VOICE OF NON-BRETHREN: EYE-WITNESS AT THE COURT OF APPEALS
=============================================================
Dear Mr. Ebangelista,
Gusto ko po munang malaman ninyo na ako ay hindi kamiyembro ninyo sa Iglesia. Ako ay isang empleyado sa Court of Appeals at isang katoliko. Marami akong mga kaibigan at mga kamag-anak na kasapi sa relihiyon ninyo kaya hindi na bago sa akin ang tungkol sa mga aral ninyo, nakadalo na rin ako ng mga bible expositions ninyo. Kaya ako sumulat sa inyo ay dahil ako at ang aking buong pamilya ay lubhang nababahala na sa usaping ito tungkol sa di-umanoy pagpapadukot at pagpapakulong ng pamunuan ng iglesia ni cristo sa mismong mga ministro pa nila. Wala akong kinikilingan o pinapanigan. Dito sa opisina ay sinusubaybayan namin ang bawat hearing ng pamunuan ng inc at ang kampo ni menorca maging sa TV at newspaper dahil gusto naming malaman kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo.
Dito sa CA, obvious na obvious sa amin na napakalaki ng tinatago ng pamunuan ng iglesia para katakutan nila ng ganun na lamang ang isang tao gaya ni Menorca. Dahil kung wala silang tinatago edi bakit ganun na lamang ang laki at dami ng mga bigating abogado ang kinuha nila na alam naman naming lahat kung gaano kalaking pera ang kailangan para bayaran ang lahat ng iyon samantalang alam naman ng lahat na may sariling departamento ang inc para lang sa legal, ang kilala kong head ng legal nyo ay si Atty. Restitutu Lazaro at nakita ko nga sya minsan dito. Sa tinagal tagal namin dito, kalibre pa lang at pamamaraan ng mga abogado ay mahahalata mo na kung sino ang inosente at sino ang may pinagtatakpan. At sa takbo ng ginagawa ng kampo ni Mr. Manalo, halatang halata na nagkukumahog ang mga abogado nila ng paghahanap ng lahat ng uri ng teknikalidad para maharang o mapigilan na makapagsalita si Mr. Menorca. Nandun ako nung isinalang na si Mr. Menorca at nakita ko kung paanong hanggang pangalan at edad lamang ang kanilang pinayagang masabi nya pagkatapos ay sunod-sunod ng objections ang ibinanat nila. Sa panig namin na hindi miyembro ng INC, gusto naming maliwanagan ang mga isyu na ito dahil masyadong maimpluwensya ang INC at pati dito sa Court of Appeals ay ang dami nilang pinagagapang na mga tao nila upang kumalap ng suporta at hindi ito makakaila ng mga tao dito. Gaya ni Vinluan, alam naming lahat na retired na sya sa private practice pero sa tindi marahil ng pera na isinubo sa kaniya ay bigla syang bumangon muli sa pagiging retirado at ngayon ay kasama na sa binabayarang mga abogado ng INC. Natatawa kami ng siya na ang nagsalita at bigla ba naman nyang gustong ipabasura ang buong affidavit ni Mr. menorca, sa madaling salita, sa halip na ilabas ang katotohanan o patunayan na nagsisinungaling si mr. Menorca, ang kanilang gusto ay huwag ng papagsalitain mismo si Mr. Menorca. At pilit na minamaliit ni Atty. Vinluan ang pagkatao ni Mr. Menorca na sya daw ay walang personalidad o awtoridad na magsalita ukol sa mga bagay sa INC at siniraan na nila agad ang Affidavit nya na napakahaba daw at para tele-serye at meron pa daw bahagi ng drama na nakakaiyak. Sa akin lang naman, sa akin man siguro gawin at pagpapakidnap at tangkang pagpapatay et ilegal na detensyon eh tyak na maluluha din ako sa kinasapitan ko. At inakusahan pa niya si Mr. Menorca na scripted daw ang kaniyang affidavit samantalang si Atty. Vinluan ang nauutal-utal sa pagsasalita dahil di nya mabasa ng maayos yung binabasa nya kaya tuloy sya ang nagmukhang nagbabasa lamang ng script. Nanggagalaiti si Atty. Vinluan sa kaniyang pagsasalita at ang yabang yabang pa nya na utusan ang mga hukom na ibasura ang affidavit ni Mr. Menorca kaya para syang batang nanahimik ng biglang binaril ng hukom ang kaniyang mungkahi na pagbasura sa affidavit ni Mr. Menorca. Natatandaan ko ang sinabi ng mga Justice noong nakaraang hearing na “We are after the truth after all” kaya nila pinayagan na tanggapin ang affidavit ni Mr. Menorca kahit na late na ng submission at pilit na pilit na harangin ng kampo nila Atty. Prodigalidad upang huwag ng tanggapin ng korte, dun pa lang halatang halata na sila at kulang na lang sigawan sya ng judge sa pinaggagagawa niya, kaya di rin sila pinayagan ng judge at pagkatapos ngayon ipapabasura na naman nila.
