Paksa: Bahagi ng pagtuturo ng Kapatid na Eduardo V. Manalo sa panahon ng paghahandog ng gusaling sambahan sa Lokal ng Roseville, noong nakaraang Sabado (Abril 18, 2015).
Abril 21, 2015
Mga mahal na Kapatid,
Sa isinagawang pagsamba bilang paghahandog sa bagong gusaling sambahan ng Lokal ng Roseville, ay binanggit ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ang ukol sa social media. Nang itinuro po niya ang bahaging ito ay sinimulan nya sa katanungan kung magkano ba ang nagugugol na halaga sa pagbili ng Chapel at pagpaparenovate, maging ang iba pang mga Chapel na ipinatayo ng INC mula last year hanggang ngayong Abril. Pagkatapos ay sinabi nya, “Ang mga NABABASA NINYO SA SOCIAL MEDIA AY PANINIRA SA ATING GINAGAWA DITO, Kung iyon ay totoo edi sana hindi nating naisagawa ang mga bagay na ito. WALANG CORRUPTION SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO (sa bahaging ito ay nagkatinginan na lamang ang mga kapatid na nagsalaysay nito na naroon mismo sa pagsamba).
Binanggit pa ng Kapatid na Eduardo V. Manalo, “Kumpara sa panahon ng dating Tagapamahala na 20-30 lang ang naitatayong kapilya kada taon eh sa panahon natin eh mahigit pa doon at eto nga, naipatayo pa natin ang Philippine Arena at iba pang naglalakihang kapilya…” Idinugtong pa niya, “Ang totoo nyan, yung tao na yun na nagsasabi ng di totoo sa social media ay tiwalag (Ka Lito Fruto ang tinutukoy nya).”
Pinacheck ko po sa Engineering Department kung nakaka-ilang kapilya ang naipapatayo ng Kapatid na Eraño G. Manalo noong siya ay nabubuhay pa, ang nasa records po nila ay 120-130 na kapilya sa loob ng isang taon. Ang sabi nga po ng kapatid na nagsalaysay nito ay hindi nila maiwasang hindi isipin na para bang ikinukumpara, para tuloy nagmukhang isang paligsahan. Sa lahat ng kaniyang mga sinabi ay wala sya halos nabanggit na detalye ukol sa sinasabing “paninira” sa social media kundi marahil ay kung ano lang ang sinasabi sa kaniya ng Sanggunian. Dahil kung talagang alam po ng ating mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan ang mga nangyayari sa social media ay dapat sana ang mga nabanggit nya at sinagot nya ay yung mga isiniwalat ni Antonio Ebangelista, saka po sana niya sinabing “walang corruption sa loob ng Iglesia”.
Mga kapatid huwag po ninyong ipagkamali na ako po ay mayroong anomang laban sa ating mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan. Gaya po ninyo ay umaasa po sana ako na totoo ngang nabasa nya ang mga issues na isiniwalat natin dito sa social media upang ito ay buong linaw niyang masagot at mapasinungalingan para sa kapakanan ng lahat ng mga kapatid na buong tyagang naghihintay ng kasagutan sa kanilang mga katanungan. Subalit nakakalungkot man pong isipin ay wala po syang nabanggit na anumang detalye at ang tanging nabigyan lang nya ng reperensya ay ang tiniwalag ng Sanggunian na si Ka Lito Fruto. Ang nasabi nga ng isang BEM student sakin “Bakit po ganun eh wala naman po halos binanggit ang Ka Fruto na paglaban sa Pamamahala at paninira sa Iglesia, tungkol lang naman sa kawalan ng proseso ng pagkakatiwalag sa kaniya?”
Dito ay mapapaisip tayo ngayon ng scenarios na maaaring makapagpaliwanag sa ganitong kawalan ng kabatiran ng Ka Eduardo. Ito po ang ilan sa mga maaaring dahilan:
Gaya ng ginagawian ng Ka Eduardo bilang office protocol, ang mga mahahalagang bagay na dapat banggitin sa Ka Eduardo gaya ng schedules for the day, mga sumulat sa kaniya, mga dapat pirmahan, mga ulat sa Ministro, at maging ang mga ulat ng Sanggunian ay dumadaan sa opisina ng Ka Gerry Purification, ang Kalihim ng Ka Eduardo. Ang Ka Gerry ngayon ang siyang magbabasa ng lahat ng mga sulat at ulat. Ika-categorize nya batay sa uri at batay sa “urgency” para yung mga hindi naman ganun ka-urgent ay FOR FILE na lang, meaning walang sagot. At hindi naman lahat ng bahagi ng sulat ay mababasa ni Sir. Gagawa lang ang Ka Gerry, actually, pinagagawa nya rin ito sa kalihim nya, ng very short summary kung ano ang laman ng sulat o ulat. Kaya kung mabigat ang ulat at nais pagaanin ito ng Ka Gerry ay ganun nya ihahanay ang summary. Kapag gusto nyang pabigatin ay ganun naman ang ihahanay nya. Kaya maaaring sa proseso ng pag-uulat ay natanggal ang ukol sa lahat ng mga issues na isiniwalat ko para “Hindi na makadagdag sa alalahanin ng Namamahala” o kaya naman ay di na gaano ito pinagdiinan para hindi na usisain ng Ka Eduardo at ang mai-focus na lang ay ang Ka Lito.
Maaari din naman na may alam na ang Ka Eduardo subalit hindi pa nya ipinahahalata na may alam sya para kampante ang Sanggunian na walang alam ang Tagapamahalang Pangkalahatan subalit ang totoo ay mayroon ng imbestigasyon na ipinagagawa ang Ka Eduardo para alamin ang katotohanan sa likod ng mga lumalabas na issues sa social media.
Kayo na po mga kapatid ang bahalang magpasya kung alin sa tingin ninyo ang mas posibleng scenario. Ang akin lamang ipinangangamba, ang mga issues na isinisiwalat ko ay hindi naman tsismis o kaya naman ay intriga sa showbiz na ang pwedeng tugon ay “no comment” na lamang o kaya ay hindi na magpaliwanag at hintayin na lamang na ito ay mamatay na issue hanggang sa makalimutan na ito ng mga kapatid. Ang hindi lubos na nauunawaan ng mga Sanggunian ay hindi ito showbiz na basta na lamang namamatay ang mga issues at nakakalimutan. Na kapag ito ay pinalala nila sa paraan na hindi nila ito haharapin at ang gagawin lang nila ay tugisin ang mga kapatid na active sa social media at tiktikan ang mga Ministro at magtakda ng Loyalty Check, at tugisin ako hanggang sa mapatahimik ako, walang mangyayari kundi ang mapapatunayan lang nila sa mga aktwasyon nila na totoo nga ang mga isinisiwalat ko ukol sa katiwalian at pagmamalabis nila sa Tungkulin. Sa halip na buong tapang nilang harapin ang issues laban sa kanila at sagutin ito ng buong giting, gaya ng pagkakakilala natin sa mga dating magigiting na Ministro ng Iglesia na ngayon ay mga Sanggunian na, anong ginagawa nila? Puro pagbabago sa leksyon ang ginagawa nila para lalong manakot o magpasaring o iligaw ang isyu at papaniwalain ang Iglesia na “paninira lamang ang kumakalat sa social media”.
Sana po sa susunod na Video Conferencing ng Kapatid na Eduardo V. Manalo sa April 25, sana po ay ma-address na niya ang mga issues na ito ng detalyado upang mabura na ang anumang bumabagabag sa lahat ng mga kapatid at manumbalik ang kapayapaan sa ating mga paglilingkod. Idalangin natin sa Ama na patuloy Niyang patnubayan ang mahal nating Ka Eduardo upang mapangunahan nya ang buong Iglesia sa pagpuksa sa katiwalian at paglipol sa mga taong tampalasan na ginawang kalakal ang mga banal na bagay sa Iglesia. Tulungan nawa tayo ng Ama. Maraming salamat po.
Ang inyong kapatid kay Cristo,
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore