi natin alam na hindi lahat ng mga handugan sa Iglesia ay pinadadaan sa mga official forms at receipts ng Iglesia, gaya ng gagawin sa Coffee Table Book na ang bilin ay gagamitin ang “official” P-13 forms, SUBALIT hindi ito isusulat sa P-1 na Opisyal na Resibo ng Handog sa Pagsamba, at HINDI rin isasama sa SOBRE ng ENTREGO ng Handog, kundi may bukod na SOBRE at “provisional receipt” na maiiwan sa Lokal at Distrito bilang kopya kung sinu-sino pa lang ang nakakapagbayad linggu-linggo (hulugan kasi hanggang sa mabuo ang Php 3,000). Hindi natin alam na mayroong mga properties ang Iglesia Ni Cristo na “commercial in nature” at ginawang komersyo. Hindi totoo na may mga suppliers/contractors na hindi nababayarn ng Iglesia at ang iba ay hindi na talaga binayaran ng Iglesia. Hindi rin natin alam na maraming “unexplained wealth” ang mga Ministro ng sanggunian at ang marami dito ay itinatago nila sa pangalan ng kanilang mga anak at ibang mga kamag-anak. Hindi natin alam na maraming mga “mansions” at mga high-end na mga sasakyan ang mga taga Sanggunian na nakatago lang. Grabe sa dami ba naman ng hindi natin alam ano eh hindi maubos ubos ang mga ito. Di bale sa mga susunod po nating mga paglalahad ay ipapakita po natin ang mga HINDI NATIN ALAM NA MGA ITO.
Sa mga susunod po ay ilalabas din namin ang Part 2 at Part 3 ng Lektura ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. sa WEBEX Video Conference upang lalo pa ninyong maramdaman ang espiritu ng Ka Jun at ang kaniyang patuloy na pagbabalandra sa Kapatid na Eduardo V. Manalo upang huwag syang malantad sa lahat ng anomalyang ginagawa nya sa loob ng Iglesia.
On a final note, before I end this chapter, if there’s something I want to say to Bro. Glicerio B. Santos Jr. and all the Sanngunian and District Ministers who are conspiring to hunt me down and silence me, it’s this… “Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.”
Sound familiar? Now you know how this will end.
-Antonio Ebangelista
PAUNAWA SA MGA NGAYON PA LAMANG NAGSIMULANG SUMUBAYBAY SA MGA USAPANG ITO:
Alam ko pong marahil ay nasasaktan kayong mabasa ang mga bagay na aking inilalahad sa mga mensaheng ito at marami kayong katanungan sa inyong isip kung bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito. Subalit bago po kayo magalit o magdamdam sa akin ay buong galang ko pong hinihiling na unawain po muna ninyo ang lahat ng mga impormasyon upang mapagtimbang ninyo kung ano ang tama o mali. Kung tama ako, manindigan tayo sa tama, kung mali ako sa mga pinahayag ko, itakwil ninyo ang mga bagay na inyong nalaman mula sa akin. Maging objective po sana tayo upang makapagpasya tayo ng wasto. Ang batayan natin ay ang mga dalisay na kalooban ng Diyos. Upang lalo po ninyong maunawaan ang mga ipinahayag ko, maaari po kayongmagtungo sa website (https://www.incsilentnomore.com) at basahin po ninyo mula sa simula na pinamagatang “Ang Simula…” at sunod sunod na po ang mga artikulo na maaari ninyong mabasa na magpapaliwanag sa lahat ng mga katanungang maaaring naiisip po ninyo ngayon. Buong tyaga po sana ninyong basahin ang mga ito at kung may katanungan po kayo ay saka ko naman po buong tyagang sasagutin ang mga ito.
Alam ko rin po na ang mga impormasyon na inyong nababasa ay nasa uring sensitibo at pribado, at hindi sana dapat nailalantad sa publiko lalo na sa social media. Lagi po nating tandaan na ang katotohanan ay isang “double bladed sword” na ang ibig sabihin ay dalawa ang maaaring maging epekto nito sa isang taong bumabasa. Kung ang isang kapatid ay mahina ang pananampalataya at nasa uring matitisurin, ang mga bagay na kaniyang mababasa dito ay maaaring lalong makapagpahina sa kaniyang pananampalataya, na magbubunsod sa kaniya upang lalong matisod sa mga aral na kaniyang tinanggap sa Diyos, titigil na sya sa paglilingkod at mahihiwalay sya sa tunay na Iglesia dahil sa nagsilbing katitisuran sa kaniya ang mga kapintasan at katiwalian ng mga tao na nasa hanay ng nasa Ministerio at nasa Sanggunian pa. At ang isang epekto pa nito, na ito dapat ang maidulot sa atin, na kapag naunawaan natin na totoo ngang mayroong nakapasok ng lihim sa Iglesia, na siya namang ipinagpauna na ng Biblia, at nagpasimula ng pagtalikod sa Iglesia sa pamamagitan ng pagmamalabis ng mga Saserdote o mga Ministro, panggigipit, kahambugan, pag-ibig sa salapi at materyal na bagay at ang katiwalian, ang dapat na maging epekto nito sa atin ay ang lalong manghumawak sa mga salita ng Diyos.
Manindigan tayo kung ano ang tama at matuwid na siyang itinuro ng Diyos, na siya ring itinuro ng Sugo sa mga huling araw na siya ring itinuro ng Kapatid na Eraño G. Manalo hanggang sa mga huling sandali ng kaniyang buhay. Sa ganitong mga pagkakataon lalong dapat gumising ang ating kamalayan at buklurin tayo ng iisang damdamin, iisang pag-iisip at iisang paghatol…. na tayo ay mananatiling TAPAT SA PANGINOONG DIYOS AT SA KANIYANG MGA ARAL. Hindi natin papayagan na ang anuman, kahirapan, kalamidad, panguusig, panggigipit, katiwalian ay makapagpapahiwalay sa atin sa pag-ibig ng Ama. Hindi natin papayagan na ang sinoman, mga di tunay na tagapangaral, mga mag-uusig, mga kalaban ng Iglesia, mga malulupit na mga Pastor, mga mapagsamantala at sunud-sunurang mga Tagapangasiwa at mga tiwaling Sanggunian, ang siyang makapagpapahiwalay sa atin sa pag-ibig ng Ama.
Kaya sa halip na katakutan natin ito, sa halip na umiwas tayo sa pagtuklas ng mga kasalukuyang kaganapan sa Iglesia sa takot na para bang kapag nagbasa tayo o kaya ay nagsuri tayo kung ano nga ba talaga ang mga sinasabi nila tungkol sa Iglesia, ay pakiramdam natin ay nagkakasala tayo o kaya ay nagtataksil tayo sa Pamamahala. Hindi po ganyan ang dapat nating maging damdamin, sapagkat kailanman ang pagtuklas ng karunungan at ng katotohanan ay hindi masama. Ito nga ang pangunahing dahilan kaya tayo naliwanagan sa mga aral ng Diyos. Laging nasa ating puso ang pananampalataya sa mga katotohanan kaya kahit ano pa ang mabasa natin dito, uudyukan tayo ng Espiritu Santo upang malaman kung alin ang katotohanan, at alin ang kasinungalingan, kung alin ang mabuting layunin, at alin ang paninirang puri lamang, kung alin ang udyok ng pag-ibig at pagmamalasakit sa kawan at alin ang may pusong mapaghimagsik, kung alin ang naguudyok sa pagkakaisa at alin ang nagtutulak sa pagkabaha-bahagi. Ang sabi ng Biblia, hindi na tayo dapat parang mga bata na madaling mapapaniwala sa masasamang ihip ng maling pananampalataya at pandaraya. Samakatuwid, magbasa po tayo sa mga impormasyong aming inilalahad na may matibay na paninindigan na pagkatapos nating basahin ang mga ito ay buong tapang tayong maninindigan sa totoo, sa wasto, sa mga dalisay na salita ng Diyos.
-Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”
Official Website: http://www.incsilentnomore.com
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE
You must log in to post a comment.