PANAWAGAN SA MGA TUNAY NA KAMANGGAGAWA NG DIYOS
Bago ko po ginawa ang panawagang ito ay mataimtim muna akong nanalangin sa Panginoong Diyos upang humingi ako sa Kaniya ng patnubay. Nanliliit po kasi ang aking pakiramdam sapagkat sino ako para manawagan samantalang ako man ay isang taong nagkukulang at nagkakamali. Ang totoo, may mga pagkakataong iniisip ko na tigilan ko na ang aking ginagawa na pagsusulat lalo pa nga at may mga ministro at mga manggagawa na napapahamak dahil napagbibintangan ng Sanggunian na ako sila. Halos madurog ang aking puso sa awa sa kanila lalo na sa kanilang mga pamilya. Masakit ding isipin na ang akin pong ginagawa ay ipinakakahulugan ng iba na paglaban ko sa Pamamahala at nagsasapanganib hindi lang sa akin kundi maging sa aking asawa at mga anak. Pero, tinatanong ko po ang aking sarili kung tama ba na ipikit ko na lang ang aking mga mata at itikom ang aking bibig sa mga nagaganap na kurapsyon at katiwalian na labis nang nakasisira sa Iglesia? Dapat ba akong pumayag at magsawalang-kibo na lamang habang may mga ministro na nasa kapangyarihan na sa halip na protektahan ang Pamamahala ay sumisira sa imahe nito? Hindi ba’t tulad din ng lahat ng mga ministro ay may sinumpaan akong tungkulin sa Diyos na ipagsasanggalang ko ang Iglesia at ang Pamamahala sukdulang ialay ko ang aking buhay?
Ang isang nag-udyok sa akin sa paglusong ko sa Ministeryo ay ang mataas na pagtingin at paghanga ko sa mga nauna sa akin sa ministeryo lalo na ang mga matatanda na ngayon. Nakita ko sa kanila ang mataas na uri ng pagdadala ng tungkulin, pagmamahal, at pagmamalasakit sa Iglesia at sa Pamamahala. Magiting sila sa pagtatanggol sa Iglesia laban sa sinuman at alinmang sumisira sa mga aral nito. Nagtitiis sila ng gutom, puyat, hirap sa mga paglalakbay, at iba pa, upang pagmalasakitan ang Iglesia. Anupa’t gagawin nila ang lahat sukdulang manganib ang kanilang buhay alang-alang sa Iglesia. Nasaksihan ko rin na bilang ganti ng Diyos sa kanilang pagmamahal sa Iglesia ay laging puno ng biyaya ang mga pagsamba, at ang Iglesia ay hindi kailanman pinabayaan ng Diyos.
Ako po ay sumasampalataya na ang mga katangiang nabanggit ay taglay pa rin ng karamihan kung hindi man ng lahat ng mga ministro sa panahong ito. Bagama’t tayo ngayon ay nabubuhay sa materyalistikong daigdig, nasa atin pa ring mga ministro at mga manggagawa ngayon ang pagmamahal at pagmamalasakit sa Iglesia. Nasasaktan pa rin ang ating kalooban kapag may nakikita tayong mga kurapsiyon, katiwalian at pagwasak sa kaayusan at kabanalan ng Iglesia at nagpapabigat sa buhay at pamumuhay ng mga kapatid. Sa lahat ng aking mga naisulat na ay hindi ako kailanman nanawagan na labanan ang ating pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan. Tulad ninyo ay mahal na mahal ko siya. Kaya nga sa paglubha ng mga katiwalaang ginagawa ng mga miyembro ng Sanggunian at ng ilang mga Tagapangasiwa na kasapakat nila dahil sa pakinabang ay ilang ulit kong tinanong ang aking sarili. Paano ko ipagtatanggol at ipadarama na ako ay nasa panig ng Namamahala? Mananahimik na lang ba ako o magpapatianod na lang sa mga katiwaliang ginagawa ng ilang mga ministro at magkunwari sa Namamahala na pawang mabuti ang nangyayari sa Iglesia samantalang ang mga ministro at mga manggagawa ay hirap na hirap sa pagsasagawa ng ipinagagawa sa kanila ng Sanggunian na mga labag sa tuntunin ng Iglesia at higit sa lahat ay sa aral ng Diyos? Naaayon ba sa aral ng Diyos na itala na dinuduktrinahan ang lahat ng mga naaanyayahan sa lingap pamamahayag na ang tanging layunin ay tumanggap ng mga goody bags? Totoo na si Cristo mismo ay nagpakain sa mga taong nakinig sa Kaniya subalit nang makita Niya na ang mga ito ay sumusunod na lamang sa Kaniya dahil sa tinapay ay Kaniyang sinumbatan sila. Naaayon ba sa aral na mula sa pagduduktrina, sa pagsamba o pagsubok ay kailangang bigyan sila ng mga goody bags, ihatid-sundo sa pagsamba hanggang sila ay mabautismuhan? Hindi ba’t ngayon ay sakit ng ulo ang napakaraming hindi sumasamba? Tama ba na ang lahat ng hindi nabayarang mga tickets sa kung ano-anong concert ay pabayaran mula sa pondo ng mga lokal na galing naman sa inihandog ng mga kapatid at ipinanalangin sa pagsamba? Paano ko matitiis na makitang maraming mga maytungkulin na halos wala nang maibigay sa kanilang pamilya ay ginugugol pa ang kanilang maliit na kinita para mag-abono sa tickets, t-shirts, mga produkto ng Unlad, transportasyon, at walang tigil na mga gawain sa Arena na ang layunin ay maibenta ang tubig ng anak ni kapatid na Jun Santos? Paano ko matitiis na hayagang itinatago ng Sanggunian at ng kanilang mga kasamahan sa Namamahala ang tunay na nangyayari at kalagayan ngayon ng Iglesia? Napakarami pa ng maaari kong banggitin pero masyadong hahaba ang panawagang ito at alam ko rin na alam na alam na ninyo ang lahat ng nagaganap na katiwalian sa Iglesia.
Inuulit ko po mga kamanggagawa ng Diyos. Huwag tayong lalaban sa Pamamahala ng Iglesia, sa halip ay pagmalasakitan natin ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Subalit, pagmamalasakit po sa Pamamahala at pagmamahal sa Iglesia na nananahimik tayo na parang walang nangyayari? Alam ba ninyo na ang lagi nilang tanong ay nasaan ang ebidensya? Kaya nila iniisip na walang ebidensiya ay sapagkat nananahimik lang tayo. Bakit kapag tayo-tayo lang po ang nag-uusap ay pinupuna natin ang mga katiwalian? Sumulat tayong lahat sa Namamahala at sabay sabay na iulat ang ating nakikitang mga katiwalian at mga paglapastangan sa mga tuntunin, kabanalan at kaayusan sa Iglesia. Kung tayong lahat ay magpaparating sa kaniya ng ating damdamin ay sumampalataya tayo na magkakaroon ng matibay na batayan ang ating Namamahala upang aksiyunan ang mga ito. Huwag tayong matakot sa panggigipit na maaaring gawin ng Sanggunian sa atin. Ititiwalag ba nila tayong lahat, at kung ito ay kanilang gawin, pagtitibayin kaya ng Diyos ang likong paraan ng kanilang pagtitiwalag o ng mga taong ito na sumalaula sa Iglesia? Kaya sila walang tigil sa pananakot ay sapagkat nakikita nila na tayo ay takot na takot. Nakalulungkot na maging ang mga matatandang ministro at mga tagapangasiwa ay nanginginig sa takot at walang manindigan sa tama. Kung buhay kaya sina kapatid na Teofilo Ramos, Sr., Cipriano Sandoval, Benjamin Santiago, Isaias Samson, Sr., Emiliano Magtuto, Sr., Pedro Almedina, Vivencio Pineda at iba pang matatandang ministro, ay magagawa kaya ng kasalukuyang Sanggunian ang mga ginagawa nila ngayon? Tulad ng maraming mga ministrong nangamatay na, sila ang mga bayani ng pananampalataya. Wala na po bang mga bayani ngayon ng pananampalataya? Lahat na lang ba ay mangininig sa takot? Mga kapatid, ang katakutan natin ay ang gagawin ng Diyos sa atin kapag tayo ay naging bulag, bingi at pipi, sa mga katiwaliang nagaganap. Tandaan po natin na tayo ang inilagay at inaasahan ng Diyos na magbabantay at magmamalasakit sa Kaniyang bayan.
Nananawagan po ako lalo na sa mga matatanda nang mga ministro at mga tagapangasiwa. Hanggang kailan po ninyo matitiis ang Iglesia? Ka Jun Bularan, hindi po ako naniniwala na kayo ay kasapakat ng mga kasamahan ninyo sa Sanggunian. Hindi ninyo sasayangin ang mahabang panahon ng pagtatanggol ninyo sa dalisay na aral ng Iglesia. Maawa naman po tayo sa Iglesia. Ang ating pananahimik ay iniisip ng mga kapatid na pagsang-ayon natin sa mga nangyayaring katiwalian at lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa mga tiwaling ministro upang patuloy na pagsamantalahan at apihin ang Iglesia. Papayag po ba tayo lalo na ang matatanda nang mga ministro na abutan ng kamatayan o ng Araw ng Paghuhukom na walang ginawang aksiyon o kaparaanan upang maging malinis ang Iglesia? Kapag nag-antayan tayo ay walang mangyayari. Subalit kapag tayo ang nanguna sa payapang pagkilos, pagsasabi at pagpapatunay sa Namamahala ay makikipagkaisa ang mga kapatid sa pagpapadama sa ating Namamahala na ang kailangan lang ay alisin ang mga taong ugat ng katiwalian at kaguluhan sa Iglesia. Huwag po nating isipin na magbubunga ito ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia manapa ay ng lubos na pagkakaisa upang ibalik ang Iglesia sa kaniyang malinis na kalagayan, karapat-dapat sa kaligtasan.
MGA TUNAY NA KAMANGGAGAWA NG DIYOS, MALUNOS TAYO SA IGLESIA. KUMILOS AT MAGSALITA NA TAYO BAGO MAHULI ANG LAHAT AT MAGALIT SA ATIN ANG PANGINOONG DIYOS.
-Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”
Official Websites: http://www.incdefenders.org/
http://www.iglesianicristosilentnomore.org
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE

Kapatid,
Hindi na ako magpapakilala ng aking pangalan sapagkat dati naman akong hindi kilala. Wala akong maipagmamalaking katangian na kagaya ng kahusayan mo sa pagsulat. Matandang ministro na rin ako at sa mga sulok-sulok lang ako nadedestino, nguni’t sa mga destinong iyon naramdaman ko ang ating buhay na Diyos kung papaano niya ako at aking pamilya ay iniligtas ng Diyos sa napakaraming panganib, Naramdaman ko rin kung paano ako ipinagsanggalang ng Panginoong Diyos sa lahat ng panganib sa aking karapatan kahit pa ang mga nais puminsala sa akina ay mga taong nasa kapangyarihan, nasa Iglesia man o tagasanlibutan. Ang mga karanasang ito ang lalong nagpatotoo na tunay ang Iglesia na ating kinabibilangan bukod pa sa napakalinaw na doktrina at hula na taglay ng Iglesia.
Sa pagbasa ko sa mga isinusulat mo ay hindi ko napansin na lumuluha na pala ako dahil naaalala ko kung paano ako nagtikom ng aking bibig sa aking mga kamag-anak na hindi Iglesia tungkol sa mga mapapait na pinagdaanan ko sa mga gumawa ng hindi maganda sa akin maingatan ko lang na may masabi ang mga hindi natin kapanampalataya. Subalit ngayon ay nalantad ang Iglesia sa malaking kahihiyan dahil sa mga nababasa nila ngayon sa internet. Sa karanasan ko ay ang Diyos ang laging kikilos para sawatain ang mga taong yumuyurak sa dangal ng Iglesia at sa Kaniyang Pamamahala. Kapatid, kung anuman ang galit mo sa ilang kapuwa ministro natin na sa inaakala mo ay gumagawa ng hindi maganda sa Iglesia, hindi ba maaaring ipagpasa-Diyos na lang natin ang lahat sa halip na ipabasa natin sa buong mundo ang mga puna mo? Hindi ko sinasabing manahimik ka at magsawalang kibo sa mga inaakala mong katiwalian na nakikita mo, hindi ba ang pinakamabisa ay manalangin tayo ng taimtim sa Diyos na siyang nakakakita ng lahat at tapat nating hukom? Hindi ba napakadali sa Kaniya na gibain ang gigiba sa kaniyan Iglesia? Nakikiusap ako sa iyo na itigil muna ang ginagawa mong pagsulat sapagkat hindi naman ito makatutulong para ang tao ay mahikayat na umanib sa Iglesi at magtamo ng kaligtasan. Sana ay mawala na ang galit sa puso mo at ipaubaya na lang natin sa Diyos na makatarungan sa lahat ang pagkilos sa mga taong inaakala mong tiwali sa Iglesia. Maraming salamat sa pagbasa mo. Umasa ka na gagawa ang Diyos dahil sinasampalatayanan ko na hindi na matatalikod itong huling gawain Niya sa paglilitas.
2 Tesalonica 2:2 ? Judas 1:18 – 19 ? Mateo 24:33 ? Iglesia Ni Cristo (BMBB)
Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang araw ng Panginoon hangga’t di pa nagaganap ang HULING PAGHIHIMAGSIK LABAN SA DIYOS at ang PAGLITAW NG SUWAIL na tiyak na mapapahamak.
Noon pa’y sinabi na nila sa inyo, “SA HULING PANAHON, MAY LILITAW NA MGA TAONG MAPANLAIT AT ALIPIN NG MASASAMANG NASA NG LAMAN.”
ITO ANG MGA TAONG LUMILIKHA NG PAGKAKABAHA-BAHAGI,
MGA TAONG ALIPIN NG KANILANG MASASAMANG NASA AT HINDI PINAPANAHANAN NG ESPIRITU.
Gayundin naman, KAPAG NAKITA NINYO ANG LAHAT NG ITO, MALALAMAN NINYONG MALAPIT NA ANG PAGDATING NG ANAK NG TAO, TALAGANG MALAPIT NA.
Sa puso po ba ninyu masaya po ba kayo sa nangyayari sa Iglesia ngayon na nilalait na ng mga taga sanlibutan at tinatawanan na ngayon ng ADD at Eli Soriano dahil sa inyu. Alam ko sa puso nyu nasasaktan din po kayo kasi buong buhay niyu inilaan nyu dito. Sana di pa mahuli ang lahat.
https://eracemapablojr.wordpress.com/2015/08/14/leaders-of-abomination/
Kapal ng mukha mong manawagan,eh ikaw nga ang inalis ng Tagapamahala dapagkat magnanakaw ka o hirit ka pa nagkukubli sa alias manang mana ka talaga sa ama mong diablo
During our service this week, the minister said that the Philippine Arena was started by Bro. Erano before his death. Is this true?
The only solution and option will be painful but that’s the only hope we have. That God will SOON replace brother Eduardo Manalo with a new leader. The present leader is a very corrupt and dangerous one, even more worst than Hitler. Hitler actually kills thousands if not millions but he only kills ones physical nature. What worst with EVM is that he kills ones souls, faiths and the most importants things he kills is our right and privileges to remain members of the INC, which is our only wealth and hope to be save come judgement day.
I pray and ask that the Lord God will place Angel Manalo as the new Executive Minister of the Iglesia ni Cristo. I know and believe it will come SOON.
Dahil sa ginagawa mo lalong nililibak ngayon ang Iglesiang sinasabi mong sa DIYOS. Sabagay hindi mo ramdam yon dahil ikaw ang may kagagawan nun. Kung tunay kang sa DIYOS bakit hindi mo hayaang ang DIYOS ang gumawa ng paghahayag? Kinakasangkapan ka nga ba ng DIYOS para ihayag ang may mga sala na sinasabi mo o sinisira mo ang Iglesia sa pananaw ng sanlibutan? lalo na ang nililikha mong pagkakabaha bahagi sa DIYOS ba yon? Minamaliit mo ba ang kakayahan ng DIYOS na ihayag yang mga sinasabi mong may mga sala (sa paningin mo) masyado ka po atang nagmamadali sa ginagawa mo, ano po bang meron? Sinasabi mo hindi kayo laban sa pamamahala at tunay na sa DIYOS ang pamamahala. Ang sanggunian po ba hindi gawa ng pamamahala? ginawa lang ba nila sarili nila? Ginagawa nyo lang yan dahil may galit kayo sa pamamahala na natiwalag kayo. Bakit po hindi na lang kayo gumawa ng sarili nyong relihiyon na yung gusto nyo masusunod? tantanan nyo na po ang kaming mga IGLESIA ni CRISTO. Hindi po kayo magtatagumpay gaya ng nangyari sa DYABLO. Wag po kayo masyadong magmagaling na ginagamit kayong kasangkapan para maiayos ang Iglesia. Dahil hindi hahayaan ng DIYOS ang mga bagay na sinasabi nyo sa Iglesia kahit wala ang pakikialam nyo.
“You become the friend of every thief you see and you associate with adulterers. “You are always ready to speak evil; you never hesitate to tell lies. You are ready to accuse your own relatives and to find fault with them. You have done all this, and I have said nothing, so you thought that I was like you. But now I reprimand you and make the matter plain to you. “Listen to this, you that ignore me, or I will destroy you, and there will be no one to save you. Giving thanks is the sacrifice that honours me, and I will surely save all who obey me.””
Psalms 50:18-23 GNB
“Your leaders are rebels and friends of thieves; they are always accepting gifts and bribes. They never defend orphans in court or listen when widows present their case.” (Isaiah? ?1:23? ?GNB??)
“and don’t participate in the unfruitful actions of darkness. Instead, you should reveal the truth about them.”
(??Ephesians? ?5:11? ?CEB??)
“These people honor me with their lips, but their hearts are far from me.” (Matthew 15:8 NIV)
“IT HAS NEVER BEEN MY OBJECTIVE TO GO AGAINST THE EXECUTIVE MINISTER.” [Antonio Ebangelista]
AE’s is repeatedly saying that, “IT HAS NEVER BEEN MY OBJECTIVE TO GO AGAINST THE EXECUTIVE MINISTER.” That HE LOVES and recognize the divine authority of Bro. Eduardo V. Manalo.
If that is true, that he is not against the Executive Minister, that he loves and recognize the divine authority of the Executive Minister, allow me to use a simple syllogism to find out if what he is saying is true:
IF AE IS NOT AGAINST THE DIVINE AUTHORITY OF THE BRO. EDUARDO V. MANALO, HE WILL SUBMIT HIMSELF COMPLETELY TO THE DECISIONS OF THE EXECUTIVE MINISTER.
HE DID NOT SUBMIT HIMSELF COMPLETELY TO THE EXECUTIVE MINISTER’S DECISION.
THEN, AE IS AGAINST THE DIVINE AUTHORITY OF BRO. EDUARDO V. MANALO
The only way that AE can refute the conclusion is TO PROVE THAT HE SUBMITTED HIMSELF COMPLETELY TO THE EXECUTIVE MINISTER’S DECISIONS AND MANDATES. But can he? NO WAY! The facts are glaring. The information, evidences, and proofs presented in this blog (IglesianiCristo.blogspot.com) attest to the fact that he is not following the decisions of Bro. Eduardo V. Manalo. WITHOUT REASONABLE DOUBT, AE DIAMETRICALLY OPPOSED THE EXECUTIVE MINISTER’S DECISION AND MANDATE.
Another passage of Scripture was fulfilled to AE’s disobedient and rebellious group.
You hypocrites! Isaiah was right when he prophesied about you: “These people honor me with their lips, but their hearts are far from me.” (Matthew. 15:7-8 NIV)
AE’s reason for using social media–“Bro. Eduardo V. Manalo is blindsided by his trusted Sanggunian Ministers from seeing the true state of the brethren and this Church.”
Antonio Ebangelista also claims that he is using social media to expose the so-called corruption of the Sanggunian members, because according to him, they are blocking reports that should reach the Executive Minister. And it is, “his firm belief that our beloved Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo is blindsided by his trusted Sanggunian Ministers from seeing the true state of the brethren and this Church.”
So he also keep on saying this, “WHAT I AM AFTER ARE THE CORRUPT MINISTERS OF THE SANGGUNIAN AND THEIR COHORTS, EXPOSE THEM FOR WHAT THEY REALLY ARE, EDUCATE THE BRETHREN REGARDING THE TRUTH TO THESE ALLEGATIONS, HELP ERADICATE THE CORRUPTION FROM WITHIN AND HELP THE CHURCH RETURN BACK TO ITS CLEAN AND UNBLEMISHED STATE.”
OK, FINE! IT IS WELL CRAFTED AND SAID!
Granting without accepting that Bro. Eduardo V. Manalo is blindsided by the Sanggunian members, thus, it is imperative to use social media so that the truth will come out.
If it is true that your objective in using social media is to inform the Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo of the “corrupt practices” of the Sanggunian because he is being blindsided by his trusted Sanggunian Ministers from seeing the true state of the brethren and this Church.
THEN, YOU HAVE ACHIEVED YOUR GOAL.
Bro. Eduardo V. Manalo, the present Executive Minister of the Church, is fully aware of your blog. He has read every article, every paragraph, every sentence, every word, and every accusation that you want him to know. He is well-informed of your entire “exposé”.
SO, WHAT IS YOUR PLAN NOW? WILL YOU STOP NOW FROM YOUR STUPIDITY AND FOOLISHNESS?
Let me pose another syllogism:
IF AE ACHIEVE HIS GOAL TO INFORM THE BRO. EDUARDO V. MANALO OF THE SO CALLED “CORRUPTIONS” OF THE SANGGUNIAN MEMBERS, HE WILL STOP HIS “EXPOSÉ” USING SOCIAL MEDIA.
AE ACHIEVED HIS GOAL–BRO. EDUARDO V. MANALO IS WELL-INFORMED.
THEN, HE WILL STOP HIS “EXPOSÉ” USING SOCIAL MEDIA.
Again;
IF AE DID NOT STOP FROM USING SOCIAL MEDIA FOR HIS “EXPOSÉ” EVEN THE EXECUTIVE MINISTER IS WELL-INFORMED, THEN THEY HAVE A “HIDDEN AGENDA”.
HE DID NOT STOP FROM USING SOCIAL MEDIA FOR HIS “EXPOSÉ”.
THEN, THEY HAVE A “HIDDEN AGENDA”.
So, what is their hidden agenda, their ulterior motive?
? To rally the brethren against the so-called corruptions of Sanggunian members then,
? Accused the Executive Minister of not doing any disciplinary actions to the thieves and corrupt within his very circle making him appear SPINELESS, POWERLESS, CAN BE EASILY FOOLED and thus INCAPABLE to lead the church to a holy, without spot or blemish, and worthy of salvation come Judgment Day, and ultimately,
? Replace the present Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo, by SOMEONE who has the capacity to restore the church to its clean and glorious posture like the time of Bro. Eraño G. Manalo’s unblemished leadership.
To be fair and give you (AE) a chance to prove that you are not against Bro. Eduardo V. Manalo, and you have no evil plan whatsoever, then ANSWER THESE SIMPLE QUESTIONS:
ARE YOU WILLING TO SUBMIT YOURSELF COMPLETELY TO THE DIVINE AUTHORITY OF BRO. EDUARDO V. MANALO AS THE DIVINELY APPOINTED PRESENT EXECUTIVE MINISTER OF THE CHURCH OF CHRIST IN THESE LAST DAYS?
If your answer is YES,
WILL YOU RESPECT WITHOUT ANY RESERVATION WHATEVER ACTIONS OR DECISIONS TAKEN BY THE EXECUTIVE MINISTER BECAUSE OF HIS DIVINE AUTHORITY?
Or,
YOU WILL ONLY ACCEPT DECISIONS THAT WILL SUIT YOUR TASTE AND FAVORABLE TO YOUR EVIL SCHEME?
Sana ay ilabas lahat ang mga ministro na kinidnap at ang kanilang mga pamilya. Alam naman namin ta talagang dinukot sila at lantaran na kinaladkad habang nagpupulong. Bakit nila sasabihin na hindi tototo.
fake person my name is fake
yes I am a fake
Jesus Loves You
jehovah will help you
go on to jw.org for Jehovah Witness testimony
Kung talagang meron silang ebidensya, hindi sila tatanggi sa debate na ito.
Hinahamon ko ng isang maginoong on-line debate si Antonio Ebangelista…o si Sher Lock….ang tema:
Patutunayan ko na kumuha ng pondo o pera si Jun Santos sa kaban o handugan ng iglesia sa pamamagitan ng mga ebidensya at dokumento.
Positibo: Antonio Ebangelista o si Sher Lock
Negatibo: Meno Rrah
ikaw ang dapat matakot dhil bka tamaan k ng kidlat. napupuna u gngw ng iba pero ang crain ang iglesia yan mlaki u ngw n wlang kptwaran s dios…magbago kna hbng may pnahon pa kung kilan p nlalapit pa saka kpa sayang ang iung pagbbta..nanindgan k nlng sna s salita ng ama d s gwa ng iba…sayang ka kpatid.
di ka lng nksma s sangunian kya ganyan nlng paninira u…pweeh…
Sino k nga b nagsasalita ng masama sa iglesia ni cristo. Ano ang gusto mo pra tumahimik kn? Sa lokal namin wala namang pinabarayang ticket ng concert na sinasabi mo. Baka sa lokal na sakop mo ikaw naningil. Ibig mo bang sabihin si kapatid na Eduardo Manalo ay pinagtatakpan ang mga maling gawaing sinasabi mo? At kapag nananalangin ang kapatid na Eduardo hindi sya dinirinig ng Panginoong Diyos? At kapag ikaw ang manalangin kakasihan ka ng Panginoong Diyos? Dapat sana ikaw na lang ang naging Tagapamahala ng Iglesia Ni Cristo. Basahin mo ngang mabuti yang mga sinusulat mo bago ka magpost. Tulungan ka nawa ng Panginoong Mong Diyos kung sinuman yang kumakasi sa iyo
kuya. naiintindihan ka po namin. kaso nga lang namulat po talaga kami sa pananampalatayang may Diyos at alam nya ang lahat ng nangyayari. hindi po kami manghahawak sa aming sariling kakayahan. opo. kung sa pagbuo ng grupo ay kaya po namin ito ngunit hindi po kami dito nanghahawak. sa Panginoong Diyos po nakatuon ang aming mga mata.
i salute yoy, brave minister. God will protect u and ur family
Matagal ka ng ministro sa Iglesia at alam mo dapat ang PROSESO para maiparating sa pamamahala ang sinasabi mong “pagmamalasakit” sa Iglesia sa payapa at tamang paraan. Pero ikaw mismo ang lumabag sa utos ng Diyos na ibigin mo ang iyong kapatid. ANG IYONG GINAGAWA NGAYON AY MALINAW NA PAGLABAN SA PAMAMAHALA AT PAGSIRA SA KADAKILAAN NG IGLESIA! Ikaw na sana ay katulong ng pamamahala sa pagpapatibay sa pananampalataya ng mga kapatid ay ikaw pa ang sumira! Sayang ang ginugol mong panahon bilang ministro dahil nabale wala lang lahat sa mga pinaggagawa mo ngayon. Hindi mo na isinaalang-alang ang Diyos na syang nakakaalam ng lahat at Siya ang magpaparusa sa mga gumagawa ng hindi tama.
Ka AE nanininiwala po kami sa inyo at walang sawang susuporta sa lahat ng inyong mga gagawin, alam po namin na sinusubaybayan kayo ng Ama sa inyong inilalathala at kami po ay bukas ang aming mga mata, tenga at buong pusong lalaban alang alang sa mahal nating Iglesia at pamilya ng Ka. Erdy.
Sang ayon po ako sa mga sinasabi ninyo kapatid na Antonio Ebanghelista. Nakakaawa po ang Iglesia sa ngayon. Marami pong mga tao sa ibat ibang relihiyon ang nangunguttia at tayo po ay pinagtatawanan. Sinasabihan po tayo mga INC na magnanakaw at sa Dimonio raw po tayo.
Nagdaramdam po ako at labis na nasasaktan. Naalala ko po noon nabubuhay pa ang Kapatid na Erano G. Manalo, ang ating yumaon Leader, wala pong ganitong problema. Maayos po ang kanyang pamamalakad sa INC.
Nagdaramdam po ako sa kasalukuyang Executive Minister na Si Kapatid na Eduardo Manalo sa mga pagbubulagbulagan po na kanang ginagawa. Labis na po siyang nabulag sa katotohanan. Bakit ayaw na po niyang buksan ang kanyang mga mata. Sana po gisingin na siyang ng Diyos, bago dumating ang parusa na maaring mangyari.
Papaano po niya nagawang itiwalag ang kanyang sariling INA, samantalang ang unang utos ng Diyos ay ang mahalin at igalang ang ating ama’t INA. na nakasulat sa:
Ephesians 6:1-3 :
Children, obey your parents in the Lord, for this is right. “Honor your father and mother” (this is the first commandment with a promise), “that it may go well with you and that you may live long in the land.”
Leviticus 20:9 :
For anyone who curses his father or his mother shall surely be put to death; he has cursed his father or his mother; his blood is upon him.
Hindi po ba itinuturo ng pamamahala ito ? eh bakit po siya mismo ang unang sumusuway. Hindi po ako lumalaban sa pamamahala, pero hindi po ako bulag at bingi at manhid sa mga nangyayari sa INC.
Bakit po pinahihintulutan ng Kapatid EVM na mangurakot po si Ka Jun Santos at ang Ka Rodel Cortez sa KABAN NG IGLESIA. Ano po iyon Airbus at Helicopter at Subic base at Mansion sa Forbes Park na lahat ay nabili ng ka Jun Santos para kay Ka Edaurdo V. Manalo. Bakit po may Eduardo Manalo Convention Center, bakit po hindi ipangalan sa Iglesia, katulad halimbawa kung ang ipangalan ay INC Convention Center, di po ba mas maganda kung sa Iglesia nakapangalan para po sa kapurihan ng Iglesia na ang may ari po ay ang Diyos. Imbes na nakapangalan kay EVM. Siya po ba ang may ari ng INC? dapat po ipangalang sa INC para sa kapurihan ng Ama at di sa TAO o ng LEADER. Nagagalit na po ang Diyos sa mga nangyayari.
Nasisira na po ang IMAGE NG Iglesia sa panahon ngayon. Sino po ang nasa matinong kaisipan ang makikinig ng DOCTRINA AT ARAL SA INC, sa ngayon.
OPO TOTOO PO ANG ARAL SA INC, pero sa mga nangyayari po ay hindi sila maniniwala dahil tayo mismo ang unang una hindi sumusunod. MGA MINISTRO AT MANGGAGAWA NA NAIIPLUWESIA NG CORRUPTION SA LOOB NG INC. Napinangungunahan ng Ka Jun SANTOS AT RODEL CORTEZ. PURO PO NAKAWAN NG ABULOY SA LOOB PO NG INC.
Nakakatulog pa po kaya sila sa mga nangyayari, mayroon pa po ba silang takot sa DIYOS. nang liliit po ako sa mga nangyayari. Ang aking pong dalangin at pakiusap sa Dakilang Diyos ay tulungan tayo, lalu na po kayo Ka Antonio na sana lalu pa po ninyong maparating sa marami nating mga kapatid ang mga maling ginagawa ng SANGUNIAN.
GOD BLESS PO KAYO.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Antonio Syhong
This is a trap. He’s not AE anymore
Mga ulol! Mga gumagawa ng mga kasinugalingan, wala ng kakampi sa inyo dahil sinisira niyo ang imahen ng INC. Sarap niyong sampalin. Mas grabe pa ang inyong ginawa kay sa mga taong itinuring ninyong nagnakaw. Kaya kayo sa susunod na araw ay lalamunin kayo ng inyong sariling kamatayan. Kaming mga tunay na INC ay hindi matitinag kahit anong gawin niyo. Pag uulitin pa ninyo ito kayong lahat na mga suwail papatayin ko kayo. Oo we are so excited this coming September 26 the biggest Evangelical Mission will be held at Philippine Arena. Kung may marinig pa akong hadlang na mula sa inyong grupo…kahit saan kayo magtatago isaisahin ko kayong hahanapin at bibitayin ko kayo sa harap ng mga madlang people. Kaya hindi pa huli ang lahat mag balikloob na kayo sa tagapamahala. Ang sabi ng Diyos “kahit kaano kapula ang iyong kasalanan ay lilinisin niya at gawin niyang puti”
Wala ng maniniwala sayo. buko na ang grupo nyo mga plano nyo. pinag planuhan nyong lahat para gumawa ng malaking eskandalo. nakaka awa kayong susunugin sa impyerno.. mag bago na kayo habang may panahun pa.. pati pamilya nyo natitiwalag din nadadamay sa mga ginagawa nyo. Tangalin nyo na mga ingit sa katawan nyo.. tangapin nyo nlang kung anung sa inyo… at kung anung meron kayo wag na kayo mag hangad pa ng malaki.. sumunod kayo sa namamahala… pasakop kayo. bka sakaling maawa ang ama sa inyo..
Reblogged this on From a Faithful's Eyes and commented:
“But flee from these things, you man of God, and pursue righteousness, godliness, faith, love, perseverance and gentleness. 12Fight the good fight of faith; take hold of the eternal life to which you were called, and you made the good confession in the presence of many witnesses.” 1 Timothy 6:11-12
Panahon ng itigil. Kumbaga eh kung totoong naawa ka rin sa pamamahala at mahal mo sila, BAKIT dimo ibigay sa kanila ang ilang panahon para masiyasat at matimbang timbang ang mga bagay bagay. Ako nga nbabasa ko mga sinulat mo na sila pa kaya? At kung gaano man kabilis o katagal magiging aksyon nila dito maging iyon dapat nyo kilalanin. KUNG MAY ilang nahulog kamo sa paggawa ng mali eh di nman pde yun mali na yun lang kasi ang titignan…EH di nangawala ng lahat, kasama ka na nga diba at aminado ka na mging ikaw man ay gayun din sa artcle mo na ito. At atin na lang at wala nman napopost tlga sa mga nagcocoment, brad Yung gngawa nyo expose o kung anoman tawag mo jan mas malaki ang damage na nagagawa at magagawa kesa sa khit anong reklamo nyo pa na mapatunayan man eh. Mina magnify nyo ang mali ng ilan na nadadamay ang imahe ng Iglesia sa kabuuan.esep esep naman. …at LAWAKAN pa ang isipan. Baka nman dumikit na sa balat nyo na parang kayo na tagapagligtas namin o ng iglesia. Di po liko ang pamamahala wag nyong gawing parang ganun. Hindi mangmang ang pamamahala, wag plabSing ganun….oo brod, napapalabs at lumalabs ng madalas ang tisod mo sa pamamahala n sinsabi mong mahal mo rin!!! Itigil mo na please…tama na sobra na!
Jun Bularan is one of the most evil person in your church. Wake up! Pity nobody seemed to heed your calls. While you call for people power, those on the other side of the fence calls for more solidarity. God does what He wants and if He wants to crush INC unto the ground so as to save some souls from damnation, He will do it. Your doctrines have long been defeated point by point by the Ang Dating Daan program. Your reaction to the Ang Dating Daan preacher Soriano? File cases of rape, libel, estafa, attempted murder and everything under the sun. INC have asked the NBI for help, asked Interpol for help. Persecute ADD officials. Yet you are unsuccessful in the pursuit to capture him. Until now we can still see the Dating Daan people getting stronger year by year and their numbers are noticeable already while you have always been at around 1.2M or 2M less ever since the showdown between INC and ADD have begun years ago. ADD don’t say we are not going to be saved because we are not members, but you do. We are damned because we are not INC. Billions of people on earth and only 1.2 or 2Million souls are going to be saved?? Ridiculous. ex-INC ministers are NOW TASTING INC’s OWN DOSE OF MEDICINE. Bitter indeed when you realise no one in the government is going to ever help because of fear of bloc voting and the fact that INC can ask some heads to roll. Or charged with Libel if they say something “negative”. What do you think?
ipagpapalit ba natin ang ating kahalalam sa isang pinggan ng pagkain lamang? sana mag isip ang mga taga sanggunian. Kahit singkong duling wala kayong madadala sa libingan.
Huwag tayong maghangad ng bagay na atin ipagsulit sa PDios sa oras ng paghukom. Mahalin Ang Kapatid at magmahalan kayong lahat.
agree
Bat po kayo nagtatago sa blog?
naway magkakaroon ng mabuting kapalaran kasama na ang iyong sambayan,,salamat pero hindi kami matitinag kahit anu sabihin mo dito., mananatiling kami iglsia ni cristo abot man kami ng kamatayan hindi kami uurong hanggang sa wakas,kaming iglesia ni cristo..
paghimo nalang og other religion kanang ikaw ang mamahala, di kay mangdaot ka sa iglesia ni cristo.. cg raman ka og blog. magpakita ka!personal. hay naku matinding pagsubok ito .. pero ito lang masasabi ko .. iglesia ni cristo kami hanggang sa wakas, di kami padadala sa nagblog walay kwenta.