Part 1: “Isang Malayang Pagsusuri”
Part 2: “The Alpha and The Omega”
(continuation…)
Part 3: THE CONNIVANCE – Defined by the english dictionary as “Cooperation in the commission of an illegal or wrongful act”. Sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino: “Ang kaisahan sa pagsasagawa ng isang ilegal o maling gawa”. Ito ay isang salita na hindi sana kailanman magagamit kaalinsabay ng salitang “Ministerio”, subalit sa nakalulungkot na katotohanan, ito ay nagpasimulang maging katangi-tanging katawagan sa loob ng banal na Ministerio dahil sa isa-isa ng nawala ang mga tagapagbantay ng kalinisan at katapatan sa loob ng Ministerio. Ang mga dating matitino at tapat na Ministro ay nangamatay na, ang mga natira ay unti-unting naitalikod sa paninindigan at umayon na rin sa mga Sangguniang mapanghikayat. Si Arnel Tumanan ang laman lagi ng mga tanong sa amin, “Nasaan na ang Ka AAT? Tiyak na hindi siya papayag na mamayani ang katiwalian sa Iglesia.” Subalit wala akong maisagot. Maaari ninyo siyang tanunging personal sa kaniyang bagong opisina na ibinigay sa kaniya nang siya ay ginawang bagong nangangasiwa sa Kapisanang Pansambahayan sa Buklod sa buong mundo. Nakakasabay namin siya sa corridor sa Tanggapan sa Central, sa CDH (Central Dining Hall), sa Main Lobby, subalit iba na ang mababakas mo sa mukha nya, hindi na ang dating AAT na kilala ng marami. Simula ng ginawang Pastor ang kaniyang anak na si Marco, at inabswelto ang kaso ng kaniyang anak na si Centralyn na napatunayang mayroong ibang karelasyon maliban sa asawa nitong si Robert Capistrano at hindi inaksyunan, at simula ng binigyan syang muli ng pwesto ng Sanggunian (do you see a pattern ba?) ay biglang na lang syang nanihimik na para bang walang nangyayari sa loob ng Iglesia na hindi nya batid. Maraming mga dating matitino, magigiting at matatapang na Ministro na handang ilaan ang buhay para sa integridad at kalinisan ng Iglesia, subalit ngayon ay nangawala na ang kanilang dating ningas bilang Ministro.
Sa salitang “Connivance” nahulog ang mga Ministro sa Sanggunian at maging ang maraming mga Ministro, Manggagawa, mga Tagapangasiwa sa iba’t ibang Distrito sa buong mundo. Dahil sa napasimulan na ng Kapatid na Glicerio Santos Jr. ang “Take Over” nya sa Pamamahala sa Iglesia, noong una ay nagkaroon sila ng banggaan sa isa’t-isa at di pagkakaunawaan ng mga kasama nya sa Sanggunian. Subalit ng dahil sa ang Ka Jun ang siyang tanging may hawak ng pananalapi sa Iglesia, nakuha nyang masuhulan ng isa-isa ang mga kasamahan nya sa Sanggunian upang huwag na lamang silang kumibo o humadlang sa kaniyang mga gawain at tinitiyak nyang mayroong pakinabang na makukuha ang kaniyang mga kasamahan. Nang dahil dito ay unti-unti ng nabuo ang kanilang samahan hindi lamang sa Sanggunian, kundi naman maging sa labas ng Ministerio. Sila ay nagsimulang magtago sa piging ng pakikipagkaibigan. Nasubok ang samahang ito nang nagpasimula na silang magpakitaan ng kani-kaniyang pinasok na negosyo at anumang maaaring pagkakakitaan sa Iglesia. Ang bawat isa sa mga taga Sanggunian, halimbawa ay si Ka Radel G. Cortez, Ka Rodel Cabrera, Ka Eraño Codera, Ka Rolando A. Esguerra, Ka Matt V. Pareja, Ka Bienvenido C. Santiago, ay nagsimula ng tumapang sa pagsasagawa ng lantaran ng mga bagay na DATI NA nilang ginagawa. Bawat isa sa kanila ay mayroong kanikaniyang grupo ng mga kapatid na may-ari ng iba’t-ibang negosyo gaya ng printing press/publication, construction contractors/suppliers, pharmaceutical company owners/suppliers, at mga suppliers. Ibig sabihin, lahat ng pwedeng i-supply, i-kontrata o anumang may kinalaman sa Iglesia na pwedeng pagkakitaan sa loob at labas ng Iglesia ay hawak ng Sanggunian sa pamamagitan ng kani-kaniyang “POINT PERSON”, na karaniwan ay hawak din nilang mga Ministro ang pinahahawak nila. Kukunin nila kay Ka Caloy sa Purchasing ang lahat ng mga sinusupply sa Iglesia mula sa kaliit liitang sabon na panlinis sa CR hanggang sa malalaki at mamahaling mga sasakyan, kagamitan na kinakilangan ng mga Kapilya, Ospital, Paaralan, Net 25, INC TV, Engineering Dept., maging ang mga outsourcing ng mga scaffoldings tuwing may events sa Iglesia, mga BIGAS sa Lingap Pamamahayag, Trucking… (the list goes on…) at marami pang iba. Ang mga “POINT PERSONS” na ito ang siyang kokontakin ng mga Suppliers o sinumang nais na magkaroon ng DEALS sa PURCHASING ng IGLESIA. Karaniwan ay makikipag-meeting sila sa labas ng opisina, sa F.I.S.H. Restaurant, Yellow Cab Pizza sa may Mindanao Avenue, QC. O kaya ay sa iba’t-ibang restaurants sa may Tomas Morato at Timog para doon ay mas mapag-usapan nila ang magiging DEAL para makuha nila ang P.O. (Purchase Order). Ngayon sa sobrang dami ng pwedeng negosyuhin sa Iglesia ay maraming mga nagaganap na mga “MEETINGS” at kung minsan ay nagkakaalinsabayan pa ang mga POINT PERSONS sa mga iba’t-ibang restaurants, kaya pati sa mga SPA ay nagmi-meeting na rin sila, lalo na sa WENSHA SPA sa may Quezon Ave, Touch Point sa Congressional Avenue at mga kauri pa nito. Subalit kung tutuusin ay wala naman talagang dapat mali sa pagsu-supply sa Iglesia sapagkat talaga namang maraming needs/requirements ang Iglesia, at talaga naming bumibili ang Iglesia ng mga ito, kaya nga merong PURCHASING SECTION ang Central. Subalit ang masama ay nung ito ay PINAGKAKITAAN na ng mga tiwaling Ministro.
Noong araw ay gustung-gustong magsupply ng mga suppliers sa Iglesia dahil alam nila na hindi gaya ng iba na may mga “under the table arrangements” at dahil sa walang delay sa pagbabayad ang Iglesia, pinakamatagal na daw ang 1 week. Alam ko naman pong mayroong mga nakakabasa nito ngayon na dati o kasalukuyang mga suppliers sa Iglesia ngayon at alam nyo sa sarili ninyo na hindi na ganyan ngayon. May ilan ngang mga kapatid na supplier ang hindi na talaga kinaya ng kanilang konsensya dahil sa alam nilang yung dapat sana ay ibababa pa ng presyo para makatipid ang Iglesia ay mauuwi lang sa KICKBACKS ng mga Ministro na kausap nila para maipasok sila sa loob. At alam din ng marami na ibang klase na rin ang mga delays sa pagbabayad ng Iglesia ngayon, minsan inaabot pa ng 6 months, minsan ay hindi pa talaga sila nababayaran subalit wala lang talaga silang magawa dahil kahit na magreklamo sila ay sa Sanggunian pa rin babagsak iyon kaya mauuwi din sa walang kabuluhan ang reklamo nila. Subalit hindi lang sa mga transaksyon sa loob natatapos ang abot ng impluwensya ng Sanggunian. Mayroon pa silang isinasagawang pagkikita-kita minsan sa isang linggo o dalawang linggo depende kung gaano ka-busy ang nasabing Sanggunian, kung saan inilalabas sila ng kani-kaniyang “CORE GROUP” para kumain, mamili ng mga mamahaling gamit at damit, magpamasahe sa isang exclusive na health “spa” upang makapag-relax at pagkatapos ay pag-uusapan nila ang iba’t ibang government at private projects na hawak ng isang miyembro ng Sanggunian. Ang ilan sa mga kapatid na ito na nakiusap na huwag munang mapangalanan at lalantad na lamang sa tamang pagkakataon ay taga lokal ng Central, Lokal ng Project 4, Lokal ng Tandang Sora, Lokal ng Pag-asa, Lokal ng Alabang, Lokal ng Las Piñas at marami pang iba. Sila ang bahalang “magpaligaya” sa mga taga Sanggunian at bilang kapalit ay babahaginan nila sila ng “Project Assignment”. Ang ibibigay na sa kanila ay mismong mga P.O. (Purchase Orders), Bill of Materials, Project Implementation Orders mula sa iba’t ibang sanghay ng gobyerno sa iba’t ibang lungsod, distrito, probinsya at rehiyon sa buong bansa. Lahat ng mga Politiko na natulungan ng Iglesia at naghahangad na matulungan ng Iglesia ay kabilang sa grupong ito at regular na nag-lalaan ng “juicy government projects” na kanilang ibibigay sa mga taga-Sanggunian. Noong una ay kontento na sila sa mga pagmimeeting sa mga coffee shops o mamahaling restaurants, pero ngayon ay sa mga high-end hotels, “with accommodations and other services”. Kaya ano ang nabago sa Sanggunian? Dati na silang may ginagawang katiwalian, subalit nag-iingat sila sa isa’t-isa kaya inililihim nila ito sa isa’t-isa dahil baka magkasilipan at mayroong magmalinis at isumbong ang isa, kaya kaniya-kaniya sila ng raket ng palihim.
