INC Update 04192015
Latest Update:
1. Nagbanggit na ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sa kanilang pangangasiwa ng handog ng Roseville Chapel (April 18, 2015), ng ukol sa napapabalita sa social media ukol sa corruption sa loob ng Iglesia. (Bukas ko po ilalabas ang naging pahayag ng Ka Eduardo ukol dito)
2. Binago na naman uli ang Leksyon para sa Pagsamba next week para isingit ang ukol sa Pagtitiwalag para lalo itong katakutan ng mga Kapatid. Bukas po ay tatalakayin ko in detail ang ginawa nilang pagbabago sa Leksyon.
3. Naka-RED ALERT po ang Central ngayon lalo na sa mga entrace and exit ng Compound. (Ito po ang dahilan kaya hindi ako nakapag-post kanina ng paalala para sa Panata natin ng 10PM dahil maraming nakamanman kanina)
4. Ang buong Team ng ACTIV (IT GROUP NG INC) na nasa pangangasiwa ng Ministrong si Ka Emer Culala ay nakatalaga na ngayon ang 100% resources sa lahat ng mga “kakailanganin” ng Ka Glicerio B. Santos Jr. At ang pinaka pangunahing directive sa kanila ngayon ay i-monitor ang FB presence ng mga sumusubaybay sa account ng Ka Lottie Hemedez, iulat lahat ng mga kapatid na nagla-like at nagko-comment ng anumang laban sa Sanggunian, at mahigpit na bilin ay tugisin at pigilan sa lahat ng paraan si Antonio Ebangelista upang huwag ng makapaglabas ng anumang laban sa kanila. Uunahin na nila ang ipa-close sa FB ang account na ito.
5. Dumadami na ang mga ipinapadalang mga email sa amin na mga documentary proofs and pictures na ebidensya tungkol sa katiwalian ng Sanggunian at ang mararangyang buhay nila mula sa hindi maipaliwanag na perang ginamit nila upang magkamal ng karangyaan.
Mga kapatid ito na ang sagot ng Panginoong Diyos sa isinasagawang pagpapanata ng lubhang nakararaming mga kapatid na humihiling ng paglilinis sa Iglesia lalo na sa panig ng mga nasa Sanggunian at ang mga tiwaling Ministro na Tagapangasiwa ng mga Distrito. Ito na po ang takdang panahon para magkaisa tayong lahat upang lubos ng maihayag ang mga katotohanan para maibalik ang Iglesia sa kalagayang malinis, walang batik o anumang dungis at karapatdapat sa pagtatamo ng kaligtasan. Patuloy po kayong magsaliksik, magsuri at magpadala ng mga nakukuha ninyong ebidensya, larawan at mga salaysay ng kanilang pagmamalabis at katiwalian upang maihayag ang mga taong tampalasan at gumagawa ng kasamaan.
Sa tulong at awa ng Panginoong Diyos ay magtatagumpay po tayo alang-alang sa kapakanan ng bayan ng Diyos sa mga huling araw.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsubaybay, suporta at pananalangin.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Antonio Ebangelista
blog: incsilentnomorebackup.wordpress.com
email: antonioramirezebangelista@gmail.com
email: incdefenderssilentnomore@gmail.com
They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
Official Website: http://www.incdefenders.org/
Instagram: @antonioebangelista
Twitter: @AEbangelista1
Also visit: https://www.facebook.com/RestoretheChurch
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore