Recovered Files Posted May 09, 2015
Part 1: “Isang Malayang Pagsusuri”
Part 2: “The Alpha and The Omega”
Part 3: “The Connivance”
Part 4: "The Cover Up"
Continuation…
Part 5: "The Misdirection"
Ngayong matagumpay ng naipwesto at kasalukuyan pang nagpupwesto ng mga tao nila sa iba’t ibang Distrito, sa iba’t-ibang bansa, panatag na ang Sanggunian na hawak na nila ang buong Iglesia. Ang susunod naman ay kung papaano matitiyak na hindi mahahalata ng Iglesia ang mga ginagawa nilang mga pagbabago at mga katiwalian. Papaano? Simple din. Sa pamamagitan ng isang PALABAS. LET THE SHOW BEGIN!
Kailangan nilang aliwin ang Tagapamahalang Pangkalahatan upang maipakita sa Kapatid na Eduardo V. Manalo na sunud-sunod ang parada ng Tagumpay sa ilalim ng kaniyang Pamamahala. Na wala namang masyadong mabibigat na problema na hindi kayang ayusin ng Sanggunian. “Everything is under control” ika nga. At upang huwag mapunta ang atensyon ng Tagapamahalang Pangkalahatan ukol sa kasalukuyan at totoong kalagayan ng Iglesia, pinuno nila ang kalendaryo ng Iglesia ng sandamakmak na mga aktibidad. Bawat kagawaran na hawak ng Sanggunian ay pinagawa ng mga suhestyon para sa isasagawang mga aktibidad sa buong taon at sa susunod. Para huwag magreklamo ang mga Ministro at Manggagawa at mga Kapatid, naglabas ng bagong slogan ang Ka Jun Santos na “Super Human Energy” Parang slogan lang ng energy drink ano? (Alam na alam ng mga Ministro at Manggagawa ang panahong ito – kung paanong MANDATORY sa lahat ng Ministro na magkaroon nito na naka-frame pa, at hindi coupon bond size gaya ng 10-utos, kung banner-type na mahigit 2 dipa ang haba)
Binugbog nila ang mga kapatid ng mga talata sa Biblia sa panahon ng mga pagsamba na dapat lahat tayo ay “laging maraming ginagawa para sa Panginoon”. Wala naman pong mali sa mga nilalaman ng talata. Wala rin pong mali na puspusin natin ang ating buhay sa paglilingkod sa Panginoon. Alin pala ang mali? Ang kanilang layunin. Hindi nila ito ginagawa upang makapagbigay lugod sa Diyos, kundi upang makapagbigay lugod sa tao. Ginagawa nila ito upang maging masyadong “busy” ang mga kapatid para wala ng panahon na magtanong kung tama pa ba ang mga nangyayari ngayon sa Iglesia. Ginawang masyadong “pressured” ang mga Ministro at Manggagawa sa Pagbubunga at sa mga Pagpapatibay at mga Handugan para wala ng panahon na mamalayan ang mga nagaganap na pagbabago sa mga tuntunin at doktrina sa Iglesia. Sinunod nila ang pagbabawal sa mga Ministro na magkaroon ng Facebook, sunod ay pati instagram at twitter, sunod ay pati buong sambahayan ng Ministro, mula sa asawa hanggang sa mga anak. Kaya wala ng ibang paraan ng socialization at communication sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
Mapapansin ninyo na maraming mga proyekto ngayon at bigla bigla na lamang ay itatagubilin sa mga Kapatid. Nagkakaroon ng bigla-biglang pagbabago sa mga naunang tagubilin at mga nakatakda ng mga aktibidad, dito pa lamang ang mahahalata na ng isang mapagsuring kapatid na para bagang hindi pinag-isipan at pinaghandaang mabuti ang mga panukalang aktibidad, Makikita din na mayroong “in-cohesiveness” ang mga aktibidad sa iglesia dahil nga bawat kagawaran ay mayroong kani-kaniyang agenda at walang iisang direksyon ang mga aktibidad. Para lamang masabi na maraming aktibidad na isinasagawa ang isang kagawaran. Unahin natin ang…
PAGPAPALAGANAP, ang dami nilang inilabas na pagbabago sa mga tuntunin at pamamaraan na pinasimulan pa ng Sugo at ng Kapatid na Eraño G. Manalo at pinalitan nila ito nang inilunsad nila ang KABAYAN KO KAPATID KO AT LINGAP PAMAMAHAYAG. Lahat ng ito ay mula sa matalinong paglikha ng Kapatid na Jun Santos. Ano ang mga ito? Ang Kabayan Ko Kapatid Ko ay isang programa sa Pagpapalaganap na ang pinaka-layunin ay palakasin ang gawaing pagpapalaganap. Hindi ba’t maganada ang layuning ito? Suysuyin natin ang layuning ito at ang pamamaraan sa likod ng layuning ito ng Sanggunian. Mula pa ng panahon ng mga unang namahala sa Iglesia ay bahagi na talaga ng Iglesia ang Pagpapalaganap, Doktrina ito na itinuro sa atin bago pa man tayo binautismuhan, tungkulin ito ng bawat isang kaanib, ito ang dahilan kaya mula pa man noon ay mayroon ng STANDARD na ibubunga ang bawat isang Ministro at Manggagawa sa Lokal na kanilang pinagdedestinuhan. Ang Standard ay isang batayan kung ilan dapat ang bilang ng pinababautismuhan ng Ministro sa Lokal at Distrito na kaniyang kinabibilangan. Halimbawa, kapag ang isang Ministro sa isang Lokal na ang Standard ay 12 na bunga sa isang taon, kailangang mayroon silang napapabautismuhan na 1 sa bawat buwan upang maabot ang Standard. Malimit sa maliliit at mahihirap na Lokal ay ganito ang Standard sa pagkat ibinabatay din ito sa serial number ng mga kapatid sa Lokal. Ibig sabihin, ang isang Lokal na may serial number na 100 ay hindi maaaring kapareho ng mataas na standard ng isang Lokal na may serial number na 3,500 gaya ng mga malalaking Lokal sa Metro Manila at iba pang progresibong mga Lokal sa mga bayan sa probinsya. Depende din ito kung ilan ang nakadestino sa Lokal, kapag iisa lang ang nakadestino, kung ano ang standard ng Lokal ay sya na ring standard ng Ministro na nakadestino sa Lokal. Kung higit sa isa ang bilang ng nakadestino ay ibabahagi lamang ang Standard ng Lokal sa bilang ng Ministro na nakadestino sa Lokal. Ganyan din ang konseptong nakapaloob sa pagkakaroon ng Standard ng bawat Distrito. Ang standard na ito ay makatotohanan batay sa kakayahan at kalagayan ng Ministro, Lokal at Distrito. Bakit kailangang makatotohanan ang Standard at angkop sa kakayahan at kalagayan ng Ministro at ng Lokal/Distrito? Paano kung masyadong mababa ang Standard? Mahuhulog ang Ministro/Lokal/Distrito sa katamaran at pagpapabaya. Papaano kapag masyadong mataas na hindi na makatotohanan o angkop sa realidad o kalagayan at kakayahan ng Ministro/Lokal/Distrito? Dalawa lang ang maaaring ibunga nyan. Una, maaaring kahit magsumipag pa ang Ministro/Lokal/Distrito ay hindi pa rin nila maaabot ang kanilang “unrealistic” na standard kaya sila tiyak na mabibigo. At dahil sa alam ng lahat ng Ministro/Lokal/Distrito na hindi na pupwede ngayon sa Sanggunian ang nabibigo kaya wala silang ibang maaaring gawin kundi ang ikalawang “option”, ito ang maaaring magtulak sa isang Ministro/Lokal/Distrito na mandaya sa ulat sa Pamamahala. Mapipilitan silang magpasa ng mga “palsipikadong ulatan” upang pagandahin ang imahe ng kanilang gawain. Palalabasin nilang malalakas ang gawain, maraming naitatalang misyon o panauhin sa mga Pamamahayag, maraming naipatatalang dinudoktrinahan, maraming sinusubok na, maraming binabautismuhan. Subalit kung sisiyasatin natin ang URI o “QUALITY” ng kanilang mga naging bunga, totoong mabibilang mo lang ang mga tunay na natamnan ng aral at tunay na sumasampalataya. Anu-ano ang mga pamamaraan na ginagamit nila? Magtatala ng maraming pangalan sa R3-07 o Ulat ng Misyon kahit hindi naman talaga totoo. Magtatala ng maraming BAGONG TALA sa R3-00 at R3-01, kumpleto pa ng detalye ang mga ulatan maging ang mga lagda ng mga kinauukulan, subalit hindi naman talaga nagpahayag na sila ay nagnanais na mag-iglesia. Kumbaga, nagsusuri pa lamang sila, itinala na agad na dinudoktrinahan. Kapag biglang nagkasiyasatan, ano ang gagawin nila? Magsusumite ng R3-06 o Ulat sa mga tumigil na Dinudoktrinahan/Sinusubok at ilalagay nila sa dahilan na kesyo lumipat na ng lugar o hinadlangan na o kaya ay ayaw ng magpatuloy, kaya kung gaano karaming naitalang bagong dinudoktrinahan ay mas marami pa ang ibinabawas na bilang dahil sa hindi naman talaga magpapatuloy.
Ito ang dahilan kaya binantayang mabuti ng Kapatid na Eraño G. Manalo ang gawaing Pagpapalaganap at lagi nilang itinuturo sa mga Pagsamba at mga klase ng mga Ministro at Manggagawa na HINDI TAYO NAGPAPARAMI NG BILANG SA IGLESIA! HINDI QUANTITY, KUNDI QUALITY ANG IDINADAGDAG SA IGLESIA. Ayaw na ayaw ng Pamamahala na hindi “hinog” sa pananampalataya ang babautismuhan sa Iglesia dahil binabantayan nyang mabuti na huwag malusutan ang Pamamahala at makapasok ang mga hindi tunay na kapatid bagkus ay nagpapanggap lamang sa layunin na tiktikan at pinasalain ang kawan. Ngayon, makailang beses na nilang gustong baguhin ang Standard ng mga Ministro/Lokal/Distrito pagdating sa pagbubunga, nariyan ang pinagkukuha nila ang Total population ng sakop ng isang Lokal pagkatapos ay pina-compute ang 10% ng population na iyon, iyon daw ang dapat na maging bunga ng Lokal na iyon. Kaya kung ang isang Lokal ay nasa isang bayan na ang population ay 100,000, kinakailangan ang magiging bunga ng Lokal na iyon ay 10,000 sa loob ng 2 taon, samakatuwid ay kinakailangan silang magbunga sa Lokal ng 417 bawat buwan. Buong igting na itinuro ng Ka Jun Santos iyan sa lahat ng mga Tagapangasiwa maging sa mga Ministro at Manggagawa at hindi daw ito imposible dahil nagawa na ito ng mga Apostol noon sa panahon ng kanilang pangangaral. Maganda sana kung mabuti at banal ang layunin ng pagpapa-igting sa Pagbubunga. Bakit hindi natin alamin kung ano ang itinuro ng Ka Jun Santos sa mga Tagapangasiwa nung inilunsad niya ang kilusang ito? Ang sabi nya “Basta gawin ninyo na ipalubog yang 10% na yan sa Distrito ninyo at pagdating ng 2016, sabihin nyo na kung sino ang gusto ninyong maupong Presidente sa Pilipinas at iyon ang iuupo natin!” (nagpalakpakan ang mga Tagapangasiwa). Hindi nila ginagawa ang pagpapalaganap para sa kaluwalhatian ng Panginoong Diyos kundi, mula na rin sa bibig ng Ka Jun Santos, para ito sa Politika at sa ENDORSEMENT POWER ng Iglesia. At ang lakas pa ng loob ng mga Tagapangasiwa na sabihin sa mga Ministro at Manggagawa ang sinabing iyan ng Ka Jun para daw maunawaan namin kung gaano ka-seryoso ang Ka Jun sa kilusang ito. Sorry, walang pumalakpak sa mga Ministro at Manggagawa.
Pagkalipas ng ilang buwan dahil sa hindi talaga “realistic” ang ideyang ito ng Ka Jun ay ibinalik na uli sa dating Standard. Subalit kamakailan ay may bago na naman syang kilusang inilunsad. Naglektura muna sa ukol sa panghahawak sa magagawa ng Diyos at ang mga himalang nagawa ng Diyos sa kaniyang mga saserdote (Ministro) kapag lubusang nagtiwala sa magagawa Niya. Pagkatapos ng kaning “inspirational speech” (more of desperational speech), inutusan nya ang lahat ng mga Ministro at Manggagawa at siyang magbigay ng sarili nilang Standard. At sa pagbigay ng bagong standard, ang dapat daw naming isa-alangalang ay hindi ang sarili naming kakayanan, kundi ang magagawa ng tulong ng Panginoong Diyos. Dapat daw mahayag sa Standard na ibibigay namin na hindi ito yung posible lamang batay sa kakayanan namin, kung kailangan ito ay halos imposible na sa magagawa ng tao, at magiging posible lamang sa pagtulong ng Ama. Ibig sabihin kung ang Standard ko noon ay 30 sa loob ng isang tao, iyan daw ay batay sa kakayanan ko, dapat daw ang ibibigay kong bilang ay mga 500 na tiyak na hindi ko kaya, kaya kakailanganin ko na mahayag sa akin ang tulong ng Panginoong Diyos. Bumasa ang Ka Jun ng mga talata ng Biblia upang hikayatin kami na magbigay ng malaking bilang, hindi naman daw kami pagagalitan kung ano man ang ibibigay naming bilang, dun daw sa ibibigay namin ay makikita nawa daw ng Pamamahala kung ano daw ang aming pananampalataya at pag-asa sa magagawa ng Panginoong Diyos. At naglunsad ng Panata sa mga Lokal para sa lahat ng mga Ministro at Manggagawa at lahat ng mga Maytungkulin upang magpanata ng nakaluhod (gabi-gabi) upang ipakita daw sa Ama sabi ng Ka Jun, kung gaano kami ka-seryoso sa paghiling namin sa Panginoong Diyos ng ipinagpapanata namin (ibig bang sabihin nito ay hindi tayo seryoso sa mga pagpapanata natin noon dahil hindi tayo nakaluhod?)
Anong nangyare pagkatapos? Marami ang nagbigay ng malalaking bilang gaya ng 300, 500, 1,000. Subalit pagkalipas ng ilang linggo mula ng ito ay inilunsad at nagbilangan ng mga bagong tala at nakitang mabababa pa rin ang bilang ng naipatatala, iba na ang naging istorya, pinagpapagalitan na ng mga Tagapangasiwa ang kanilang mga Ministro at isinusumbat sa kanila ang mga Standard na ibinigay nila sa Pamamahala. Maging ang isinasagawang pagpapanata ay kinayayamutan na dahil sa laging nakaluhod kaya nahihirapan ang mga matatanda lalo na kapag mahaba ang nananalangin, kaya nagbilin na nga ang mga Tagapangasiwa na bilinan ang mga kapatid na nangunguna sa panalangin na huwag pagkahabaan ang panalangin. At kinalaunan, pakaunti na ng pakaunti ang dumadalo sa pagpapanata hanggang sa ngayon na ito ay nawala na lang sa sirkulasyon na parang walang nangyari. Hindi na rin binabanggit ng mga Tagapangasiwa ang bagong Standard na ito at ibinalik na lang daw sa dating Standard. Dito pa lang ay mahahalata na ng Iglesia na hindi pinag-isipan at lalong hindi kinakasihan ng espiritu santo ang ganitong mga kilusan na basta na lang naisip at pinatupad ng Ka Jun Santos kaya kabiguan pa rin ang kinahinatnan.
Marahil ay natatandaan nyo pa ang isa pang kilusan sa ilalim ng “Kabayan Ko Kapatid ko” , ang LINGAP PAMAMAHAYAG na isang programa kung saan mamamahagi ang mga Distrito ng mga Lingap (karaniwan ay 3 kilong bigas, 3 sardinas at 3 noodles, may ilang Distrito dahil sa hindi kaya ng kanilang pondo ay tig-isa na lamang ng bigas, sardinas at noodles, at ngayon ay puro bigas na lamang), malimit ay may kasama din itong Medical at Dental Assistance. Wala namang masama sa Lingap di ba dahil ito ay doktrina na nakabatay sa banal na kasulatan? Opo wala pong masama dito kaya nga ito ay itinaguyod ng kapatid na Eraño G. Manalo sapagkat isa ito sa pananagutan ng Iglesia, ang lingapin ang higit na nangangailan lalo na sa panahon ng mga kalamidad at trahedya. Subalit kung mapapansin ninyo, sa panahon ng Ka Erdy ay buong higpit niyang pinanatili na hiwalay ang Lingap sa Mamamayan at ang mga Pamamahayag. Bakit? Sapagkat hindi marapat na pagsamahin ito upang huwag mabahiran ng kulay ang ginagawa nating pagtulong sa Mamamayan sa paraang magmukha itong isang paraan ng panunuhol sa mga tao na dumalo ng Pamamahayag o kaya ay magpatala para lamang tumanggap ng Lingap. Kapag nga naman ang isang tao ay nasalanta ng kalamidad, nawalan ng bahay, ari-arian at mga pangunahing pangangailangan, sa tingin ba ninyo na ang dahilan kaya sya papayag na dumalo ng Lingap Pamamahayag at magpatala na magpapadoktrina, ay dahil sa gusto nya talagang makinig ng salita ng Diyos at umanib sa Iglesia ni Cristo para matutunan ang mga dalisay na salita ng Diyos? “It doesn’t take a rocket scientist to put one and one together”. Ito ang dahilan kaya biglang pinalabas nila Ka Jun Santos ang Video Presentation nila sa lahat ng mga Lokal sa lahat ng Distrito ukol sa di-umanoy parada ng Tagumpay ng kasalukuyang Pamamahala dahil sa lubhang dami ng “sumampalataya” at nagpatala bilang dinudoktrinahan bilang resulta ng isinagawa nilang Lingap Pamamahayag. Subalit sa isang matalinong pagsusuri ng isang kapatid ay agad nyang makikita na ito ay isang maling panukat ng tagumpay. Bakit? Una, hindi ba’t ini-report nila sa INCTV, NET 25 at PASUGO na daan-daang libo ang nagpatalang dinudoktrinahan, mayroong mga Distrito ang nag-ulat pa nga na milyon ang kanilang naipatalang dinudoktrinahan. Kung totoong dumami ng lubha ang sumasampalataya, at libu-libo pa nga daw ang bilang ng dinu-doktrinahan ng ibang mga Ministro at Manggagawa at ito daw ay dahil sa pagiging matagumpay ng Lingap Pamamahayag.
TANONG: Saan nila dinudoktrinahan ang libu-libong bagong talang dinudoktrinahan pagkatapos ng Lingap Pamamahayag? Anong dako ng gawain nagkasya ang ganung bilang ng dinudoktrinahan? At saan sumasamba ang mga dinudoktrinahang iyon? Mayroon ba silang ibinalita na “Humiling na po kami sa Pamamahala na madagdagan na po kami ng oras at araw ng pagsamba dito sa aming Lokal dahil hindi na po kasya ang bilang ng mga sumasambang dinudoktrinahan sa kasalukuyang bilang ng mga kaanib na regular na sumasamba sa Lokal. Umaapaw na po at abot na hanggang kalye ang mga sumasamba…” Bakit walang ganung mga pag-uulat? Dahil mali ang kanilang ginawang pamantayan ng tagumpay. Hindi naman talaga sumasampalataya ang mga itinala nilang dinudoktrinahan kundi mga naki-ayon na lamang sa kanilang kagustuhan dahil sa pakinabang na makatanggap ng Lingap na para bang nag-offer ka ng malamig na tubig sa isang taong naghihingalo sa matinding uhaw, kapag ganun nga naman ay kahit ano ay papayag sila, maibsan lang ang kanilang matinding pangangailangan. Kaya ano ang resulta pagkalipas ng anim na buwan pagkatapos ng mga Lingap Pamamahayag sa mga Distrito? Milyon milyon ba ang nabautismuhan? Hindi. Bakit? Sapagkat ng nawalan na ng pakinabang, ay libo-libo din silang nagsialisan at hindi na nagpatuloy, pinatunayan nyang mga mga daan daang R3-06 (Tumigil na Dinudoktrinahan/Sinusubok) na isinumite sa Tanggapan linggo-linggo.
Ano ang batayan daw sa Biblia ng isinagawa nilang Lingap Pamamahayag? Ang Panginoong Jesucristo daw ang unang gumawa nito ng siya ay nangangaral, pagkatapos ay nagkain sya ng tinapay at isda, nilingap daw ng Panginoong Jesucristo ang mga nakinig noon sa kaniyang pangangaral gaya din daw ng ginagawa natin ngayon. Subalit kung lalaliman lang natin ang ating pagsusuri ay mapagaalaman natin na noong naghimala ang Panginoong Jesucristo at nakapagpakain ng lubhang napakaraming tao, doon din nya nakita na marami ang sumusunod sa kaniya hindi dahil sa sumasamapalataya kundi dahil sa pakinabang “Juan 6:26 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako’y inyong hinahanap, hindi sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo’y nagsikain ng tinapay, at kayo’y nangabusog” at ang naging bunga nito ay tumigil din sila dahil sa hindi naman talaga sila sumasampalataya “Juan 6:64 at 66 Datapuwa’t may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka’t talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya’y magkakanulo… Dahil dito’y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya”.
Kaya maging noon pa man ay alam na natin kung ano ang naging resulta ng ganyang uri ng pagpapalaganap, lilikha lamang ng mga matitisurin na kapatid at tiyak na hindi makapananatili lalo nga kung wala na yung pakinabang. Alam ito ng lahat ng mga Tagapangasiwa ng Distrito na tinatakdaan ng Ka Jun Santos ng Lingap Pamamahayag sa kanilang Distrito, ito ay lubhang kinayayamutan nila dahil alam na nila kung ano ang magiging bunga nito. Siyasatin ninyo ang records ng lahat ng mga Distritong dinaanan ng Lingap Pamamahayag (dito sa Pilipinas at maging sa abroad) at makikita ninyong lahat ng pondo ng Distrito ay lanos, walang natira, at lumalabas ay nagkautang pa sila sa Tanggapan ng Ka Jun Santos dahil lahat ng ginamit na gastusin sa pagbayad sa lugar na gagamitin, mga stante at barricade, mga scaffoldings, mga soundsystem, LED Monitors, mga bigas, sardinas,noodles, maging ang plastic na paglalagyan ng “goodies” ay bayad ng Distrito. Sa isang Lingap Pamamahayag sa QC Circle, yun lang ginamit na scaffolding nagkakahalaga na ng Php 30 Million. At kapag hindi kaya ng pondo ng Distrito ay “magpapaluwal” muna ang Central (Tanggapan ng Ka Jun) kaya tuloy, pagkatapos ng Lingap Pamamahayag, naubos na ang pondo ng Distrito, may utang ka pa kay Ka Jun Santos na pagbabayaran nyo sa pamamagitan ng walang habas na Tanginging Handugan para sa Distrito para lang mabayaran. Isipin na lang ninyo kung magkano ang ginugol sa iba pang ginamit, pagkatapos ay magbubunga lang pala ng “show of numbers”, kaya sa milyun-milyong ginastos ng Iglesia, napakaliit lang ng “actual result” na mga tunay na mananampalatayang bunga. Subalit takot ang mga Tagapangasiwa na humindi o tumanggi sa Ka Jun kapag natokahan na sila na pagsasagawaan ng Lingap Pamamahayag. Talagang ginawang “income generating scheme” ng Ka Jun ang Lingap Pamamahayag dahil sa lahat ng mga bibilhin mula sa plastic bag na may tatak na Lingap Pamamahayag, Bigas na kukunin sa malaking supplier, Sardinas, Noodles, Pagkain hanggang sa Trucking na magdedeliver ng mga Goodies na ito, ay may kita ang Sanggunian sa pamamagitan ng Suppliers at Contractors nila na humahawak ng Lingap Pamamahayag. LEGITAMATE BUSINESS-GENERATING EVENT.
Hanggang kailan nila lolokohin ang Tagapamahalang Pangkalahatan at ang buong Iglesia na ito nga ay totoong parada ng mga tagumpay samantalang walang kabuluhan ang mga Guiness Records na pinupunterya nila tuwing maglilingap pamamahayag sila. Maliit din lang ang bahagdan (percentage) ng mga nagiging tunay na bunga ng Lingap Pamamahayag at di hamak na mas mataas ang bahagdan ng hindi nakapagpapatuloy hanggang sa pagbabautismo. Inuubos lamang nityo ang pondo ng Iglesia dahil nagugugol ito ng hindi maayos at nagiging paraan lang para makinabang ang ilang tiwaling Ministro sa ganitong mga aktibidad. Ito ang isa sa masasamang bunga ng sinumulang sakupin ng Ka Jun Santos ang Kagawaran ng Pagpapalaganap at ng simula niyang isipin na ang pagpapalaganap pala ay napakagandang pagkakitaan.
At ngayon gaya ng naitagubilin na sa amin ng Ka Jun Santos sa pamamagitan ng WEBEX noong nasa Japan sya, na mayroon na namang isasagawang PINAKAMALAKING EVANGELICAL MISSION SA BUONG MUNDO. Buong galak niya itong itinagubilin, subalit mapapansin ninyong wala siyang binabanggit na Tanging Handugan (kasasabi nya lang kasi na di bankarote at walang anomalya sa Iglesia) SUBALIT ilang beses nyang binanggit na mayroon pa raw tayong ilang buwan para paghandaan ang malalaking GASTUSIN, mga sasakyang gagamitin etc. Nagngingitian nga ang mga Ministrong nakikinig sa kaniya noon eh, ang usap usapan nila, “Uy kunwari pa si JS na nagpipigil pang sabihing may Tanging Handugan na naman para dyan, pero panay naman ang parinig na malaki ang gagastusin…hay style mo…” (di bale antabayanan nyo po ang Part 2 at Part 3 ng talumpati ni Ka Glicerio B. Santos Jr. sa WEBEX sa mga susunod na araw)
THIS IS THE PROBLEM WHEN BUSINESSMAN STARTS TO THINK HE’S A GOOD MINISTER OR WHEN A MINISTER STARTS TO THINK HE’S A GOOD BUSINESSMAN.
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: [email protected]
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
You must be logged in to post a comment.