Subalit ngayon ay iba na, dahil sa ginawa ni Ka Jun Santos na panghihimasok sa lahat ng kagawaran na hawak ng Sanggunian ay nagawa nyang BUUIN ang Sanggunian at magkaisa na wala na silang dapat na ipangamba kahit na mayroon silang ginagawang kababalaghan dahil sa kung papayag silang hindi nila sasalungatin si Ka Jun Santos, ay hindi nya rin sila sasalungatin sa kanilang mga raket, manapa ay bibigyan pa niya sila. Kaya kung mapapansin nyo, na yung dating striktong pagkakahiwa-hiwalay ng bawat kagawaran sa Iglesia upang maiwasan ang pagkukunchaba sa isa’t-isa ay tuluyang naalis na. Lahat sila ay pare-parehong nagsasalimbayan sa isa’t-isa ng hindi ito sinisita. Dati kasi ang mga Ministro na hindi nila makakasundo sa paggawa ng pananamantala sa Iglesia ay kanilang ginagawan ng paraan na maalis sa posisyon dahil hindi kapuso sa paggawa ng kamalian at maaaring maging mitsa pa ng kanilang karapatan kapag ito ay pumiyok o magsumbong. Kaya ngayon ay hindi na kayo magtataka kung bakit bagaman kasama sa Sanggunian ang Kapatid na Bienvenido C. Santiago na siyang General Evangelist ng Iglesia at masasabi nating isang “Defender of the Church” ay masasabi na nating “accessory to the crime” na ngayon dahil wala siyang ginawa kundi ang umayon sa alon ng Sanggunian. Ganun din ang Ka Maximo Bularan, mga magigiting at matatapang na debadista ng Iglesia at sumumpang ipagtatanggol ang Iglesia at ang Pamamahala sa lahat ng kumakalaban dito SA LOOB AT LABAS ng Iglesia, subalit bagaman nakita na nila ang mga kamalian ay pinilit pa rin nilang ibaling na lang papalayo ang kanilang paningin salayunin na huwag makabangga ang iba o kaya ay ang mapag-initan ng mga kasamahan nila. Nang nakuha na ng Ka Jun Santos ang buong Sanggunian at wala ng sinomang maaaring kumontra sa kaniya, isinunod naman nya ang mga Ministro sa kaniyang Tanggapan, mga Tagapangasiwang BINIGYAN NG KA JUN SANTOS NG BREAK at naging mga Tagapangasiwa at inilipat ng Ka Jun Santos sa mga “juicy District” na ang ibig sabihin ay isang Distrito na maginhawa at maraming makukuhang pakinabang (salapi o gamit), mga Ministro at Manggagawa na ipinupwesto ng Ka Jun Santos sa iba’t ibang Distrito sa buong mundo upang kapag siya naman ang tumawag sa kanila para may ipagawa ay hindi sya mapapahindian ng mga Ministrong ito dahil sa laki ng utang na loob o takot na mailipat o maalis sila sa posisyon.
Kaya papaano natin magagawa ang laging sinasabi ng mga taong sumusubaybay sa atin, na kesyo hindi daw dapat sa social media tinatalakay ang mga bagay na ito, kesyo bakit hindi natin iulat sa Tagapamahalang Pangkalahatan, kesyo bakit hindi natin idaan sa tamang proseso, kaya nga may Pamamahala para tugunan ang mga suliranin na gaya nito… Subalit ngayong nakita na ninyo kung papaano natahi ang samahan ngayon ng Sanggunian, ano sa tingin po ninyo? Ano kaya ang kahihinatnat ng ulat ng isang kapatid, kahit pa may ebidensya, na kaniyang ipapadala sa Tagapamahalang Pangkalahatan subalit dadaanan naman sa Sanggunian? Papaano kung ang iuulat ng kapatid ukol sa katiwalian sa Iglesia ay ang mismong kabilang sa Sanggunian, at ang tatanggap ng ulat ng kapatid ay mismong taga-sanggunian din? Iyan ang dahilan kaya tumagal ng husto ang Sanggunian sa kapangyarihan.
THEY HAVE PERFECTED THE BEST BUSINESS MODEL FOR SELF PRESERVATION TO REMAIN IN POWER – THIS IS THE NEW SANGGUNIAN – THE BOND OF BROTHERS.
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore