HUWAG MAGING MANGMANG
By: Sis. Lorelei Dela Uso
Ako'y isang tao na Diyos ang lumalang
Kailangang kumilos nang upang mabuhay
Ngunit may tuntuning dapat gawing gabay
Nang upang sumabay sa agos ng buhay.
Kailangan kong sundin mga kautusan
Batas na tinakda ng pamahalaan
Ang aking pagsunod tanda ng paggalang
Na magsusulong din sa 'king karapatan.
Ako'y Pilipino - taas aking noo
Pagkat ang bansa ko ay demokratiko
Lupa ng malaya kung tawagin ito
Buhay binubuwis ng dahil nga dito.
Yaong kalayaan laging may hangganan
Kung bakod mawala ito'y kalayawan
. Maari mong gawin iyong magustuhan
Kundi sisikil sa ibang karapatan.
Ako ay Kristyano, may batas din dito
Na mas iingatan na sunding totoo
Pagkat laging una ang Diyos at di tao
Lalo na't batayan ay ang ebanghelyo.
Kapanatikohan nang aking iwanan
Maraming tuntunin aking napagbulay
Hindi masasabing duktrina ngang tunay
Ang pagtataguyod hindi panlahatan.
Ako ay nag-isip, nagsuring mainam
Bakit kaisahan ay di pandaigdigan?
Kung ito'y duktrina at pagbabatayan
Paano na ang ibang nasa ibang bayan?
Akin ngang naisip isa ngang problema
Yaong kaisahan di kaya tukso pa?
Na mag-aanyaya pagsuyo't pagdiga
Mga kandidato'y mamumulitika.
Ito'y nagagamit sa pagsasamantala
Lahat ay gagawin upang paboran sya
Ipangangako nya posisyon at pera
Yuyuko sa gusto - sya lang ang madala.
Ang utang na loob kailangang tanawin
Pag sila'y naluklok lahat dapat gawin
Kung may lumabag man sa mga tuntunin
Kung sila'y humiling - wag mong sasalingin.
Ako'y munting tinig sana ay marinig
Nitong mga taong posisyon ang ibig
Baya'y pangunahan ang laman ng himig
Nawa'y maging patas at huwag pagamit.
Sana ay gamitin ang panunungkulan
Sa ikasusulong nitong bansang mahal
Ano nga ang silbi kung posisyo'y makamtan
Kung tila ka robot at nadidiktahan.
Nawa ay magising mga kaisipan
Na natutulog pa sa katotohanan
Bakit babayaang iyong karapatan
Iyong ipagamit dun sa kabuktutan.
Iba'y uusigin at may lulupigin
Yaong mahihina ay hindi diringgin
Maliit na bagay kayang palakihin
Pano na? Pano na? Biktima'y ikaw din!
Kung ang Diyos na lumalang nagbigay ng buhay
Ating karapatan kanyang iginagalang
Kaya nga Niyang gawin hawakan isipan
Ngunit niregalo ating kalayaan.
Kaya karapatan natin ngang maghalal
Atin ngang gamiting bukas ang isipan
Di na tayo bata at di naman mangmang
Tapusin na natin yaong kamangmamgan !
========================
A very inspiring and enlightening poem Sis. Lorelei. I hope more and more people can starting thinking out of the confines of fanaticism and follow the dictates of their hearts in accordance with the teaching of our Lord God. Ignorance of the law excuses no one...
~ Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: [email protected]
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @A.E.bangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
You must be logged in to post a comment.