Ng hindi umubra yung unang plano nila na pagpapabasura sa affidavit ni Mr. Menorca, nakialam na si Atty. Trina Prodigalidad at sinabing may mga objection daw sila sa affidavit ni Mr. Menorca. Ang tagal ng mga pinagsasasabi ni Atty. kaya nainis na ang mga hukom, isa-isa na silang nagsalita at sinabing mag-cross examination na sila at magtanong na sa witness at ang mga hukom na ang magsasabi ko ano ang ruling nila sa mga objections. Halatang halatang takot na takot ang mga abogado ng INC na makalusot na makapagsalita si Mr. Menorca kaya lahat na yata ng teknikalidad ay ginamit nila para lang maipilit ang gusto nila.Pinagmamasdan ko nga si Mr. Menorca habang nakaupo sya sa witness stand dahil sa pinagmamasdan sya ng mga justices na para bagang gustong gusto na nilang marinig kung ano ang sasabihin nya, kalmado lang si Mr. menorca at nangingiti na lang sya sa mga pinagsasabi nila Atty. Vinluan at Prodigalidad. Sa inis na marahil ng mga justice kay Atty. Prodigalidad, pinabilang na nila kung ilan ang mga objections nila, nagbulungan ang mga tao ng marinig nila na 117 pala ang mga objections. Dito ko nahalata na talagang napakalaki ng itinatago nitong mga abogado na ito para magkumahog silang ipagpilitan ang mga objections nila na kung tutuusin, wala sino man sa amin na mga di miyembro ng Iglesia ang masasabing experto ukol sa INC dahil iba talaga ang kultura ninyo, iba ang pamamaraan ninyo, may sarili kayong administrasyon, may sarili kayong paraan ng pagpaparusa, kaya pano namin mai-aaply ang sarili naming pagkaunawa eh hindi naman tayo magkapareho. kaya gustong marinig ng buong mundo ang sasabihin ni Menorca ng buo at walang kulang para makita namin ang mundo at kultura ng inc at ng mga ministro nito. Sana naman ay huwag isipin ng mga liderato ng INC at ng kanilang mga binayarang abogado na bobo ang mga hukom, na hindi napapansin ng mga hukom ang ginagawa nila at mga taktika nila. Ang totoo nga ay lalo lang nilang ipinahahalata na meron silang napakalaking kasalanan na pilit na pinatatago sa kanilang mga abogado.
Ang dasal ko lang, sana wag naman nilang kawawain si Mr. Menorca kasi sobra na ang pinagdaanan niya at ng kaniyang pamilya, sana ang liderato ng INC ang unang unang maghangad na ilabas ang katotohanan at ipakita nila sa mundo na wala silang itinatago at kung meron mang mapatunayang nagkasala, dapat ay nakahanda silang papanagutin ang mga ito at hindi pagtakpan pa. Diyan siguro makikita kung sino talaga ang matalino at magiting na lider. Sa amin nga, ang Papa namin, pinagsisibak ang mga pare na may anomalya, hindi nya pinagtatakpan at nakahanda sya sa pagbabago kung kinakailangan. Hindi natatakot na amining may pagkakamali dahil ang mahalaga ay hinaharap ang mali at itinutuwid di ba? Sana matuto si Mr. Manalo nyo sa Papa, hindi naman masama na pulutin ang mabuti at itapon ang masama.
Sa karanasan namin, alam na namin ang ganitong mga taktika ng mga ACCRA, gagamitin nila ang kanilang pera at impluwensya para mapatagal ang kaso hanggang sa mamulubi si Mr. Menorca sa dami ng gastusin at gagamitin ng ACCRA ang kanilang impluwensya para impluwensyahan ang magiging takbo ng kasong ito, dyan kilala ang law firm na yan, hindi sa galing nila sa abogasya, kundi sa resulta sila, kahit na madumi ang paraan na gagawin nila, basta resulta, yan ang binabayaran ng mahal sa kanila at alam yan ng lahat ng nasa propesyon ng abogasya at hustisya. Pero sa palagay ko, dito masisira ang pangalan ng ACCRA.
Kami ng mga ksama ko sa opisina, minsa na padaan kami sa holding area ni Mr. Menorca at nakita ko sya na akbay-akbay ang asawa niya at karga niya ang anak nila. Pinipilit kong basahin ang pagkatao niya dahil sa propesyon naming ito, isang tingin mo pa lang sa tao ay mababasa mo na kung guilty o innocent. Ni minsan hindi pa ako nagkamali sa pakiramdam ko, bakas na bakas ko sa kanilang pamilya na nagsasabi sila ng totoo. Dahil ang isang Ama at ina na mahal na mahal ang isa’t-isa at ang kanilang nag-iisang anak, ay hindi maglalakas loob na ipakipagsapalaran ang kanilang buhay at kaligtasan para sa anu pa mang bagay, kahit pa sa pera. Mas mabuti pang manahimik na lang sila at magpakalayo kesa banggain ang makapangyarihang inc, pero nakikita ko ang kalinisan ng kanilang layunin na ilantad ang masama at dalhin sa pamantayan ng hustisya. Dahil sa batas, hindi pwedeng magtago ang mga ministro ng inc sa kanilang biblia, dahil susukatin sila batay sa mga batas na nilabag nila at papapanagutin sila kung sila man ay nagkasala. Sana rin tigilan na ni Atty. Prodigalidad ang pagsasabi ng na unfair daw sa mga kliyente nila yung gingawa ni Mr. Menorca, para kasing nakakaloko sila, unfair daw samantalang ang buong pamilya ni Mr. Menorca nandun tuwing may hearing kahit pa may banta sa buhay nila samantalang ang mga kliyente ni Atty. Prodigalidad, ni minsan hindi man lamang ginalang ang institusyon ng hustisya sa pamamagitan ng pagpapakita sa hukuman, tapos sasabihin nya na unfair daw sa kliyente nya.
Di bale, ang Panginoong Jesucristo, ang makatarungang Diyos na ang bahala sa mga taong nagbabanal-banalan at sa mga binabayaran nilang mga abogado para pagtakpan ang kanilang ginawang kasalanan at apihin ang mga taong nagsasabi ng katotohanan. Hindi pa rin ako nawawalan ng tiwala sa hustisya dito sa ating bansa, may tiwala pa rin ako sa mga justices na hindi sila magpapadala sa suhol o pananakot ng kampo ni Mr. Manalo. Sana lumabas na ang totoo at tigilan na ang paghaharang sa paglabas ng katotohanan. Kapag nagpatawag pa sila uli ng rally sa DOJ o sa CA o sa EDSA, malamang lalaban na ang mga Pilipino at magraraly na rin laban sa kanila, sobra na kasi sila sa pambu-bully nila, di na tama, kailangan turuan na ng leksyon ang mga taong ito na walang nasa ibabaw ng batas at saka ignorance of the law excuses no one, para manahimik na rin yung mga kapatiran ninyo na kung makapagsalita eh akala mo experto sa batas. Maaaring makakaiba tayo ng aral na pinaniniwalaan pero nasasaklaw pa rin tayo ng batas ng Pilipinas, pwera na lang kung sa palagay nila ay hindi na sila saklaw nito, pwes humiwalay na sila at magtatag ng sarili nilang gobyerno.
Sana Mr. Ebangelista ay itago nyo na lamang po ang aking tunay na pagkatao dahil sa ako po ay kasalukuyan pa ring nagtatrabaho sa Court of Appeals, hindi ko lang talaga makaya na manahimik pa dahil sa masyado na nilang pinaglalaruan ang hustisya. Hindi kaila sa amin na kung nagawa nga nilang ipakidnap at ipakulong ang sarili nilang Ministro, kami pa kaya na mga karaniwang mamamayan lang, alam namin na mraming mga panatikong miyembro na nakahandang pumatay para lang sa puno ninyo, iyan ang kinakatakot namin. salamat sa panahon ninyo.
D***** D********
(sent via email – for security reasons the identity and source is taken out)
============================================================
Dear DD,
Thank you very much for your letter and your insights on the matter. I respect your open-mindedness on the issue. Your concerns and expectations are shared by hundreds if not thousands of people, both INC members and non-inc members alike, all over the world. It is very noticeable that the greater majority of the people who have above-average intelligence tend to be more open-minded, unbiased and critically analytic regarding the issues at hand. I believe that more and more people will be enlightened once the testimony of Ka Lowell is heard and no amount of judicial technicalities can make the truth a lie and a lie appear to be the truth. The ACCRA Lawyers plus the battery of self-serving INC Lawyers can do everything they want, but in the end, THE TRUTH SHALL ALWAYS PREVAIL FOR AS LONG AS THERE ARE PEOPLE LIKE YOU AND ME AND THE REST OF THE THINKING-CLASS, WHO WILL NOT STAND IDLY BY WHILE THE POWERFUL AND CORRUPT OPPRESS THE WEAK AND THE VOICELESS. SOONER OR LATER, THE SILENT MAJORITY WILL BE SILENT NO MORE TOO. Let’s all pray for that God-appointed time when all be ONE AGAINST EVIL.
Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore