Recovered Article Posted: May 16, 2015 and was shutdown by ACTIV July 17, 2015
INFORMATION BLACK OUT: FELLOW MINISTERS, WHAT ARE YOU AFRAID OF…?
Ngayong araw pong ito mga kapatid na nakatanggap ako ng mga tawag, mensahe at email sa mga Ministro, Manggagawa at maging mga nagsisipag-aral sa pagka-Ministro. Tumanggap na sila ng Tagubilin mula sa Sanggunian na pulungin ang lahat ng mga Ministro at Manggagawa at ang ilang mga Tagapangasiwa ay nagsagawa nan g Emergency na Pagpupulong kung saan ay sinagot daw ng mga Tagapangasiwa ang ukol sa isyu ng Blog ni Antonio Ebangelista. Sapagkat iba-iba din ang paraan ng mga Tagapangasiwa ng pagtugon sa mga bilin ng Sanggunian. Yung iba ay di makapaghintay kaya nag-emergency Pulong na. Kami marahil ay sa Lunes pa ipaparating sa Klase namin sa Distrito at ang iba naman ay ipinagapang lang sa mga district staff. Subalit ang ikinagulat ng maraming mga Ministro ay wala nmang mabanggit ang kanilang Tagapangasiwa ukol sa detalye sa blog na sinasabi nilang kasinungalingan lang daw. BASTA daw ito ay PAGLABAN SA PAMAMAHALA at SINOMANG MAGBABASA AT MANINIWALA SA MGA BLOG NA ITO AY LUMALABAN DIN SA PAMAMAHALA. Maging ang mga STAFF ng Distrito ay inutusan na kausapin ang mga Ministro at Manggagawa sa kanilang Distrito, makikipagkwentuhan na para bagang walang alam ukol sa akin at sa mga isinulat ko ukol sa mga katiwalian sa hanay ng Sanggunian, magsasalita pa ang mga DISTRICT STAFF na mga ito na para bagang kampi din sya at naniniwala sa mga ipinahahayag ko para makumbinsi ang isang Ministro at Manggagawa na magsalita na rin at mahuli kung sila ba ay naniniwala sa mga pahayag ko, may ilan nga ay inutusang i-record pa sa ang kanilang mga usapan bilang katunayan na sila ay naniniwala sa mga isinulat ko at gagamitin ito laban sa kanila sapagkat ito daw ay KATUMBAS NG PAGLABAN SA PAMAMAHALA. Kaya ang tagubilin ng mga Tagapangasiwa ay alamin kung sinu-sino sa mga Ministro at Mangagawa ang NAGBABASA NG MGA ISINULAT KO SA BLOG at iulat ito agad sa Pamamahala.
Noong una ko itong mabalitaan ay inisip kong marahil ay “isolated case” lang ito, subalit ng sunod sunod na ang mga nagbabalita sa akin na mga Ministro ay napatunayan kong totoo nga itong bagong hakbang na ginagawa ng Sanggunian.
Ang akin lamang katanungan ay ganito….. ANO PO BA ANG IKINATATAKOT NINYO NA MABASA NG MGA MINISTRO AT MANGGAGAWA ANG MGA BLOGS KO?
Kung mayroon mang higit na maninindigan sa panig ng katotohanan, ito ay ang mga hinubog sa Ministerio at binigyan ng KARAPATAN na mangaral ng dalisay na salita ng Diyos. Binigyan ng KARAPATAN na tumayo sa tribuna upang ihayag ng buong tapang ang KATOTOHANAN at ipagsanggalang ang Iglesia at ang Tagapamahalang Pangkalahatan sa sinomang kumakalaban at lumalapastangan dito. Pagkatapos ngayon ay parang lumalabas na maski ang sarili ninyong mga kawal na mga Ministro at Manggagawa ay hindi ninyo kayang pagtiwalaan na mapagtanto ang katotohanan sa kasinungalingan, na para bagang mga bata na madaling utuin at lokohin? Kung ganyan ninyo tatratuhin ang mga Ministro at Manggagawa, sino pa ang pagtitiwalaan ninyo? Ang mga bulag ninyong tagasunod na mga Tagapangasiwa?
Mula’t mula pa ng ako ay magsimulang magsulat ng mga katiwalian sa Sanggunian, ni minsan ay hindi ako ng salita ng anumang laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan at ako mismo ang unang-unang sumasaway sa sinomang nagpopost sa social media ng anumang impormasyon na nasa uring umaaglahi o lumalaban sa Tagapamahalang Pangkalatahan. Subalit kapag binabanggit ninyo sa mga Ministro, maging sa mga kapatid sa panahon ng Pagsamba ay lagi ninyong sinasabing lumalaban ako at nagsasalita ako ng laban sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Mayroong mga naniniwala sa inyo, subalit ng sila na mismo ang magsimuang magtanong, magsaliksik, magsuri at magbasa ng mga isinulat kong mga pahayag, iisa ang kanilang naging reaksyon, naliwanagan sila at kayo pala ang nagkakalat ng kasinungalingan ukol sa akin dahil sa pagnanais ninyo, dahil sa DESPERADONG pagnanais ninyo na mapagtakpan ang mga katiwaliang isinisiwalat ko. Pinagsikapan kong idaan sa tamang proseso ang pag-uulat sa mga katiwalian, subalit anong nangyari? Hinarang ninyo. Bakit? Kasi patungkol sa inyo ang ulat. Sinubukan ko ipadaan sa iba ang ulat? Anong nangyari, hinarang pa rin ninyo at hindi pinayagang makarating sa kaalaman ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa dahilang alam ninyong mabubunyag ang ginagawa ninyo (SANGGUNIAN) na pagmamalabis sa Kapangyarihan, panggigipit sa mga Kapatid, pagmamalupit at pagkakalat ng maling impormasyon ukol sa pamilya ng Ka Erdy, at ang inyong pakikialam sa mga bagay na walang kinalaman sa Ministeryo gaya ng politika, negosyo, di maipaliwanag na kayamanan, katiwalian at marami pang iba. Masisisi nyo ba ang napakaraming tao kung bakit sa Social Media nila inilabas ang kanilang mga hinaing? Subalit bagamat ang ibang mga kapatid ay naglabas lang ng kanilang mga hinaing o kaya ay galit sa inyo, hindi ako pumayag na ganun din ang aking gagawin dahil sa alam kong lubhang maselan ang mga isyu ng katiwalian kaya tinimbang kong mabuti kung marapat lamang na ito ay ilabas sa Social Media, subalit pagkatapos ng matagal na pagpapanata ay binigyan ako ng Panginoong Diyos ng sapat na tapang at kakayanan upang ilantad ang lahat ng aking nalalaman ukol sa mga nangyayaring katiwalian s aloob ng Iglesia s apangunguna ng mga Ministrong pinagtiwalaan pa naman ng Tagapamahalang Pangkalahatan, walang iba kundi ang mga nasa Sanggunian. Inabuso nila ang kagandahang loob at pagtitiwala sa kanila ng Kapatid na Eduardo V. Manalo. Kaya napakaingat ko kung magsulat, kung humanay ng mga imporamsyong aking ilalahad dahil sa iniingatan ko na maging objective ako sa lahat ng aking isusulat. Hindi ko kailanman pinilit ang sinomang bumabasa nito na maniwala sa akin, hinikayat ko lang ang mga kapatid na sumama sa pagpapanata sa Panginoong Diyos gabigabi ng alas-10 upang dumulog sa Ama na ingatan ang Tagapamahalang Pangkalahatan mula sa lahat ng mga taong tampalasan at nagsasapanganib sa kaniya mula s aloob at labas ng Iglesia, upang idalangin ang Sambahayan ng Ka Erdy na ngayon ay patuloy pa ring ginigipit at pinagmamalupitan ng mga Sanggunian at mga ka-espiritu nila at higit sa lahat ay tulungan ang Iglesia na makalampas sa napakatinding pagsubok ng pananampalataya na pinagdadaanan nito ngayon, upang ihayag na ng Panginoong Diyos ang lahat ng mga taong tamapalasan at ang kanilang mga katiwalian at upang maisagawa ang ganap na paglilinis sa Iglesia at maibalik ito sa dati nitong kalagayan na malinis, walang anumang batik o dungis. At dahil sa taus sa pusong pakikipagkaisa ng mga kapatid sa pagtawag at pananalig sa magagawa ng Panginoong Diyos, naipagtatagumpay ang paghahayag ng katiwalian sa layuning puksain ito at ang mga taong gumagawa nito. At dahil sa ang Panginoong Diyos ang Siyang gumagawa ng paraan para maisakatuparan ang Kaniyang plano para s aKaniyang bayan, kaya hindi ito kayang hadlangan o pagtakpan ng kahit sinoman.
Bakit kaya ganun ang nangyayari sa Sanggunian ngayon at sa mga Tagapangasiwa na napakakasangkapan sa kanila? Talaga sigurong itinutulot na ng Ama na mahulog sila sa mga pagkakamali bilang kahayagan na ang Panginoong Diyos na ang may kalooban na matapos na ang kanilang mga katiwalian sa Iglesia. Bakit? Sapagkat kung maaalala ninyo, mga kasama kong mga Ministro at Manggagawa, nung tayo ay tinuturuan pa sa paaralan ng pagka-Ministro, itinuro sa atin at mayroon talaga tayong mga klase na para lamang sa kasaysayan at doktrina ng iba’t-ibang relihiyon. May mga aklat pa tayo sa world’s great religions at nagsasaliksik pa tayo ukol sa mga doktrina ng iba’t-ibang relihiyon, binabasa pa natin ang kanilang mga babasahin at mga aklat upang malaman natin ang kanilang mga doktrina at alam natin kung papaano natin sila sasagutin s apanahon ng mga debate. Inihanda tayo ng paaralan noon na sumagot sa kahit anumang katanungan at nakahandang ipaglaban sa anumang oras, laban sa kahit sinomang hahamon at magsasalita ng anumang laban sa aral na ating tinanggap. SUBALIT BAKIT NGAYON…. Ni ayaw nilang payagan ang mga Ministro at Manggagawa na magbasa, magsaliksik at magsuri ng mga bagay na nasa social media? Hindi ba’t mas makakabuti nga na lalong magsaliksik ang mga Ministro at Manggagawa upang kahit na biglang may magtanong sa kanila mula sa kanilang mga dinudoktrinahan o sinusubok o kahit sa mga karaniwang kapatid ay biglang may magtanong ng ukol sa mga bagay na ito, anong isasagot ng mga Ministro? “Ah eh pasensya na po ha, kasi wala po akong alam ukol dyan eh.”, “Ah pasensya na po kayo kasi pinagbawalan po kami ng aming Tagapangasiwa at ng Sanggunia ng magbasa ng mga bagay na yan sa Internet kaya hindi kita masasagot”, o kaya “Ah napakahusay ng inyong katanungan na iyan, at napakagandang masagot natin iyan, kaso nga lang ay kulang na tayo sa oras at mayroon pa po akong kasunod na schedule ng doktrina sa ibang dako, pero di bale, sa susunod nating pagkikita sa susunod na buwan, ay tiyak na sasagutin ko ang katanungan mong iyan.” Huwag nyo naman po sanang hayaang magmukhang tanga ang mga Ministro at Manggagawa natin. Kung yung mga doktrina nga ng ibang mga relihiyon ay buong tapang nating binabasa upang maging karagdagang kaalaman sa atin kapag ipinagtatanggol na natin ang Iglesia laban sa mga maling aral, hindi ba mas lalong dapat ninyong hikayatin pa nga ang mga Ministro at Manggagawa na lalong suysuyin ang mg aimpormasyong ito na nasa social media upang sama-sama nating sagutin ang mga batikos at mga kasinungalingan na ikinakalat ng Antonio Ebangelista na yan.
Sa aking mga blog kung saan ay may mga pinagawa din ang Sanggunian na mga blog para sagutin ang mga pahayag ko sa aking blogsite, hindi ko sinasabi sa mga kapatid na huwag po ninyong puntahan yung kabilang site kasi puro po kasinungalingan ang nandun, naninira lang po sila, hindi ko sinasabihan ang mga kapatid, manapa ay sinasabi ko sa kanila na HUWAG NINYO AKONG PANIWALAAN DAHIL LANG SA SINABI KO, KAYO PO MISMO ANG MAGSALIKSIK AT TIMBANGIN NINYO KUNG ALIN ANG TOTOO AT ALIN ANG KASINUNGALINGAN, HANAPIN NINYO ANG KATUNAYAN, TINGNAN NINYO KUNG MAY BATAYAN ANG MGA PAHAYAG, KUNG ITO NGA BA AY TOTOONG NAGAGANAP AT NASASAKSIHAN NG MARAMING TAO, MAGING MATALINO TAYONG LAHAT SA PAGPAPASYA. Subalit bagamat pinagtutulakan ko pa nga ang iba na puntahan din ang ibang mga site na di-umanoy sumasagot daw sa mga sinasabi ko at iniaantad daw angmga kasinungalingang ipinakakalat ko, lahat sila ay bumabalik at nagpapadala ng mesahe sa akin at sinasabing nabasa na daw nila kaso nga lang ay wala sa lohika ang mga sagot, mabababaw ang paliwanag at halatang nagpapalusot lamang. Wala na po akong magagawa kung ganun ang kanilang obserbasyon sa mga bagay na kanilang nababasa sa mga ipinakalat ng Sanggunian para maipagtanggol ang kanilang sarili, basta ang mahalaga ay nagturo tayo sa mga kapatid na maging OBJECTIVE, CRITICAL THINKERS, FAIR, JUST, UNBIASED. Subalit ang pagpapasya ay hindi pwedeng idikta ng sinoman, ang mismong may puso at isip ang siyang magpapasya batay sa mga pinagtimbang-timbang niyang impormasyon upang mapagtanto niya kung alin ang katotohanan. At upang lalo tayong makatiyak na magagabayan tayo sa ating mga pagpapasya, manalangin tayong lagi bago natin basahin ang mga bagay na ito, upang mabantayan natin ang ating puso at isipan, magabayan tayo ng espiritu santo na huwag mahulog sa katitisuran, at sa halip na manghina ang pananampalataya dahil sa mga mabibigat na katotohanang kaniyang matutuklasan ay lalo pa syang tumibay at lumakas at manghawak sa dalisay na salita ng Diyos at manalig ang ang Iglesiang ito ay sa Diyos at AALISIN NG AMA ANG SINOMANG DUMUDUNGIS AT MAYROONG GINAGAWANG KALAPASTANGAN SA KANIYANG IGLESIA. At kapag ito ay ating nagawa, sumampalataya tayo na lahat ng makakaalam ng katotohanan ay lalong manghahawak sa pananampalataya dahil sa sumasampalataya tayo na SA DIYOS TAYO NAGLILINGKOD AT HINDI SA KANINO MANG TAO.
Kaya ang panawagan ko sa Sanggunian at sa mga kinakasangkapan nilang mga Tagapangasiwa: Ipinagbawal na ninyo ang Facebook at Social Networking Sites sa lahat ng mga Ministro, Manggagawa at maging sa aming asawa at mga anak. Bakit? Sapagkat bagama’t totoo na mayroong ilan na maaaring umabuso dito at naging daan upang sila ay maghatid dumapit at makapinsala pa sa kanilang karapatan, subalit ano ang inyong iminungkahi sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan? Sa halip na ang patawan ng parusa ay ang tao na nagkasala, ang pinarusahan ay ang Facebook at Social Networking sites. Hindi man lamang ninyo isinaalang-alang na ito ay isang makabago at kapakipakinabang na teknolohiya, na sa ibang bansa nga ay isa na itong social requirement maging ng mga naga-apply ng trabaho. Sana man lamang ay nagturo na lang muna tayo sa mga Ministro, Manggagawa at Pamilya natin para maging responsible sa paggamit at hindi naman yung magiging parang ignorante na sa mga ganitong bagay. Hindi man lamang ninyo isinaalang-alang na maraming mga asawa at anak ng mga Kamanggagawa natin lalo na sa mga malalayong destino abroad at lalo na sa mga probinsya na ito na lamang ang kanilang paraan para magkaroon ng ganitong makabagong komunikasyon sa kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan, magsilbi man lamang na inspirasyon sa kanila at kaaliwan lalo nga sa mga ang Pamilya ay nasa mga lubhang malalayong dako naka destino. Subalit ngayon ay lalong nagiging malinaw sa mga kasamahan natin sa Ministerio kung bakit talaga ipinagbawal ang Facebook, Twitter, Instagram at ang buong Social Media, dahil sa ayaw nilang maging daan ito sa mabilis na daloy ng impormasyon lalo ngayon na kung saan ay unti-unti na silang nalalantad sa liwanag ng katotohanan. Kung itinuturing ako ng mga taga-Sanggunian at ng kanilang mga bataang Tagapangasiwa na “KAAWAY”, bakit hindi nila sabihan ang lahat ng mga Minsitro at Mangagawa na “Alamin ninyo ang lahat ng maaari ninyong alamin ukol dyan kay Antonio Ebangelista, alamin ninyo kung anong mga kasinungalingan ang kaniyang ikinakalat para ng sa ganun ay kapag mayroong mga kapatid na nalason niya ang isipan at magtatanong sa inyo, alam ninyo kung anong inyong isasagot at kung paano ipagtatanggol ang Iglesia…” sa halip na ang ipagagawa lamang ninyo ay “AH BASTA WAG KAYONG MAGBUBUKAS NG FACEBOOK, HUWAG NINYONG BABASAHIN ANG MGA EMAIL BLAST NYA AT I-DELETE NYO AGAD, AT HUWAG NA HUWAG NINYONG BABASAHIN AT PANINIWALAAN ANG MGA POSTS NYA SA BLOGSITE NYA”. Hindi ba parang may pagka-immature ang ganitong reaksyon?
At ngayon nga ay hindi na lamang hanggang social media ang ipagbabawal sa atin, maging ang buong internet, kasi ipagbabawal na rin ang pagbabasa sa aking mga blog o kung saan mang media lalabas ang aking mga isinulat. Bakit hindi na lamang lalong hikayatin ang mga Minsitro at Manggagawa na gumamit ng internet, magbasa, magsuri, armasan nila ang kanilang sarili ng mga kaalaman ukol sa mga isinulat ko, laliman ang pagsasaliksik upang sa ganun ay maging katuwang ng Sanggunian ang lahat ng mga Minsitro at Manggagawa na labanan ang mga di-umanoy kasinungalingan na ipinakakalat ni Antonio Ebangelista sa internet? Kaya bakit pinagbabawalan pa ngayon ang mga Ministro at Manggagawa na magbasa ng mga isinulat ko? Dahil sa natatakot ang Sanggunian na kapag ito ay binasa at lubusang inunawa, magigising na lang isang araw ang mga nasa Sanggunian na wala na palang naniniwala sa kanila. Sapagkat kapag binasa nila ang mga isinulat ko at mga katibayan na inilabas ko ukol sa mga katiwaliang nagaganap ngayon sa hanay ng Sanggunian ay mapapatunayan lamang nila na puro pala kasinungalingan ang itinanim sa isipan nila para sila ay magalit kay Antonio Ebangelista at upang ituring nilang kasinungalingan at paglaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan ang anumang aking ilalathala sa social media. Iyan ang isang napakalaking bangungot na iniiwasan ng Sanggunian na tuluyang mangyari kaya ganito ang kanilang pagsikil sa lahat ng paraan upang huwag makarating sa kaalaman ng lahat ng mga Ministro at Manggagawa ang mga ukol sa mga katotohanang aking isinisiwalat.
Wala na ba ang dating tapang at bagsik ng mga debatista ng Igesia sa larangan nila Ka Maximo Bularan at mga iba pang bagong tagapagtanggol ng Iglesia? Kung sa mga ibang relihiyon na kumakalaban sa Iglesia ay hindi tayo natakot na tapatan at sagutin ang mga batikos, bakit ngayon na hindi naman kalaban ninyo ang nagsasalita, bagamat itinuturing ninyong kalaban dahil sa naihahayag ang gawang katiwalian ng nasa Sanggunian, bakit ngayon ay tila baga naging duwag na at ang tanging magagawa na lamang ay ipagbawal ang social media at ang pagbabasa ng mga isinulat ko sa blogsite ko? Nakakalungkot lang isipin na ganito na ang nakahahabag na kalagayan ng mga nasa Ministerio ngayon, inaalisan na ng karapatan na magsaliksik, magsuri at magpasya para sa kaniyang sarili batay sa mga kaalamang kaniyang tinitimbang. Subalit nananatili ang katotohanan na walang magagawa ang isang pobreng Ministro o Manggagawa kung ang sumunod sa ipaguutos ng Sanggunian sa takot na siya ay madisiplina o ipatiwalag.
Sa mga nasa Sanggunian, ito lamang po ang aking masasabi sa inyo… Tinawag niyo na akong sinungaling, tinawag nyo na akong walang karapatan, tiwalag at kung anu-ano pang mga kasinungalingan, itinanim ninyo sa isipan ng lahat ng mga Ministro at Manggagawa at ng mga kapatid na AKO ANG KALABAN. AKO ANG MASAMA. AKO ANG LUMALABAN SA TAGPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Sabihin nyo na ang lahat ng gusto ninyong sabihin para siraan ako, SUBALIT huwag naman ninyong gawing tanga at bobo ang mga Minsitro, Manggagawa at ang mga Kapatid sa paraan na hahadlangan ninyo sila o PAGBABAWALAN ninyo silang magsaliksik ukol sa katotohanan. Hindi ba’t iyan ang ipinagsisigawan natin sa mga PAMAMAHAYAG, na hinihikayat natin ang mga kapatid na magsuri, magsaliksik, magtanong, timabangin ang mga kaalamang ibinahagi sa kanila at saka sila MAGPASYA KUNG ALIN NGA BA TALAGA ANG NAKABATAY SA KATOTOHANAN. Subalit ngayon kapag ginawa yan ng sinoman, TIWALAG ANG KATUMBAS AGAD. Kaya nga kapag ang isang kapatid ay nag-LIKE, ipapatawag agad ng Tagapangasiwa, pagagawin ng salaysay at yung iba, at saka ipapatiwalag pa ang iba. ANONG KINAKATAKOT NINYO NA MABASA NG MGA KAPATID SA MGA ISINULAT KO? ANG KATOTOHANAN ANG MAGPAPALAYA SA ATING LAHAT… KAYA HUWAG PO NINYONG IKULONG ANG MGA KAPATID SA INYONG MGA KASINUNGALINGAN AT PAGMAMALABIS SA KAPANGYARIHAN.
At upang mapatunayan ang aking punto, narito ang mga pinagawang blogsite ng Sanggunian para daw ilantad ang mga kasinungalingan ko. At dahil sa walang masyadong pumupunta sa site nila kundi sila sila rin, hayaan ninyo ako na ang humikayat sa mga kapatid na sumusubaybay sa aking blog na dalawin naman ang inyong site para naman mayroon silang ibang mabasa na maaari nilang basahin para makatulong sa kanila sa pagtitimbang at pagpapasya ukol sa katotohanan. Narito po ang ilan:
http://unmaskedantonioebangelista.wordpress.com athttp://theiglesinicristo.blogspot.com at iba pang INC fanpage sa FB, maaari po ninyong puntahan at basahin ang kanilang mga isinulat.
Nabasa ko na po ang laman ng mga isinulat nila at sa sulat pa lang ay kilala ko na kung sino ang sumulat, yung pinakabago nilang ginawang blogsite ay medyo neophyte pa ang sumulat kaya medyo may kababawan pa ang pagsulat nila at hindi de-kahon dahil ang pundasyon ng kanilang argumento ay si Antonio Ebangelista daw ay si Ka Marc o si Ka Angel Manalo, samakatuwid oras na mapatunayan, at totoong madali lang namang patunayan na hindi ang ako ang Ka Marc at Ka Angel, mabubuwag na ang buong pundasyon ng kanilang argumento at ang tanging pinupunterya lang nila ay siraan ang kredibilidad ko para hindi paniwalaan ang sinasabi ko. Ang hindi nila kayang sagutin ay ang katotohanan ng mg akatiwaliang isiniwalat ko at ang mga ebidensyang inihayag ko. Sayang, kasisimula pa lang ng blog nilang iyon ay medyo hindi masyadong napagisipan ang isinulat nila, sana magpaturo sila kay Ka Maximo Bulara kung paano magbitiw ng mga salita na de-kahon at hindi mapapasubalian at lalong hindi magagamit para magmukhang mababaw lang ang kaalaman at kakayahan ng nagsusulat. Sana po sa mga susunod ninyong ilalabas na artikulo sa blog ninyo ay mas napaghandaan na at mas may sustansyang makukuha ang mga magbabasa, kasi yun pong mga Ministro na nagbabalita po sa akin ukol dun ay sila mismo ang nakukunsumi at naiinsulto sa mga nababasa nila, sabi nga ng isang Ministrong nagbalita sa akin, “sana hindi na lang sila naglabas ng sagot nila kung ganun din lang pala ka-babaw ang isasagot nila, pagtatawanan lang tuloy tayo ng ibang tao at lalo lang lumulutang ang mga katotohanan ng sinasabi ninyo sa blogsite nyo. ”
Inuulit ko po, ang mahalaga po ay magkaroon tayo ng kalayaan na magsaliksik at magsuri upang matimbang natin kung alin ang katotohanan at alin ang kasinungalingan, kung sino ang nagsasalita ng buong katapatan at sino ang may buong sikap na itinatago. At sa huli, tayo pa rin, at wala ng iba, ang makapagpapasya kung alin ang katotohanan na ayon sa kalooban ng Panginoong Diyos. Maraming salamat po.
~ Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomorebackup.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore