SANGGUNIAN—IPINAUBAYA NA NG DIYOS SA PAGKAKAMALI

Pilit na pinatutunayan ng mga miyembro ng Sanggunian na sila ay may “banal” na karapatan, kapangyarihan, at patnubay na mula sa Diyos. Pilit nilang iniuugnay ang kanilang sarili at ang kanilang mga ginagawa sa Pamamahala ng Iglesia na kapag kinukwestiyon ng sinuman ang anuman nilang ginagawa, ito raw ay nangangahulugang lumalaban ka na sa Pamamahala kaya lumalaban ka na rin sa Diyos. Ito ang dahilan kaya sa tuwing magsasalita si kapatid na Glicerio B. Santos, Jr. upang “sagutin” ang mga ibinabato sa kaniya at sa iba pang miyembro ng Sanggunian na korupsiyon at katiwalaan ay dalawa lang ang lagi niyang sinasabi: Na ang mga tumutuligsa ay lumalaban sa Pamamahala ng Iglesia at wala raw silang ebidensya. Sa totoo lang, sila na mismo ang gumagawa at nagbibigay ng ebidensya sa pamamagitan ng kanilang mga kapalpakan. Narito ang ilan sa mga recent nilang kapalpakan:

MGA KAPALPAKANG NAGAWA NG “MATATALINONG MIYEMBRO NG SANGGUNIAN”:

  1. Pagkuha muna nila ng mga passports ng mga ministro na ito ay maliwanag na paglabag sa batas. Bagama’t alam ito ng buong Iglesia ay kumuha na rin kami ng mga patotoo.
  2. Sapilitang pagkuha sa ilang mga ministro sa harap ng maraming saksi na ang iba ayon sa balita ay nakunan na ng affidavit ng media.
  3. Pag-house arrest (illegal detention at iba pa na napakabibigat na krimen) kay kapatid na Isaias T. Samson, Jr., at pamilya. Bukod sa may mga saksi na ay nakatakas pa sila.
  4. Ang pagkuha kay kapatid na Lowell Menorca, Jr. mula sa Sorsogon upang kasuhan sa “KATABING” bayan ng Dasmariñas, Cavite at doon ikulong.

MGA DAMAGE CONTROL NILA NA LALONG NAGDULOT SA KANILA NG DAMAGE:

  1. Nagpakawala sila ng (Loro-inuulit lang ang naririnig sa mga amo) spokesman sa katauhan ni Edwil Zabala upang magsalita at magpa-interview subalit wala namang naisagot na tama sa mga tanong sa kaniya at nagka-kontra-kontra pa ang kaniyang mga pahayag. Halimbawa: sa isang interview ay sinasabi niyang hindi raw totoo na may 10 ministrong in-abduct pero nang tanungin naman siya ni Karen Davila ay first time niyang narinig kay Karen na may mga dinukot na mga ministro. Halatang-halata na puros paiwas ang sagot sa mga tanong at nininerbiyos pa kaya idinaan na lang sa English ang pagsasalita. Sabi nga ng isang kasamahan niya ay nasanay daw kasi sa teleprompter o sa idiot board. Ang totoo, mahirap talagang magsinungaling kahit pa ang kasinungalingan ay galing sa “ama ng mga sinungaling”. Resulta: lalo silang na-.damaged sa publiko.
  2. Ang patuloy nilang pahayag na wala raw kurapsiyon at katiwaliang nangyayari. Sabi nga “Tell it to the marines.” Resulta: lalo lang nilang inihahayag ang kanilang kasinungalingan sapagkat ang buong Iglesia ay saksi at hirap na hirap dahil sa mga maling pinaggagagawa at ipinatutupad nila.
  3. Sa layunin nilang mapatahimik si kapatid na Isaias Samson, Jr. ay inutusan nila ang isang Col. Pedroso kasama ang ilang mga police na nagpakilala pang mga INC, upang protektahan daw si kapatid na Isaias T. Samson, Jr., sa kaniyang pinagtataguan subalit ang tunay na layunin ay kunin si kapatid na Jun Samson. Resulta: Nalaman ng media na totoong hinahunting nila sina kapatid na Jun Samson at may mga TV footages at ilang larawan pa na kuha ng media.
  4. Pagpa-publish nila ng mukha ni kapatid na Jun Samson sa mga pahayagan (full pages) para ipagbigay-alam daw sa publiko na wala nang kinalaman si kapatid na Jun Samson sa Iglesia. HELLO (WW)! Hindi ba kayo (Sanggunian members) nakikinig sa inyong mga ipinahayag na sa lahat ng mga pagsamba at maging sa Media na tiwalag na si kapatid na Jun Samson at kinasuhan na ninyo siya? Hindi ba’t ang kahulugan nito ay wala na siyang kinalaman sa Iglesia? Mabuti pa ang mga taga-sanlibutan dahil alam nila na kapag itiniwalag ang isang kapatid ay wala na siyang kinalaman sa Iglesia. HELLO (WW) uli no! Mukhang kayo na lang ang hindi nakaaalam at nakauunawa ng inyo mismong pinaggagagawa. Kaya hindi kataka-taka na hindi ninyo nakikita ang inyong sariling mga katiwalian.
  5. Pag-a-announce na ang ilan daw sa mga dinukot na ministro ay gumawa na ng mga salaysay na hindi raw sila dinukot. Kung ito man ay totoo, hindi ba ninyo naisip na itatanong ng tao kung bakit ngayon lang? Nahirapan ba kayo at kinailangan pang pilitin sila para pumirma sa salaysay na inyong ginawa? Bakit hindi ninyo sila maiharap sa Media kasama ang kanilang mga pamilya at pagsalitain upang makita na walang pamimilit at pananakot na ginawa sa kanila?
  6. Dahil sa marami nang nakatitiyak at sinusubaybayan na ng Media ang kaso ni kapatid na Lowell ay bigla na lang iniurong ang kaso laban sa kaniya na kung totoo ay napakabigat sana sapagkat illegal possession of explosive device. Inilabas ni Atty. Allen Blair Boy (abogado ng Central) si kapatid na Lowell pero pinalipas muna nila ang ilang araw bago nila ngayon ini-announced sa NET 25 na siya ay hindi raw dinukot. Muli, Bakit ngayon lang? Bakit hindi nila pahintulutan na mai-live interview ng ibang mga taga-Media si kapatid na Lowell na kasama ang kaniyang mag-ina na kinuha rin nila sa Sorsogon at ang kaniyang ina at kapatid dito sa Central? Resulta: Hangga’t hindi nila ito nagagawa ay lalong magdududa ang tao na may masamang nangyari sa pamilya o itinatago sila at maaaring ang interview kay ka Lowell ay under duress.

Ano masasabi ko sa mga kapalpakan ng Sanggunian? E DI WOW!

Ang tunay na mga ministro ng Diyos ay may patnubay ng Espiritu Santo. Kung sila ay tunay na bahagi ng Pamamahala ay hindi sila ipahihintulot ng Diyos sa mga pagkakamali o patong-patong na kapalpakan. Subalit ang mga gumagawa ng masama ay ipinauubaya na ng Diyos sa madilim napag-iisip upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat upang pagdating ng takdang panahon ay tanggapin nila ang parusa ng Diyos.

-Antonio Ebangelist

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds”

Official Websites: http://www.incdefenders.org/

http://www.iglesianicristosilentnomore.org

Instagram: @antonioebangelista

Twitter: @AEbangelista1

Email:  INCDefendersSilentNoMore@gmail.com

#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders

“Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career.  Skills that make me a nightmare for people like you.  If you tell the truth now, that’ll be the end of it.  I will not look for you, I will not pursue you.  But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE

Similar Posts

29 Comments

  1. The only solution and option will be painful but that’s the only hope we have. That God will SOON replace brother Eduardo Manalo with a new leader. The present leader is a very corrupt and dangerous one, even more worst than Hitler. Hitler actually kills thousands if not millions but he only kills ones physical nature. What worst with EVM is that he kills ones souls, faiths and the most importants things he kills is our right and privileges to remain members of the INC, which is our only wealth and hope to be save come judgement day.

    I pray and ask that the Lord God will place Angel Manalo as the new Executive Minister of the Iglesia ni Cristo. I know and believe it will come SOON.

  2. https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1452635401729558&id=100009493378034#!/joel.sanpedro

    Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, magbasa ka naman ng Biblia (pag may time) at intindihin mo ang iyong binabasa (all the time). Excerpt from Brother Joel V. San Pedro post. Please click the link to read more from him para maliwanagan kayo sa mga pangyayari sa Iglesia ngayon. Ito’y HINDI ISANG BAGONG BAGAY.

    Joel V. San Pedro
    A MOTHER’S CONCERN
    It was about that time that the mother of the Zebedee brothers came with her two sons and knelt before Jesus with a request.
    “What do you want?” Jesus asked.
    She said, “Give your word that these two sons of mine will be awarded the highest places of honor in your kingdom, one at your right hand, one at your left hand.”
    Jesus responded, “You have no idea what you’re asking.” And he said to James and John, “Are you capable of drinking the cup that I’m about to drink?”
    They said, “Sure, why not?”
    Jesus said, “Come to think of it, you are going to drink my cup. But as to awarding places of honor, that’s none of my business. My Father is taking care of that.” (Matthew 20:20-23, The Message)
    THE TRUE BROTHER, SISTER AND MOTHER OF OUR LORD JESUS CHRIST
    Matthew 12:47-50:
    Someone told Jesus, “Your mother and brothers are out here, wanting to speak with you.” Jesus didn’t respond directly, but said, “Who do you think my mother and brothers are?” He then stretched out his hand toward his disciples. “Look closely. These are my mother and brothers. Obedience is thicker than blood. The person who obeys my heavenly Father’s will is my brother and sister and mother.”

  3. Ginoong TIWALAG Antonio Ebanghelista, anong karapatan mong mangaral ngayong nasa labas ka na ng Iglesia? Basahin mo ang post ni kapatid na Jose Ventilacion. Sana matauhan ka at mag isip-isip muna pag may time.

    https://www.facebook.com/#!/profile.php?id=100009493378034&fref=nf&pnref=story

    Ang tingin at pananaw ko sa ilang mga ministro at mga kaanib na tumalikod sa pananampalataya

    Nitong mga nakaraang araw ay nakita natin at narinig ang ilang mga ministro na ginamit ang social media upang bumitiw sa tungkulin bilang ministro. Nabasa din natin ang kanilang mga dahilan kung bakit nila ito ginawa. Gayunpaman, bagama’t ang kanilang mga pangangatuwiran sa pag-urong ay magkakaiba, lahat ng ito ay nauuwi lamang sa iisang konklusyon: hindi sila naniniwala na ang Iglesia Ni Cristo ay sa Diyos at si Kapatid na Felix Y. Manalo ay Sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito. Ang kanilang pagtalikod sa pananampalataya at paglisan o pag-urong sa ministeryo ay nagpapakita ng kanilang mababaw na pagkakilala sa karapatan ng Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia.

    Hindi na tayo nagtataka na sa panahong ito ay may mga ministro gaya ni Louie Cayabyab na ginamit ang tribuna upang ipahayag ang kaniyang pag-urong sa ministeryo. Hindi na ito isang bagong bagay dahil sa noon pa mang una ay ginawa na rin ito nina Teofilo Ora at ng kaniyang mga kasama nang sila ay maghimagsik laban kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Maging sa panahon ng pamamahala ng Kapatid na Eraño G. Manalo ay naghimagsik ang mga katulad nina Lucio Silvestre at Berting Pajanel na nagtatag pa ng kanilang sariling relihiyon.

    Hindi ako magtataka kung ang mga ministrong ito na itiniwalag sa Iglesia ay lilitaw at mangangaral ng ibang iglesia o kaya ay gagamitin ang pangalan ng tunay na Iglesia upang ipahayag ang kanilang mga likong isipan at maling paniniwala. Ang ibang mga natiwalag noon ay umanib sa ibang iglesia gaya nina Raymundo Mansilungan at ang iba na nagdilim ay nangaral pa na ang ating Panginoong JesuCristo ay tunay na Diyos daw. Kung sakaling sa darating na panahon ay muli ninyo silang makakaharap, ang unang bagay na dapat ninyong itanong sa kanila ay ang kanilang karapatan. Ano ang kanilang karapatan o awtoridad sa pangangaral? Saan galing at paano nila tinamo ang karapatang ito sa pangangaral?

    Ang mga tunay na ministro sa Iglesia Ni Cristo ay natamo ang karapatan sa pangangaral mula sa karapatan na ipinagkaloob ng Diyos kay Kapatid na Felix Y. Manalo. Malinaw na pinatutunayan ng mga hula na nakasulat sa Biblia ang kahalalan at karapatan ni Kapatid na Felix Y. Manalo sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang isa sa mga hulang ito ay nakasulat sa Apocalipsis 7:2-3 ukol sa “ibang anghel” at mga kasama niyang “magtatatak” sa mga alipin ng ating Diyos. Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ito ay itinatatak sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo at tinatanggap ito ng pinangaralan kapag sinampalatayanan ang ebanghelyo ayon sa Efeso 1:13.

    Sinasampalatayan natin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ang katuparan ng hinuhulaang “anghel” o “Sugo” na magmumula sa Silangan na magtatatak o mangangaral ng ebanghelyo na kalakip ang Espiritu Santo. Ang karapatang ito na ipinagkaloob ng Diyos sa kaniya ay natamo rin ng mga ministro na sumampalataya sa kaniyang kahalalan at naging kasama niya sa pangangaral ng tunay na ebanghelyo. Kaya, bagama’t maraming mga nangangaral sa panahon natin, ang mga sugo lamang ng Diyos sa pangalan ni Cristo ang siyang mga nagsasalita para sa Diyos at mga nangangasiwa ng pakikipagkasundo ng tao sa Diyos ayon sa 2 Corinto 5:18-20.

    Kaya kung ang mga natiwalag na mga ministro ay lilitaw at magsimulang mangaral, dapat natin silang tanungin: “Mula kanino ninyo tinamo o kinuha ang karapatan sa pangangaral”? Ang mga nangangaral bang ito na wala na sa Iglesia ay may karapatan pang mangaral sa atin? Sa palagay ba ninyo ay may dalang katotohanan ang mga taong sinira ang kanilang pananampalataya gaya nina Himineo at Alejandro na kapuwa ibinigay kay Satanas? May dala ba silang katotohanan na maghahatid sa tao sa kaligtasan?

    Ayon sa Biblia, ang Pamamahala ay inilagay ng Diyos sa Iglesia upang magpahayag ng Kaniyang mga salita (Colosas 1:25). Kung hindi sila nakaugnay sa Pamamahala, papaano sila magiging kaugnay ni Cristo at higit sa lahat ay paano sila magiging kaugnay ng Diyos? Tandaan natin ang ipinahayag ng ating Panginoong JesuCristo: “sinuman na tumatanggap sa sinugo ko ay ako ang tinatanggap, at sinumang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang Ama na nagsugo sa akin” (Juan 13:20 NLT).

    Ang mga hindi tunay na tagapangaral ay may gagawing malaking gampanin: dapat nilang ipakilala ang tao na kinikilala nilang sugo ni Cristo at sa kaniya sila nakaugnay upang maugnay sila kay Cristo at sa Diyos. Subali’t ngayon pa lamang ay hindi na nila magagawa ang napakalaking hamong ito sapagka’t wala nang susunod na gawaing pagliligtas sa gawaing sinimulan ni Kapatid na Felix Y. Manalo dahil ang kasunod nito ay Araw na ng Paghuhukom ayon sa Apocalipsis 14:9-16.

    Kaya kanino tutungo at makikipag-ugnay ang mga tumalikod na ministro gaya nina Louie Cayabyab upang tumanggap ng buhay na walang hanggan? Ang tanong na ito ay nakakatulad ng itinanong ni Apostol Pedro kay Cristo nang siya at ang kaniyang mga kasama ay tinanong “nais ba ninyong magsialis din naman?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Nasa iyo ang mga salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan at kami ay sumasampalataya na ikaw ang Banal ng Diyos” (Juan 6:67-69 NLT).

    Ang paghiwalay sa Iglesia ni Cristo ay katumbas ng paghiwalay kay Cristo sapagka’t si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay iisa (Colosas 1:18; Efeso 2:15). Ang Iglesia ang may kaugnayan kay Cristo ayon sa Efeso 5:30-32 MB. Kung ang isang tao ay wala sa Iglesia, wala siyang kaugnayan kay Cristo sapagka’t ang mga nasa labas ng Iglesia ay walang pag-asa sa kaligtasan at walang Diyos (Efeso 2:11-12 NPV).

    Kaya ang mga taong tumalikod mula sa tunay na Iglesia ay dapat na magsikap na makabalik sa tunay na pananampalataya. Dapat din silang sumampalataya sa Diyos katulad ng ginawa ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Sumampalataya siya sa Diyos sa buong panahon ng kaniyang ministeryo. Hindi siya binayaan ng Diyos na nag-iisa at tayo ang mga buhay na saksi kung paano siya tinulungan ng Diyos. Ang pagtitiwala sa magagawa ng Diyos ang siya ring itinuro sa atin ng Kapatid na Eraño G. Manalo noong siya ay nabubuhay pa at ito rin ang patuloy na itinuturo sa atin ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

    Kaya ang tanong ko sa mga natiwalag na mga ministro at mga kapatid: “Saan manggagaling ang tulong na inaasahan ninyo lalo na ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa? Sino ang magbibigay sa inyo ng buhay na walang hanggan ngayong wala na kayo sa Iglesia”? Dili-dilihin ninyong mabuti ang mga bagay na ito dahil sa nakagawa kayo ng malaking pagkakamali nang lagutin ninyo ang inyong kaugnayan sa pumapatnubay sa inyo at umaakay sa inyo sa kaligtasan na walang iba kundi ang Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia (Colosas 1:25, 28-29).

    Marami na tayong hinarap na mga problema sa nakaraan, hindi lamang mula sa labas kundi maging sa loob ng Iglesia. Naranasan natin ang mga pagsubok at mga pag-uusig. Pinabayaan ba tayo ng Diyos? Hindi ba tinupad ng Diyos ang Kaniyang mga pangako sa Sugo at sa buong Iglesia ayon sa Isaias 41:9-16? Mahina ba ang Diyos na nangako sa atin upang lunasan ang ating mga suliranin? Bakit sa halip na magtiwala sa Diyos ay pinanghawakan ninyo ang inyong pansariling karunungan at mahinang kakayahan upang lunasan ang diumano’y kasalukuyang suliranin ng Iglesia? Bakit hindi ninyo hinintay ang Diyos na kumilos upang lunasan ang suliranin? Mahirap ba para sa Diyos na lunasan ang sinasabi ninyong mga problema at mga panganib? Bakit sa halip na maghintay sa Diyos ay sa inyong mga kamay na mahihina at kakayahang pansarili ninyo nilunasan ang diumano’y mga suliranin ng Iglesia?

    Ang Diyos ang may-ari ng Iglesia at Siya ang nag-aayos nito ayon sa Kaniyang minagaling (1 Corinto 12:18). Inilagay Niya ang Pamamahala sa Iglesia upang tayo ay pangunahan at akayin sa kaligtasan. Dapat sana ay sa Pamamahala ninyo idinulog ang inyong suliranin at hindi sa mga taga labas ng Iglesia na walang karapatan na humatol o magpasiya sa anumang sigalot ng mga magkakapatid sa Iglesia (1 Corinto 6:4-6 MB).

    Sa kasalukuyang nagaganap ngayon, kailan kaya ninyo mararamdaman na ang ipinakikipaglaban ninyo ay mauuwi lang sa walang kabuluhan? Hindi kayo magtatagumpay laban sa Diyos na Siyang naglagay ng Pamamahala sa Iglesia (Colosas 1:25). Lumalabas ngayon na ang kinakalaban ninyo mismo ay ang Diyos kaya tiyak na hindi kayo magtatagumpay.

    Tinatapos ko ang pagpapahayag na ito sa pamamagitan ng paghamon sa inyong lahat na isipin ninyong mabuti ang inyong kasalukuyang kalagayan at magbago kayo ng pag-iisip. Kung pipiliin pa rin ninyong makipaglaban sa Iglesia at sa Pamamahala, ako at ang milyong mga ministro, maytungkulin at mga kaanib sa buong mundo ay tiyak na maninindigan laban sa inyo! Hindi kayo mananaig sa amin dahil kasama namin ang Diyos na Siyang naglagay at naghalal kay Kapatid na EDUARDO V. MANALO bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia.

    Buong-buo ang aming pagtitiwala sa kaniyang kakayahan bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng buong Iglesia dahil sa nakita naming pagtulong at basbas ng Diyos sa kaniyang pamamahala. Buong puso kaming susunod at patuloy na pasasakop sa kaniya dahil sa ito ang utos ng Diyos na nakasulat sa Hebreo 13:17. Kahit anuman ang mangyari sa buhay namin at sa mundo, patuloy kaming makikipagkaisa at hindi kami tatalikod sa pananampalataya dahil ito ang sinumpaan namin sa Diyos nang kami ay hirangin Niya sa loob ng banal na Iglesia at sa ministeryong pinaglagyan Niya sa amin.

    Idinadalangin naming lagi sa Diyos na pagkalooban siya ng ibayong kapangyarihan at natatanging karunungan upang patuloy niyang mapangunahan at maakay kami sa mahirap at mapanganib na paglalakbay upang makarating kami sa piling ng Ama at manirahan sa bayang banal.

  4. Brother,

    While I may agree that there may be corruption in the Council, with all due respect, I don’t think you are able to effectively relate the point and present it in a manner that would convince the brethren.

    “Corruption”, within the layman’s understanding, involves malversation or unauthorized use of funds for the person’s personal benefit. So far, in your articles, the term is being used to refer to acts like the rampant selling of Church properties. By using the term “corruption” to such an act, you lessen the impact of the message you want to put across, because many will perceive the correlation as not “apples to apples”. Your readers may develop an impression that you are trying to drum up baseless accusations. Instead of “corruption”, you may use “mismanagement” as the appropriate term for the unabated selling of prime properties. This will reflect a more truthful and accurate accusation. The selling of a property way below the fair market value may however constitute corruption. Even under government regulations, this will be considered a transaction disadvantageous to the government and may be a ground for the filing of a case.

    I would continue reading your articles and will wait for more convincing proof on acts inimical to the interest of the Church. Just like you, I know youll understand why I prefer to remain anonymous.

    >

  5. Too bad and too sad. No matter what they said nor truful the message is, nothing can change INC members. All had been brain cooked since birth, all had been duped from cult deception. Any organization, society, group or congregation that is run by dictators is not healthy. It’s not okay to be under stuck syndrome but who can blame. Members had been lured that they need to follow whatever the men on top said.
    But who cares about. .isn’t it wonderful to be free from suppression of shrewd leaders..isn’t it great to be out from this cult congregation. .seriously no such thing of freedom can compare from being protestant. .

  6. Ang Dios Ang mas may kapangyarihan humatol kapatid….anoman Ang nalalaman nating Mali o tama alam po ng Ama ,ipagsa Dios na po natin lahat kanya kanya po tayo ng parusa pagdating ng araw ,..

  7. Bakit sinasabini ka angel at ka tenny NA nanganganib ang kanilang buhay?mula kanino?sa mg a kamay ni Eduardo?bakit alam NA alam nil a NA nanganganib any buhay nil a? Dahil BA alam NA alam nila any kalakaran dyan sa loob ng iglesya ni cristo mula pa nun NA page kinalaban mo at tinuligsa kahit kamiyembro nila ay ipaliligpit nila?nagtatanong Lang po

  8. so what are you waiting for Mr. Antonio Ebangelista? leave your church now..obviously, gang ang sinamahan nyo at hindi iglesiang naglilingkod sa Dios ng biblia. hindi pagsubok ng Dios ang nangyaari sa inyo kundi paghahayag..paghahayag na mali talaga ang iglesia ni kristo na tinatag ni Manalo. .isang samahang nanggigipit ng mga tao at pumapatay, samahang ginagamit ang kapangyarihan sa gobyerno para mang-agrabyado ng kapwa..i sincerely pray for your souls, all you members of INC..-just a vigilant digital mom

  9. Hahahhahaha wala na luma na ang inyong mga tugtugin….kaya nga naparusahan ang mali dahil mali di niyo nakikita ang pagkakaisa namin? Kung may nagkakasala man dito sa loob ng INC o gumawa man ng mali at itoy napapatunayan sa iilang kapatid e dapat ang hatol ay expell agad. Pero sa mga akusasyon lang o isang tsismis na wala namang tumitindig sa mga pag aakusa e isang mali po. Ayon po sa census: milyong milyon po ang humanga sa pagkakatindig ng Philippine Arena, kaya sa kabuuhan ng iglesia taas noo nilang ipapakita ang nagawa sa iglesia. Salungat naman sa inyong isipan, sinisiraan ninyo ang proyektong ito. Gumagawa ng mga sari saring paninira, di niyo lang naiisip na ang arena ay nakapagbubunga ng maraming kaluluwa, kahit ang mga koreanong enhinyero ay humahanga at naiisipang makinig sa aral at itoy humantong sa pag-aanib dahil naiintindihan nila. Libong libo po ang naging bunga sa proyektong ito. Naging alkansi ba tayo? Hinding hindi po. Huwag niyong ipilit na may corruption sa INC. Tulong tulong po tayo sa pag uunlad ng INC. Isang pagkakamali na hinahamak natin ang katawan ni Cristo. Kung may nakikita tayong may iisang kapatid na gumagawa ng mali iulat natin at panindigan pero kung ang kanyang pagkakamali ay ilagay natin sa labas ng INC mas lalong malaking mali ang iyong ginawa paano malilinis ang isang kapatid kung ang ginawa ay mas lalong karumaldumal na mali? Kaya nga nga mas lalong lumakas ang iglesia ng itoy sinimulan niyong linait at siraan. Narinig niyo ba ang tanong ni Angel Manalo na nagtataka siya kung bakit nabuo ang Philippine Arena dahil alam niya na bilyon bilyon ang halaga sa pagpapatayo. Ni hindi alam ni Angel na araw araw po pinupuno ng Diyos ang kaban ng Iglesia dahil sa pangangailangan. Ginagawa naman ng Diyos dati noong unang panahon pa. Noong panahon ni Cristo ng nauubos na iyong vino pero linagyan sa Panginoon para maiinom nila. Kaya ang INC ay palaging sinubaybayan ng ating Diyos at Panginoong Jesucristo…. Ito lang ang payo ko sa inyo magbago na po kayo at bumalik kayo sa gobiyerno ng Panginoon…

  10. Sinunangaling talagan ang Sanggunian na yan. Kitang-kita naman mga kapatid ang corruption na ginagawa ng mga taong yan. Hindi sila alagad ng Diyos, sila ay alagad ng demonyo. Ibagsak ang mga taong iyan. Ibalik ang tunay na Iglesia ng Diyos.

  11. whatever happen po kay ka Joven Sepillo? Nagpa-interview at nagpahayag po ang anak niya na safe ang tatay niya then, next day itiniwalag na rin ang buo nilang sambahayan?

  12. sinusundan ko blog na Ito regularly. But of course I want to separate the grain from the chaff. Your blog contains more chaff I notice. I want to read more facts. Not your opinion, not your own analysis. Let me form my own. Am very disappointed. You started with a huge fire. But can’t sustain it. Ningas kugon na ito. Waste of my time reading it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *