Part 1: “Isang Malayang Pagsusuri”
Part 2: “The Alpha and The Omega”
Part 3: “The Connivance”
Continuation…
Part 4: “The Cover Up”
Dahil sa nagpasimula ng lumantad ang katiwalian ng mga taga-Sanggunian, kinailangan nilang matiyak na lahat ng mga nakapaligid sa kanila ay talagang mapagkakatiwalaan nila, anuman ang mangyari. Paano nga ba magagawa ang isang “PERFECT COVER UP” sa isang “global-wide anomaly”?
Kailangan nila ng mga tao na kapareho nila ng espiritu at pag-iisip, mga taong kayang sikmurain ang kanilang ginagawang kalapastanganan at handang manumpa ng katapatan sa kanila na hindi kailanman magtataksil sa kanila. Ito ang dahilan kaya ang mga pinagkukuha nila sa kanilang opisina ay mga “bata” din nila. Yung mga kasamahan nila noon sa mga Distritong pinanggalingan nila, mga kabarkada nila o kaya ay kaklase nila. Kaya nga yung mga kawani sa opisina nila na hindi nila masyadong pinagtitiwalaan ay pinaglilipat nila o kaya ay inalis nila. At upang makatiyak ang kanilang mga staff sa opisina para sa kanilang “security of tenure” na huwag silang maalis sa kanilang trabaho ay kinakailangang handa silang gawin ang anumang ipapagawa sa kanila, labag man sa tuntunin o doktrina, higit man sa nararapat, panggigipit at pagmamalabis, at iba’t-ibang katiwalian ay kayang kaya nila dapat pikit-mata itong hindi pansinin, kaya ngayon ay mga manhid na sila sa katiwalian at baluktot na rin ang kanilang konsepto ng “matuwid”. Ang sabi nga ng isang Ministro sa Tanggapan ng Ka Radel Cortez na naalis sa Ministerio dahil sa “imoralidad”, at ng pagkabalik sa karapatan, wala pang isang taon ay kinuha na ng Ka Radel Cortez at ginawa niyang kalihim at Tagapagsiyasat sa kaniyang opisina, ang sinabi nya sa isang kasama naming Ministro, “Kung gusto mong manatili ngayon sa pagtitiwala ng Pamamahala (Sanggunian ang tinutukoy niya), kailangang matibay ang dibdib mo sa lahat ng bagay. Dapat kapag sinabi sayong GAWAIN MO ‘TO, sasagot ka agad ng OPO! Walang pasubaling pagsunod ang kailangan ng Pamamahala ngayon sa mga pagtitiwalaan nya”. Marahil ay kilala nap o ninyo ang tinutukoy kong Ministro (A.O.). Subalit ang pinagsabihan niyang Ministro nito ay umo-oo lang sa kaniyang bawat sinasabi subalit nauunawaan ang pinakamahalagang aral na itinuro sa amin sa banal na Ministerio sa panahon pa ng Kapatid na Eraño G. Manalo… na ang hinahanap ng Diyos sa kaniyang mga kamanggagawa ay ang KATAPATAN at WALANG PASUBALING PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIYOS at hindi sa salita ng Sanggunian, lalo nga at ito ay sa paggawa ng mali.
Masisisi nyo ba ang ibang mga kasama naming Ministro na hindi mag-isip na totoo ang palakasan sa Iglesia? Na mas mahalaga pala ang pagiging “MALAPIT” sa Sanggunian kaysa anu pa mang track record gaya ng bilang ng naging bunga, performance sa Lokal o malinis na Record. Tingnan ninyo ngayon ang bilang ng mga nababalik sa karapatan na Ministro at napupunta sa mas magagandang destino o kaya ay kinukuha sa Central para maglingkod sa iba’t-ibang Tanggapan, karamihan dun ay mga nagka-kaso ng imoralidad. Nakipagrelasyon sa ibang babae, pumatol sa menor de edad, nangalunya at naki-apid. Subalit agad na nababalik pagkalipas lang ng ilang taon, at ang masakit ay may ilan na hindi talaga naaksyunan, nalipat lang ng Destino kahit pa kaso ng imoralidad at ngayon ay napagtitiwalaan pa ng mga maseselang gampanin? Bakit….? Dahil ang mga ganyang uri ng Ministro ang kailangan ng mga taga-Sanggunian. Mga Ministrong napatunayan na kayang isaisang-tabi ang moralidad at Ministerial ethics ng dahil sa pansariling pakinabang o kaligayahan. Bakit kaya ganito ang mga pinipili ng mga taga-Sanggunian na pagtiwalaan ng mga maseselang gampanin? Sapagkat ganito ang uri ng kasama na kailangan ng mga taga-Sanggunian upang tiyak nilang hindi magmamalinis o magmamatuwid balang araw at magtataksil sa kanila o isusuplong sila ng dahil sa inusig ng kanilang budhi o nakonsensya sa mga maling ginagawa nila. Sa madaling salita, mga taong walang konsensya o kwestyunable ang pagiging matuwid. Madaling utusan ang ganitong uri ng mga Ministro. Madali ring suhulan ang ganitong uri ng mga Ministro. Isipin nyo na lang kung gaano karaming mga Ministro ang nasa aktibong serbisyo, kakikitaan ng malinis na track record at malakas na paggawa, subalit nasaan sila? Nananatiling nasa mga suluk-sulok na destino at nauunahan at natatabunan ng mga makabagong Ministro na gagawin ang lahat, lalo na ang mali para lang “makilala” ng Pamamahala (Sanggunian) at mapalapit sa Central o kaya ay bigyan ng mas mataas na posisyon.
