One way to find out if you’re on the right tracks is when the highly-paid IT-Group of the INC Church Administration, spearheaded by ACTIV, goes berzerk and scrambles to report my post to Facebook in the hopes of succeeding to make it appear that it indeed violates FB’s Community Standards and eventually have it removed. Guess what, after but a few hours of posting the INC Whistleblowers Report post on FB, it got reported and I was blocked from posting for 24 hours. These minions thought they have fully succeeded in stopping the truth from coming out, so let’s give them something to be busy about since WordPress is not easily tricked into suppressing people’s freedom of speech.
Once you read this, please copy paste it to your accounts and posts or make a screen grab so that they cannot shut it down. ~ A.E.
===== Originally posted in Facebook =====
INC Whistleblower
Dear A.E.,
Mahigit isang taon na akong nakasubaybay sa iyong blog mula ng nashut-down yung una mong site hanggang sa bagong site mo. Salamat naman at muli mong binuksan ang iyong linya para tumanggap ng mga ulat na wala na ring saysay kung sa Pamamahala namin ipapadala dahil sa sila-sila din ang nagkukunsintihan sa anomalyang ginagawa nila sa Iglesia ngayon. Handog ako sa Iglesia at matagal na maytungkulin sa Pananalapi kaya kitang-kita ko talaga ang pagbabago at mga iregularidad ngayon sa ilalim ng pamumuno ni Ka Eduardo. Akala ko ay kaya kong balewalain na lamang ang mga nakikita kong kamalian sa pananalapi subalit oras na magtanong ako sa Ministro tungkol sa tuntunin na nilalabag na nila ay isusumbong ka sa Tagapangasiwa at bukas makalawa ay tiwalag ka na, kaya mas pinili kong manahimik noon. Subalit ng hindi ko na makayanan, ako na mismo ang bumaba sa tungkulin ko dahil ayaw kong maging “conspirator” nila sa katiwalian lalo na sa ginagawa nila sa handog ng Iglesia.
Tangi sa pagiging kaanib sa Iglesia, isa rin akong empleyado sa isang sangay ng gobyerno. Clerical lamang ang trabaho ko subalit, lingid sa kaalaman ng Central, isa ako sa mga kawani sa gobyerno na nagpo-process ng mga mahahalagang papeles. Buti na lamang at dito sa aking departamento ay di masyadong maimpluwensya ang Iglesia dahil sa masama na ang imahe ng INC dahil na rin sa mga pangaabuso ng Pamamahala sa pamamagitan ng Ministrong si Ka Erdz Codera.
Iisa-isahin ko po ang mga pangaabuso sa impluwensya at kapangyarihan ng mga taong ito subalit ipinakikiusap ko lamang po na pakitago po ang aking impormasyon. Maaari po ninyong ilabas ang ilan sa mga dokumentong ipapadala ko sa inyo para mapatunayang legitimate po ang aking information.
Kaya ko po ito ginagawa ay upang masugpo na ang kawalanghiyaan ng mga namiminuno sa Iglesia ngayon dahil lubog na lubog na sa kahihiyan ang Iglesia dahil na rin sa kagagawan ng mga gahaman sa kapangyarihan at mga duwag na mga Ministro na nagmistulang mga bulag, pipi at bingi na tagasunod sa takot maalis sa karapatan at mawalan ng tinatanggap nilang tulog (sweldo) na tinatanggap nila linggu-linggo. Dahil sa sukdulan na ang kanilang kasamaan at wala ng pag-ibig at respeto sa kapatid at sa kapwa, sila ngayon ay wala ng takot na magpadukot ng tao at pumatay. At dahil sa walang awang pagpatay kay Lito Fruto na alam lahat ng mga tao, maging ng mga taga-sanlibutan, na kagagawan ng Pamamahala sa Iglesia, sinabi ko sa aking sarili na ito na ang hangganan ng aking pananahimik. Pinasya ko ng huwag na munang sumamba hanggat hindi magkaroon ng tapang si Ka Eduardo na kausapin at makipagayos sa kaniyang sariling ina at mga kapatid at ipasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga nasa Sanggunian at maraming mga tiwaling Tagapangasiwa. At kahit ipatawag pa ako ng aming Pastor at Tagapangasiwa ay hindi na ako pupunta, dahil para ano pa? Para mapilit nila akong magsinungaling sa kapirasong papel na salysay daw pero ipapasulat lang nila kung ano ang gusto nilang ipalagay. Itiwalag na nila ako kung gusto nila, alam ng Diyos ang laman ng aking puso at mamumuhay ako ayon sa dalisay na aral na aking tinanggap at hindi ayon sa baluktot na aral na ipinangangalandakan nila sa tribuna ngayon na punong puno ng poot at kasinungalingan.
Ka A.E., suggestion ko lang po, pakiforward nyo po sa International agencies ang mga documents na ipapadala ko sa inyo upang sa susunod na magpakita si Ka Eduardo at ang kaniyang mga alipores sa mga bansa sa abroad ay maaari na silang damputin ng mga awtoridad upang kwestyunin ukol sa mga anomalyang pinapatunayan ng mga dokumentong ipapadala ko. Huwag nyo po sanang ilabas lahat sa Social Media ang mga dokumento, kahit pumili na lamang po kayo ng ilan para lamang patunayan na authentic ang mga ito dahil maaari nilang iverify. Yung mga luma na lamang ang ipakita nyo po.
[UPDATE: The Photos of the Diplomatic Passport and US Visas of Eduardo V. Manalo and Babylyn V. Manalo have been reported numerous times and was ordered to deleted]
An alternative site is provided here to view the Authenticated Travel Documents that the INC Church Administration is so deperate to shutdown. http://www.network54.com/Forum/779402/thread/1496263457/last-1496263457/One+way+to+find+out+if+you%27re+on+the+right+tracks+is+when+the+highly-paid+IT
Pagpalain nawa kayong palagi Ka A.E. at ang mga kasama ninyo dahil sumasampalataya ako na kinasangkapan kayo ng Ama upang gisingin ang aming kamalayan sa totoong nangyayari sa Iglesia upang kami man ay manindigan din sa panig ng tama at totoo at huwag ng matakot sa pananakot at panggigipit ng mga Ministro sa ilalim ng tiwaling Pamamahala ng Ka Eduardo Manalo.
Ang inyong tunay na kapatid kay Cristo,
******* *** *****
=============================
Salamat po Kapatid sa inyong mensahe at sa mga ipinadala ninyong mga dokumento. Pasensya na po kayo kung ngayon ko pa lamang po mailalabas ito dahil kinailangan ko pang ipa-verify ang authencity ng mga ito. At ngayong napatunayan ko ng legit ang inyong dokumento ay nananalig akong totoo po ang inyong sinasabi at nawa ay makatulong ito sa ibang mga kapatid na ngayon ay “in denial” pa sa totoong nangyayari sa Iglesia. Nawa ay mamulat na rin sila sa katotohanan at kilusin ng Ama ang kanilang puso upang buong tapang na manindigan sa tamang pagsunod sa aral ng Diyos.
Ang patitiwalag ng dahil sa paggawa ng tama at pagsasabi ng totoo ay hindi kailanman kakasihan ng Panginoong Diyos dahil ginagamit ng tiwalang Pamamahala ang proseso ng pagtitiwalag, hindi para sa ikabubuti na akay ng pag-ibig at pananampalataya, kundi para sa kanilang pansariling kapakinabangan at upang pagtakpan ang kanilang mga masasamang gawain at kasinungalingan dulot ng poot at kasakiman.
Sa awa at tulong ng Panginoong DIyos ay lalong marami pang mga kapatid ang maglakas loob na magpadala ng kanilang mga ulat upang ihayag ang katotohanan para sa kaluwalhatian ng Panginoong Diyos.
~ Antonio Ramirez Ebangelista
Note:
* These documents, although expired, are all authentic and verifiable proving that the source is legitimate.
* Current travel documents have been forwarded to proper agencies for investigation.
***ENGLISH TRANSLATION***
~ Antonio Ramirez Ebangelista
Note:
* These documents, although expired, are all authentic and verifiable proving that the source is legitimate.
* Current travel documents have been forwarded to proper agencies for investigation.
~ Antonio Ramirez Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – A.E.
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Question adn Answer: Q & A with Antonio Ebangelista
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information:
Official Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: http://www.incsilentnomore.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/WeAreTheSeedsSilentNoMore/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioramirezebangelista
Official Twitter: @AEbangelista01
#iglesianicristo #inc102 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rolandoesguerra #benefridosantiago #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #onewithevm #accessthetruth #iglesianicristoblogspot #mandirigma #spiritualwarriors #arneltumanan #babylynmanalo #jojodeguzman #TJOrosa #GPSantos #SergieSantos #AnnieSantos #incradio #angelomanalo #churchofchrist #Johncollado #orthodoxpriest #angelmanalo #lottiehemedez #36tandangsora #sirkular #circular #proudtobeINC #sherlock #thetakingofroviccanono #PhilippineRedCross #RichardGordon #andrewE #philippinearena #christmasdaygames #pba #oilfracking #southdakota #standingrock #violieedrosalan #roviccanono #bairanfamily #australiasilentnomore #mandirigmanomore #maribelmetano #spiritualbusinessmen #rommelsanpedro #regaladodelosreyes #isaiassamsonjr #aidtohumanity #inc #lingappamamahayag #lingapsamamamayan #incinafrica #stampedeinafrica #venerationforevm #evmministers #felixvillocino #dannypatungan #farleydecastro #rodrigoduterte #jameswhite #joeventilacion #incfakepriest #incfakenun #nonoponce #newsanjosebuilders #joseacuzar #nureauofcustoms #teddyraval #dollytoledo #mandirigmanomore #episode2 #thepawnnameddolly #justiceforlitofruto #litofruto #incwhistleblowersreport #diplomaticpassport #dfa