Dear Ka A.E.,
Masyado po akong nabagabag noong nagsimula po akong magbasa ng inyong mga artikulo at kamakailan lang ng balikan ko ulit ang mga ito pagkatapos ng mahabang panahon na pananahimik at pilit na saradong isipan. Matagal na po akong mayroong nalalaman ukol sa pamilya ng Ka Eraño G. Manalo subalit dahil na rin sa matagal na panahon ko sa pagiging kawani sa loob ng Central ay sinanay po kaming lahat ng mga kasamahan ko sa “vow of silence” o “secrecy” lalo nga po at napagtiwalaan po kami sa mga maseselang bagay sa loob ng Tanggapan. Lingid sa aking kaalaman na pagkatapos pala ng ilang dekada ng paglilingkod sa loob ng Tanggapan sa panahon ng malinis na Pamamahala ng Ka Erdy, ay sa ganito lamang mauuwi ang lahat pagkatapos maupo sa pwesto ang Ka Eduardo. Pinilit kong ipinikit ang aking mga mata sa mga bagay na alam kong mali na sa aking paligid, lalo na ng nagsimula ng lumawak ang kapangyarihan ng Ka Jun Santos bilang Pangkalahatang Awditor ng Iglesia.
Hindi maikakaila na kapunapuna na ang isang Ministro na tumatayong Pangkalahatang Awditor ay magsimula ng sakupin maging ang saklaw ng pananagutan ng Ingat-Yaman o Treasurer. Kaya ang Tanggapan ng Ka Ernesto Suratos ay nagmistulang palamuting Tanggapan na lamang sa Central dahil sa hindi na siya ang may kapangyarihan sa pangangalaga ng Pananalapi ng Iglesia. Subalit ang kataka-taka sa maraming mga kawani sa Central ay kung bakit ang mabilis na pag-angat sa kapangyarihan ng Ka Jun Santos ay hindi ikinabahala ng Ka Eduardo, manapa ay inayudahan pa nya. Nawalan na ng “internal check and balance” ang Iglesia dahil ang Ka Jun na ang may hawak ng pagpasok at paglabas ng pera, eh hindi ba’t kaya nga mayroong Ingat-Yaman at Awditor upang magsilbing pag-iingat na masinop ng husto ang pananalapi. At maging sa mga Lokal at Distrito ay napakahigpit ng Pananalapi, hindi nga pwedeng magkamag-anak ang Awditor at Ingat-Yaman dahil sa magkakaroon ng “conflict of interest”, edi lalo na kung iisang tao na iyon gaya ng Ka Jun Santos. Kaya lahat ng may kinalaman sa pananalapi sa Iglesia mula sa mga bibilhing kagamitan o materyales sa Tanggapan ng Central, hanggang sa mga lupang bilbilhan ng Iglesia, hanggang sa paggagamitan ng pera upang ipanggugol sa pangangailangan ng Lokal, Distrito, Central, hanggang sa pagche-check kung tama at makatwiran ang paggugol ng salapi ng Iglesia ay nauwi na lamang sa kamay ng iisang tao, walang iba kundi ang Ka Jun Santos. Dahil dito, pumasok na Iglesia Ni Cristo sa pagnenegosyo sa pangunguna ni Ka Jun Santos at lahat na halos ng pag-aari ay naipangalan na sa kaniya at kaniyang mga anak o tau-tauhan. Ito na rin ang pasimula ng pagiging gahaman ng mga Ministro sa Sanggunian at ang kawalan ng kamalayan at kontrol ng Ka Eduardo sa kaniyang Pamamahala.
[Insert Source: Part 1 http://www.rappler.com/newsbreak/investigative/100947-part-1-glicerio-santos-jr-inc; Part 2 http://www.rappler.com/newsbreak/investigative/101005-part-2-glicerio-santos-jr-inc-clout]
Nanahimik po ako ng matagal na panahon ka A.E. dahil sa iniisip ko na Diyos na lamang po ang bahala sa kanila, na ang Diyos na ang gagawa ng paraan para ihayag sila at ang kanilang mga tiwaling mga gawain. Para sa akin ay mas mahalagang manatili akong kaanib sa Iglesia kesa sa matiwalag ako. Subalit kahit pala taon na ang lumipas at kahit anong pilit ko na kumbinsihin ang sarili ko na tama pa rin ang Ka Eduardo dahil sa siya ang Tagapamahalang Pangkalahatan, inuusig na ako ng aking budhi dahil sa alam kong may mali at mas pinili ko pang manahimik at magpakasangkapan sa alam kong mali.
Ang mga mahal ko sa buhay ay mga Defender na, ang iba ay Silent Defender, subalit ako ay nanatiling One With EVM dahil sa takot kong matiwalag o kaya ay iwanan ng aking asawa dahil sa siya ay talagang panatiko na. Kaya sa unang pagkakataon ay hinanap ko sa Internet ang nababalitaan kong Antonio Ebangelista at ng mahanap ko ang website ninyo ay sinimulan kong basahin ang inyong mga artikulo at mga inilabas sa internet at sa social media. Nung mga unang beses kong nagbabasa mula sa pinaka simula ay naguumalab ang aking dibdib sa galit na parang sinisisi ko kayo kung bakit ninyo nilabas ang mga sensitibong impormasyon na ito tungkol sa internal na problema ng Iglesia, subalit kinalaunan ay naunawaan ko kung bakit niloob ng Ama na mangyari ito. Sa bawat artikulong binasa ko ay di ko mapigilang mapaluha dahil sa isinisigaw ng puso ko na totoo ang lahat ng ito at saksi ako sa marami sa mga ito at napakasakit na maisip kung bakit hinayaan ng Ka Eduardo na magkaganito ang Iglesia. Kaya pagkalipas ng ilang araw bago ko matapos ang lahat ng halos 200 na artikulo nyo, dito na ako nagpasya na sa Ama ako tanging susunod at hindi sa sinomang tao lalo nga at alam kong lihis na sa aral ng Ama ang kaniyang itinuturo at ibinubuhay. Bahala na kung ano ang mangyari dahil alam kong hindi ako pababayaan ng Ama kailanman at nasa panig ako ng katotohanan at ng pagsunod sa Kaniyang mga kalooban. Ilang beses na rin akong pinatawag noon ng Central dahil sa kanilang paghihinala sa akin at sa pamilya ko, subalit wala silang napatunayan dahil talagang bulag-bulagan ako noon, subalit ngayon ay ipinagpapasa-Diyos ko na ang aking buhay at nangangako akong tutulong ako sa paghahayag ng katotohanan at sana marami pang mga kapatid na katulad kong bulag noon ang mamulat na rin sa katotohanan at manindigan sa tama.
Marami po akong mga kasamahang kawani ka A.E. na gising na. Kaukausap ko po sila at nagpasya kaming ipapadala po namin sa inyo ang mga impormasyong makakatulong sa inyo sa pagsisiwalat sa mga anomalyang ginagawa nila ngayon sa Iglesia sa pamumuno ng mga Ministro sa Sanggunian na pinahihintulutan naman ng Ka Eduardo. Sumasampalataya po ako na ito na ang panahon at paraan ng pagtawag sa akin ng Ama sa tunay na paninindigan. Kung iwanan man ako ng aking asawa, mga mahal sa buhay at kaibigan dahil sa takot sila kay Ka Eduardo, mas pipiliin ko pa ring sumunod sa Diyos. Sana nababasa ito ng aking mga kapatid at magulang at maramdaman nila kung sino talaga ako.
Salamat po ng marami sapagkat malaya na po ako sa takot at hindi na po ako magpapaksangkapan sa mali. Sumasampalataya ako na hindi lamang ako gising na, kundi mayroon pa akong magiging makabuluhang bahagi sa pagsisiwalat pa ng katotohanan.
Ang inyong kapatid kay Cristo,
******** ***********
========================
Maraming salamat po Kapatid.
Sa Panginoong Diyos po ang lahat ng kapurihan, lahat po tayo ay mga pawang kasangkapan lamang Niya upang mahayag ang Kaniyang kalooban. Nawa po ay lalong marami pa ang mga kapatid ang magkaroon na rin ng lakas ng loob na magsimulang mag-suri. Mag-suri at alamin ang pawang katotohanan. Magkaroon ng bukas na isipan na alamin ang mga totoong nagaganap ngayon. Hindi ko kayo iimpluwensyahan o pipilitin dahil mas mahalaga na kayo mismo ang makaunawa para sa sarili ninyo, dahil hindi naman lahat ng makakabasa at makakasaksi ng mga nangyayari ngayon ay mamumulat ang mata dahil ang Ama lamang ang tumatawag sa mga lingkod Niya na tunay na maninindigan.
Sumasampalataya po ako na isa kayo sa mga susunod na makabagong Defenders na magtatanggol at maninindigan sa panig ng dalisay na aral at doktrina na ating tinanggap mula pa sa Sugo hanggang sa kapatid na Eraño G. Manalo. Hinihiling ko lamang po na alisin ninyo ang anumang galit sa kanino mang tao, maging iyan man ay sa Sanggunian o kay Ka Eduardo Manalo. Pag-ibig po ang ating paghariin sa ating puso dahil kung mauuwi tayo sa galit at poot ay wala rin tayong pinagkaiba sa kanila na pinagharian na ng poot at masasamang isipan at hindi iyan ang kalooban ng Ama para sa atin. Ang tanging layunin natin ay maglahad ng katotohanan, kahit ilang beses pa nila itong yurakan para pilit na pagtakpan ang kanilang masasamang gawain, ang Ama ang bahalang maghayag ng katotohanan sa puso at isipan ng mga taong pipiliin Niya.
Salamat po pala kapatid sa mga ipinadala ninyong larawan at mga dokumento, malaking tulong po ito. Hayaan po ninyong itago ko muna ang inyong tunay na pagkakakilanlan upang maingatan ang inyong kaligtasan laban sa mga taong halang ang kaluluwa at handang pumatay ng sinomang sa palagay nila ay lumalaban sa Pamamahala ni Eduardo Manalo.
“Narito po ang larawan ng Ka Eduardo noong dinalaw nya po ang aming mga magulang sa bahay”
“Nung kasama po ng Ka Eduardo ang Ka Babylyn na dumalaw sa amin ay damang dama na namin noon pa man na siya ay pakitang-tao lamang.”
Lagi po nating tandaan na hinihintay lamang ng Ama na makapagbigay tayo ng mabisang patotoo sa Kaniya na tayo ay karapat-dapat sa kaligtasan. Hindi sapat na tayo ay manahimik sa layuning manatili lamang sa Iglesia. Ang mahalaga ay ang paninindigan sa tama at sa katotohanan ano man ang sakripisyong maaaring harapin natin para dito. Dahil kung hihintayin lamang natin na marami na ang tatayo sa tama at saka pa lamang tayo sasama para tumayo din sa tama, HINDI PANININDIGAN IYON, PAKIKIAYON LAMANG IYON SA AGOS. Kahit nagiisa lamang tayo, gawin natin kung ano ang tama at matuwid batay sa mga aral na itinuro ng Banal na Kasulatan at hindi batay sa kumbinyensa o takot na usigin o mahirapan. Iyan ang dahilan kung bakit napakaraming mga Ministro na nakakaalam ng tunay na kalagayan ng Iglesia at alam na mayroon ng maling nagaganap subalit hindi magawang manindigan, dahil sa kumbinyensa, ayaw mawalan ng tulong, ayaw mahirapan, ayaw mawalan ng pabahay o kaya ay usigin o kagalitan ng mga tao. Hindi na sila sa Diyos natatakot, at lalong hindi na sila sa Diyos naglilingkod. Ang mga magigiting na Ministro noon sa panahon ng Sugo at ng Ka Erdy ay nauwi na sa pagiging Pastol na upahan na naglilingkod sa kanilang sariling mga tiyan.
“Sa awa at tulong ng Panginoong Diyos, nagigising na at bumabangon na ang mga susunod at makabagong Defenders, ang mga hindi humiwalay sa tunay na aral ng Iglesia Ni Cristo.”
~ Antonio Ramirez Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you tell the truth now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – A.E.
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Question adn Answer: Q & A with Antonio Ebangelista
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information:
Official Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: http://www.incsilentnomore.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/WeAreTheSeedsSilentNoMore/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioramirezebangelista
Official Twitter: @AEbangelista01
#iglesianicristo #inc102 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rolandoesguerra #benefridosantiago #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #onewithevm #accessthetruth #iglesianicristoblogspot #mandirigma #spiritualwarriors #arneltumanan #babylynmanalo #jojodeguzman #TJOrosa #GPSantos #SergieSantos #AnnieSantos #incradio #angelomanalo #churchofchrist #Johncollado #orthodoxpriest #angelmanalo #lottiehemedez #36tandangsora #sirkular #circular #proudtobeINC #sherlock #thetakingofroviccanono #PhilippineRedCross #RichardGordon #andrewE #philippinearena #christmasdaygames #pba #oilfracking #southdakota #standingrock #violieedrosalan #roviccanono #bairanfamily #australiasilentnomore #mandirigmanomore #maribelmetano #spiritualbusinessmen #rommelsanpedro #regaladodelosreyes #isaiassamsonjr #aidtohumanity #inc #lingappamamahayag #lingapsamamamayan #incinafrica #stampedeinafrica #venerationforevm #evmministers #felixvillocino #dannypatungan #farleydecastro #rodrigoduterte #jameswhite #joeventilacion #incfakepriest #incfakenun #nonoponce #newsanjosebuilders #joseacuzar #nureauofcustoms #teddyraval #dollytoledo #mandirigmanomore #episode2 #thepawnnameddolly #justiceforlitofruto #litofruto #incwhistleblowersreport #diplomaticpassport #dfa #gemmamanalo #stf #evmsalaysay #angelomanalo #newbreedofdefenders