Huwag po ninyong ipagkamali na ang dahilan kung bakit koi to isinisiwalat ay dahil sa may pagdaramdam ako o kaya ay may pinupunterya akong posisyon o dahil sa “bitter” lang sa mga Ministrong mayroong higit na pagtitiwala ng Sanggunian. Gaya ng ipinahayag ko na noon, bagamat hindi kayang tanggapin ng ibang mga nagbabasa nito, na ako po ay walang ibang layunin kundi ilahad ang katiwalian sa layunin na ibalik ang dating uri ng Ministeryo na banal, walang dungis, karapat-dapat at hindi makukwestyon ang integridad. Alam ito ng maraming mga Ministro ngayon na nagbabasa ng aking mga inilalahad dito, mga Ministrong sumusubaybay ng ating mga isinisiwalat na katotohanan. May ilan sa kanila ay nagpapadala pa sa amin ng kanilang mga mensahe ng pagsuporta sa ating adhikain, marami din ang naniniwala sa ating mga inilalahad sapagkat sila ang unang-unang nakaka-alam ng ganitong kasalukuyang kalagayan na ng Ministerio at ng mga nililikhang Ministro ng Sanggunian, ang iba sa kanila ay mas piniling umalis na lang dahil sa hindi na makayanan ang nakikitang katiwalian, mga handugan na pinaghirapan ng mga kapatid pagkatapos ay lulustayin lang sa hindi nito kaukulan.
Marami ang nagtatanong sa akin, bakit sa kabila ng mga lantarang nagaganap na pagbabago sa Iglesia na palala pa ng palala ay parang hindi yata ito batid ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Imposible naman daw ito. Kaya para malaman natin ang kasagutan ukol dito ay alamin natin, ano nga ba ang ISTRATEHIYA ng Sanggunian? Ang istratehiya nila ay isang mabisang “COVER UP” upang maitago ang lahat ng ito sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Tinitiyak nila na napapaligiran ang Ka Eduardo V. Manalo ng mga taong pinagtitiwalaan ng Sanggunian upang matiyak na hindi makakalusot sa kaniya ang kahit anumang impormasyon na maaaring makapagbunyag sa kanilang ginagawang pagmamalabis. Kaya walang direktang tawag, sulat, email, package o pakikipagusap sa Tagapamahalang Pangkalahatan na makakalusot ng hindi dumadaan sa lubhang mapanuring pagsisiyasat ng Sanggunian dahil oras na mapatunayan nilang ito ay isang bagay na makapipinsala sa kanila, titiyakin nilang hindi ito makakarating sa kaalaman ng Ka Eduardo. Kapanalig na nila ditto ang mga Executive Minister’s Security Group, ang kaniyang close-in bodyguard, ang kaniyang pamilya at iba pa, ang kanilang layunin di-umano ay para mapangalagaan ang Ka Eduardo at huwag makadagdag sa stress niya na maaaring makasama sa kaniyang kalusugan kaya maingat at masusi nilang sinusuri muna ang mga impormasyong kinakailangan lamang makarating sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Sa ganitong paraan ay “covered” na nila ang nasa pinakamataas… paano naman nila matitiyak na “covered” din nila ang mga nasa baba? Simple lang… ganun din ang kanilang ginawa, nagpwesto sila ng mga Ministro bilang Tagapangasiwa sa lahat ng Distrito, lalo na sa Metro Manila at mga karatig na Distrito. Ang ipinuwesto nila ay mga kapanalig din nila. Kaya ang mga Tagapangasiwa ay natutong yumukod sa bawat utos nila, kapag hindi, alam na nila na “malayo ang mararating nila” kaya nga ipinatapon ang ilang matitinong Tagapangasiwa (hindi ko na lamang papangalanan) ang dating nasa magagandang Distrito na ay bigla-bigla na lamang na itatapon kung saan at ay walang ibang paliwanag kundi “Normal na lipatan lang ng mga Tagapangasiwa”. Ang pinanatili nila sa pwesto sa mga Distrito sa Metro Manila at karatig na Distrito ay mga Tagapangasiwang kilala sa pagiging “mapanginoon”, “molestyador sa mga materyal na bagay”, “magaling mandaya ng ulat” at mga “sakim sa mahalay na pakinabang” at maaasahan (malakas “mag-abot”). Kaya nga kapag nagkaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga Tagapangasiwa din sa mga Distritong ito ay malalantad din ang kanilang mga “hidden wealth”, “dummy bank accounts” at mga house and lot, condo units, mamahaling sasakyan na ipinangalan nila sa mga kamag-anak o dummies nila upang huwag ma-trace sa kanila. Hindi ba’t wala rin silang pinagkaiba sa mga taga-Sanggunian, kaya hindi tayo magtataka kung dumating ang panahong sila naman ang mailagay sa posisyon ng Sanggunian. Ito rin ang “rationale” kaya maraming mabibilis na na-promote gaya ng Ka Romer Galang at ka Regalado Delos Reyes na dating nasa TV bilang tagapagsalita, naging Pastor ng Lokal ng Central. Paano sya tumalon sa pagiging Tagapangasiwa agad? Dahil sa napatunayan nya sa Sanggunian na handa siyang gawin ang LAHAT, kahit talikuran ang kaniyang sinumpaang katapatan sa Diyos.
Marami ang nakakakila sa atin kay Ka Regalado Delos Reyes na isang mabait, malumanay at mapagpakumbabang Ministro…noon. Subalit ngayon, alam nating lahat (lalo nan g mga taga-Central) kung paanong nagbago na siya. Ang larawan ng Tagapangasiwang ito ngayon ay ang paging maypagka-panginoon, (kung magsalita at mag-utos sa mga maytungkulin at mga kapatid ang aakalain mo ay kung sino na) mahilig na rin sa pagnenegosyo at materyal na pakinabang, mayroon na rin syang mga alagang contractors, suppliers at mga “runners” at “bagmen” para sa ganitong mga iregular na aktibidad. At higit sa lahat, kaya sya nakapagbigay ng mabisang patotoo sa Sanggunian ay nang walang habas nyang pinaggigipit ang Mommy Tenny at ang Pamilya ng Ka Erdy. Alam ito ng mga ilang kapatid na nakasaksi kung paano sigawan, pagsalitaan ng masasamang salita ng Ka Rey ang Pamilya ng Ka Erdy. At dahil dito, napatunayan ng Sanggunian na ka-espiritu nga nila siya kaya sa isang iglap ay “nairekomenda” sya na maging Tagapangasiwa. At dahil sa matalino nilang inilapit sa kanila ang mga Tagapangasiwang ka-espiritu nila, at inilayo ang mga hindi nila kapanalig, at dahil sa mabisa nilang naipakita sa kalipunan ng mga Tagapangasiwa ang “SHOW OF FORCE” ng Sanggunian na ngayon ay nagkakaisa na, ito na ang nagsilbing pamantayan sa lahat ng mga Tagapangasiwa ng batayan sa Promotion, Retention at Demotion ng mga Tagapangasiwa. Hindi napapansin ng iba ang “slow shift of Power” sa Pamamahala at sa Sanggunian. Akala nila ay basta pinatitiwalaan lang si Ka Jun Santos kaya masyado siyang “visible” sa lahat ng mga proyekto at aktibidad sa Iglesia, ang hindi nauunawaan ng marami ay isa ito sa mga “Power Play” na ginagawa ng Sanggunian sa pangunguna ng “sel-appointed leader”, ang Ka Jun Santos upang unti-unting itanim sa isip nila na ang pinaka-pinagtitiwalaan ng Tagapamahala ay ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. Siya ang “Representative” ng Ka Eduardo. Siya ang mukhang laging inilalabas sa mga palabas sa NET 25 at INC TV, maging sa mga pahina ng PASUGO GOD’S MESSAGE, siya ang laman ng mga interviews, siya ang laman ng mga video presentation/message sa mga Maytungkulin at kapatid sa buong mundo, siya ang nagpapadala ng mga Sirkular sa Pagsamba, siya ang gumagawa ng mga leksyon sa Pagsamba, siya na rin ang bigla biglang nagbabago ng laman ng leksyon, siya ang nangunguna sa Video Conferencing ng mga Ministro at Manggagawa, Siya ang nagpupulong sa mga Tagapangasiwa… ang tawag dyan.. “ESTABLISHING” – unti-unti na nilang iminumulat ang Iglesia sa mukha at boses ng Ka Glicerio B. Santos Jr. at papaano naman ito sinususugan ng Sanggunian, una, walang sinomang tumututol sa kaniya o sumasalungat sa alinman sa kaniyang ginagawa o sinasalita, pangalawa, sa lahat ng mga ginagawa ng Ka Jun Santos, nasaan ang Sanggunian? Laging nasa tabi nya sa tribuna, sa mga pagkuha ng larawan o kaya naman ay nasa likuran nya. Ito ang dahan-dahang pagpapakita nila sa Iglesia na ang buong Sanggunian ay sumusoporta sa pangunguna ng Ka Jun Santos. “SUBTLE SHOW OF SUPPORT”. Upang hindi na mabigla ang mga kapatid kung bukas makalawa ay biglang si Ka Jun Santos na ang nangunguna sa buong Iglesia. Hindi na maninibago ang Iglesia dahil “ESTABLISHED” na niya.
And that, my friends, is how you orchestrate THE GREATEST COVER UP OF THEM ALL.
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore