INILILIGAW NG SANGGUNIAN ANG KAWAN
Dahil sa hindi na malaman ng Sanggunian kung papaano dedepensahan ang sarili at itutuwid ang kanilang mga maling hakbang ay nagpapalabas sila ng mga maling impormasyon upang guluhin ang tunay na issue at iligaw ang mga kapatid sa tunay na dahilan ng matinding problema ngayon sa Iglesia.
Sinasabi nila na ang kapatid na Angel Manalo, ang kaniyang ina, ang kapatid na Tenny, at ang kaniyang kapatid na si kapatid na Lottie Hemedez ay naglulunsad ng “power struggle” upang agawin ang Pamamahala sa Iglesia kay kapatid Eduardo Manalo, at hindi na nila naisip na kung iyon ang layunin ng pamilya ng kapatid na Erdy, dapat sana ay nanawagan na lang sila sa mula’t mula pa na bumaba ang kapatid na Eduardo. Subalit, mula pa nang mamahala ang kapatid na Eduardo ay walang ganoong panawagan ang pamilya ng ka Erdy. Hinahamon ko po ang Sanggunian na maglabas ng katunayan na may ganoong panawagan ang pamilya ng ka Erdy. Sa halip, ang naririnig at napapanood natin tungkol sa kanila ay ang labis na paghahangad na makausap nila ang kapatid na Eduardo (may mga katunayan). Na mahal nila ang kapatid na Eduardo at ang layunin nila bilang pamilya rin ng kapatid na Eduardo at mga nagmamalasakit sa Iglesia ay tulad din ng hinahangad ng maraming mga kapatid, ang maihayag ang maraming katiwalian ng Sanggunian sa pangunguna ni kapatidd na Glicerio B. Santos at ng ilan nilang lihim na mga kasabuwat. Gayunpaman, patuloy silang gumagawa ng kaparaanan upang mahadlangan ang pagtatagpo at pag-uusap ng pamilya. Ano kaya ang tunay na dahilan?
Pinalilitaw ng Sanggunian na prinuprotektahan nila ang Tagapamahala subalit ang totoo, ang kanilang prinuprotektahan ay ang sarili nilang interest at ang maaaring mangyari sa kanila kapag lubusan nang nahayag ang kanilang mga korupsiyon at katiwalian at inalis na sila ng Diyos sa tungkulin. Paulit-ulit ko nang inihayag kalakip ang matibay na mga ebidensiya ang mga korupsiyon at katiwaliang kanilang ginagawa, subalit sa halip na ito ay kanilang saguting isa-isa at ipaliwanag ay lalo nila akong tinutugis sukdulang pagbintangan at parusahan ang mga walang kasalanan. Salamat sa Diyos sapagkat hindi Niya ako ipinahihintulot na mahulog sa mga kamay ng Sanggunian. Mahirap talagang ipaliwanag at pasinungalingan ang katotohanan gaano man sila kagaling sa pagsisinungaling at tulungan man sila ng kanilang “ama.” Kaya nga ang lagi nalang nilang sinasabi ay “hindi totoo iyan, nasaan ang ebidensiya?”
Dapat sana ay matagal nang tapos ang problema kung napatunayan lang nila na hindi totoo ang “akusasyon” sa kanila. Ganoon kasimple iyon, sapagkat ang mga kapatid ay marunong tumimbang, kumilatis at pumanig sa katotohanan. Pero hindi ito ang nasa isipan nilang lunas. Ang iniisip nilang epektibong solusyon ay ang takutin ng takutin ang mga ministro, manggagawa at mga kapatid at patunayan ito sa pamamagitan ng kabi-kabilang pagtitiwalag. Nalimutan na nila ang babala ng Diyos na sisingilin sa kanilang mga kamay ang kamatayan ng mga lingkod ng Diyos dahil sa kanilang kapabayaan. Baka sabihin nilang hindi nila pinababayaan ang Iglesia, katunayan ay lagi silang nagbibigay ng babala. Anong babala? Na ititiwalag ang kumikwestiyon sa kanilang katiwalian at gawan sila ng masama? Kung tunay na hindi nila pinababayaan ang Iglesia, bakit hindi sila magpaliwanag upang maalis ang mga alinlangan at wala nang mahiwalay pa?
Sa layunin din nilang mapagtakpan ang kanilang sapilitang pagkuha kay kapatid na Lowell Menorca, Jr. ay pina-interview nila siya sa GMA subalit halatang may itinatago sila sapagkat ang abogadong si Alen Boy at ilang nakapaligid sa kanila ay tinitiyak na ang sasabihin lamang ni Lowell ay ang gusto nilang sabihin. Bakas pa rin sa mukha ni kapatid Lowell ang takot at pangamba. Bakit hindi agad nila nailabas si kapatid na Lowell? Paanong napunta si kapatid na Lowell na nakadestino sa Sorsogon sa Dasmariñas, Cavite at bigla na lang nagkakaso ng illegal posession of explosive. Ang interview ay sa loob pa rin ng compound na pag-aari ng Iglesia. Bakit hindi nila magawang ilabas ang buong pamilya at pagsalitain sa harap ng iba’t ibang Media personalities at camera at sa harap nila ay pakawalan at pasubaybayan sila sa Media at bayaang magtungo sa isang safe at neutral na dako. Mas mabuti siguro sa DOJ o kay Seceretary De Lima. Tiyak ko na kung ito ay kanilang gagawin ay matatapos ang lahat ng problema and they will be able to redeem themselves. Di po ba napakasimple lang ng solusyon? Why make it so complicated? Sapagkat ang Sanggunian ay mahilig gumawa ng mga script na hindi kapani-paniwala.
Samantala, sinikap ng mga taga-ABS-CBN na mainterview ang kapatid na Minda Menorca, ina ni kapatid na Lowell subalit ano ang naging sagot ng mga mahihigpit na guwardiya na lalong naghahayag na something’s fishy? Hindi raw puwede at ng tanungin kung bakit hindi puwede? Ang sagot ay matunog na matunog na “may bilin sa amin.” Kung nagawa nilang payagan na mag-interview ang GMA kay kapatid na Lowell, bakit hindi nila maipainterview ang kaniyang ina at pamilya? Ngayon ay may kilusan na i-boycott ng mga kapatid ang ABS-CBN. Paano kaya sila magtatagumpay ay napakaraming mga kapatid na sumusubaybay sa “Nathaniel” at “Pangako sa iyo”? Sana ang kilusang ito ay hindi galing sa Sanggunian sapagkat kung ito’y galing sa kanila ay lalong mahahayag ang kanilang pagiging desperado. Na gagawin nila ang lahat para mapagtakpan lang ang kanilang katiwalian at kapalpakan.
Bawat hakbang na gawin ng Sanggunian ay lalong nagbabaon sa kanila sa kamalian. Para silang nasa kumunoy na sa bawat pagkilos at galaw nila ay lalo sila lumulubog. Dapat na silang matawagan ng pansin. Inihahayag na sila ng Diyos sa pamamagitan ng sunod-sunod na mga pagkakamali. Nililitis na sila sa harap ng bayan ng Diyos. Alam natin ang kasunod ng paglilitis—ang kaparusahan. AMA, MAAWA KA PO SA IYONG IGLESIA!
-Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Official Websites: http://www.incdefenders.org/
Http://www.iglesianicristosilentnomore.org
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Email: INCDefendersSilentNoMore@gmail.com
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incdefenders

Pano ako maniniwala sa sabing *hostage po kami* *tulungan nyo kami* tapos bigla sasabihin may batang nagbibiro? Ginagawa nyong tanga ang mga sarili nyo. Nakita ko sa facebook nyo na minsan ay may nagcomment with picture of Angel Manalo that says “ito ang dapat na namamahala”. Panong di iisipin na gusto nyo lang maalis ang taga pangasiwa? Huwag nyo gawing tanga ang lahat ng bumabasa sa mga artikulo nyo. Kung talagang sa Diyos ang hangarin nyo…hindi sa ganyang paraan ang gagawin nyong pagmamalasakit. Maawa kayo sa sarili nyong kaluluwa. Ngayon pa lang, nakaschedule nang susunugin.
The only solution and option will be painful but that’s the only hope we have. That God will SOON replace brother Eduardo Manalo with a new leader. The present leader is a very corrupt and dangerous one, even more worst than Hitler. Hitler actually kills thousands if not millions but he only kills ones physical nature. What worst with EVM is that he kills ones souls, faiths and the most importants things he kills is our right and privileges to remain members of the INC, which is our only wealth and hope to be save come judgement day.
I pray and ask that the Lord God will place Angel Manalo as the new Executive Minister of the Iglesia ni Cristo. I know and believe it will come SOON.
Gusto ko man magpatuloy sa pagsamba, kung pinamumunuan ng ganitong sanggunian, pano paghaharian ng banal na espiritu ang pagsamba.
wala na akong kilalang ubod ng sinungaling .. ikaw na????????????kampon ni hudas
God Bless You Bro. Antonio Evangelista
Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, magbasa ka naman ng Biblia (pag may time) at intindihin mo ang iyong binabasa (all the time). Excerpt from Brother Joel V. San Pedro post. Please click the link to read more from him para maliwanagan kayo sa mga pangyayari sa Iglesia ngayon. Ito’y HINDI ISANG BAGONG BAGAY.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1452635401729558&id=100009493378034#!/joel.sanpedro
Joel V. San Pedro
A MOTHER’S CONCERN
It was about that time that the mother of the Zebedee brothers came with her two sons and knelt before Jesus with a request.
“What do you want?” Jesus asked.
She said, “Give your word that these two sons of mine will be awarded the highest places of honor in your kingdom, one at your right hand, one at your left hand.”
Jesus responded, “You have no idea what you’re asking.” And he said to James and John, “Are you capable of drinking the cup that I’m about to drink?”
They said, “Sure, why not?”
Jesus said, “Come to think of it, you are going to drink my cup. But as to awarding places of honor, that’s none of my business. My Father is taking care of that.” (Matthew 20:20-23, The Message)
THE TRUE BROTHER, SISTER AND MOTHER OF OUR LORD JESUS CHRIST
Matthew 12:47-50:
Someone told Jesus, “Your mother and brothers are out here, wanting to speak with you.” Jesus didn’t respond directly, but said, “Who do you think my mother and brothers are?” He then stretched out his hand toward his disciples. “Look closely. These are my mother and brothers. Obedience is thicker than blood. The person who obeys my heavenly Father’s will is my brother and sister and mother.”
Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, anong karapatan mong mangaral ngayong nasa labas ka na ng Iglesia? Basahin mo ang post ni kapatid na Jose Ventilacion. Sana matauhan ka at mag isip-isip muna pag may time.
https://www.facebook.com/#!/profile.php?id=100009493378034&fref=nf&pnref=story
Ang tingin at pananaw ko sa ilang mga ministro at mga kaanib na tumalikod sa pananampalataya
Nitong mga nakaraang araw ay nakita natin at narinig ang ilang mga ministro na ginamit ang social media upang bumitiw sa tungkulin bilang ministro. Nabasa din natin ang kanilang mga dahilan kung bakit nila ito ginawa. Gayunpaman, bagama’t ang kanilang mga pangangatuwiran sa pag-urong ay magkakaiba, lahat ng ito ay nauuwi lamang sa iisang konklusyon: hindi sila naniniwala na ang Iglesia Ni Cristo ay sa Diyos at si Kapatid na Felix Y. Manalo ay Sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang kanilang pagtalikod sa pananampalataya at paglisan o pag-urong sa ministeryo ay nagpapakita ng kanilang mababaw na pagkakilala sa karapatan ng Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia.
Hindi na tayo nagtataka na sa panahong ito ay may mga ministro gaya ni Louie Cayabyab na ginamit ang tribuna upang ipahayag ang kaniyang pag-urong sa ministeryo. Hindi na ito isang bagong bagay dahil sa noon pa mang una ay ginawa na rin ito nina Teofilo Ora at ng kaniyang mga kasama nang sila ay maghimagsik laban kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Maging sa panahon ng pamamahala ng Kapatid na Eraño G. Manalo ay naghimagsik ang mga katulad nina Lucio Silvestre at Berting Pajanel na nagtatag pa ng kanilang sariling relihiyon.
Hindi ako magtataka kung ang mga ministrong ito na itiniwalag sa Iglesia ay lilitaw at mangangaral ng ibang iglesia o kaya ay gagamitin ang pangalan ng tunay na Iglesia upang ipahayag ang kanilang mga likong isipan at maling paniniwala. Ang ibang mga natiwalag noon ay umanib sa ibang iglesia gaya nina Raymundo Mansilungan at ang iba na nagdilim ay nangaral pa na ang ating Panginoong JesuCristo ay tunay na Diyos daw. Kung sakaling sa darating na panahon ay muli ninyo silang makakaharap, ang unang bagay na dapat ninyong itanong sa kanila ay ang kanilang karapatan. Ano ang kanilang karapatan o awtoridad sa pangangaral? Saan galing at paano nila tinamo ang karapatang ito sa pangangaral?
Ang mga tunay na ministro sa Iglesia Ni Cristo ay natamo ang karapatan sa pangangaral mula sa karapatan na ipinagkaloob ng Diyos kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Malinaw na pinatutunayan ng mga hula na nakasulat sa Biblia ang kahalalan at karapatan ni Kapatid na Felix Y. Manalo sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang isa sa mga hulang ito ay nakasulat sa Apocalipsis 7:2-3 ukol sa “ibang anghel” at mga kasama niyang “magtatatak” sa mga alipin ng ating Diyos. Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ito ay itinatatak sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo at tinatanggap ito ng pinangaralan kapag sinampalatayanan ang ebanghelyo ayon sa Efeso 1:13.
Sinasampalatayan natin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang katuparan ng hinuhulaang “anghel” o “Sugo” na magmumula sa Silangan na magtatatak o mangangaral ng ebanghelyo na kalakip ang Espiritu Santo. Ang karapatang ito na ipinagkaloob ng Diyos sa kaniya ay natamo rin ng mga ministro na sumampalataya sa kaniyang kahalalan at naging kasama niya sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo. Kaya, bagama’t maraming mga nangangaral sa panahon natin, ang mga sugo lamang ng Diyos sa pangalan ni Cristo ang siyang mga nagsasalita para sa Diyos at mga nangangasiwa ng pakikipagkasundo ng tao sa Diyos ayon sa 2 Corinto 5:18-20.
Kaya kung ang mga natiwalag na mga ministro ay lilitaw at magsimulang mangaral, dapat natin silang tanungin: “Mula kanino ninyo tinamo o kinuha ang karapatan sa pangangaral”? Ang mga nangangaral bang ito na wala na sa Iglesia ay may karapatan pang mangaral sa atin? Sa palagay ba ninyo ay may dalang katotohanan ang mga taong sinira ang kanilang pananampalataya gaya nina Himineo at Alejandro na kapuwa ibinigay kay Satanas? May dala ba silang katotohanan na maghahatid sa tao sa kaligtasan?
Ayon sa Biblia, ang Pamamahala ay inilagay ng Diyos sa Iglesia upang magpahayag ng Kaniyang mga salita (Colosas 1:25). Kung hindi sila nakaugnay sa Pamamahala, papaano sila magiging kaugnay ni Cristo at higit sa lahat ay paano sila magiging kaugnay ng Diyos? Tandaan natin ang ipinahayag ng ating Panginoong JesuCristo: “sinuman na tumatanggap sa sinugo ko ay ako ang tinatanggap, at sinumang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang Ama na nagsugo sa akin” (Juan 13:20 NLT).
Ang mga hindi tunay na tagapangaral ay may gagawing malaking gampanin: dapat nilang ipakilala ang tao na kinikilala nilang sugo ni Cristo at sa kaniya sila nakaugnay upang maugnay sila kay Cristo at sa Diyos. Subali’t ngayon pa lamang ay hindi na nila magagawa ang napakalaking hamong ito sapagka’t wala nang susunod na gawaing pagliligtas sa gawaing sinimulan ni Kapatid na Felix Y. Manalo dahil ang kasunod nito ay Araw na ng Paghuhukom ayon sa Apocalipsis 14:9-16.
Kaya kanino tutungo at makikipag-ugnay ang mga tumalikod na ministro gaya nina Louie Cayabyab upang tumanggap ng buhay na walang hanggan? Ang tanong na ito ay nakakatulad ng itinanong ni Apostol Pedro kay Cristo nang siya at ang kaniyang mga kasama ay tinanong “nais ba ninyong magsialis din naman?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Nasa iyo ang mga salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan at kami ay sumasampalataya na ikaw ang Banal ng Diyos” (Juan 6:67-69 NLT).
Ang paghiwalay sa Iglesia ni Cristo ay katumbas ng paghiwalay kay Cristo sapagka’t si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay iisa (Colosas 1:18; Efeso 2:15). Ang Iglesia ang may kaugnayan kay Cristo ayon sa Efeso 5:30-32 MB. Kung ang isang tao ay wala sa Iglesia, wala siyang kaugnayan kay Cristo sapagka’t ang mga nasa labas ng Iglesia ay walang pag-asa sa kaligtasan at walang Diyos (Efeso 2:11-12 NPV).
Kaya ang mga taong tumalikod mula sa tunay na Iglesia ay dapat na magsikap na makabalik sa tunay na pananampalataya. Dapat din silang sumampalataya sa Diyos katulad ng ginawa ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Sumampalataya siya sa Diyos sa buong panahon ng kaniyang ministeryo. Hindi siya binayaan ng Diyos na nag-iisa at tayo ang mga buhay na saksi kung paano siya tinulungan ng Diyos. Ang pagtitiwala sa magagawa ng Diyos ang siya ring itinuro sa atin ng Kapatid na Eraño G. Manalo noong siya ay nabubuhay pa at ito rin ang patuloy na itinuturo sa atin ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Kaya ang tanong ko sa mga natiwalag na mga ministro at mga kapatid: “Saan manggagaling ang tulong na inaasahan ninyo lalo na ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa? Sino ang magbibigay sa inyo ng buhay na walang hanggan ngayong wala na kayo sa Iglesia”? Dili-dilihin ninyong mabuti ang mga bagay na ito dahil sa nakagawa kayo ng malaking pagkakamali nang lagutin ninyo ang inyong kaugnayan sa pumapatnubay sa inyo at umaakay sa inyo sa kaligtasan na walang iba kundi ang Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia (Colosas 1:25, 28-29).
Marami na tayong hinarap na mga problema sa nakaraan, hindi lamang mula sa labas kundi maging sa loob ng Iglesia. Naranasan natin ang mga pagsubok at mga pag-uusig. Pinabayaan ba tayo ng Diyos? Hindi ba tinupad ng Diyos ang Kaniyang mga pangako sa Sugo at sa buong Iglesia ayon sa Isaias 41:9-16? Mahina ba ang Diyos na nangako sa atin upang lunasan ang ating mga suliranin? Bakit sa halip na magtiwala sa Diyos ay pinanghawakan ninyo ang inyong pansariling karunungan at mahinang kakayahan upang lunasan ang diumano’y kasalukuyang suliranin ng Iglesia? Bakit hindi ninyo hinintay ang Diyos na kumilos upang lunasan ang suliranin? Mahirap ba para sa Diyos na lunasan ang sinasabi ninyong mga problema at mga panganib? Bakit sa halip na maghintay sa Diyos ay sa inyong mga kamay na mahihina at kakayahang pansarili ninyo nilunasan ang diumano’y mga suliranin ng Iglesia?
Ang Diyos ang may-ari ng Iglesia at Siya ang nag-aayos nito ayon sa Kaniyang minagaling (1 Corinto 12:18). Inilagay Niya ang Pamamahala sa Iglesia upang tayo ay pangunahan at akayin sa kaligtasan. Dapat sana ay sa Pamamahala ninyo idinulog ang inyong suliranin at hindi sa mga taga labas ng Iglesia na walang karapatan na humatol o magpasiya sa anumang sigalot ng mga magkakapatid sa Iglesia (1 Corinto 6:4-6 MB).
Sa kasalukuyang nagaganap ngayon, kailan kaya ninyo mararamdaman na ang ipinakikipaglaban ninyo ay mauuwi lang sa walang kabuluhan? Hindi kayo magtatagumpay laban sa Diyos na Siyang naglagay ng Pamamahala sa Iglesia (Colosas 1:25). Lumalabas ngayon na ang kinakalaban ninyo mismo ay ang Diyos kaya tiyak na hindi kayo magtatagumpay.
Tinatapos ko ang pagpapahayag na ito sa pamamagitan ng paghamon sa inyong lahat na isipin ninyong mabuti ang inyong kasalukuyang kalagayan at magbago kayo ng pag-iisip. Kung pipiliin pa rin ninyong makipaglaban sa Iglesia at sa Pamamahala, ako at ang milyong mga ministro, maytungkulin at mga kaanib sa buong mundo ay tiyak na maninindigan laban sa inyo! Hindi kayo mananaig sa amin dahil kasama namin ang Diyos na Siyang naglagay at naghalal kay Kapatid na EDUARDO V. MANALO bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia.
Buong-buo ang aming pagtitiwala sa kaniyang kakayahan bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng buong Iglesia dahil sa nakita naming pagtulong at basbas ng Diyos sa kaniyang pamamahala. Buong puso kaming susunod at patuloy na pasasakop sa kaniya dahil sa ito ang utos ng Diyos na nakasulat sa Hebreo 13:17. Kahit anuman ang mangyari sa buhay namin at sa mundo, patuloy kaming makikipagkaisa at hindi kami tatalikod sa pananampalataya dahil ito ang sinumpaan namin sa Diyos nang kami ay hirangin Niya sa loob ng banal na Iglesia at sa ministeryong pinaglagyan Niya sa amin.
Idinadalangin naming lagi sa Diyos na pagkalooban siya ng ibayong kapangyarihan at natatanging karunungan upang patuloy niyang mapangunahan at maakay kami sa mahirap at mapanganib na paglalakbay upang makarating kami sa piling ng Ama at manirahan sa bayang banal.
Mr. Ebanghelista, i call you Mr not Brother kasi tiwalag ka na sa Iglesia. Isip-isip ka naman pag may time. The true brother, sister and mother of our Lor Jesus. Excerpt from Kapatid Jose V. San Pedro.
Matthew 12:47-50:
Someone told Jesus, “Your mother and brothers are out here, wanting to speak with you.” Jesus didn’t respond directly, but said, “Who do you think my mother and brothers are?” He then stretched out his hand toward his disciples. “Look closely. These are my mother and brothers. Obedience is thicker than blood. The person who obeys my heavenly Father’s will is my brother and sister and mother.”
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
madali lang yan bro, 6, months lang. dumalo ka sa pagsamba pero sa gate lang muna
Kung sino ka man Antonio Ebangelista, saludo ako sa iyo, pero mas lalo akong hahanga sa iyo kung aalis ka diyan at mananawagan ka sa mga kasama na umalis sa mali-maling turo ng mga ministro diyan. Alam mo ang bulok diyan matagal na, bakit nanatili ka pa rin sa mali?, bakit parang gusto mo pang malinis ang isang matagal ng marumi sa iglesiang iyan. Doktrina pa lang ninyo marami ng mali, kung malinis ang hangarin mo kumilos ka at manawagan ka sa mga kasama mo na kayo ay niloloko lang ng mga namumuno sa inyo. Ayaw lang ninyong pansinin ang isang taong halos itaya na ang kanyang buhay ,para magising lang kayo sa katotohanan na ang inaaniban ay isang negosyo lang at kayo ang kanilang puhunan. Kung talagang sa Dios kayo, dapat hindi malupit sa tao, sa kanilang kapatid ang iglesyang iyan, may nauna na sa iyo Mr Antonio Ebangelista, may nagexposed na niyan noon pa, hinamon nga niya ng debate, ngunit ayaw nganh lumaban eh, kasi wala nman talagang alam sa biblia iyong punong pangkalahatan ninyo, hanggang sa nakamatayan na nga, hindi ba? Kung nagkamali ako ng sinabi handa ako na makinig sa iyo at patutunayan ko hindi sa Dios ang samahang iyan. Marami ng namatay at marami ng pinahirapang tao iyan iglesiang yan. Patawarin ako ng Dios, ngunit iyan ay hayag na, hindi lang ninyo pinapansin, kasi hindi kayo nagsusuri noon.
Hindi kaya kayo nalulubog sa kumonoy sa bawat hakbang at patuloy kayong nahuhulog sa kamalian. Sa umpisa palang ay hinayaan na kayo ng Ama na magkamali, sa paanong paraan?
1. Ng may naglabas ng mga mensahe sa EGM house na sila ka Angel Manalo ay na-hostage daw.
2. Ng pinabulaanan na ito ay gawa-gawa ng bata? Tignan nyo ang mga larawan, kamay ba iyon ng bata?
3. Ng umasa kayo sa media ng pilipinas sa halip na ibaling ninyo ang inyong pag-asa sa magagawa ng Ama. Alam na alam ninyo na hindi patas ang media dito sa ating bansa at sila ay nandinyan para makakuha ng endorser sa kanilang TV networks hindi para maghatid ng tapat na balita.
4. At ang patuloy nyo na paghihimagsik laban sa pamamahala sa kabila ng wala naman kayong katibayan na mayroong nagaganap na kurapsyon.
5. Ang patuloy nyong pag hikayat sa maraming kapatid na magkaroon ng pagkakabaha-bahagi na nag dudulot ng madaming hapis sa mga kapatid, sa Iglesia at higit sa lahat sa Dios.
This can be found in You Tube::: FEt_rAgIBbg
Fallen Angel 1 hour ago
+Lese Wong FYI I am not new in the internet.I am old enough and experienced things already..I do read the info posted in the internet but after reading you must learn to balance if what you have read is correct and have factual basis..please don’t judge right way, you have to hear both sides, I am just wondering why you people keep on touching things which are not yours..If you were on our shoes you will feel the same and maybe will say more…
as i have told you, stay away…keep distance..and shut your mouth. things that you will say and were said before will not do any good.
Show less
Reply ·
Lese Wong 1 second ago
+Fallen Angel Nice! is that your own opinion? please read carefully what i have written, it is about opening the mind of the people so they will not be following blindly. they should not be scared in search of the truth. Bullies should not have place here. This church used to be operating in a pristine condition, a Church that grandparents, friends, and employees are proud of. Suddenly it shocked the world when the its secrets operation divulged… If you are part of them, i would understand your point, but if not, you must allow the members of INC to find out the truth and decide for themselves.
Don’t sell your soul to the devil, because in the end when leaders have to run away , you and INC members will be left behind. you people must find out if INC bank vault is not empty. This is not hallucination, it is happening everywhere, when people starts claiming for their gold, it cannot be retrieved. One of your leader was asked about the Airbus parked in Cayman Island, and he said he do not know about it. That is very alarming!
One billion pesos donation every week is huge! and it is cash.. hard to trace those money whenever stolen. You maybe left with complete records, but where is the actual money? you must ask yourself, unless you are one of the leader.
Show less
di ka na pala updated! Sorry ka na lang at mali-mali na ang mga info mo ay late na late pa.
More!!!!
Mabuhay ka ka AE!
Ka Antonio – sigue tuloy-tuloy ang expose. Nakikinig kami sa iyo!!!
totoo po ba na may nilagdaang salaysay ang ka erdy na ang susunod na mamahala sa inc pagkatapos ng ka eduardo ay ang bunso nyang kapatid na si ka mark? kung totoo po paano ito papalit kung itiniwalag na ito? at bakit po sinasabi nila na aagwin ng mga ka angel ang pwesto sa pamamahala kung gAyong meron na nmng kasulatan ang ka erdy na susunod sa pamamahala ay ang ka mark.
Reblogged this on From a Faithful's Eyes and commented:
“And no wonder, for even Satan disguises himself as an angel of light. So it is no surprise if his servants, also, disguise themselves as servants of righteousness. Their end will correspond to their deeds.”
2 Corinthians 11:14-15
Di ko ibo-boycott ang ABS-CBN kapatid…paborito kong panuorin si Ka Gus, Ka Tonying… sa DZMM teleradyo, si Ka Tonying pa rin, Ka Gerry Baja, Kapatid na reporter, Zander Cayabyab (is he related to Ka Louie?). Lalo po akong manunuod kapag marami pa akong malalamang mga kapatid sa ABS-CBN.