Paksa: INC Report Updates
Abril 21, 2015
Mga Kapatid narito po ang mga kasalukuyang kaganapan na kinakailangan ninyong malaman:
Mamamaya pong gabi pagkatapos ng Panata natin ng alas-10 ay ipopost ko na po ang Preacher’s Guide na ituturo ng lahat ng mga Ministro at Manggagawa sa darating na araw ng pagsamba upang makita ninyo kung anong uri ng pagtugon ang ginagawa ng Sanggunian sa kasalukuyang mabigat na problema na kinakaharap ng Iglesia dahil sa lalong dumadami na ang nakakaalam ng katiwaliang ginagawa ng Sanggunian.
Mamayang gabi ko rin po ipo-post ang binanggit ng Kapatid na Eduardo V. Manalo sa kaniyang pangangasiwa ng pagsamba ang ukol sa kaniyang nalalaman ukol sa mga nangyayari sa social media.
Pagkatapos sa California ay nagtungo ang Ka Eduardo at Ka Glicerio B. Santos Jr. sa Korea para sa paghahandog ng Kapilya na isasagawa sa April 25. Pagkatapos po ay bubukod ng lakad ang Kapatid na Jun Santos at sya na lamang ang pupunta ng Japan. Alam po ng lahat ng mga taga-Japan na si Ka Manny Benidicto ay “hand-picked” ng Ka Jun Santos nang siya ang ipinuwesto ng Ka Jun para maging Tagapangasiwa ng Japan. Si Ka Jun ang siyang mangangasiwa ng Lingap Pamamahayag sa Japan sa Mayo 3, subalit isasagawa na lamang ito thru WEBEX (Video Conference). Subalit ang hindi nauunawaan ng Ka Jun at ng kaniyang inilagay na Tagapangasiwa ay kung gaano kaselan ang kalagayan ng rehistro ng Iglesia sa Japan. Alam ito ng lahat ng mga Kapatid doon subalit hindi ito pinapansin ng Ka Manny Benedicto. Dahil dito ay nanganganib na mapatawan ng mabigat na kaso ng Japan ang Iglesia Ni Cristo dahil sa hindi ito nakapagbabayad ng kaukulang buwis sa Tax Center ng Japan. Dito ay nanganganib na mapatawan ng parusa ang INC sa punto na ito ay mapasara at mapauwi ang lahat ng mga Ministro at mga kapatid na hindi Japanese citizen. Ito ang napakalaking problemang kinakaharap ng Iglesia sa Japan dahil sa hindi maayos na pamamalakad sa pananalapi, na sa layuning makuha ang lahat ng handugan ay binalewala ang kaukulang pagugugulan nito para sa kapanan ng Iglesia.
Dahil sa tumitinding awareness ng mga kapatid sa katiwalian ng Sanggunian lalo na ukol sa handugan sa Iglesia ay ipinasya ng Sanggunian na i-suspend muna sa mga “piling” Distrito ang Tanging Handugan para sa CLOSING CENTENNIAL na naka-schedule sa May 2 at 3. Ito ay dahil sa lumalaganap na kamalayan ukol dito at nagsisimula ng magtanong ang mga kapatid na siyang iniuulat ng mga Ministro sa mga Tagapangasiwa at ng mga Tagapangasiwa sa Sanggunian. Sa ibang mga Distrito na walang masyadong “resistance” ay tuloy pa rin ang naka-schedule na Tanging Handugan.
Sa ibang mga Distrito sa abroad ay nagsimula ng mag-email blast ang mga District Ministers sa pamamagitan ng mga STF (Special Task Force) sa Distrito. Naglalaman ito ng mga tagubilin sa mga kapatid na huwag maniwala sa mga nakikita sa social media na ito ay pawang mga paninira lamang.
Lalo pong pina-igting ang pagmamanman sa kilos at galaw ng Ka Angel at Ka Lottie dahil ang pakuwari ng Sanggunian ay sila ang “naninira” sa Sanggunian. Lalong pinadami ang mga sasakyang sumusunod sa kanila saan man sila magpunta (see Ma’am Lottie Hemedez’ timeline)
As confirmed by our fellow Ministers: Nagsimula na po ang “Pagdadalaw” ng mga Tagapangasiwa sa iba’t-ibang Distrito kasama ng kanilang mga District Staff. Ang unang mga pinupuntahan nila ay ang mga Pastoral para di umano ay alamin ang kalagayan ng Samabahayan ng mga Ministro at ang kalagayan ng mga Lokal. Ang kakaiba lang sa mga pagdadalaw na ito ay ang kanilang pagche-check sa mga computers, cellphones at iba pang gadgets para mag-usisa lang daw subalit ang kanilang tinutuklas ay kung merong Facebook Account at iba pang social media accounts. Titingnan din ang laman ng mga emails, history ng web browser para makita ang mga sites na pinuntahan, maging ang hard drive ay magse-search ng mga keywords gaya ng “Antonio Ebangelista” at mga pangalan ng Sanggunian. Titingnan din ang mga text messages. (Para lalong makapag-ingat ay basahin po ang precautionary tips na ipinost ko sahttps://iglesianicristosilentnomore.wordpress.com)
Magdadagdag ng mga “District Staff” na under sa Tanggapan ng Pananalapi (Glicerio B. Santos Jr.) i-oorient na lang daw sila sa magiging gampanin nila. Ang bilang ng karagdagang Ministro/Manggagawa na mag-oopisina sa Distrito ay depende sa laki ng Distrito, kalimitan ay 3 ang idaragdag na mag-oopisina sa Distrito. At dahil sa ito ay magiging sa ilalim ng Pangangasiwa ng Tanggpan ng ka Jun Santos ay sila ang aatasan na mag-monitor sa mga pagbabayad para sa lahat ng UNLAD products na ipinabebenta sa mga Kapatid, kasama na ang pag-uulat sa kalagayan ng Pananalapi sa Distrito. Sila din ang “magsisiyasat” kung merong mga hindi “loyal” sa Sanggunian sa paraan na nagsasalita ng anumang laban o pag-kwestiyon sa mga bagong tuntunin na ipinatutupad ng Sanggunian. Direkta ang pag-uulat ng mga “staff” na ito sa Tanggapan ng Ka Jun at hindi na kailangang padaanin pa sa Tagapangasiwa upang maiulat din kung talagang “loyal” ang Tagapangasiwa at mga District Staff sa Sanggunian. Samakatuwid ang mga ito ay “over-glorified” Minister Sales Manager at logistical spies ng Sanggunian. Lalo po tayong mag-ingat mga kapatid.
Ang inyong Kapatid kay Cristo,
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore